Sabado, Enero 31, 2009

..punto ko, punto mo...

...naaalala mo pa ba ang mga kinukwento sa iyo noong bata ka? ang mga kwento nila snowwhite, cinderella, jack and the beanstalk at iba pang mga kwento na naging bahagi ng ating paglaki, lahat ba yun ay naalala nyo? ...anu ba ang ending ng mga kwento nila?.. di ba laging "and they lived happily ever after"...

...ang totoo nyan hindi naman ako salunggat sa paggawa ng mga kwentong ito..., ngunit hindi din nangangahulugan na sang-ayon ako kung paanong ginawa ang mga kwentong ito.. totoong ang mga kwentong pangbata ay siguradong kapupulutan talaga ng aral at nakakatulong ito sa pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang bata sa buhay...

...ang mga kwentong pangbata bagamat nakakatulong ito sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay, hindi naman natin maikakaila na ang buhay ay hindi natatapos sa "and they lived happily ever after"...dumarating talaga ang mga problema...dumadating ang saya...parang gulong ika nga nila..minsan nasa itaas, minsan nasa baba... sa totoong buhay, walang "and they lived happily ever after"...bakit? hindi naman kasi destinasyon ang buhay...isa itong mahabang paglalakbay na hindi basta natatapos..tama! hindi basta natatapos...eh paano kung mamatay ka na? tapos na ang journey? kung nakakapanood ka ng "one piece"...alam mo na hindi ganun kadali mamatay ang isang tao...ang tao daw ay hindi namamatay sa baril, hindi sa saksak ng kutsilyo, hindi sa sakit o di kaya'y sa katandaan...namamatay lamang ito kung hindi na siya maalala at mawawala na siya sa puso ninoman....

...ang sarap mabuhay, masarap ang maglakbay...ang sabi nga ni Kosa "saksihan mo ang Byaheng walang kasing kulay at kasing saya..punu ng kahirapan at kalungkutan... sa huli makikita at mabibilang mo pa rin kung saan ka nagmula at kung ano ang iyung nalampasan at napag-daanan.." ... nakakatuwang isipin na ang halaga ng buhay ay hindi kung saan ang iyong patutunguhan... makikita mo ang halaga nito sa iyong mga pinagdaanan...

sinasabing parte daw ng buhay ng tao ang paggawa ng kabutihan...pero kahabagi din nito ang paggawa ng kasamaan... bahala na daw tayo kung anu ang pipiliin natin....maging masama o dika'y mabuti..eh paano kung wala akong mapili? pwede ba un? ...at dahil nga nangangailangan ito ng isang matinding desiyon...kinausap ko ng matagal ang aking sarili...self-talk, epektib ito, wag lang nyong ipapakita sa iba kung gagawin mo ito...

...at bilang bahagi ng aming usapan, tinanong nya ako ukol sa mga pelikulang pilipino na aksyon na aking napanood...anu ang madalas nyong napapansin? anu ang pagkakapare-pareho?...di ba laging ang bida ay nabubugbog sa umpisa...at pagkatapos nun gaganti sya...tatalunin nya ang mga kontrabida, ang masasama...at ang huli pagkatapos ng bakbakan...dating ang mga pulis...late na naman....kunsabagay ang mga pelikulang pilipino na aksyon ay nakakatulong din sa pagbibigay kasiyahan sa mga manonood...


...pero napakamot lamang ako sa aking ulo dahil ang layo ng usapang ito sa gusto kong tumbukin...ang sabi ko "eh anu ngayon?"...sa mga pelikulang iyong napanood, mapapasin mo na laging kabutihan ang nagwawagi...at anu ang nagyayari sa masasama....pinapatay! ... hindi ako kunsintidor ng masasama at hindi din ako nakikisimpatya sa kanila.... pero sa iyong palagay ba ang apat sa salvage victim na nabalita nitong nakaraang araw, makatarungan ba iyon? masasama sila pero dapat ba silang patayin ng ganun? ...pasagot na sana ako, subalit pinigilan nya ako... "isipin mo itong mabuti" sabi nya... "ang paggawa ng kabutihan ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng hindi masama, at ganun din ang paggawa ng kasamaan dahil hindi din ito nangangahulugan na hindi paggawa ng kabutihan".... inisip ko may punto din pla ang aking sarili... nababalumbunan pa din kasi ang ating utak ng makapal na ulap na konsepto ng "duality".... na kung may masama, dapat may mabuti, kung may puti dapat may itim...pero hindi ganun...kung may masama, meron ding hindi masyado masama, merong masamang mabuti, merong mabuting masama, merong masamang masama... tama din si pareng Bob Ong ng sabihin nya na, "Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko...".......naaalala ko tuloy sa matematika ang tinatawag na "absolute value" na kung saan na kahit anung ilagay natin sa isang numero ay mananatili siyang iyon...halibawa ang absolute value na +1 ay 1 at ang absolute value ng -1 ay 1 din..ibig sabihin ang tao khit maging masama man o mabuti o kahit maging anu pang kulay ng ugali meron ang tao, huwag natin silang husgahan base dito...husgahan natin sila bilang tao...

Miyerkules, Enero 28, 2009

...baliktad ba?...

paunawa: pinapayuhan ang bawat isa na basahin ang susunod na bahagi ng sulating ito simula sa ibaba-pataas...kanan-pakaliwa upang ganap na maintidihan ang nilalaman nito...nawa'y masiyahan po tayo..:)

!pagbabasa sa salamat...

?kaya ka bumili, man ko magawa kung pero... ito ko magagawa kung alam pa ko hindi... konsepto ang baligtad na matematika ng tagalog librong ng gumawa kong pinangarap, matematika ng larangan sa manlilinlang dakilang isang bilang nga ngayon at...

...tanong unang sa papunta tanong huling sa pagsagot ang ko sinisimulan, noon pagsusulit mga sa at... nito bahagi likurang sa kwaderno aking sa magsulat magsimulang na talaga na ko nakaugalian, ako pa kolehiyo nasa noong... bahagi hulihang sa bagay-bagay mga ng pagsisimula ang, man pa noon talaga na ko nakahiligan n'yan totoo ang... kamay kanang ating ng pagbuklat sa para aklat ganung ang tamang-tama akin sa para...bahagi likurang nasa ay aklat ng titulo ang tipong yung... bahagi mga ng posisyon ang baliktad librong ng paggawa ng konsepto ang kundi Pilipino kaugaliang mga sa ukol impormasyon mga konseptong ang hindi ngunit... nito konsepto ng katulad na libro ng gumawa na pinangarap rin na ko matagal, "?Pilipino Mga Ang Libro ng Magbasa Baliktad Bakit" na aklat kanyang ang Ong Bob pareng ni nalilikha man pa hindi...

Miyerkules, Enero 21, 2009

...isang pagbabalik tanaw...

"Kung nababasa mo ito, napakaswerte mo...ibig sabihin hindi ka naghihirap katulad ng mga batang lumaki sa lansangan - SuperGulaman"

...alas-kwatro pa lang ng umaga ngunit tila ba gising na gising na ang aking gunita sa pag-iisip sa mga bagay na aking nakatakdang gawing sa buong mag-hapon...katulad ng nakagawian, laging sinisumulan ang umaga sa usal ng panalangin...panalangin ng pasasalamat para sa mga nakalipas na panahon at mga biyayang ipinagkaloob, at panalangin ng pag-gabay para sa itinakda ng pagkakataon at sa babaeng mamahalin ko sa habang panahon, ang aking Grasya... matapos ang saglit na iyon, konting kape lang, saglit na pagligo at paghahanda, walang almusal... handa na akong pumasok sa opisina...

...hindi ko talaga naging ugali ang kumain pagkagising sa umaga...nagpapalipas talaga ako ng ilang oras bago lagyan ng laman ang tiyan...siguro dahil iyon ang nakasanayan ko... mabuti nga ngayon at kahit papano nakakapag-almusal na ako...hindi katulad noong nasa kolehiyo pa ako...kape lang sa umaga....hamburger at iced tea lang sa tanghalian at wala na... hindi ko talaga lubos maisip kung paano ko(namin) nalampasan ang lubhang kahirapan ng buhay... anim kaming magkakapatid... noong mga panahong iyon, dalawa kami ng ate ko na nasa kolehiyo, tatlo sa high school at isa sa elementarya.... wala naman trabaho ang nanay ko at sya lang kasi ang talagang umaasikaso sa amin...isa lang ang kumakayod sa amin noon...ang tatay ko bilang isang kargador sa palengke... magkano ba ang kinikita ng isang kargador sa palengke upang lakas-loob nyang pag-aralin ang anim na anak ng sabay-sabay... ito ang pagkakataon na gusto kong ipagmalaki sa buong mundo... na kahit magkanda-kuba na siya sa kakatrabaho, pinilit niya na igapang kami para lamang makapagtapos... at sa kanyang pagpapanaw, may kwento akong maibabahagi at maipagmamalaki sa buong mundo at sa magiging anak ko...na ako ay pinagtapos hindi ng mayamang tao kundi ng isang marangal na kargador, isang ama na may paninindigan, pagmamahal at mataas na pangarap para sa kanyang anak....

..."ma! ito po ung bayad ko, pantranco!"...lulan ng jeep, papunta na ako sa opisina...mukhang maaga pa, kung kaya hindi ako sa Tomas Morato baba...susubukan kong maglakad simula pantranco hanggang Tomas Morato, baka sakaling pagpawisan at mabawasan ng bahagya ang timbang...sa aking paglalakad, hindi ko maiwasan na matunghayan ang mga bata na natutulog sa lansangan...naisip ko na maswerte pa din ako at hindi humantong sa ganito ang buhay ko...maswerte ako na kahit singkweta pesos lang ang baon ko noon at beinte-sais pesos na bahagi n'yon ay napupunta lang sa pamasahe...maswerte pa din ako at nakakain ako sa maghapon ng burger at iced tea... maswerte pa din ako at hindi ako namamalimos at nagtratrabaho sa kalye...maswerte pa din ako at may bahay na tagpi-tagpi akong inuuwian noon...maswerte pa din ako at kami ng mga kapatid ko na hindi kami pinabayaan ng aming mga magulang...maswerte pa din ako na sa mga pinagdaan namin nandito pa din kaming buo kasama ang ala-ala ng aking ama...

...masasabing mas maayos na ang buhay namin ngayon kaysa noon... ngunit hindi ko din naman masasabi na yumaman kami...dahil wala naman kaming yaman na maipagmamalaki...kung noon ay pinagtyatyagaan namin ng nanay ko na ipunin ang mga napupulot na tig-bente singko centavos para makabili kami ng tig-pisong kape at 1/4 kilong asukal... ngayon, kahit papano nakakapag-grocery na ang nanay tuwing sweldo...kung noon, ang baon na singkwenta pesos ay pinagkakasya ko sa mag-hapon...ngayon may sarili na akong pera na pambili ng nais ko...kung dati-rati wala akong contact number, ngayon may dalawa akong cellphone at landline pa...kung dati-rati pinagtyatyagaan ko ang mga lumang sapatos na bigay ng pinsan ko...ngayon bumibili na ako ng khit anung gusto ko...kung paanong noon ay mataranta ang nanay sa twing magkakasakit ang isa sa amin dahil wala kaming pangpagamot, ngayon may mga bahagi ng pera na nailaan pra sa medical plans...kung dati-rati na kumakalam ang sikmura dahil sa hindi tamang oras ng pagkain at kawalan nito, ngayon sumasakit pa din dahil sa sobrang kabusugan...kung dati-rati wala akong natatanggap na regalo tuwing pasko..ngayon wala pa din...pero ngayon ako na ang nagreregalo...

masasabi kong mas maayos na ang buhay namin ngayon dahil may laban na kami sa hamon ng buhay...at ito ay ang edukasyon at ang kamulatan sa mundo na biyaya mula sa aking ama...

minsan ang dami nating reklamo sa buhay...hindi tayo makuntento sa bagay na meron tayo...angal tayo ng angal na luma ang cellphone natin, hindi flat-screen ang monitor ng PC, walang laptop, sawa na sa pag-tataxi dahil walng kotse, naiinis dahil nescafe lng ang iniinom at hindi galing starbucks...mabuti nga tayo ay meron...paano ang mga wala? ...mapalad pa din tayo... oo mapalad ka, ikaw, tayo...Kung nababasa mo ito, napakaswerte mo...ibig sabihin hindi ka naghihirap katulad ng mga batang natutulog sa lansangan...

...ngunit, nasaan na ba ako ngayon? mukhang nalalayo na ako sa kahapon...pero nandito pa din ako at nakatayo...handang harapin ang mundo at bawat hamon nito...handang suungin ang susunod na yugto...kasama ng susunod na pagbabago...ang pagbuo ng sariling pamilya kapiling ang Grasya ko...

p.s. ang inyong natunghayang sulatin ay hango sa tunay na buhay ni bhoyet a.k.a. SuperGulaman.

Sabado, Enero 17, 2009

...kalaro..

....matagal na din ang panahon ang nakalipas ng huli kaming maglaro ng chess... simula ng naging busy ako sa aking trabaho, sa pag-update ng mga blogs, sa paglalaro ng online chess...hindi ko na siya naalala na muling makalaro... manaka-naka na kaming nag-uusap...bihira ko na din syang tanungin pra sa aking mga desisyon... at ngayon mukhang kailangan na namin mag-usap at maglaro.... hindi ng chess kundi ng basketball... medyo kailangan ko ng muling magbawas ng timbang sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball...ngunit mahirap humagilap ng taong pwedeng makisabay sa level ko sa paglalaro nito...at tanging siya lng ako naiisip ko na pwedeng makatulong sa akin...

...kahapon bumili na ako ng bola...handa ko na nga siyang yayain kanina... ngunit anung kamalasan, ginagawa ang bakod ng palaruan...umuwi ako ng bahay, bitbit pa din ang bola..sinimulang i-dribble ang bola habang nsa kalasada...aba-aba, inagaw nya...at yun na nga nagsimula na ang kakaibang laro...agawan ng bola..pagalingan sa pagdribble...hanggang pagpawisan at mabawasan ang timbang...

oo nga pala kilala nyo ba sya? sino? ang kalaro ko? ...kung inyong maalala pinakilala ko na sya sa ibang entry ko dito.. kung hindi pa? sige pakibasa : pindot ka dito! :D

Miyerkules, Enero 14, 2009

...seryosong usapan...

"Hala! 19 years old na ako...hindi pa din ako registered voter"...yan ang sabi ng nakababatang kapatid ko nun isang araw... natawa lng ako sa hirit nya...kaya ang sabi ko, "kung ako nga ay beinte-sais anyos na pero hindi pa din rehistrado, wala namang nakukulong kung hindi ka boboto eh"... mamaya-maya lang sumabad na ang ate ko..."diyan ka magaling, reklamo kayo ng reklamo sa gobyerno na palpak ang sistema, ei hindi naman kayo bumoboto!"... pero hindi na ako nakipagtalo nun kahit na ayaw ko talagang bumoto o magparehistro man lang...sa Metropolitan Trial Court kasi nag-tratrabaho ang ate ko...sa madaling sabi, sa gobyerno siya nagtratrabaho kung kaya ganun na lang kung paano nya ipagduldulan sa mukha ko ang "right of suffrage"...

bakit nga ba ayaw kong bumoto o magparehistro man lang?... siguro ayaw ko ng pila...pero kung pila lang ang issue, sanay ako dyan...graduate kaya ako ng PUP (Pila Uli Pila)... simula sa entrance exam, bayaran ng tuituion fee, kuhaan ng class card, processing ng graduation...kilo-kilometro ang haba ng pila dito...hindi ko in-exag ang pagsasabi ng kilo-kilometrong pila..totoo yun khit itanong nyo pa sa mga graduate ng nasabing paaralan...pero bakit nga ba mahaba ang pila sa PUP...simple lang ang dahilan...government school kasi...

kung magpaparehistro ako at hindi boboto, anu nga ba ang mahihinita ko?...baka dayain lang ng mga flying voters ang boto ko na pakana ng mga pulitikerong gahaman sa kapangyarihan... at kung sakali nga na boboto ako, sino ba ang matinong pulitiko? sa kampanya lang naman magagaling ang mga yan..., minsan nga sa kampanya pa lng, sila-sila nga ay nagpapatayan na...pagkatapos nilang manalo ayun tae na tayong lahat...

...nakakalungkot isipin na halos lahat ng sistema sa ating lipunan ay nagiging bahagi na ng pulitika, maduming pulitika... ang simbahan na sinasabing hiwalay sa gobyerno ay nakikialam na din sa sistema gobyerno...dumadami na ang "Padre Damaso" sa bansa...ito yung mga Paring nakikialam sa pagpapalakad ng gobyerno... at kung ang sistema naman ng gobyerno ang titignan, sirang-sira na ito... wala na ang essence ng "check and balance"... sinasabi na ang ating gobyerno ay may 3 division...ang korte suprema (judicial), ang malacañang (executive), at ang legislative na hinahati sa dawalang bahagi...ang congress at senate...tapos meron pa palang epal na office...ang ombudsman...ang mga bahaging ito ay dapat nagbabatayan sa isa't isa kung sakaling may umaabuso sa kapanyarihan...ngunit ano na ng nayayari ngayon? sino-sino nga ba ang tao sa korte suprema, madalas ka-brod yan ng ating pangulo ngayon, at sa legislative sino ang mga tao...halos 90% ng nasa congress tao pa din ng pangulo..isa lang talaga ang kalaban nila, ang senado....... ang ombudsman naman, inde ko alam kung gumagana talaga sila, wala pa din kasi akong nababalitaang naparusahang malalaking pulitiko sa kasong graft and corruption maliban kay dating pangulong Estrada na ngayon ay malaya na.... mukhang pera-pera at kapanyarihan na lang ang labanan ngayon... kawawa ang pangkaraniwang mamayan na tulad ko...tulad natin...

nakakatakot ang kalagayan ng bansa sa ngayon... bukod sa pagtaas ng presyo ng bilihin at patuloy na paghina ng piso...hindi ko din alam kung mag-kakasense pa ang pagpaparehistro ng kapatid ko ngayon, mukhang hindi na matutuloy ang eleksyon dahil sa napipintong Charter Change o Constitutional Assembly na posibleng matuloy...kaunting pakikipagsabwatan lang ng malacañang sa ibang bahagi ng gobyerno, swabe na at magtutuloy-tuloy na ito...kung baga 75% ng kapanyarihan sa bansa ay hawak tlaga ng malacañang at 25% lang nito ang posibleng kumontra, ang senado...ibig sabihin mataas ang probabilidad na ma-extend ang termino ng pangulo at maging kauna-unahang Prime Minister ng bansa..at pagnagkataon, tanggal ang buong senado...dahil mag-iiba na ang sistema...

ayos lang sana kung ang ating kasalukuyang pangulo ang walang itinatagong issue ng pagtataksil sa sambayanang Pilipino...pwede pa sana....ngunit bakit hindi masagot ang issue ng pandaraya noong nakaraang eleksyon? bakit hindi maipaliwanag ang issue ng ZTE? bakit patuloy pa din ang pagtatakip ng ginoong Jokjok Bolate sa issue ng fertilizer scam?... at anu na ang nangyayari sa mga itinalaga nyang ahensya..bakit andaming issue ng suhulan at curruption..simula customs, GSIS, PDEA at ngayun sa DOJ naman... patunay lang yan na may kumukunsinti sa ganitong sistema...at sino nga ba ang may sala?

ang pulitika ay hindi para sa mga taong matatalino at gahaman sa kapangyarihan...para ito sa mga taong may tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa sambayanang nangangailangan...

Lunes, Enero 12, 2009

2009 Frog Princess Special "I Heart this Blog" Award

....akin pong muling pinapasalamat ang nag-iisang prinsesa ng palaka na si Aian pra napakagandang award na ito.... nawa'y matagpuan mo na ang iyong toad prince... :)

...well, at dahil hindi ito pwedeng ipasa sa iba, mainggit na lng keo...ahahaha... juks... pero pero pra sa masugid kong tagasunod..meron ba? at kapwa ko bolero...este blogero pla...twing sabado ng gabi na po ako muling magpopost ng bagong entry...sa kadahilang mejo nag bubusi-busihan ako sa trabaho at mejo nagiging busy din ako sa pag-update ng aking anime blog (narutomaxx), mejo madami din po kasing request ang aking mga viewers... ipagpa-umanhin nyo po ang aking manaka-nakang pagbisita sa inyong mga blogs..hayaan nyong papasyalan ko kayong lahat tuwing sabado...

uu nga pla...paminsan-minsan din mag-popost ako ng bagong entry khit hindi pa sabado kapag hindi gaanong busy ang sistema ng aking utak... Aian salamat muli sa award na ito... :D

Sabado, Enero 10, 2009

...kalma lang boss!...


stressed out ka na ba?... kung estudyante ka man or isang empleyado, malamang nakakaranas ka din minsan ng ganitong mga pagkakataon... pero teka umabot ka na ba sa matinding level... un level na minsan hindi mo na naiintidihan ang iyong sarili at and ibang tao... yung tipong lahat ng lumapit sa iyo ay gusto mong ibalibag paitaas at pasabugan ng nuclear weapon... ahehehe... inaanyayahan ko po kayong lahat na panoorin ang mga sumusunod na video clips... hindi ko alm kung matatawa ako o maawa sa mga taong ito.... pero sana hindi tayo umabot sa ganitong pagkakataon... kalma lang boss, mag-ehersisyo.... ngumiti at hayaang ang problema ang mamroblema sa iyo!











note: ang inyong natunghayaan ay babala para lahat! relax!...

Huwebes, Enero 1, 2009

...first time mo?...

unang araw ng taon ng 2009...mga tsong, happy new year!...parang kailan lang ng magsimulang lumarga ang taong 2008 at ngayon 2009 na pala, hindi pa din ako registered voter...ahahaha... pero bago ang lahat, gusto ko munang abusuhin ang pagkakataon ito na kayong lahat ay batiin ng Happy New Year! unang araw ng taon, isang magandang simula ng pagbabago...unang simula ng mga magagandang pagkakataon...wag nating sayangin, bagkus tayo ay tumindig ng may tatag at sigla para sa hinaharap...

ang bilis talaga ng panahon...eh anu naman kung mabilis ang panahon? kung sabagay bumilis man o bumagal ang panahon..hindi naman natin ito mamamaniobra...hindi natin ito mapapatakbo ng ayon sa ating gusto...pero malaki talaga ang epekto ng mabilis ng takbo ng panahon para sa akin..ewan ko lng sa inyo... minsan kasi nangangahulugan ito takot... oo tama! takot! maraming takot o fear ang meron ang bawat isa sa atin...takot sa pag-iisa, takot sa pagtanda, at takot sa kamatayan...ang lahat ng mga takot na iyan ay madalas dinidulot ng mabilis ng takbo ng panahon... pero madalas hindi natin namamalayan na meron pang isang takot na dulot ng panahon ang palaging namamalagi sa atin pagkatao... ito ang takot ng "first time"... oooppsss... hindi ito yung malisyosong bagay na naiisip mo...pero kung gusto mo iyon isali....ikaw na ang bahala...

ngunit sa seryosong usapan, nakakatakot talaga ang bawat unang pagkakataon o "first time"... naalala mo pa ba noong una kang pumasok sa paaralan...umiiyak ka pa nga noon at ayaw mong magpaiwan sa mommy mo...pero ng malaman mo na madaming kalaro at klasmeyts pla dun, naging kalmado ka na...takot din ang iyong naramdaman noong unang pumasok ka sa kolehiyo... hindi ba kasi, hindi mo alam kung anu na itsura ng mundong iyon..at takot din ang iyong naramdaman ng humarap ka sa interview pra sa iyong trabaho...takot din ang iyong naramdaman ng magsimula ka ng magtrabaho...at kahit ang pagtungo sa lugar na sa unang pagkakataon mo pa lang mapupuntahan...di ba natatakot ka? bakit ka nga ba natatakot? "first time" kasi eh...ang totoo niyan takot din ang aking nadama sa unang taon ng pagpanaw ng aking ama...at bilang panganay na lalaki ako ang magsisilbing padre de familia...nakakatakot pero kinaya... nakakatakot talaga ang first time...

at sa unang yugto ng 2009...first time nating makakaharap ang bawat hamon ng buhay...nakakatakot...pero sigurado ako kakayanin natin itong lahat...

oo nga pala...may mga taong hindi takot sa "first time"...exciting daw kasi ang first time...
ikaw? exciting ba para sa iyo ang first time o natatakot ka?
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Absolute Value Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Avoid Negativity Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless get real gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran Irrationalget isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan math Math is Life mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pi Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural ta tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang Tangent Line tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...