Sabado, Pebrero 28, 2009

...isang pasasalamat...

Una sa lahat..nais kong pong pasalamatan si Dylan ng Bottomless Coffee sa pag-nominate sa akin sa kauna-unahang Damuhan Blog Awards ni Ka Bino...Maraming-maraming salamat po at sa unang linggo ng patimpalak tayo po ay nanalo ng 1st place.... ang mapabilang lamang sa ganoong patimpalak ay isa na pong karangalan...maraming-maraming salamat po sa pagboto at suporta....ang lahat ng mga nasa blogroll ko na bumoto ay akin ding pinasasalamat, hindi ko na po kayo babanggitin dahil baka may makalimutan kasi ako... sa mga hindi bumoto sa akin, maraming maraming salamat din po, ang totoo nyan hangad ko din na lahat ng nominado ay manalo... nais ko din po na pasalamatan ang mga taong bumoto sa akin na wala sa aking blogroll, ang aking loyal crunchyroll group members, salamat ng madami sa inyo...

...sa pagkakataong ito, nais ko ding ipabatid sa inyo na tuluyan na pong magpapaalam ang http://www.supergulaman.blogspot.com/... lilipat na po ako kasama kayo sa aking bagong tahanan... ang http://www.supergulaman.com/... paki-update na lang po ang ating mga blogroll... tama isa na po tayong dot com... malugod ko pong pinasasalamat si Gelene ng HONIE'S CONFESSION sa pagbili nya ng domain na ito para sa akin.. salamat...


maraming salamat sa inyong lahat... ^_^

Huwebes, Pebrero 26, 2009

..lilok: ang pagwawakas...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Disclaimer: Ang susunod na inyong matutunghayan ay base sa kathang isip ng may-akda. Ano mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya.

note: upang ganap na maintindihan ang mga pangyayari, inaanyayahan ang lahat na balikan ang mga nakaraan tagpo sa: "...lilok...", "..lilok: ikalawang yugto...", "lilok: ang pagpapatuloy [1]" at "lilok: ang pagpapatuloy [2]" at "lilok: ang pagpapatuloy [3]".

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
...halos malusaw ako sa tanong niya...ngunit bahagya akong tumango... matagal bago sya muling umimik... matagal... para bang libong oras na ang nakalilipas at nanatili lamang din akong nakayuko..... hindi ko man makita ang kanyang mukha ngunit ramdam ko na nangingilid ang kanyang luha...

"...sorry Lita, sana mapatawad mo ako", mahina nyang sabi...

...at muli, matagal na katahimikan ang naging musika... nakabibingi iyon... nakakabinging katahimikan... hindi ko na halos makayanan ang aking damdamin at isa na namang pagbaha ng mga luha ang nakaantabay sa aking mga mata... ngunit bago pa man ako bumigay, pumasok na din ako ng bahay at inaya ko siya..

"tara kuya, nakahanda na siguro ang pagkain...", mabilis kong aya...
"sige susunod ako mamaya-maya...", sagot nya.

...sa aking isipan naglalaro pa din ang naging reaksyon ni Kuya Lance tungkol sa aking tunay na damdamin...hindi ko alam kung may pagmamahal din siyang nadarama... pero hindi, sobrang mahal niya ang ate Lizeth, at alam ko totoo ang pagmamahal nya sa ate...pero bakit malungkot si Kuya Lance?...dahil ba ito sa kalagayan ng buhay ko ngayon?...o baka may pagmamahal din siya sa akin?... nagtatalo ang damdamin at isipan ko...hindi pwedeng ganito...dapat noon pa man sinupil ko na ang damdaming ito na hindi ko napanindigan noon...

sa hapag-kainan...

"Lita paano nga pala ang Visa ng ate mo?", tanong ni Ate Lizeth

"Masyadong mahigpit sa immigration ngayon, sa kaso niya maaaring mahirapan tayo...", dagdag pa niya...

"ei ate matagal ko ng nailakad ang green card ni ate, kung tutuusin noong nakaraang buwan pa sya pwedeng lumipad pa-amerika kaso hindi ko na siya na-kontak...kugn yung sakit naman niya ang inaalala mo ate, ei hindi naman nakakahawa yun... above poverty line din naman ang income status ko sa America...wala naman na sigurong magiging problema..magpapatulong na lang din ako siguro sa kakilala ko sa immigration kung sakali", tuloy-tuloy kong paliwanag...

"ahh, mabuti naman kung ganon", maikli nyang sagot..

...nanatiling walang imik si kuya ng mga sandaling iyon...at labis akong nag-aalala sa pinapakita niya...pagkatapos kumain, tinulungan ko si Rose sa pagliligpit...nagtungo naman ang mag-asawa sa balkonahe...masinsinan silang nag-usap...para bang may gustong sabihin sila sa akin na hindi kayang sabihin ni Kuya Lance..umiiling kasi ito at malungkot ang mukha...

...makailang saglit pa lumapit sa akin si Ate Lizeth...

"Lita, alam kong mahal mo ang asawa ko, pero natatakot syang saktan ka kung kaya may sikreto syang hindi masabi sa iyo, sikreto na itinago nya sa inyo ng ate mo sa mahabang panahon...pero sana ano man ang marinig mo mula sa kanya mapatawad mo siya...", malungkot na paliwanag ni ate...

..ngunit anu pa man, hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni ate. Lizeth...kung kaya wala akong nagawa, lumapit ako kay kuya Lance...nakatitig siya sa kawalan habang tuloy-tuloy ang agos ng kanyang luha...

"Kuya Lance bakit?...kasalanan ko ito, wala kang dapat ikalungkot....hindi mo kasalanan na mahalin kita...", paos kong sabi sa kanya..

....umaagos na din ang aking luha ng mga sandaling iyon..

"hindi Lita, kasalanan ko ang lahat... plinano ko na mahulog ang loob mo sa akin noon... ako ang nag-iisang anak na lalaki ni Mang Kadyo...ang taong pumatay sa iyong ina, ang taong nagwasak ng kinabukasan ng ate mo...", mautal-utal na sabi ni Kuya Lance...

pinagpatuloy ni kuya Lance ang pagpapaliwanag,

"ako ang sumira sa buhay nyo...nakita ko kung paano patayin ng aking ama ang iyong ina, nakita ko din kung paano halayin ng aking ama si Marie...may mga pagkakataon na pwede ko syang iligtas pero pinigilan ko ang sarili ko....inisip ko na tama lang sa inyo yun, kapalit ng pag-agaw nyo sa aking ama...matinding sakit at gutom ang inabot namin noon, dahilan din iyon upang ikamatay ng bunso kong kapatid...., totoong tinulungan ko kayong tumakas ng patayin ni Marie ang tatay pero at ito ay upang mapaghigantihan ka din...sinira nyo ang aking buong pamilya noon...kaya marapat lang na makapaghiganti ako sa inyong lahat..."

..nagtuloy-tuloy na din ang luha ko, hindi ko magawang maniwala sa sinasabi niya...ngunit nagpatuloy sya sa pagsasalita...

sabi nya, "...itinakda ko na mahulog ang iyong damdamin sa akin, kailangang mawasak ko ang iyong pagkatao, ngunit ng gabing iyon, ang gabi na muntik ko ng masira ang iyong pagkatao... hindi ko na mapanindigan ang paghihiganti ko... hindi na kita magawang saktan.... kung may nangyari sa atin, masisira lang kita... alam mong hindi kita mahal tulad ng pagmamahal ko sa ate Lizeth mo...hindi na yun magbabago... at tanging si Lizeth lamang ang aking mamahalin habangbuhay...pero minahal kita bilang kapatid, bilang bunsong kapatid na noo'y lumisan sa amin... totoong inalok kita ng kasal noon kahit walang pagmamahal ng katulad sa ate Lizeth mo...nagawa ko yun upang maprotektahan ka...natakot ako na dahil sa pangyayaring iyon ay masira na ang kinabukasan mo...alam kong mabigat sa iyo ang mga naririnig mo ngayon pero hindi ko pwedeng dalhin ito habangbuhay...tulad mo Lita gusto ko din na tunay na lumigaya...sana Lita, mapatawad mo ako...sana..."

...yumakap ako sa kanya ng buong higpit habang patuloy ang pagbaha ng luha mula sa aking mata...ngunit hindi ko dama ang galit sa kabila ng paggiging anak nya ni Mang Kadyo....hindi ko dama ang galit sa kabila ng pagpapabaya nya kay ate Marie...hindi ko dama ang galit sa kabila ng masama nyang balak sa akin...noon pa man pinatawad ko na sya...pero siguro nga kailangan ko na din na pakawalan ang pagkakulong nya sa puso ko....kailangan ko ng tanggapin na si ate Lizeth ang may-ari ng mundo nya...kailangan...

"Kuya Lance, pinatawad na kita... at alam kahit kailan hinding-hindi ko magagawang magalit sa iyo....", bulong ko sa kanya...

...sumilip na din si ate Lizeth sa eksena...malungkot din ang mukha...yumakap din sya sa aming dalawa...

...makalipas ang limang buwan, hindi pa din bumubuti ang kalagayan ng ate... umalis na din sila Kuya Lance at Ate Marie sa bahay, kailangan na daw nilang umuwi dahil sa makalawa na rin ang pagbalik nila sa London... si Rose naman ay bumalik na sa dorm upang ipagpatuloy ang pag-aaral...

....mula sa ospital...umuwi akong nag-iisa sa bahay...ngunit wala na ang malungkot na mukha... nakangiti na ako... handa ko nang iwan ang problema kasama ang pagmamahal ko kay kuya Lance na lumilok sa aking pagkatao... dumiretso ako sa kwarto.. kipit sa aking puso ang masasayang alaala ng kahapon...mga alaala ng pagmamahal at pagkalinga ni Kuya Lance...hawak ang isang botelya ng panlinis ng alahas...nilagok ko iyon...humiga ng payapa sa kama at pinikit ang mga mata...sa wakas lalaya na ako sa paglalaro ng tadhana... magpapaalam sa mundong naging kabahagi at limilok ng aking pagkatao... salamat sa mga alaala Kuya Lance...salamat...

~wakas~

~~~~~~~~~~~********~~~~~~~~~~~~

Pasasalamat:
at tuluyan na pong magsasara ang tabing ng lilok...nawa'y nabahaginan ko kayo ng aral ng mundo... maaaring may mga sensitibong bagay akong ibinahagi sa kwentong ito, ngunit ninais ko din na hindi itago sa inyo ang katotohanan ng buhay.... hindi maiiwasan dumarating ang problema, may lungkot, pagkabigo... ngunit kailanman hindi mawawala ang pagmamahal at pag-ibig sa ating buhay at puso...tatak ito sa ating pagkatao at lililok sa bawat yugto na ating madaraanan...

sa mga nagnanais na habaan ko pa ang kwento, bawi na lang po tayo sa susunod...sa mga nakibahagi sa aking kwento...maraming-maraming salamat po...sa mga nandiri, nagulat, tinayuan (ng balahibo), kinabahan, na-inlove, natuwa, kinilig, binangungot sa mga eksena, at nainis sa ending ng kwento.... maraming salamat po...sa gusto pang makibahagi sa mga susunod kong kwento...muli maraming-maraming salamat po...

Martes, Pebrero 24, 2009

...lilok: ang pagpapatuloy [3]...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Warning: May mga eksenang lubhang hindi kaaya-aya, hinhiling na ihanda po ang inyong mga puso at ang isang basong tubig sa inyong tabi.

Paunawa [R18]: Ang susunod na bahagi ay ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa buhay ni Marie at Lita. Ang akdang ito, ang
lilok: ang pagpapatuloy [2]", ang "lilok: ang pagpapatuloy [1]", ang "...lilok..." at ang "..lilok: ikalawang yugto..." ay pawang mga kathang isip lamang ng may-akda. Anu mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroong ilang bahagi sa akdang ito na lubhang maselan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan.

note: upang ganap na maintindihan ang mga pangyayari, inaanyayahan ang lahat na balikan ang mga nakaraan tagpo sa: "...lilok...", "..lilok: ikalawang yugto...", "lilok: ang pagpapatuloy [1]" at "lilok: ang pagpapatuloy [2]".
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

...isang malungkot na mukha ang tumambad sa akin sa pintuan... ngunit hindi iyon ang mukha ni ate Marie...

"Rose?, ikaw ba yan?"...

...biglang yumakap sa akin si Rose at impit na umiyak...

"ate, wala na ang kuya Ron...", aniya..

...si Rose ang nag-iisang kapatid ni Ron, ang kinakasama ni Ate Marie...

"Nasaan na siya?...nasaan na din si Ate Marie?"...sunod-sunod kong tanong...

...pumasok kami sa loob ng bahay at doon nag-usap...pinaliwanag niya na katatapos lang ng libing ni kuya Ron...at si ate Marie naman ay halos isang linggo na din daw sa Ospital...

"Paano namatay si Kuya Ron, anong nangyari?...", tanong ko ulit kay Rose...
"nagpakamatay si Kuya..."...humihikbing sagot ni Rose...

...hindi ko na sya tinanong sa iba pang detalye dahil alam kong masakit sa kalooban iyon...

"saang ospital dinala si ate?", tanong ko ulit sa kanya
"ate nasa national center of mental health si ate Marie..."

...nagulat ako sa tinugon ni Rose...naitanong ko na lang sa aking sarili, "paanong nabaliw ang ate ko?...paano?"... hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ng sabihin niya iyon at ayaw kong maniwala... ngunit nag-aalala man, tinungo ko pa din ang ospital...

sa psychiatric ward...
kitang-kita ko kung paanong magwala ang Ate at pigilin siya ng mga doktor at nurse...hindi na siya katulad ng dati na masayahin sa kabila ng dusa at paghihirap na kanyang pinagdaan...bakas sa kanyang buong katawan ang mga pasa at mga pilat na hindi ko alam kung saan nagmula... hindi na kami pinatuloy ng Head physician na lumapit at makita ni Ate..nagkasya na lang kami na tignan siya mula sa bintanang salamin ng kanyang kwarto...may iniabot na video tapes ang doktor na iyon sa akin...ibinigay daw sa kanila iyon ng mga pulis...nakuha daw nila yun noong araw na magpakamatay ang kuya Ron sa tabi ni ate marie...ibinalik iyon sa kanila dahil maaring makatulong ito sa pagpapagaling ng ate...sinabi sa akin ng doktor na lubhang maselan ang naging kalagayan ng ate kung kaya matatagal pa na manumbalik ito sa normal... hawak ang video tapes, muli akong nagtanong..

"Dok, ano po ang laman nito?..."

sinabi niya na ang video tape na iyon ang magsasabi ng tunay na nangyari at kalagayan ni Ate Marie... ito din daw ang magpapaliwanag kung paano namatay ang kinaksama nya, si kuya Ron...pinalabas muna namin ng saglit si Rose upang mapanood ang sensitibong bagay na iyon...

...sa unang eksena pa lang...napaluha ako sa aking nakita...isa iyong sex video nila Kuya Ron...kasabay ng pagtatalik na iyon...doon ko din nakita kung paano nila hithitin ang drogang pinapagulong mula sa palara...kitang-kita ko din kung paano hatawin ng sinturon ni Kuya Ron si Ate Marie...at sa pagitan ng bawat palo, hinihiwa niya din ng patalim ang balat ng ate, ...tinitusok ng thumb tacks ang likod ni ate Marie, at kung anu-anong bagay ang pinapasak sa kanyang pagkababae...mistula silang mga wala sa katinuan sa tagpong iyon...napapangiwi si ate marie sa bawat latay ng bakal ng sinturon...ngunit parang hindi iyon sa sakit...pinapalakasan pa nga niya iyon kay kuya Ron...maraming sumisirit na dugo...tila halimaw na sinisipsip nila iyon...ang bawat latay ng sinturong iyon ay para bagang isang nakakapanabik na sandali... may pagkakataon din sa video na nagpapalit sila posisyon...si ate ang humahataw ng sinturon kasabay ang paghiwa ng patalim sa iba't ibang parte ng katawan ni Kuya Ron..., para silang asong ulol na nababaliw sa ligaya... nandoon din ang pagpaso ng ningas ng sigarilyo sa dibdib ni ate...napapaluha siya sa sakit...ngunit makailang saglit lang tumatawa ito ng ubod ng sarap na mistulang langit ang kaligayahang nadarama...kakaibang pagpapaligaya ang aking natunghayan, hindi makasunod ang damdamin at utak ko sa namamasdan...mahaba ang oras na kanilang iginugol sa kanilang kaligayahan, ... napahagulgol na ako sa kanilang ginagawa...hindi din ako makapaniwala... hindi ko na alam kung kakayanin ko pa... at sa huling eksena ng videong iyon...kitang-kita ko kung paano putulin ni kuya Ron ang mga daliri ng kanyang paa gamit ang isang sundang...natutuwa syang minasdan ang dugong simisirit... hindi pa siya nakuntento...ginamit niyang muli ang sundang at pinutol nya ang kanyang pagkalalaki....halos napasigaw siya sa sakit...ngunit ang halakhak niya'y abot hanggang langit...itinarak niya ang sundang sa sariling lalamunan...walang ng tinig akong naulinigan...maya-maya lang, nakahandusay na sya at wala ng buhay... nasa tabi pa din nya ang ate ng sandaling iyon...hinihimod ang dugong kumakalat sa sahig... ang ate, hindi umiiyak...nagsasalita na ng mga bagay na tanging sya lamang ang nakakalaam...

...huminto na ang video, ngunit patuloy pa din ang luha ko....halos hindi ko na makayanan ang katotohanang iyon..."bakit sila nagkaganoon?", natanong ko sa aking sarili...pinaliwanag ng doktor na si ate ay biktima ng "sadomasochism"..., tama pareho ng sadista at masokista ang ate at si Kuya Ron...bibihira lamang ang mga kasong iyon sa buong mundo...dagdag pa doon ang pagiging durugista nila na lubhang nagpapalala ng kalagayan ng ate...depression, traumatic experience ang maari daw naging sanhi niyon...

...umuwi kami ni Rose dala ang mabigat na pasanin ng puso...hindi ko alam ang gagawin ko...hindi katulad noon na sa tuwing may problema ako, nandyan si Kuya Lance na handang maging sandalan ko...litong-lito na ako ng mga sandaling iyon, parang gusto ko ng lumipad pabalik ng Amerika at kalimutan ang araw ng pagbalik ko sa Pilipinas...pero paano ang ate Marie...hindi ko siya pwedeng pabayaan..hindi pwede...

...malayo pa kami ngunit tanaw ko na ang mga taong naghihintay sa tapat ng bahay... si Kuya Lance at Ate Lizeth...kasama din ang kanilang anak...

"Kuya? bakit kayo napunta dito? paano?.."...tanong ko sa kanya..
"Kaninang nasa byahe kami, napanood namin sa News ang nangyari kay Ron...nabanggit din na napunta nga ang ate mo sa NCMH...ang sabi ng ate Lizeth mo, kakailanganin mo ako...kami...at alam mong hindi ka namin pababayaan...", paliwanag ni Kuya Lance

sa puntong iyon, napaluha ako ng hindi ko namamalayan...napayakap ako kay Kuya Lance...lumapit din si Ate Lizeth..yumakap din sa aming dalawa at umiiyak... damang-dama ko ang suporta ng dalawa...kung noon tanging si Kuya Lance lang ang nagiging sandigan ko...ngayon nandito na din si Ate Lizeth na handang tumulong sa akin sa malulungkot kong sandali...

...sa loob ng bahay pinag-usapan namin ang mga balak kong gawin...sinabi ko na limang buwan lang ako sa pilipinas...at sa loob ng limang buwan na iyon at mabuti-buti na ang kalagayan ni ate, aalis na ako at isasama ko na si Ate sa Amerika at para doon na din siya magpagaling...kwinento ko sa kanilang dalawa ang napanood ko sa video tapes..at hindi na rin nila ninais na mapanood iyon...habang sinasabi ko ang mga nangyari tungkol sa ate, tuloy-tuloy pa din ang agos ng luha ko...sobrang sakit ng tagpong iyon na tila ba lililok na sa aking puso at buong pagkatao...habangbuhay... mas masakit iyon kaysa sa sakit na aking nadarama ng aking mapagtanto na kahit kailan hindi na magiging akin si kuya Lance...

...mga dalawang linggo na din ang lumipas at ang tagpong aking natunghayan ay hindi pa rin napaparam sa akin puso...minabuti nila ate Lizeth at Kuya Lance na samahan ako sa bahay hanggang sa aming pag-alis ni ate patungo sa Amerika...

..sa balkonahe, nakatitig sa kawalan si kuya lance habang si Ate Lizeth at Rose ay nasa kusina... sinabihan ako ni ate Lizeth na kausapin ko si Kuya Lance ng hindi ako maiinip...

lumapit ako sa kanya...

"Kuya, kamusta kayo ni Ate?", seryosong tanong ko...
"mabuti naman kami, sobrang swerte ko sa kanya?"..."ikaw, may boyfriend ka na di ba?, kelan mo naman balak mag-asawa?", bwelta nya sa akin...

napayuko lang ako sa tanong nya...hindi ko alam ang sasabihin...dahil wala namang laman ang puso ko kundi tanging sya lamang...pagdaka'y bigla syang umimik ng hindi ko inaasahan...

"Mahal mo pa rin ako Lita?", tanong nya...

...itutuloy

..Susunod na po ang "lilok: ang pagwawakas"

Biyernes, Pebrero 20, 2009

...lilok: ang pagpapatuloy [2]...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paunawa [R18]: Ang susunod na bahagi ay ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa buhay ni Marie at Lita. Ang akdang ito, lilok: ang pagpapatuloy [1], ang "...lilok..." at ang "..lilok: ikalawang yugto..." ay pawang mga kathang isip lamang ng may-akda. Anu mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroong ilang bahagi sa akdang ito na lubhang maselan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan.

note: upang ganap na maintindihan ang mga pangyayari, inaanyayahan ang lahat na balikan ang mga nakaraan tagpo sa: "...lilok...", "..lilok: ikalawang yugto..." at ang lilok: ang pagpapatuloy [1].
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
nakatakda ang mangyayari...hinagkan ko siya ng buong diin...ginantihan nya din ako ng isang halik na kahit sa pagnaginip ay hindi ko marating...kakaiba ang kuryente na dumadaloy sa aking pagkatao ng sandaling iyon...napapapikit na lamang ang aking mga mata sa mga halik niya...malalambot na mga labi na aking hinangad na matikman...wala itong kasingsarap na tila ba umaanyaya sa susunod na eksena...namalayan ko na lamang pababa na sya sa aking dibdib...hinahagkan niya iyon at gustong maangkin...ilang sandali pa pawang wala na ang saplot ng aming katawan...hubad na pareho at handa ng magpatuloy kahit saan man humantong...dumagan siya sa aking manipis na katawan ngunit hindi ko maramdaman ang bigat ng pagkakadagan...hinawakan niya ng marahan ang aking pinakakatatagong kayamanan...bahagya nya ding hinawi ang aking mga binti na bantay ng kayamanang iyon...hudyat na iyon upang papasukin siya sa kaibuturan ng aking pagkababae...tumitindi na ang init ng sandaling iyon, hindi ko din alintana kung ano ang kahihinatnan ng tagpong ito...masakit ang kanyang pagtatangkang pagpasok sa aking pinakakaingatan kayamanan...ito din kasi ang unang pagkakataon na makadama ng kakaibang kaligayahan...gusto kong ipagpatuloy nya iyon sa kabila ng sakit na aking nadarama... hinatak ko siya...at niyakap ng buong higpit...napabulong ako...

"kuya, masakit...."

... sa pagkasabi ko niyon, para syang nabuhusan ng malimig na tubig sa kanyang ginagawa... tumigil siya na tila ba nagulat sa krimeng nagawa...mabilis na nagbihis... at mangiyak-ngiyak na humingi ng paumanhin...

..."sorry Lita, hindi ko sinasadya", wika nya...

saglit lang iyon at nasa pintuan na siya...

"Lita, isara mo ang pintuan ng maiigi, hindi naman uuwi ngayon ang ate mo ano?"...

...tumango lang ako habang balot ng kumot na kanyang inabot habang sya ay nagbibihis... pagka-alis nya... isinara ko ng maiigi ang pintuan...inaalala ang kaligayang pinagsaluhan...

kinabukasan...

...kabado na ako dahil sa nangyari ng gabing iyon...hindi ko alam kung may mukhang maihaharap pa ako kay Kuya Lance... mabilis akong nagbihis patungo sa Unibersidad na aking pinapasukan... alas-singko ng hapon, tapos na ang klase...ngunit hindi ko alam kung saan ako tutungo...nakagawian ko na din kasi ang tumambay kila Kuya Lance...

.."paano na kaya ngayon", bulong ko sa aking sarili...

...hindi pa man ako ganap na nakalalabas sa gate ng paaralan, may anyo na ng pamilyar na lalaki akong natatanaw...

"Kuya Lance!...bakit ka nandito?", tanong ko...
"ito sinusundo ka, kailangan nating mag-usap...", diretso nyang sagot..

...pumunta kami sa isang foodchain para makapag-usap...

..."paano na Lita? kailangan panagutan ko ang ginawa ko sa iyo kagabi", seryoso nyang sabi..
.."ano ka ba Kuya, wala yun 'no...virgin pa din naman ako di ba?", natatawa kong tugon...

...mahaba ang aming napag-usapan sa bagay na iyon...gusto nya akong pakasalan dahil sa pangyayari...ngunit tumanggi ako...tumanggi ako hindi dahil ayaw ko syang makasama..tumanggi ako hindi dahil hindi ko sya mahal...wala akong minahal sa buong buhay ko kundi sya lamang...hanggang ngayon...tumanggi ako dahil ayaw kong sirain ang pamilya nya...masira ito ng dahil sa akin...ayaw kong maging dagdag sa pasanin nya noong mga panahon na iyon...mahal ko si Kuya Lance...mahal na mahal...

...malungkot kaming naghiwalay pagkatapos ng tagpong iyon...hindi na din ako nagpakita sa kanya pagkatapos nun...nagpaalam ako kay ate na mag-be-bed space na lang sa malapit sa paaralan...pero dahilan ko lang din yun upang hindi na ako masundan ni Kuya Lance...mabuti na din siguro iyon upang hindi ako maging sagabal sa mga pangarap nya...at ng sumunod na taon, lumipat na din ako ng paaralan...kasabay niyon ay inaya ko din si ate na lumipat ng matitirhan...pumayag naman sya lalo pa't ang bahay na aking napili ay malapit sa kanyang pinagtratrabahuan na club...nagsunog ako ng kilay sa pag-aaral...subsob para makapagtapos... para maipagmalaki ang sarili sa mundo... para kay Kuya Lance...

...mabilis na lumipas ang panahon, graduate na ako at isa na ding ganap na nurse...handa na akong humarap kay Kuya Lance, at handa na ding tanggapin ang maaaring alok na kasal...

...dinalaw ko sya sa kanilang dating tirahan...

"tao po, tao po...Kuya Lance? Kuya Lance?..."

bumukas ang pinto, isang mukha ng babae ang dumungaw...maganda ang hubog ng mukha ng babaeng iyon sa kabila ng simple nyang pananamit...

..."nadyan po si Kuya Lance?", tanong ko...
..."ei si Lance, nasa work pa eh...pero padating na din yun...tara pasok ka...", pag-aaya ng babae

...pinaliwanag ng babaeng iyon na sya lang ang naiwan sa bahay dahil nasa probinsya ang nanay at mga kapatid ni Kuya Lance...sinabi din nya na siya si Lizeth, ang girlfriend ni Kuya Lance...halos madurog ang aking puso sa aking narinig ng mga sandaling iyon...gusto ko na sanang umalis at maglaho sa aking kinauupuan...pero naging matatag ako at naghintay... madaming kwinento si ate Lizeth tungkol sa mga pangyayari sa buhay ni Kuya Lance... sa katunayan natuwa din ako habang nakikipagwentuhan ako sa kanya...magaan ang loob ko sa kanya sa kabila ng siya ang aking kaagaw sa pagmamahal ni Kuya Lance...

...maya-maya lang dumating na si Kuya Lance...at parang katulad ng dati noong hindi pa nanyayari ang tagpo ng gabing iyon, naging ganoon ang kanyang bati...pagbati ng isang kapatid, pagbati ng tuwa para sa isang kaibigan...

"Nurse ka na di ba Lita?..congrats ha?"...tanong ni kuya Lance...
"oo kuya, salamat..."..maikli kong tugon...

"Liz, naaalala mo yung kwinento ko sa iyo dati?...sya yun..."

...nangingiti si ate Lizeth sa sinabi ni kuya...pinaliwanag din ni Kuya Lance na alam ni Ate Lizeth ang lahat ng tungkol sa kanya...alam pati ang nanyari ng gabing iyon... noong una hirap din daw na tanggapin ni ate Lizeth ang nanyari...pero yun nga, dahil iyon sa epekto ng alak., kaya nya iyon nagawa... doon ko din napatunayan kung gaano sya kamahal ni ate Lizeth at kung gaano nya kamahal si ate Liz... doon ko din napagtanto na hindi tlaga kami para sa isa't isa... at kailangan kong maging masaya para sa pagmamahalan nilang dalawa... mahal ko si Kuya Lance... totoo yun.. at magsasakripisyo ako para sa kanya...masaya ako basta sya din ay maligaya...

...masaya akong nagpaalam sa kanila sa kabila ng malungkot kong nadarama...

...at ngayon sa aking muling pagbabalik sa Pilipinas, masakit pa din ang markang nalilok sa aking puso...siya pa din ang hinahanap ko...ngunit hindi pwede ito...kailangan kong tumayo...kailangang maging matatag...

...tumayo ako mula sa aking kinauupuan sa bahaging iyon ng paliparan, hinawi ang mga luhang dulot ng masakt na nakaraan...lumabas ako sa paliparan...pumara ng sasakyan... at ang aking destinasyon ay ang bahay ni Ate Marie....

...mahaba ang byahe patungo sa bahay ni Ate Marie...nakakainip... ngunit kasabay ng pagkainip na iyon ay nanalangin na sana ay maayos sya at walng sakit... makaraan ang 5 oras na byahe, nasa pintuan na din ako ng bahay...

"Ate Marie??...tao po...Ate Marie??...tao po..."...

ilang saglit lang bumukas ang pinto...isang babaeng tila namumugto ang mata ang dumungaw mula sa pintuan....

itutuloy...

Susunod na Kwento Lilok: Ang Pagpapatuloy [3]


Huwebes, Pebrero 19, 2009

...kisame...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
note: ang kwentong "lilok: ang pagpapatuloy" ay muling magbubukas sa sabado...kung nabitin kayo...ako din...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

...matagal na din ang panahon ang nakalilipas na hindi ko ito ginagawa...naging masyado kasi akong abala sa pagtingin sa kawalan...sa paglalaro ng imahinasyon na tanging ako lamang ang nalilibang...tila iyon na yata ang aking nakasanayan...

...mula sa trabaho, pagsakay sa pampublikong sasakyan... hanggang sa aking pag-uwi sa bahay, hindi pa din lumalapag ang aking isipan....lumilipad iyon sa kalawakan, mabilis...hindi iyon kayang hagilapin ng balintataw... walang limitasyon...wala...

...nakakapagod ang buong maghapon...naging daan iyon upang ako'y mapabuntong hininga..."haaay, buhay nga naman"...inilapat ko ang aking pagal na likuran sa paborito kong upuan...binuksan ang bentilador na kanina pa nakatunghay sa aking pagbabalik...masarap ang hangin kahit dama pa din ang singaw ng init ng araw ng maghapon...tumingala ako habang nagpapalamig ng pakiramdam...tinitigan ang kisame...bumuo ng mga imahe...siningkit ko ang aking mata... dito ko nakita kung paano talunin ng maliit na nilalang na iyon ang higanteng ilaw...matindi ang kanilang naging labanan...magkakaiba ng lakas...magkakaiba ng kapanyarihan... nagagawa nilang kontrolin ang mga bagay na nasa paligid nila...ang isa ay may kapangyarihan ng liwanag...ang maliit na nilalang naman ay may kapangyarihan ng hangin... tinalo ng hangin ang liwanag sa di ko malamang dahilan....

..."bhoyet, kumain ka muna...", sabi ng nanay ko....doon ko lang napansin na pinatay pala nya ang ilaw...nangingiti akong dumiretso sa kusina...kumain ng mabilis at nagpalit na ng damit...dumiretso ako sa kwarto...at nagtangka na ipagpatuloy ang pagtitig sa kisame...ang muling pagalawin ang aking imahinasyon....ngunit pagod ang aking mata...nadala ito ng hangin mula sa bentilador....pumikit ako... ngunit namamasyal pa din ang aking imahinasyon... at yun na nga, para akong hinehele sa duyan...masarap ang pakiramdam...malakas ang hangin na parang nasa dalampasigan...

nakatulog ako...

Miyerkules, Pebrero 18, 2009

...real name...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
note: ang kwentong "lilok: ang pagpapatuloy" ay muling magbubukas sa sabado...kung nabitin kayo...ako din...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

bago ako magsimula sa entry na ito.... aking munang pasasalamatan si Marlon ng Perspektib sa isang napakaganda at napakalupit na ID na ito... may naiingit yata, bleeehhh...aheks...ang galing ni Marlon...isang masigabong palakpakan naman dyan....wooot! wooot!.... (*clap clap*)



[Edit] pinalitan ko na aking picture..hindi ako maka-get over sa batang itsura..nadi-discriminate na naman ako...ahahaha... pero ayus lang student fare naman ako sa jeep... latest na itong picture ko...kinuha yan last Feb 13, 2009...hindi na yan mukhang Totoy G.... ahahaha...hindi po ako nakainom dyan o puyat lang...ganyan lang talaga ang mata parang adik lang...ahahaha!

~~~***~~~

Ang susunod na bahagi ay isang name tag/award mula Yanah at Mau, salamat salamat...ang totoo nyan nagdalawang isip ako kung kukunin ko ito...natakot na wala ng matirang sikreto sa akin..."ang tunay kong pangalan"...pero mas masaya kung gagawin ko sya...ito na...

ito po ang rules:
  1. List the names that you are called by and name the people who call you by these names.
  2. Tag ten others to do the same thing, paste the link of your entry on their guestbooks.

ito ang ilan sa aking mga naging pangalan:


1. Mahal--- sinu pa nga ba?...syempre ang aking mahal na si WonderG... ang aking Grace... :)

2. SuperGulaman --- tawag ninyo ito sa akin... masaya ako at kahit papano naging isa akong super hero... :)

3. blade31, ghreiz, shinobi --- twag sa aking ng mga kalaro ko sa online games..

3. bhoyet/kuya bhoyet --- ito ang nickname ko...tawag ito sa akin ng nanay ko, mga kapatid ko, kaklase ko, kaopisina ko, ilan sa inyo at sa mga bago at luma kong nakikilala...

4. Sir R_ _ _ _ ---real name ko at masasabi kong formal name, bihira lang ang tumatawag sa akin nito...mga bossing, mga junior writers sa ofiz, teacher ko...pero yan din ang twag sa akin ng mga operator ng bayantel pag pinapaayos ko ang connection ng internet ko sa bahay......

5. yetbo --- ate ko at si Gelene

6. yet --- si Grace ang talagang tumatawag sa akin nito... pero ang galing si Doc RJ yan din ang twag nya sa akin....

7. boy kulot, negro, kobe --- tawag ito ng mga kalaro ko sa basketball, lalo na ang babaero kong kaklase na si Creshlyn, lalaki yan pambabae lang ang pangalan...pag tinatawag akong ganyan, feel na feel ko ang pagiging star player...ahahaha...

8. laoshi/sensei --- tawag sa akin ng mga tinuruan kong filipino-chinese..

9. adik --- nanay ko, kapatid ko, ka-opisina ko, lahat yata kayo...

10. Alien --- ilan sa mga kablog ko, mga kaklase ko nun highschool at college...

11. Master --- si Kristene na dati kong kaopisina at si Tiffyn, dati kong estudyante, nagawa kong maging adik sa math...ayun BSMath sya sa UST...

12. Pogi--- tawag ito sa akin ng driver sa jeep... "ladies usog kayo konti, mauupo si Pogi"... at ito din ang twag sa akin ng estudyante kong kapatid... "Pogi! ang pogi mo talaga kuya, dagdagan mo baon ko ha?"...

ayan...meron pa yata akong nakalimutan, pero ok na yan madami na eh... at katulad ng nakagawian, lalabagin ko ang ikalawang rules... sa inyong lahat ko ito papasa kaya kung gusto mo kuha lang... pero si vanvan dapat ay obligado nyang gawin ito, hindi sya pwedeng tumanggi... ayan tinag na kita...:)

Lunes, Pebrero 16, 2009

...mag-enjoy kay enjoy...

paumanhin po sa lahat...akin pong ipagpapatuloy ang kwentong "lilok: ang pagpapatuloy", sa sabado...kung nabitin kayo...ako din... kung nadurog ko ang inyong mga puso dahil sa mga pangyayari sa buhay nila Marie at Lita sa mga tagpo sa "lilok" at "lilok: ikalawang yugto", patawad...hindi ko din inakala na ganun ang magiging takbo ng istorya... sa mga bata, R18 ito, lagot ako sa mga nanay at tatay nyo...kaya patago nyo lang basahin...ssssshhhh..

...pansamantala ko munang puputulin ang aking kwentong lilok: ang pagpapatuloy upang bigyan daan ang tag na ito ni enjoy....salamat... At dahil nga daw ito ay ang kanyang kauna-unahang award/tag na natanggap, nakonsensya naman ako na hindi gawin ito... at kahit na madami na akong naibulgar tungkol sa akin, muli hindi pa naman ako nauubusan ng angas sa aking pagkatao.... bago pa man ang mga istoryang iyon, halina't samahan nyo ako...mag-enjoy sa tag ni enjoy...

[EDIT]: akin din pong pinasasalamatan si Rizza ng Journey sa pagsasama din sa akin ng Tag/Award na ito...salamat... :)

ito ang daw ang rules:

When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link to said person so everyone knows he or she is real. Choose a minimum of 7 blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don’t have 7 friends. Show the 7 random victims’ names and links and leave a harrassing comment informing them that they were prized with “Honest Weblog”. Well, there’s no prize, but they can keep the nifty icon. List at least 10 honest things about yourself. Then pass it on!

At dahil English ang instructions, hindi ko siya naintindihan na kailangan itong ipasa sa 7 nilalang... patawad kung lalabagin ko ang ilang batas ng tag na ito ngunit gagawin ko naman ang pinakamahirap na parte nito na mag-lista ng "10 honest things about yourself"....pang-4 ko na itong pagpapakilala... mas kilala nyo na nga yata ako kaysa sa nanay ko... :)... tama na nga ang satsat, ito na sya...

1. Kung 24 oras ang meron sa isang araw, 6-7 hours lang ako natutulog, 2 hours sa paggawa ng ilang bagay...yung ibang oras, nasa harap ako ng computer....naglalaro, nagtratrabaho, nagbloblog, nanoood...basta nakaharap sa computer...

2. Napagkamalan akong Alien noong high school pero tao talaga ako. Nagawa kong i-perfect ang dalawang periodical exam sa math noong 4th year high school ako. Doon ko unang maranasan ang ma-discriminate sa isang math contest sa loob ng school, hindi ako pinasali ng teacher ko...takte!

3. Kalakasan kong maglaro ng basketball noong 2004... kaya kong tumagal ng 12 hours ng paglalaro ng tuloy-tuloy sa ilalim ng mainit ng sikat ng araw, inom lang ng tubig ang pahinga...

4. Naniniwala ako na hindi lang ang hugis bilog ang gumugulong.

5. Naniniwala din ako na likas sa mga babae ang mag-multi tasking...kaya nilang iproseso sa kanilang utak ang mga bagay ng sabay-sabay...sa kabilang banda, likas sa mga lalaki ang gawin ang isang bagay ng buong focus, isa-isa lang pero kumpleto ang atensyon...

6. Allergic ako sa masasarap na seafoods...tahong, hipon, pusit, alimango... hindi ako kumakain nyan... nasusuka ako pagnakakain ako...pero nagprapraktis na ako ngayon sa pagkain ng tahong at hipon...

7. Sa lahat ng mga nagsabing gwapo ako...si Grasya lang ang pinaniwalaan ko...

8. Mas madali kong makasundo ang mga babae kaysa lalaki... issue ng pride at ego yun...

9. Hindi ko ugali ang magtanong, kahit naliligaw na ako...

10. Libangan ko ang tumunganga...

gusto mong gumawa? sige kuha lang.. :)


Sabado, Pebrero 14, 2009

...lilok: ang pagpapatuloy [1]...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paunawa [R18]: Ang susunod na bahagi ay ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa buhay ni Marie at Lita. Ang akdang ito, ang "...lilok..." at ang "..lilok: ikalawang yugto..." ay pawang mga kathang isip lamang ng may-akda. Anu mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroong ilang bahagi sa akdang ito na lubhang maselan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan. =supergulaman=
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Lita, totoo bang uuwi ka na ng Pilipinas?", tanong sa akin ni Annie ... "kailangan eh, wala na din kasi akong balita kay Ate Marie...matagal-tagal na din na hindi ko sya makontak....anu na kya ang nanyari sa kanya?", ..."kelan ba ang alis mo?", tanong ulit sa akin ni Annie...."sa makalawa siguro...", sagot ko....

"...hindi ko alam ang aking nadarama ngayon, kung tuwa ito o kaba sa aking muling pag-uwi sa Pilipinas... anu na kaya ang kalagayan ng ate ngayon?...sana maayos naman sya at walang problema kay kuya Ron... ang totoo nyan ayaw ko na din sanang bumalik ng Pilipinas, sa dami ng pait ng aming naranasan sa Paete... kung hindi lang kay ate... at kay Lance...si kuya Lance... kamusta na kaya siya?..." ... mahaba-haba din ang byahe at sapat na ang alaalang iyon at ang lamig ng eroplanong sinasakyan upang makatulog... mahaba ang byahe tila ba binabawasan ng mga sandaling iyon ang aking pananabik sa pag-uwi... at sa wakas nasa Pilipinas na ako... hindi tulad ng ibang mga nagbabalikbayan, walang susundo sa akin... at ang aking destinasyon ay ang address ni ate Marie...

sa baggage area ng NAIA...

habang kinukuha ko ang aking bagahe, may isang lalaking may hawak na 2-taong gulang na bata na kanina pa nakatunghay...pamilyar ako sa lalaking iyon...at hinihintay lang na ako'y lumingon... at sa pag-angat ng aking ulo...nabigla ako..."Kuya Lance!"., napasigaw ako.."san ka galing? kamusta ka na?", sunod sunod na tanong ni Lance...., "ito, pupunta ako kila ate eh", maikli kong sabi... "katulad ng dati, hindi ka pa din nakikinig sa mga tanong ko, ang layo ng sagot mo, hahaha"...namula ang aking mukha sa sinabi nya... mamaya-maya lang may dumatng na isang babae.."nagkakilala naman na kayong dalawa di ba?", tanong ni Kuya Lance kay babae..."oo naman, kamusta ka Litz?"... pinilit kong alalahanin ang mukha ng babaeng iyon..."Ate Lizeth?"..."oo, ako nga..."... "wow, ang ganda mo sobra, hindi kita namukhaan..."...ito nga pala ang baby namin ni Kuya Lance mo, si Riza...", pagpapakilala ni Lizeth... "say hi to Tita Lita, Riz..."..."hi tita Litz, you're so beautiful too like my mom", pabulol-bulol na sabi ni Riza... "o, paano Lita mauna na kami, medyo malayo pa din kasi ang byahe namin papuntang Antipolo", putol ni Kuya Lance sa usapan... "ay sige kuya, ate ingat kayo ha?"..."ikaw din ingat ka, kamusta mo na lang din kami sa ate Marie mo"...sabi ni Lizeth...

...sa kanilang pagtalikod, gusto kong umiyak...hindi ko alam kung inggit ba ito kay ate Lizeth o tuwa sa aming muling pagkikita ni Kuya Lance... at sa mga sandaling iyon bumalik ang mga alaala ng nakalipas na panahon...

Si Kuya Lance, kaklase sya ni ate Marie noong highschool...siya din ang tumulong sa amin na makaalis sa Paete at magkaroon ng matutuluyan sa maynila dahil sa ginawang pagpatay ni ate sa aming Amain...malaki talaga ang utang na loob namin sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanan namin noon... noon pa man sobrang minahal ko siya...si Kuya Lance... hindi ko maunawaan ang nadarama ko ngayon..."dapat ako ang nasa kalagayan ni Ate Lizeth...dapat akin ang pagmamahal na iyon...bakit ganito? bakit ako nag-iisa?..."...kasabay n'yon, ang pagpatak ng mga luha...

...matapos ang mga pangyayari sa Paete, naging magkapitbahay kami dito sa Maynila nila Kuya Lance...second year college na ako nun ng maging kaibigan at maging close kami ..nasa ika-apat na taon na din sya noon sa kolehiyo...lagi akong tumatambay sa kanila dahil wala naman tao sa bahay at ako lang ang mag-isa doon...pumapasok kasi si ate sa trabaho... simple lang ang buhay nila Kuya Lance, pero medyo mahirap...nag-aaral kasi sya at nagtratrabaho ng sabay... kaya sobrang bilib ako sa taong iyon...walang bisyo...hindi marunong manigarilyo o uminom ng alak...nakakatuwa nga eh, pati manligaw ng babae hindi sya marunong... tanging pamilya lamang ang kanyang prayoridad ng mga panahong iyon...

...marso ng taong 2003, naka-graduate na din si Kuya Lance at iyon din ang buwan ng kanyang kaarawan... gusto ko nga syang bigyan ng malaking selebrasyon pero wala din akong pera noong mga panahong iyon... Gabi ng kanyang kaaarawan...inimbita ako ni Kuya Lance na sa kanila na mag-hapunan...magpapansit daw sya kahit papano... at dahil wala namang bisita at tanging mga kapatid nya lamang at ako ang nandoon, inaya ko sya na uminom.."hindi nga ako umiinom di ba?", tutol nya... "minsan lang naman eh, tsaka ako na lang ang bibili, may sobrang pera naman na binigay si ate Marie eh", pamimilit ko... at dahil sa sobrang kulit ko...napapayag ko din sya... masarap kainuman si Kuya Lance..madami syang kwento, makulit din sya... talagang na-iinlove na ako ng sobra sa mga sandaling iyon... halos hating-gabi na...nalasing na din ako sa dami ng nainom ko at aksidente kong natabig ang baso...mabilis kong hinabol iyon upang hindi mabagsag, ngunit mas mabilis ang kamay ni Kuya Lance, nasalo nya iyon.... ngunit sa pagkakataon iyon...halos magkalapit na din ang aming mga mukha...nagkatitigan... matagal.... hindi na ako nakatiis...hinagkan ko ang kanyang malalambot na labi... gumanti din sya...mahigpit na siil... kakaiba ang damdamin... ngunit bigla syang bumitaw at nagsabi ng "sorry" ... makailang saglit pa, nagliligpit na sya ng aming pinag-inuman..."sandali lang Lita illigpit ko lang ang mga ito, ihahatid kita sa inyo...mahirap na baka mapagtripan ka dyan sa kanto"...

...makailang saglit pa, nasa loob na kami ng bahay, inakay nya ako papasok sa kwarto... hindi ko maunawaan ang aking sarili ng mga sandaling iyon...tila hinahanap ko ang halik na kanina'y biglang naputol...hinatak ko sya, at muling hinalikan...

....itutuloy...

Susunod na Kwento Lilok: Ang Pagpapatuloy [2]


...aheks!...

mula kay Lord CM...nag-paikot-ikot na ang tag-sigaw na ito...at ngayon napunta na sa akin...ahahaha...salamat kina jhosel, Aisa, poging(ilo)cano, at Marlon at nakarating ito sa akin....ahehehe...at dahil nasabi ko na nga nagagawin ko ito...at kahit na natamaan ng Friday the 13th ang PC ko, kailangan gawin ko ito... at ito na...sigaw na...

"AAAALLLLL UUUNITS!!!...TAKE....
WAAAAAAAAAAAAAA! ...wala lang...

kakapagod sigaw...kinig na lang muna tayo ng OPM klasiks jan sa playlist ko...aheks..

paggusto mo mag-request ng song...sigaw lang! .... pasa ko itong tag-sigaw sa lahat!...paggusto mo kuha lang... HAPI PUSO sa lahat :D

Huwebes, Pebrero 12, 2009

...bidaman...

...bago ko simulan ang entry na ito...akin munang pasasalamatan si Vanvan ng Vanvanny bilang sponsor ng post na ito...dahil sa ideyang ito...si SuperGulaman ay medyo magmamayabang ng dalawapu't limang bagay ukol sa kanya...at dahil dito panandalian muna syang magiging si "Bidaman", ang mayabang na GulaMan!...

...ang pagpapakilala:...

1. siga ako...kahit pulis, sundalo, NPA, Magdalo o abu sayaf pa yan, inde ko yan uurungan...wala akong kinakatakutan.... maliban kay Grasya...ahahaha!

2. isa akong rehistradong guro... pero hindi ako nagtuturo..
...hindi ako agad nag-exam sa PRC pagkagraduate ko...pulubi wala akong pera pang-exam...nagpalipas muna ako ng isang taon hanggang maka-ipon..walang review, matagal na nabakante...pero nakapasa ako... swerte lang siguro o dahil nagsimba ako sa Quiapo bago mag-exam...

3. isa akong writer-researcher/statistician/math consultant/thesis consultant/math tutor/blogger/animewebsite owner....

4. isa akong chess grand master (self proclaimed...ahehehe)..

5. naniwala ako na ang lahat ng tanong sa mundo ay may kasagutan... pero maaring mali o tama lang ito....
noong nag-aaral pa ako, mahilig akong sumagot sa mahihirap na tanong...kahit mali ayuz lang...may katapat naman na grade ang "effort"...

6. masama akong teacher
...nagpraktis teaching ako sa PUP...mga accounting student ang unang course na hinawakan ko.... square root lang ng bilang nila ang pumasa...kung 49 sila....7 lang ang pumasa... kaya karamihan nag-shift na ng course... ewan ko lang kung pinakulam nila ako...

....hindi ako gumagawa ng lesson plan, masarap magturo ng impromptu...chalk at eraser lang solve na ako...

...tamad din akong magcheck ng test paper, lalo na kung alam kong nagkopyahan lang, tatapon ko iyon sa basurahan...pero pare-pareho sila ng grade...2.75 at least hindi 3.0...

...lahat ng mga estudyante ko sa algebra na ang course ay BPE ay pumasa, madami kasing chicks na boplaks...sayang naman kung ibabagsak ko pa....(*biased*)

...natuwa ang critique teacher ko ng makita nya akong magturo, sobrang lively daw...hindi nya alam sya ang topic namin...ahahaha!

7. at dahil miyembro ako ng PUP Integrated Math Quizzers sumali ako sa isang quiz bee sa UP Diliman noong college ako, elimination pa lang...eliminated na... takte! tagalog ang math tapos correct minus wrong pa...

..sumali din ako sa isang quiz bee sa loob ng PUP, kasama ang isang klasmeyt ko kampi kami...pero hindi math-related ang quiz, pychology ata yun...4th place kami out of 15 competitors...ahahaha!

8. tamad akong magsulat noong estudyante ako...si Gelene ng Honie's Confession na kaklase ko simula 1st college kami at ka-officemate ko hanggang ngayon ang siyang tagasulat ko sa notebook...siya din ang taga-gawa ng reviewer sa mga minor subject... ako ang bahala sa mga math assignments...

9. allergic ako sa grammar...Tagalog man o English...pulpol ako dyan..

10. Isa akong congressional district scholar...hinangad ko din na pumasok sa Asian Ladies Scholarship...pero bumagsak ako sa psychology exam... :D

11. mahilig ako sa TV...pero mga cartoons at anime ang favorite ko...simula kay Bugs Bunny, woody wood pecker, road runner, tazmania hanggang sa mga japanese anime... zenki, b't x, samurai x, naruto, bleach, evangelion, saber marrionette, lupin, vash at madami pang iba...hindi ko din pinaligtas ang bioman, ultraman, maskman, voltes V, daimos, shaider, power ranger at si Mask Rider Black...madami pa eh, hindi ko na ma-enumerate...

12. naglalaro din ako ng online games...MU philippines ang kinaadikan ko...dalawang character ko dito ay 300+ ang level.. isang blade knight (blade31) at darklord (shinobi)...naglaro din ako sa isang private server, MU Rhidge...madami akong characters dito pero isang blade knight ang pinakamalakas..blade31 din ang pangalan level 400 at 100+ ang reset...bukod sa mga iyan, naglaro din ako ng Cabal, Gunz, Prinstontale, Rakion, Gunbound, GoPets...pero hindi ng Ragnarok, Flyff at Tantra...

13. hindi ako marunong gumamit ng computer hanggang makagraduate ako ng College...booting lang ang alam ko... isa lang ang computer subject namin nun college...introduction to info tech pa...tapos pang wordstar pa ang tinuturo...2003 na ang taong yun..

14. marunong akong gumamit ng SPSS...kung anu man yon...wag nyo ng isipin..

15. antukin ako...9:00 pm pa lng matutulog na ako...pero maaga ako magising 4:00am gising na ako..

16. mabait akong kapatid... ako nagpapaaral sa isa kong kapatid na nasa college...

17. hindi ako mahilig sa mamahaling damit... sa Bench solve na ako... halos lahat ng gamit ko galing Bench...

18. walang koneksyon ang nickname na bhoyet sa totoo kong pangalan...

19. 26 years old na ako...taga-Quezon City, nasa Metro Manila pero hindi pa ako nakakapunta ng Manila Zoo...

20. mas gusto ko tumambay sa bahay kaysa gumala...

21. kaya kong makipagtitigan sa pader ng isang oras....syempre may kurapan...

22. nabwibwisit ako sa mga nanigarilyo sa tabi ko...lugi kasi ako...sila naliligayahan ako mamatay sa usok nila...hindi ako nanigarilyo...

23. hindi ako umiinom ng alak...pagkain pwede pa...

24. nagsisimba ako tuwing linggo mag-isa... yun ang bilin ng Grasya...

25. pagsinabi ko...ginagawa ko... :)

ayan po ang dalawanpu't limang bagay na tungkol sa ating bida...kung trip mong gumaya...kuha lang mga katropa...

pero sana wala na pong math problem ha?...kalimutan na po muna natin sya... :)




Martes, Pebrero 10, 2009

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^]

....sa basketball court....

[Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako....
Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo?
Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo?
Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko...
Xiantao: ano ba kasi yun?
Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements"
Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo?
Ako: BS Mathematics...
Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers?
Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic...
Xiantao:?????
(*napakunot noo na lang sya at napakamot sa ulo...nag-iisip na baka ginu-gudtym ko lng sya)
]

...pero sa totoo lang, mahina talaga ako sa numero... kung magaling ako sa numero, hindi BSMath ang kursong kukunin ko, siguro mag-aacounting na lang ako... minsan naiinis na din ako sa mga tao, lagi na lang nila ako pinagkakamalang weirdo...inaakala na close kami ng mga numbers na yan...inaakala na sa isang tingin ko lang kaya ko ng mag-compute na parang scientific calculator... pero hindi...tao kaya ako... tulad nyo mahina din sa numero...

..noong 1st year high school ako, tinanong ako ng math teacher namin..."what is number?", sabi niya... "mam, wala po", sabi ko... "anong wala, ang number ay wala?"...galit na siya nun...inde ko din talaga alam ang sasabihin ko pero para sa akin "wala" lang ang isang numero...dahil nga sa hindi ko nasagot ang tanong nya...lagi na lang niya akong pinapatayo sa klase, pinaglihian pa yata ako....at pagkatapos nun, ang final grade ko sa kanya ay tumataginting na 78...takte na yan!..ito ang nag-iisang line of 7 na grade ko noon high school at elementary...

..bakit nga ba ako mahina sa numero?...hindi kasi kami close, hindi din ako familiar... sa totoo lang, nakapagtapos ako ng high school na hindi kabisado ang multiplication table...at ngayon graduate na ako sa kolehiyo, hirap pa din ako sa tables of 6, 7 at 8... pero masasabi ko din na marunong ako Math...weird no?

...ang math ay hindi lahat tungkol sa numero at gamit nito...maraming pang mga ibang disiplina na nakapaloob dito...ang iba sa atin ay ayaw talaga ng math..."takte! bakit pa nauso ang math?, kung bibili ka ba sa tindahan sasabihin mo ba na..pabili nga ng logarithm of xy na bigas, samahan mo na din ng derivative of y raise to five na kilo ng baboy, ...tapos sasagot ang tindera ng....o ito ang sukli, di-nefferentiate ko na yan at ini-lowest term"...kung ganito ang mundo sigurado ayaw na nating mabuhay...pero mahalaga talaga ang math...dito kasi tayo lahat nagmula...pinaliwanag ko na ito sa aking nakaraang entry na tao tao saan ka gawa?...pinaliwanag na hindi totoo ang theory ni Charles Darwin na ang tao ay hindi nagmula sa unggoy o garapata...

...katulad ng mga sikat na sina Thales, Pythagoras, Euclid, Newton at Einsten...naniniwala din ako na lahat ng bagay buong Universe ay maaring ipaliwanag sa pamamagitan ng Matematika...

...balik tayo sa usapang numero...dito kasi ako mahina... balik din tayo sa tanong dati ng teacher ko..."What is number?"... ginagamit ito sa pagtaya sa lotto...at pagtama ang napili mo..yayaman ka... pero bakit hindi ko sya makabisado...mahirap hindi ba?...tapos meron pang iba't ibang operations...naging komplikado na... para kasi sa akin ang numero ay parang tao, isang ideya, may sariling pangalan, may sariling pakakakilanlan... kung ang tao nga ay may iba't ibang pangalan, may iba't ibang itsura na tulad ng numero, makakabisado mo kaya silang lahat?

...ang numero ay isang ideya na inirerepresenta ng mga numerals....hindi ito nakikita tulad ng mga ideyang laman ng iyong utak...katulad ng mga letra na bumubuo ng mga salita na nagbibigay kahulugan...pero hindi tulad ng mga titik sa alpabetong pilipino na 28 lang sila, 26 sa English, sabihin na nating 30 ang letra sa German, at 20 sa irish... mas malawak pa din ang sakop ng mga numero, wala itong katapusan, infinite tulad ng kalawakan...wala din itong simula o wakas.... matanong nga kita? alam mo ba ang value ng pinakamataas na number?... wala akong maisip dahil sa twing may maiisip ako, magdadag lang ako ng 1 ay mas mataas na ito... at bukod pa sa mga iyan, katulad nating mga tao na maraming uri ng mundo ...ganun din ang numero, meron itong real at imaginary world at iba pang mundo... at ngayon masisisi nyo ba ako kung bakit sinasabi kong mahina ako sa numero?

isa pong riddle para sa lahat na related sa numero at araw ng puso:

"I am first before fifty Romans, nothing left except five Romans, inverse three and you will be the last."

(hint 1: ang Romans po na tinutukoy ko dyan ay roman numerals e.g. I, II, III, IV, V, X, L, C, D)
(hint 2: ang riddle na yan ay effective gawin para sa mga nanliligaw at swak din pra sa may mga date ngayong araw ng mga puso..)


Linggo, Pebrero 8, 2009

...gusto mong mamatay?...

note: walang kinalaman ang friday the 13th sa post na ito...

sa paanong paraan gusto mong mamatay? gusto mo bang mamatay sa paraang kung paanong paglaruan at patayin ni Jigsaw ng Saw V ang kanyang mga biktima? gusto mo bang mamatay ng katulad ng bampirang si Sonja ng Underworld na kung saan siya ay binilad sa araw hanggang siya'y maabo? o baka naman gusto mong mamatay ng katulad kay Benjamin Button na ipinanganak na isang matanda hanggang mamatay ng isang sanggol?...o baka naman gusto nating gayahin ang gustong paraan ng aking ka-opisinang si Ms. Em... ang sabi nya:

"I used to sit on a wooden bench outside the house at sundown wishing for the cold wind to just freeze me to death and make a beautiful monument of me. "

...matagal na din ang panahon ang aking inuukol sa pag-iisip sa kung paanong paraan ko gustong mamatay...kung sa isang car accident kaya?, wag yun ayokong maiburol na pangit ang itsura... kung sa pagkalunod naman, ayaw ko din dahil lalaki ang tiyan ko, ang pangit pa din... sa sakit naman, ayaw ko din ang mahirapan...kung bangungot naman ayokong mamatay ng hindi ko nalalaman... kung atake sa puso, ayaw kong mamatay ng biglaan... kung sa katandaan, ayaw kong mahirapan ang mga mag-aalaga sa akin... ang totoo nyan hanggang ngayon hindi ko talaga alam kung ano ang magandang paraan ng pagpanaw...

sinasabing ang buhay daw ng tao ay parang isang gulong...paulit-ulit...paikot-ikot...may mamatay...may ipapanganak..magiging bata..maglalaro...mag-aaral...tatanda...mamatay... ganun ang buhay...at sa bawat pagpapanaw dala nito ang kalungkutan sa pamilyang maiiwan... ang kalungkutang iyon ay mula sa isang pamamaalam at ang katotohanang hindi na s'ya babalik kailaman... hindi ko din ninais na mabuhay ng habang panahon dahil kalakip nito ang silbi at halaga ng buhay...

mahalaga ang buhay, huwag natin itong sayangin sa pag-iisip ng mga malulungkot na sandali...hanggat maaari...magsaya ka...gawin mo ang iyong gusto... gawin mo ang bagay na tama at alam mong ikakasiya mo... huwag kang matulog sa isang sulok at magmukmok... kalahati na ng buhay mo ay natutulog ka...huwag ka ng mag-aksaya pa... masaya ang buhay lalo na kapag puno ng pagmamahalan...maaaring may mga darating na problema at malulungkot ng sandali, ngunit hindi hadlang ang mga iyon para maging maligaya...buhay ka pa, meron pang pag-asa...

...at ngayon tinigilan ko na ang pag-iisip ng gusto kong paraan ng pagpanaw... hindi na mahalaga kung sa paanong paraan man...hindi naman natin alam kung ano ang hinaharap... hindi naman nasusukat ang halaga ng iyong buhay sa paraan ng iyong pagpanaw... nasa mga karanasan ito na iyong dinaraanan... alam kong lahat ay lumilipas... lahat ay mawawala... tatanda ako, ikaw, tayo... ngunit ang tanging hiling ko, sana makasama ka ng matagal sa bawat sandali ng aking buhay sa mundong ito...sana ako pa din ang laman ng puso mo hanggang sa huling pag-inog ng mundo... sana... sana...

Biyernes, Pebrero 6, 2009

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika...

...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh...

hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..walang pili basta kayang i-handle ng pandinig ko wala yung issue...si Grasya naman...madalas love song din ang gusto...pero ang kantang "I'll be" ni edwin mccain ang kantang alam kong gustong gusto niya...naka-dedicate daw sa akin yun...ewan ko ba...iyakin ba ako? emo...emongoloid siguro... kunsabagay maganda din naman ang kantang iyon, at dahil gusto nya gusto ko na rin... at dahil may kantang syang alay para sa akin, may alay din akong kanta para sa kanya...ang inyong nakikitang video montage na galing sa youtube ay aking ginawa para sa kanya...at ngayong panahon ng mga puso gusto kong ibahagi ito sa inyo...isang biyaya...isang grasya...isang regalo...."The Gift"...para sa mga blogero...

Huwebes, Pebrero 5, 2009

...ouch...

itotodo ko na ito...usapang puso ulit para magliyab at matusta tayong lahat... :)... pero hindi tulad ng mga nakaraang post na medyo kilo-kilometro ang haba... isa lamang itong reyalisasyon...

pamilyar na kayo siguro sa mga linyang "ayoko ng magmahal, ayoko ng masaktan!..." o 'di kaya naman "ok lng ang walang pag-ibig, para hindi ako masaktan..."

...tama di ba? madalas ito ang ating mga sinasabi kapag nabigo tayo sa pag-ibig...o di kaya'y takot tayo na sumubok sa biyayang ito... ngunit ang totoo...hindi nanakit ang pagmamahal...sa katunayan ang sabi ng Bible (1 Corinthians 13):

“Love is patient; love is kind
and envies no one.
Love is never boastful, nor conceited, nor rude;
never selfish, not quick to take offense.
There is nothing love cannot face;
there is no limit to its faith,
its hope, and endurance.
In a word, there are three things
that last forever: faith, hope, and love;
but the greatest of them all is love.”


bakit ayaw mong magmahal? ayaw mong masaktan? ... ngunit kahit kailan hindi nanakit ang pagmamahal... ang pag-ibig.... masakit ang mag-isa, masakit ang mapagtaksilan...masakit ang malaman na hindi ka na niya mahal...masakit kapag iniwan ng minamahal... masakit ang maiwan sa kawalan...

...'di ba? hindi pagmamahal o pag-ibig ang nakakasakit sa atin... ang kawalan nito ang siyang sumusugat at nakakapanakit sa ating puso...sa ating pagkatao...

Miyerkules, Pebrero 4, 2009

...ako ito...

bago pa man maglagablab ang aking buong blog dahil sa nalalapit na araw ng kiskisan ng mga nguso este araw ng puso pala...ako ay bahagyang magkwekwento ng ilang bagay ukol sa aking pagkatao... pero bago ang lahat, akin munang pasasalamatan si Marlon ng Perspetib at Minnie Madz ng My Unrevealed Thoughts bilang sponsor ng ideyang ito... ayon sa batas ng post na ito kailangan kong maglagay ng 9 na bagay na totoo at isang bagay na hindi totoo tungkol sa akin... pero wala naman sa batas na hindi ko pwede itong solohin...kaya akin lang muna ito at hindi ko muna ipapasa... pero kung trip nyo din sya...sige dampot lang...ahehehe...

handa ka na? sige tira:

1. Madami akong nicknames, ilan dito ang SuperGulaman, bhoyet, yetbo, yet, corp, matsuo mashahiro...kilala ako sa ilang online games bilang blade31, shinobi at ghreiz31.... pero malayo sa mga iyan ang tunay kong pangalan at nagsisimula ito sa letter R.

2. Isa sa mga talent ko ang paglalaro ng chess mag-isa... At ngayon kaya ko na din ang makipaglaro ng basketball sa sarili ko...

3. Pagkain lang ang bisyo ko... Hindi ako umiinom ng alak, hindi ako naninigarilyo at hindi ako babaero...lapitin ng chicks pwede pa...

4. Tinagurian akong hardcourt's ankle breaker and quicksilver sa isang liga sa baranggay at kasabay noon ay nahirang ako bilang MVP noong taong 2003.

5. Meron akong labingtatlong tropeo, lahat yun ay galing sa opisina at related sa pagsusulat.

6. Noong Grade 5 pa lang ako, naihi ako sa aking pantalon sa loob ng simbahan habang nagmimisa ang pari at ako ay isa sa kanyang sakristan...

7. Bobo ako sa arithmetic pero mahusay ako sa Algebra (linear algebra, advance algera, elementary algebra, college algebra...)

8. Bukod kay Bob Ong..idolo ko din si Masashi Kishimoto, ang tagapagsulat ng Naruto Series sa Manga...at si.....medyo bastos ang pangalan para sa pinoy...pero cge na nga...Tite Kabu, ang writer ng Bleach series sa Manga... Bukod sa kanilang lahat hinahangaan ko din ang ilang writer ng aklat ng Matematika... Dr. Pastor Malaborbor at Dr. Normita Villa, isama ko na din si Lyncoln Bautista... idol ang mga ito...mga teacher ko ito noon sa kolehiyo...madaming aklat ang mga ito sa national bookstore, inpeyrnes malulupit talaga ang mga libro nila...si Gordon Fuller at ang kanyang aklat na College Algebra, sobrang mahal ko ang aklat na ito na khit page number ng topic na nakakapaloob dito ay memoryado ko... 12 years ko ng gamit ang librong ito... si Thurman Peterson ng Calculus with Analytic Geometry ay isa din sa pinakamahusay na writer sa math, onti lang ang explanation pero mahihirap ang tanong... idol ko din ang writer na si Ronald Walpole ang sumulat ng aklat na Probability & Statistics for engineers & scientists... na hanggang ngayon ay katuwang ko sa aking trabaho...

9. Natalo ako sa math contest nung grade 6 dahil hindi ko nasagutan ang katanungang "isang daan hatiin mo sa kalahati ay ano?" kayo alam nyo ba ang sagot?

10. Virgin pa ako...

Alin kaya dyan ang hindi totoo?
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur