Linggo, Agosto 31, 2008

...usapang kadiri...

Babala [R18]: ang mga susunod na bahagi ng sulating ito ay may mga linyang hindi kaaya-aya sa ating isipan at sikmura. Pinapayuhan ang mga tao na may mahinang panimbang na huwag ng ipagpatuloy ang pagbabasa. May mga bahagi ng sulating ito na sadyang binago upang maprotektahan ang kredibilidad ng mga nasangkot at mapa-igting ang sensasyon ng mga pangyayari.


anu nga ba ang kadiri? ang yucky? ang ewwwwww? minsan tintawag din itong disgusting feeling. ang sabi sa nabasa kong online encyclopedia..."disgust is an emotion that is typically associated with things that are perceived as unclean, inedible, or infectious" ... so un english... heavy pare hindi ko gets...ahehehe... kung ganito ang ibig sabihin nung kadiring mga bagay, hindi nmn pla ito ganun kasama...simple lng nmn kc...hindi malinis, hindi nakakain, o di kaya ay nakalalason... actually sa tingin ko ung mga kadiring bagay depende un sa perception ng isang tao... pra lang itong isang balintuna (*paradox in english*) ... un ung mga bagay n alam nating maganda pero pangit pla... halimbawa, may mga taong nahihilig sa panood ng mga "porn"..., sa ibang tao lalo na ung mga nakahiligan ito ay hindi ganun kalaki ang epekto sa knila... pero kung iyo itong ipapakita sa mga taong lumaki sa simbahan tulad ko...malamang na sasabihin nila ay ganito "yuck!...anu ba yan..kadiri..ewwww!"... pero meron din nmn mga taong hindi sanay sa mga ganitong uri ng panoorin pero bukas sa kanilang isipan ang mga dahilan sa likod ng mga ganitong aksyon...


kadiri...oo nga depende tlaga ito sa ating mga panlasa, paningin, pandinig, pang-amoy at pakiramdam... kung kayo ang tatanungin? kadiri ba ung taong kumakain tpos biglang uutot habang kumakain...eh panu kung hindi nya tlaga napigilan...oo nga kadiri pa din un...pero mas kadiri ung taong tumatae sa plato pagkatapos kumain...ewwwwww...

madalas nakakapanood tayo sa television, sa internet nung mga kadiring bagay...ang sabi ntin "yuck!..ewww!"..pero sa kabilang banda, aliw n aliw nmn tayo na tinitignan iyon...masusuka suka na tyo sa kakapanood ng mga taong kumakain ng laman loob ng tao pero inuulit-ulit p din nating panoorin... minsan nga mag-rerent pa tayo ng mga DVDs at CDs pra mapanood ung mga kadiring bagay n ginagawa ng "Jackass"...naalala ko ung malupit n parte nung mga palabas nila... un ung nagluto sila ng omelet..wla nmn masama or kadiri sa omelet...ung paraan lng ng pagluluto ng omelet ang medyo kakaiba...ganito ung ginawa nya...una kinuha nya ung mga rekado pra sa pagluluto..so kumpleto..nandun ung sibuyas, egg, mantika, kamatis, cheese, ham, bell peppers...ayun kinuha nya...tpos ito na ang susunod n eksena...lahat ng mga un ay kinain nya ng hilaw..as in lahat un kinain nya...after a while nung maubos n nya...kinuha nya ang pan and doon nya isinuka ang lahat ng kinain nya (uugggghhh)...ayun ok na...sinimulan n nyang lutuin ung omelet...matapos lutuin kumain n sya ulit...at inaya ung iba p nyang kasamahan...(ewwwww!)

iniisip ko p lng itong..nsusuka n ako...pero ayuz lng...trip ko ito eh...ahehehe..ok cge sunod n kwento...nung nakaraang araw, nagkwentuhan ng mga ka-opisina ko tungkol sa mga kakaibang parusa... mejo kakaiba lang parusa na naisip ko at sigurado ayaw mo ng magkasala.... ganito un.. ang sinumang nagkasala ay papatawan ng parusa..simple lng ang parusa may pagpipilian ka p nga eh..ang unang parusa ay iinom ka ng isang basong sipon at ung pangalawa kakain ka ng isang platitong kulangot...(ugggghhh)...wait mag-CR lng ako saglit.....hindi ko n kaya........................................ uugggghhh, ok game...kung ikaw ang paparusahan anu ang pipiliin mo.... luckily, walng pumili ng khit anung parusa..see d b effective un kung ganun n ung mga parusa...pero kung ako ang tatanungin, mas ok n ung isang basong sipon...at least un...swabe madulas sa lalamunan..ei kung kulangot, baka sumabit p un sa lalamunan at ipainom p ulit sa iyo ang isang basong sipon pra may panulak ka...ahehehe...alam ko mejo nahihirapan ka n upuan mo ngaun..nasusuka k na ba? cge labas na...tpos na itong post n ito...:)

Huwebes, Agosto 28, 2008

...usapang itlog at manok...

..noong nakaraang linggo, nagsimba ako...as usual mag-isa n nmn akong nagsimba...2nd mass na un, pero mejo pupungas-pungas p din ako...mejo antukin tlaga ako nung araw n un...hindi ko masyado naiintindihan yung homily ni Father, hanggang magtanong sya tungkol sa itlog at manok...anu nga ba ang tunay na nauna...wow, Father joke b yan?...ahehehe...pinunto ni Father na manok n tlga ang nauna...with justifications pa un...ang sabi nya...pano mabubuhay ang itlog kung walng mag-lilim d2..so sabi nya, manok tlaga ang nauna...

wow Father, ang galing mo...ahehehe... pero may mga kalokohan pa din akong naiisip tungkol d2...hindi nmn ako kumukontra sa sinabi ni Father pero gusto ko lng bigyan ng buhay ang usapang itlog at manok...at dahil nga hobby ko n din ang pag-iisip ng mga walng kwentang bagay...ayun nag-analisa akong mag-isa...

kung manok ang nauna...bkit c adan ay may itlog (*sensored*)?, pero sabagay meron din nmn syang manok(*sensored ulit*)...ahehehe....so un mejo nakukumbinsi n ako ni Father ah...pero kung manok nmn tlaga ang nauna, panu sya magkakaroon ng itlog kung walng kasama...so tama nga c Father, manok nga ang nauna, pero hindi ito ung manok na naglilimlim sa itlog...kundi isang tandang...noong unang panahon maje mapapansin n mejo bias n ang pagkakilala ng mundo sa mga babae at lalaki...i mean mas pabor ang mga pagkakataon sa lalaki...mapapansin ntin na noong nilikha ang tao, ay inuna nyang nilikha c lalaki (adan)...tpos tska n lng nilkha c babae (eba) at part p sya ni lalaki...so kung ganitong theory ang susundan ntin...posible na ganun din ang nanyari kila tandang at inahin... kung papansinin ntin ang laman ng Bible (*both old and new testament*), konti lng ang focus tungkol sa babae...kung meron man bad image pa, tulad nung babaeng papatayin ng mga tao sa pamamagitan ng pagbato dahil daw ito ay nakikiapid ...well, exempted dun cla Virgin Mary, Elizabeth...basta inde ko na maalala ung iba...tpos sa apostoles ni Jesus...puro lalaki ung pinili nya...wla khit isang babae, bkit kaya?....kung nagsisimbang gabi kayo twing pasko, merong homily or reading dun na binabasa simula sa pangalan ni David hanggang ka Jesus..geneology un ni Jesus...cge check nyo n lng Mt. 1.1-17...karamihan ng mga binanggit dyan ay puro lalaki...kung meron man na babae, konting konti lng talaga, kawawa nmn ang mga babae noon, pero naun mejo hindi na, kc nga nagbabago na ang panhon, mabilis n silang dumami, kawawa nmn tayong mga lalaki, tpos meron pang mga lalaki na pusong babae, kawawa n tlaga tayo mga boys...ahehehe..lumalaki na ang problema ko...nagsimula lng yan sa itlog at manok...

stop muna ako..punta n kmi ng banko, sweldo naun..yahoooo...so kung may nagtanong sa inyo kung ano ang nauna..itlog o manok?...ang isagot mo lng ay TANDANG! magandang umaga...

Miyerkules, Agosto 27, 2008

...peace be w/ you...

tapos na ang ulan..humupa na ang malakas na bagyo...kasabay nun ang paghupa ng inis at asar ko kahapon...ngaun maayos na ulit ang disposisyon ko sa buhay...positive na ulit ang aura ko..na-chambahan mo ako kahapon...ngaun panalo na ako...

ang totoo nyan hindi nmn ako lubusang nainis o naasar kahapon...magaling akong magtago ng emosyon, marunong akong magkontrol..paano?...simple ganito lng yan, isipin nyo ang mga ito...

1. Anyone who got mad first has the right to be mad. So since nauna n nga syang magalit kaso nga hindi ko alm ang dahilan, hayaan n lng ntin sya...meron nmn syang karapatan n i-express ang kanyang emotions. For the mean time, nag-blog n lng ako at nanhimik. Kung mangayri un sa inyo, please do not argue with him/her.

2. No one will get mad or fight with himself alone. So if you never contest or argue or even talk to someone that is mad to you, then sooner he/she will stop talking.Sa madaling sabi, hayaan ntin syang magmukhang tanga...ahehehe...

3. If someone is mad, he/she is considered deaf. Tama d b? so wag natayong kumontra..wla kc syang ibang maririnig kundi ang sarili nya, so guy's don't try to explain or even fight back....

4. An angry person is considered an autistic....ahehehe...so tma lng n hindi tayo magalit din... this is quite biblical because the Lord said when He was crucified, "Father forgive them for they know not what they do". See?? Ang modern term for these kinds of people is autistic...so wag po tayo magagalit pra hindi tau matawag na autustic...buti na nga lng mabait ako khapon kya praning lng ang naging twag ko...:)

..pra ma-enlighten tayo, dapat malaman ntin and realize that the person who make our day bad are jewels, because we need them for us to be mature. If this person still annoys you, then ibig sabihin immature ka p din. Hindi ito aalisin ni God sa ating buhay. It's for you to take away your bad feelings towards them. You'll know that you are mature enough if the time comes that you never felt any anger or annoying feeling to these people. Ito ung panahon kung saan mo matutunan intindihin cla.

5. At ang huli dapat i-motivate mo ang sarili mo...so ito ang magandang quote na pang-motivate: “because of this person, I will grow mature and because of his/her contribution in my life and my maturity, balang-araw kukunin din sya ni Lord...ahahaha..peace..>:)

ito muna sa ngaun..maganda umaga..mag-kape na tayo...

...etong sa'yo...raygun~!...

...naghahanda na akong umuwi ngaun...pero hindi ito nangangahulugan n tapos ko na ang mga trabaho n dapat kong gawin...ang totoo nyan nasira n ang momentum ko... pero ayuz lng bukas n lng ulit...

...simula umaga nasira n sya...kung tatanungin mo ako kung bakit..hindi ko ikwekwento..nakakainis lng...pero ung pagkasira nung umagang iyon, madali nmn syang naayos nung marinig ko ang tinig ng aking Grasya....so un nabuhay aking morale...insipirado n akong muli, natapos ko na ang request ng client... dumating ang ala-una...presto umabot ako sa deadline..hindi kc ako katulad ni pareng Bob Ong na kayang iusog ang deadline...

...natutuwa n ako nung oras n iyon at handa na din akong tapusin ang susunod n trabahong nakatakda...ngunit sa di malamang dahilan umangal ang client, hindi daw ung ang papers n ni-request nyang baguhin..sa madaling sabi, hindi pra sa akin ang task n un...nsayang ang effort ko...anu pa ang silbe ng isang bagay na iyong pinaghirapan pero wla nmn pa lng halaga...at tuluyan n nga n nasira ang momentum ko sa trabaho... hindi ko na magawng tapusin ang huling task n ito... cge natalo ako ngaun ng inis at asar ko... pero cge babawi n lng bukas...ito ang sinisigurado ko...hindi mo ako matatalo...

Martes, Agosto 26, 2008

...praning...

umaga na...mukhang maganda naman ang gising ko, uy may miskols ako, slamat po ng madami sa aking Grasya...sya kc ang bumubuo ng maganda kong umaga...handa na ako sa mga laban na gagawin ko...pero teka, bkit may simira ng magandang umaga...ayokong manira...ayokong magparinig, pero ayaw ko nmn mapraning, nkakahawa un..pero kung gusto mong magwala wag mo na akong idamay d b?.....salamat n lng sa sinosikat band, khit papano kinampihan nila ako...ito ang sabi sa knta nila...

Bakit ka napapraning
Isip mo ay laging gising
Tigilan mo na yan dahil ako’y naaaning
Sa mga kapraningan mong Swaking!

Di bat’ nakakairita
Di bat’ pangit siya na enerhiya
Hindi kita masisi kung ganyan kang talaga
Pero sana huwag mo na kong idamay diba?

Ikaw ang gumagawa ng sarili mong problema
O masyado ka lamang nagpapaapekta
Sa mga bagay bagay na walang ka kwenta kwenta
Lumabas ka nalang at manood ka ng banda

Puso mo’y nangingitim
Utak mo’y kay sarap suyurin
Ang bading, ang dilim
Ng diskarte mo sa isipan mong Praning!

Hindi kita masisi kung ganyan kang talaga
Pero sana huwag mo na kong idamay diba?

Ka-praningan ay natural na dumarating
Lahat naman tayo’y maraming hinaing
Steady ka lang yan ay aalis din
Huwag ka lang papadala sa kapangyarihan ng kapraningan

hayys...tigilan ko muna itong entry n ito..bka anu pa mailagay ko d2....sa tatamaan..sapul...bwahahaha...ikaw n nga un...ayokong humingi ng pasensya kung sakaling tamaan ka, pero magising ka sa katotohanang ikaw ang naging kontrabida sa maganda kong umaga...

...wla lng...

..patapos na ang buong araw na ito...mukhang nagseryoso akong magtrabaho ngaun, hindi nga lng halata...ahahaha..pero nagbibigay na ako ngaun ng konting effort, hindi katulad dati... sna magtuloi tuloi n ito...sna...

..sinumulan kong mag blog ngaun..pero wala akong ma-isip n pwedeng ilagay...kung uspang puso nmn...mamimis ko lng sya lalo...pero sabagay wala nmn pagkakataon sa buhay ko na hindi ko sya na-isip...kung dati-rati ang mga hobbies ko ay magbasketball, magchess, magsolve ng mga wlng kahulugang math problems...ngaun, mejo nag-iba na ang libangan ko...

..ngaun iba...bukod sa pagging libangan ko ang matulog at kumain...naging hobbies ko na din ang pagtunganga at pag-iisip..kung buga gumawa ng "wala"...kung maaalala nyo ito ung nging trabaho ni Ulang dun sa libro ni pareng Bob Ong..."alamat ng gubat" un ung astig na pangalan ng librong iyon...nakaktuwang basahin ung librong iyon, simple, magaan, pero may dating...parang utot lng...madalas pinagtatawanan lng natin pero deadly...ahehehe...

...aba, aba..mejo humahaba na itong blog entry na ito ha...ei hindi ko pa nmn ugali ang magtype...mas feel ko pang isipin ung itatype kaysa magtype mismo...at dahil tintamad na nga ako...bukas naman ulit...magandang gabi...:)

Lunes, Agosto 25, 2008

...back to work...

...pacorni n daw ng pacorni ang mga entries ko d2...well, ayuz lng un...i'm sure meron din part sa buhay nyo na corni kau... more or less mas malalala pa kau sa akin...ahehehe...

...tuesday n ngaun...back to work n ulit...after ng mejo mahabang bakasyon...balik ulit sa pakikipaglaban...so bago magsimula ang umaga, magkape muna tayo..."a cup in hand..."...ahehehe...anu kaya ang meron sa araw na ito?.... ikaw alam mo? ... maaga pa....uy may task na...game ka na ba?...

Linggo, Agosto 24, 2008

...i love this day...

...napaka-espesyal ng araw na ito...bukod sa walang pasok ngayon at dahil nga ngaun ay national heroes day...marami pa kong bagay n naalala na bagay bagay na na-ikakabit ko sa araw na ito....

...aug 25, 2003...ito ang unang araw ko nung pumasok sa ivy bilang writer, na-regular na lng ako after 6 months...ito din ung unang araw ng makita ko ang pinakmamahal kong babae...hindi pa kmi magkakilala nun..pero dang! gusto ko n sya...

...aug 25...hindi ko akalain n espesyal din pla ito sa knya...ito ung araw kung saan ay ibinigay sya ng may Likha sa kanyang mga magulang...ito din kc ung araw ng kanyang kapanganakan...ahehehe...ang hirap maglalim-laliman ng tagalog...cge na nga "birthday" nya itong aug 25... pinagpapasalamt ko din ang araw n ito sa Kanya, dahil sa pagbibigay nya sa mundo ng taong ito, at ngaun nagbibigay kasiyahan at bahagi sa makulit kong mundo...

...sa araw na ito..hiling ko lng pra sa iyo ay magandang kalusugan sa araw-araw at maraming biyaya sa buhay..khit magkalayo tayo ngaun, wag ka pong mag-alala nand2 lng po ako pra sau..hindi mawawala..hindi magbabago...kung paano mo ako iniwan, ganun mo din ako babalikan....mahal, marami din pong salamat walng sawang pagmamahal...salamat...happy birthday and i love u so much...:)

Biyernes, Agosto 22, 2008

...pelikula...

Patnubay ng Magulang Kailangan: Ang susunod na kwento ay ayon sa tunay na pangyayari. Ang mga pangalan ng mga tauhan ay sadyang binago upang makaiwas sa pang-aasar at pangbubuska ng mga kaibigan.
Babala: Bawal tumawid, nakamamatay! (*wla itong koneksyon, basta trip ko lng ilagay*)


“holdap ‘to!!! akin na ang wallet mo…cellphone akin na rin!!!”…”ei manong wala po ako nun, nakuha nyo n nga po lahat eh…o ito iyo n po…” ”akin n din ito!”…”wag po yan manong!!!”

ito ung nangyari ng ihatid nmin c Stacey sa pier…naubos halos lahat ng pera ni kuya Win, kasama pa ang cellphone at relo nya… sa akin nmn halos wala nmn nkuha kc pouch lng nmn at shades ko ang natangay nila…balak nga rin nila kunin ung speaker n binili ni Stacey n gagamitin pra dun sa napanalunan nyang DVD, pero pinilit ko talagang agawin un sa holdaper… hay naku ganun tlaga kc magpapasko n eh… malaki cguro kc ang pangagailangan nila… pero ok lng ung nagyari sabi ni Kuya Win sa amin kc wala nmn daw nasaktan… at syempre nkauwi c Stacey sa knila ng ligtas…

“hay naku nakakapagod tlaga ng wlang ginagawa,sana pasukan n ulit”,sbi ko sa sarili… alam nyo inip n tlaga ako, gusto ko n tlagang pumasok, boring n kc eh… maghapon nakatunganga, tpos walng ibang libangan kundi manood ng mga pelikula at TV shows..nakakabagot tlaga… minsan nga pagkain n lng libangan ko pra mawala lungkot ko eh… pero alam nyo gusto ko n tlaga ang pasukan pra syempre umuwi n din c Stacey… mis n mis ko n tlaga c Stacey… ewan ko b kung bkit…gusto ko lagi syang tinatawagan o tinetxt… gusto ko n syang makita at mayakap… im dying with her sweetest smile….

Oo nga pla ‘no, hindi nyo p pla kilala c Stacey… actually, c Stacey ang pinkamagandang regalo sa buhay ko n binigay ng Diyos sa akin… ang totoo nyan, ang wish ko lng nmn ay bigayan ako ng babaeng mamahalin ko, ayuz n s akin un… pero alam nyo I’m very thankful tlaga kc c Stacey ang pinagkaloob nya sa akin… isang babaeng mahal n mahal ko at mahal n mahal din ako… so dun p lng swerte ko n and Im so glad dahil dun… alam nyo guys, kakaiba din ang love story nmin ni Stacey, isang imposibleng pangyayari but alam nyo ito ang bumago sa malungkot kong mundo…

sa panahon ngaun, malimit n nagkakakilala n ngaun ang mga tao sa pomamagitan ng computer… sa pamamagitan ng tipada sa keyboard, presto! may makikilala ka internet… pero ang mahirap d2 hindi kc cgurado sa uri ng mga tao sa cyberworld n ito… kc madalas n libangan lng ito ng mga tao at bihira ang makatapat ka ng taong seryoso…

tulad ng mga nabangit ko, d2 din kmi nagkakilala ni Stacey, s cyber world… sa e-mail kmi nag-usap at hindi sa chat room… dahil sa cyber world n ito d2 ako nag-desisyon n c Stacey n ang mamahalin ko habangbuhay… nagtataka cguro kayo bkit ganun kabilis ang desisyon ko at panu nangyari un… alm nyo noong una mukhang imposible… pero ganun tlaga soul mate ko nga sya… pero alam nyo guys, kpag nakakakita ako noon ng babaeng maganda tpos feeling ko gusto ko sya, tinatanong ko muna ang sarili ko..hehehe..para bang baliw, kausapin b ang sarili… oo tama, ganun ung ginagawa ko, tinatanong ko sa sarili ko kung mamahalin din kaya ako nito, syempre ang sagot ng sarili ko “oo nmn, bkit hindi”…pero ung isipin n ito ang makakasama mo habangbuhay, hindi ko magawa un… hindi ko kc makita sa mga babae noon kung tatanggapin nila ako bilang ako, ung cla ung mkikita ko pagmulat ng mata ko at ung makasama cla sa aking pagtanda… madalas panandaliang ligaya lng ang naiisip ko…opppssss….oi anu yang iniisip mo..malisyoso!..hehehe… ang ibig kong sabihin ung mabilisang relasyon, ung tipong 2-3 months, break n agad… madalas ganun lng lagi ang tingin ko sa knila kya iniiwasan ko n lng, imbes n manligaw pa…

o balik tayo kay Stacey… c Stacey unang kita ko p lng sa knya iba n ang naramdaman ko, feeling ko nging bahagi n sya ng buhay ko… ung sinasabi nilang past life.. kakaiba kc ung pakiramdam ko sa knya, khit saan mang paraan ko isipin, pakiramdam ko, noon ko p sya minahal… pero ang totoo nyan tlagang pingtagpo kmi ni Stacey kc noon madalas kming magkasabay sa jip pero gustuhin ko man n magpakilala sa knya hindi nmn ganun kalakas ang loob ko… ha? medyo nlilito k b? kc sabi ko sa cyberworld kmi nagkakausap, wag k sabik...o ito na…

so ganito un… dhil nga madalas kming magkatagpo sa di malamang dahilan at ako ay mahiyain sa personal, hindi p din ako nkipagkilala... take note, hindi yata ganun kaliit ang project 8 pra mkita ko agad sya… pero madalas tlga kming magkita… minsan sa jip, sa sakayan, sa stall ng mga damit at ang huli ay sa computer shop kung saan ay sya ung nagbabantay… alam nyo kabado tlaga ako, hindi ko alm kung matutuwa ako or matatakot nung sya ay mkita ko sa computer shop… pero alm nyo b ang nangyari?... sinabi ko din ang gusto kong sabihin… and sabi ko, “ pwede bang mag-internet...”..... hehehe.... kala mo magpapakilala ako ’no?...syempre nmn mahiyain ako sa personal…

“cge d2 k n lng sa 1, tpos n ako eh, tsaka ito lng ung may internet” sbi ni Stacey… so ang ginawa ko, tinapos ko agad ung ini-reresearch ko at nangalikot ng mga previous files sa internet…nang i-search ko ang history ng internet, nkita ko ang e-mail address ni Stacey at palihim kong isinulat yun sa isang papel… hindi nga ako cgurado n knya nga ung email address n nakuha ko eh… pero alm ko nmn n sya p lng ung gumagamit ng computer n un nung araw n un kc maaga pa nun so malamang n kanya un… cmula nun, lgi n kming nag-uusap sa e-mail…ang swerte ko nga n nagkataon n sya ung nagbabantay sa shop eh kc may work c Stacey sa ortigas at dun lng sya nag-boboard nung time n un… alam nyo guys, simula nung magkausap kmi ni Stacey sa email, iba n ung naging pakiramdam ko… lagi n akong excited n pumasok sa opisina, nagbabasakali n makasakay ko ulit sya sa jip... at syempre pagdating sa ofiz, excited akong buksan ung email ko at makausap c Stacey… bumilis ang panahon, hindi nmin nmamalayan n unti-unti n din nhuhulog ang loob nmin sa isa’t isa… alm nyo guys, may favorite conversation ako sa email nmin ni Stacey noon… ganito un, o ayan basahin nyo ung full text nmin…

Stacey,
sa totoo lng... d ko po alam kung bkit lgi kta n-mimiss eh... ewan ko b, kya khit wlang sasabihin mkausap lng po kita hapi na me nun... lam u ba, isa lng ang cgurado ko... i'm falling in love with you...sana saluhin mo 'ko...
'Sandy

tpos guys, ito nmn ung reply n Stacey n labis kong ikinatuwa…

Sandy,
Hi!!!!!!!! Tlga lng ha? hehehhhe…Ganun? D nmn Cgro.E ako nga na mimis din kta eh. Cnanay u kc me na lgi u kausap.. Yan 2loy pg mtgal n d tau ngkausp, nami2s ntin ang each other. Gani2 nlng, pag nahulog u, hold back, take it easy nd tayo ka uli.. Ur not making ingat kc e, kya nhulog ka e, hug nlng ktA pra masya.... Thanks nga pla s wish u pra me ha? Cge, ingat nlng u nd s pg uwi u mya, ok?GOD bless U always...
‘Stacey

hindi ko tlaga inakala n ganito ung reply nya nung sabihin ko n “im in love with you”… kala ko sasaluhin nya ako at sasabihin n nahuhulog din sya sa akin… pero alam nyo b n ung sinabi nya n “Gani2 nlng, pag nahulog u, hold back, take it easy nd tayo ka uli.. Ur not making ingat kc e, kya nhulog ka e, hug nlng ktA pra masya....” ay labis nagpaligaya sa akin… kc nkita ko sa knya n iba nga tlaga sya sa lahat, ung mga inaasahan ko n sagot n maganda ay hindi ko nkita o nrinig sa knya bagkus mas maganda p ung sagot n aking natanggap… kung sasabihin nya n sasaluhin nya ako at sabihin n nhuhulog din sya sa akin, cguro pareho kming mahihirapan kc nga panu mo sasaluhin ung isang taong nahuhulog kung ikaw mismo ay nahuhulog din… bka pareho lng kming mahulog sa pag-ibig n walang patutunguhan…

ung mga sinabi ni Stacey, ay nagpatunay n kaya nya akong tanggapin bilang ako, kya nya akong tanggapin sa kbila ng mga kahinaan kong taglay, at lagi lng syang nariyan sa aking likuran upang suportahan… pinadama sa akin ni Stacey n dapat alam ko ang patutunguhan ng isang relasyon… sa sinabi nya, doon ko n realize n walang saysay ang pagmamahalan kung hindi ito pinag-iingatan… sa totoo lng, mas masarap p sa I LOVE U ung mga sinabi n un ni Stacey, ndama ko din kc ung buong tiwala nya sa akin n ipagkaloob ang tapat nyang pagmamahal…

ang sarap tlaga ung pakiramdam ng may minamahal ka at minamahal k din ‘no?... pero lagi kong hinihiling sa Diyos n c Stacey na ang makasama ko sa pagtanda, maging ina aking magiging anak at makasama magpakailanman...

hay, nku nakaka-inlove tlaga… lalo n kapag na-aalala ko ung story n napanood ko last time… “ano? ikwekwento ko p b?”…. o cge… pero halos pareho lng sa love story nmin ni Stacey to eh kc sa cberspace din nagkakilala… pero syempre iba-iba nmn tayo ng love story eh…kya wag na lng..ahehehe...pero kung tlagang makulit ka at gusto mong mabasa yun, mag search ka n lng sa ibang mga blog ko..may ibang version itong kwentong ito na nkapaloob ung love story na un...

…hay naku! nkakainlove..pero mga dude, ganun tlaga c God…ibibigay nya sau ang taong nararapat sa tamang panahon..basta marunong k lng maghintay… ang totoo nyan mga guys, hanggang ngaun hinhintay ko p din c Stacey… hinhintay ko sya sa kanyang pagbabalik pra sa pag buo nmin ng masayang pamilya… Anu??? naiinis k sa akin?? Bkit?? Ahh, pra akong tanga kc nagkwekwento ako ng happy moments about love tpos un pla hanggang ngaun naghihintay p din ako… bkit gusto nyo b ng happy ending agad?? alam nyo kc ganito un, ang tunay n pagmamahal is hindi natatapos, hindi nagwawakas, ibig sabihin walng ending o katapusan..ito ung pinkamasarap na pakiramdam n madarama mo sa iyong buhay at ang kabiguan din nito ang magdudulot ng pinakamasakit n alaala sa puso mo…

uu nga pla, Pelikula ung title ng kwento ko d b? ehehehe...actually, trip ko lng n ganun ung title...ehehehe... jok lng… bkit nga b pelikula? Ahhh… kc ang buhay ntin parang pelikula, kumpleto rekado nandun ung action, drama, comedy, uy kilig moments meron din…halo halo di b pero nandun ang saya.. yan ang buhay… malungkot, masaya… sa bandang huli awards night na…nyahehehe… ilang taon ko n din itong sinusulat, sinimulan ko ito nung umalis n c Stacey patungo sa ibang bansa upang tuparin ang pangarap nmin..pero hindi ko alm kung kelan ko ito matatapos pero pwede ko n syang tapusin ngaun, pero wag… sayang… ang dami ko pa kwento eh… isa pa wala p c Stacey, gusto ko mabasa nya ito ng buong buo pag balik nya…

anu?? meron ng boyfriend dun c Stacey? pinalitan nya n ako?... mmmhhhh… well, yan ung bagay n totoong masakit, pero buo p din ung tiwala ko sa kanya at isa pa kung mangyari man un (*pero wag naman!*), meron b akong magagawa? wala nmn d b kundi tanggapin lng… wag kang tumawa… alam ko iniisip mo n martir ako or tanga lng…. ang masasabi ko lng, ehh ganun ko sya kamahal eh at c Stacey un, alam ko n mahal nya ako eh... guys, sa maniwala man kayo o hindi, hanggang ngaun damang-dama ko p din ang pagmamahal ni Stacey khit malayo sya s akin… nandun p din ung sweetness n naiwan nung umalis sya d2… alam nyo naiisip ko lng ngaun, na hindi pla sapat ung pag-ibig lng… dapat pla nandun ung tiwala at pag-iingat sa pagmamahal n un… n khit anu pa man ang maghiwalay sa inyo nandun p din ang pag-ibig sa puso…

minsan tinanong ko ang sarili ko.. bkit sinasabi nila n "sa una lng yan, pag mag-asawa n kayo lalabas din ang tunay n kulay nyan...”... anu? familiar kayo sa mga linyang ganyan ’no?..yup tama ka, kc nga ung mga mag-asawa is madalas ibang iba nung sila ay mag BF/GF p lng... nawawala n ung sweetness, ung bigayan, ung mga sweet nothings madalas nothing n lng... ung lampungan este lambingan pla wala n din... ehehehe... hindi p man kami mag-asawa ni Stacey ngaun, pinapangarap ko n sna khit 100 years old n kmi pareho is ganun p din ang pagtitinginan nmin sa isa’t-isa... hayy! sarap mangarap ’no?... sa akin hindi lng basta pangarap yun..pipilitin ko tlaga n mag-stay ung sweetness and love ... im sure ok n ok un kay Stacey...

cge tuloy ntin ang pangangarap... sa mga hindi p natatagpuan c pag-ibig... sumabay k n din sa amin... ui, anu b ung pinaka-crazy n bagay n nagawa mo in the name of love?? wow corni..ugok, pag-ibig yan...and im sure ginawa mo din un… kung sa amin nmn ni Stacey, cguro sasabihin mo baliw n ako..araw-araw ko kc mahal c Stacey eh..as much as possible gusto ko madama nya un... so khit malayo sya, pinapabaon ko sa knya ang puso ko...

itutuloy…(*may karugtong pa ito, kaso hindi ko alm kung kelan ko sya magagawa*)

Martes, Agosto 19, 2008

...isang malaking pagbabago...

...nakabakasyon ako ngaun...pero prang walng bago..hindi ko tlga matakasan ung mga bagay na nakasanayan ko ng gawin...gusto ko tlga ng isang pagbabago...isa pagbabago upang ibalik ang dating ako...

10:00pm na kagabi...mejo maaga ako nahiga kagbi..pikit na ang aking mata pero hindi ang aking ulirat...iniisip ko kung saan na nga ba ang inabot ko simula nung grumadweyt ako...halos limang taon n din un...pero bkit ganun parang walng ibang nangyari...bukod sa pisikal n anyo ng pagbabago, nagkatrabaho, nagka-girlfriend...pra akong huminto..hindi ko alm kung naging kampate lng ako s mga bagay n meron ako naun..hindi ito ang dating ako...kilala ko ang sarili ko nuon na laging naghahabol sa mga bagay n gusto kong gawin..hindi ko lng alam kung dahil iyon sa khirapan n dindanas nmin nuon at dahil nga ngaun meron akong mejo maayos n trabaho ngaun...humihinto n ako...

...inisip ko ang pinkamamahal kong babae, ang girlfriend ko...kamusta n kya sya...nahihiya na tlga ako sa knya..ilang beses n nya akong kinumbinsi na pumunta duon...pra magtrabaho, pra makasama ko sya...pero ang totoo, gusto ko tlga...as in gustong-gusto ko... kaso inde ko din makumbinsi ang sarili ko,wla nmn akong makitang dahilan...dahil ba un sa pride o sa hiya..kung pride lng nmn kya ko iyon kainin pra sa knya..kung hiya nmn, bkit nmn ako mahihiya eh kmi din nmn ang magsasama...o bka nmn takot lng ako..takot sa mga pagbabago...at nasanay na sa bagay n gingawa ko ngaun...ito ang gusto kong baguhin naun..ibalik ang dating ako...ang masipag na ako..ang walng takot na ako...pra sa'yo mahal isang malaking pagbabago...

Linggo, Agosto 17, 2008

...lunes...

hindi ko alam kung anung meron sa araw na ito...pero isa ang sigurado...isa n nmn itong panibagong laban...

life is constant battle for survival... and as we grow older, the rules change on daily basis...our mission is not to escape, but to survive...not to deal with triumph, but to deal with failure...not to run away from fear, but to master it...

it takes courage to keep on fighting...so if you feel like rules has shifted one step higher, deal with it with greater faith and never surrender...

magandang araw...:)

Biyernes, Agosto 15, 2008

...salamat...

....natapos n din ang aking buong linggo ng pakikipaglaban at pagliligtas...ang totoo nyan...ang mga kalaban ko ay ang aking inililigtas...inililigtas pra lumiwanag ang kanilang landas...

...sabado na...araw na ng pahinga...pero hindi ang aking puso...patuloy itong tumitibok pra sa knya...halos limang taon n din kmi mula noong kami ay magkakilala...at lubusan akong nagpapasalamat at pinagkaloob sya sa akin ng Maylikha....

sabi nila..."ang buhay ay prang pagsakay sa jeep...makakapili ka ng lugar na uupuan mo..pero hindi mo mapipili ang taong tatabi sa bakanteng upuan sa tabi mo...ngunit ang pag-ibig, hindi ito tulad ng pamasahe, na kapag nagbayad ka ng buo, ay sinusuklian ka..."

ang totoo nyan, hindi ako naniniwla sa huling part ng message na ito...nagbigay kc ako ng buo...pero sinuklian ako, hindi lng sakto, sobra pa...ibig sabihin may discount student daw eh...ahehehe...

pero ang totoo, nagpapasalamat ako at sa Kanya at sya ang pinagkaloob sa akin...humiling lng ako nuon ng isang simpleng tao n pwede kong mahalin...at ngaun binigyan nya ako ng taong sobrang mahal din ako...kung nuon ay mahal ko n sya...ngaun...sobrang mahal na mahal ko sya...hindi ako gwapo, hindi din ganun katalino, hindi din mayaman...buong pagmamahal at pagkatao ko lng ang pwede kong ibigay sa knya...pero ibang klase kung paano nya ako pahalagahan...salamat sa walng sawang pagmamahal...salamat...

Linggo, Agosto 10, 2008

3:06pm

...3:06pm...yan ang oras sa monitor ng computer ko ng matapos ko ang aking pakikibaka sa isang kalaban na nag-ngangalang Eric Moi... mejo pinahirapan nya akong tapusin ung task n un, pero maaga pa nmn 2:45pm p lng... ang gulo ko, ahahaha (*twang baliw, parang c sisa*).... pero tama maaga pa tlaga, advance lang tlaga ang orasan sa computer ko para mejo ma-pressure naman ako...ang totoo nun hindi ko tlaga alm kung may silbi ang pag-advance ng orasan kc nga alm ko nmn na advance un... sabagay kanya kanyang trip yan, wag ka ng makialam...

uu nga pla, kailangan kong ipakilala sa inyo c Eric Moi...sya pla ang huling nakalaban sa araw na ito ng ating superhero n c Super Gulaman... mejo nahirapan tlga ang ating superhero sa pakikipaglaban..mantakin ba nmn na nuong nakaraan pang biyernes ang pakikidigma at ngaun lang sya ntapos...c eric moi, isang nilalang na mula sa Hong Kong ay may kapangyarihan gawing mahirap ang mga simpleng bagay..meron din syang kakayahan na gawing katotohanan ang isang ilusyon..uyyyy parang saringgan...ahehehe...pero tigilan n ntin ang kwentuhan tungkol kay eric moi...ang mahalaga, nagapi n sya ng ating bida...

3:32 n ngaun...anu? mabagal akong mag-type!...hindi nmn sa ganun, hindi ko lng tlaga ugali ang magtype...napabasa din kc ako ng "Naruto Manga 412"..ayus nmn ang labanan ng 8-tailed jinchiruuki sa grupo nila sasuke pero as usual bitin n nmn...ayan onti pa...matagal ang oras..hinihitay ko lng na dumami ang mailalagay ko d2 pero wla na tlaga akong maiisip....trip trip ko n lng itong blog na ito ngaun...

3:36 na...tigilan ko na muna at dapat i-publish ko na ito..masakit na ang mata ko...kakain muna ako...:)

Trivia: may koneksyon pla ang sakit ng mata sa gutom..^_^

Sabado, Agosto 9, 2008

...limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman...

anu nga ba ang meron sa umaga ni supergulaman?...

"....Linggo na, hinagilap ko ang aking celfon sa ulunan ng aking higaan...5:35am...3 miscalls...umaga na....pinilit imulat ang talukap ng aking mata...biglang bangon...diretso sa CR... inilabas ang tubig na ipon sa magdamag...kumuha ng tubig, naghilamos, nagmumog...kumuha ng toothbrush, nag-sipilyo...makalipas ang limang minuto...ayos na!...

pagkatapos ng limang minuto...handa na ang kape...tama!, instant may kape agad n nakahanda...gcing na ang nanay ko nung mga oras na iyon...alam nya kc na paggcing ko kape agad ang hanap ko...ito n ung nakagawian ko kahit noong nag-aaral pa ako ng kolehiyo... muli habang nagkakape..hinagilap ko ang celfon, nag-miskol sa aking nag-iisang pag-ibig..ung nag-iwan ng 3 miskol...hindi lng isang miskol...dalawa...kindi tatlo...miskol pra sabihin gcing na ako at natanggap ko din ang miskol mo...3 miskol pra sabihing "i love u"...3 miskol pra sabihin "mis na kita"...

pagkatpos ng limang minuto, mainit p din ang kape..mabagal ako magkape...tila isang minuto bawat higop...binaba ko ang celfon...tumungo sa harap ng monitor..isinasak ang plug ng CPU at in-on...hintay ulit ng halos limang minuto, mabagal bumukas ang computer ko...at yun ayuz na...tinignan ang laman ng e-mail, wlang laman kundi mga spam...tinignan ang friendster..wlang bago...binuksan ang www.bulletinwireless.net ... nag-log-in... at nag send ng mensahe sa taong nag-iwan ng 3 miskols...

pagkatapos ng limang minuto...pinatay ko na ang computer ko...naghintay pa ulit ng limang minuto bago maligo..masama daw kc sa kalusugan ang maligo kaagad pagkatpos humarap sa computer..yan ang bilin ng taong nag-iwan ng 3 miskols...pagkatpos ng limang minuto...naligo na ako...ang paliligo ko ay sobra ng limang minuto..matagal...pero natapos din...nagbihis...matagal... naghintay...hinihintay matapos gumayak ang nanay ko at kapatid ko...magsisimba na kc kmi...pagkatpos ng anim na limang minuto, tpos na..handa na kami..diretso sa simbahan...

pagkatpos ng limang minuto, nsa simbahan na kmi...nag-simba..nagdasal...humiling na sna makasama at makita ko na ang taong nag-iwan ng 3 miskols kanina sa aking paggcing...natpos na din ang misa...umuwi...

pagkatpos ng limang minuto pagkagaling sa simbahan...nag-riring ang celfon ko...hindi na ito miskol..tumatwag na ang taong nag-iwang ng 3 miskols..sinagot ko...nakipag-usap.... hindi ito tumagal ng limang minuto pero... grabe ang sarap ng pakiramdam..sobrang mis ko na kc sya...sna nandito n sya...

pagkatpos ng limang minuto...ito ang buhay ko... simple pero masaya..may kulang pero umaasa...bukas, meron n nmn akong limang minuto...limang minuto ng konting pagbabago...bagamat hindi lng limang minuto ang hinihintay ko pra sa kanyang pag-babalik..alam ko na magkakasama din kmi..higit sa limang daang milyong limang minuto..."

Biyernes, Agosto 8, 2008

Ang Unang Paglipad ni Super Gulaman!


mga katatoto ito ang unang araw ng paglipad ng ating makabagong superhero...dandadanan tanan...tenenen...

tama! ito ang unang araw ng pagbuo ng blog ito....ang blog ng ating makabagong superhero...mula sa imahinasyon at karanasan ng may-akda, ang blog na ito ay maglalarawan sa iba pang hilig, kalokohan, pakikibaka sa buhay ng tinaguriang superhero ng masa...---Super Gulaman!

Kasaysayang walang saysay ni Super Gulaman (Imbentong Kwento)
Hindi pa man naipapanganak ang mga superhero sa planetang mundo, may isa ng nilalang na may kakaibang bilis, liksi, tapang at lakas na gumagala sa buong kalawakan.  Kasama ang kanyang mga estudyanteng pulis pangkalawakan na sina Alexis at Annie sa pagsugpo sa mga kasamaan na bumabalot sa sanlibutan, hindi matatawaran ang bangis ni Super Gulaman. Si SuperGulaman ay isang tao na ang galing at kapangyarihan ay hindi nagmula sa planetang mundo.  Dahil sa pagdakip sa kanya noong siya ay musmos pa lamang ng mga nilalang mula sa Planetang Gula, naisalin kay SuperGulaman ang mga kapangyarihan at kakayahan na walang katulad sa buong sanlibutan.  Ang Planetang Gula ay nasa kanang dulong bahagi ng Ariwanas ngunit sa di malamang kadahilanan,  ito ay hindi na matatagpuan sa kalawakan.  Ang mga kwento tungkol sa Planetang Gula ay naging misteryo katulad ng pagsulpot ng makabagong superherong si SuperGulaman.  Katulad ng Justice League, X-men, Marvel at Fantastic Four.. may mga naging katuwang si SuperGulaman sa pagsugpo sa kasamaan na bumabalot sanlibutan maliban sa kanyang mga estudyanteng pulis pangkalawakan.  Kabilang dito si Kapitan Sino (deds na sya), Super Visor (sa callcenter sya ngayon), Super Sapaw (nag totong-its pa), Super Tenkyu (mahilig yan sa regalo), Kapitan Basa (tinuturuang mag-basa si pong pagong), at si Wonder Bra (no comment)...

ito ang tunay na kasaysayan ni Super Gulaman, maniwala ka! (wag magpa-uto kung kani-kanino)   



Kasaysayan ni Super Gulaman (Totoong Kwentong parang Imbento)

...katatapos lang namin sa math subject nun ng aking estudyanteng Filipino-Chinese, at diretso na kmi upang tumungo sa kanyang Filipino subject... pero bago mag-aral kumain muna kmi napakasarap na "halo-halo"...yumyum...damn...sarap talaga!...burp burp...

hindi ko maipaliwanag ang sarap na aking ndama sa pagkain ng masarap na "halo-halong iyon"... at habang kmi ay kumakain, nagulantang na lng ako sa hirit ng aking student...

Teacher, i really like this "Halow-haloww"! (*slang*)..especially, the banana and of course the "gulaman" (* ang bigkas niya sa word na ito ay kapareho kung panu nating bigkasin ang ating mga favorite superheroes na "batman, superman, spiderman")...dun ako namangha na naging superhero na pala si Gulaman...akala ko nun isa lng syang masarap na rekado para sa halo-halo...at dahil nga sa pagkakataong iyon nalikha na ang makabagong superhero na tutulong sa pagpapasaya ng malulungkot nating mundo....

sa blog na ito...samahan nyo ako sa aking makikibaka sa bawat pakakataon..samahan nyo akong tumawa (*tawang baliw), umiyak (*parang si sisa*).. at magtrip (*parang adik*)...bwahahaha!(*twang-dimonyo*)...

N.B.: kung may mga tanong kayo, problema sa pag-ibig, pera, pamilya, request o suhestiyon na gusto ninyong masolusyunan at mapag-usapan, mag-iwan lang kayo ng comment dito...tara! kwento ako, kwento ka... kwentuhan tayo!
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...