Lunes, Marso 30, 2009

...Chip Tsao...

[EDIT:]This is not China vs. Philippines. This is Chip Tsao alone vs. Pinoys. Hindi ito trabaho lang, personalan na ito.


Chip Tsao (noun)
: isang mumurahing klase ng Tsino na nakabase sa Hong Kong. Walang magawa kundi mang-alipusta ng mga Pinoy. Abisyosong manunulat na intsik. Dagdag na kasiraan sa China. Pesteng manunulat. Synonyms: Super Cheap Chinese.

...nakabakasyon na ako ngayon... pero pahabol lang po...mukha yatang pinag-iinit kasi talaga ang ulo ko ng Cheap (Chip) Tsao na ito... ilang saglit pa lang ako nawawala meron na naman pa lang kalaban si SuperGulaman...wag kayong mag-alala, nakamasid naman ako sa mga kaguluhan na nagaganap... para malinaw ito po ang istorya na isinulat ng abisyosong Intsik sa isang arikulo sa isang magazine sa Hong Kong:

"The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That's no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

"But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don't flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

"As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.

"Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.

"Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout 'China, Madam/Sir' loudly whenever they hear the word 'Spratly.' They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, 'Long live Chairman Mao!' at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I'm not sure if that's going a bit too far, at least for the time being."

~~~****~~~
hindi ko alam ang tama nito sa utak at kung anu-ano ang pinagsusulat.... sa aking palagay hindi na ito usaping Spratly Islands... personal ang galit ni Chip Tsao sa mga Pilipino... hindi ko lang alam kung dahilan ito ng pagkaka-ban ng produkto ng China sa Pilipinas dahil sa melamine outbreak.... pero hindi siguro, meron pang mas malalim na dahilan... siguro nag-break sila ng syota nyang Pinay at halos sinumpa nya ang mga Pilipino... ang kanyang pahayag sa artikulong iyon ay malinaw na kaso ng "racial discrimination"... papuntahin yang Chip Tsao na yan sa Maynila at ng makita nya ang hinahanap nya... sa Hong Kong nakabase ang karamihan ng aming kliyente...kung kaya malaman ko lang na isa ka sa aming kliyente...humanda yang paper works mo....o baka naman startegy lang ito... publicity ba... pero magkagayunman, nagkamali sya ng binangga... Ako si SuperGulaman...Pinoy Ako! hindi makakapayag sa mga abusado, hindi kami papatalo... magaling ka man sa Kung Fu...sibat at pana ang katapat mo...

ayan tama na yan...inilabas ko lang ang init ng ulo ko...magbabakasyon na ako ulit... paalam po sa lahat.... ^_^


Linggo, Marso 29, 2009

...apila para sa masa...

Apila para sa masa...

mga kapamilya, mga kapuso...mga kaibigan, mga kaaway... mga kapatid na blogero't blogera... mga mambabasa... inyo pong ipagpaumanhin na ako'y pansamantalang mawawala sa himpapawid... bilang paghahanda sa nalalapit na kwaresma (*plastik*)... pero walang halong halong biro leave muna ako...ako muna ay pansamantalang mawawala sa mundong ito pero siguradong babalik ako dala ang masasayang kwento... ako'y mawawala ng ilang linggo...hindi ma-tetext o matatawagan ng kahit sino maliban sa Grasya.. mag-leleave ako sa trabaho, wala din ako sa bahay ko...

ngunit sa aking paglisan, sana ang pahinang ito'y wag kalimutan...na kahit papano ay dalawin nyo minsan...basahin ang ilang kwento na inalay sa sangkatauhan...

ito po ang mga kwento na maaring ninyong ikatuwa, ikagalit, kapulutan ng aral o kahit kaunting kaalaman...mga kwentong mula sa puso at hitik sa pagmamahal na alay ko sa buong mundo...para sa inyo...

Mga Sikreto ng Buhay
katinuan
uri ng mundo
kulay
siga o adik
i love you
wala
tao tao saan ka gawa?
usapang buhay
usapang itlog at manok
time for sale
silbi
world peace
first time mo?
ouch
seryosong usapan
world peace
malungkot masaya mataba payat

Maikling Kwento na medyo mahaba
lilok
lilok: ikalawang yugto
lilok: ang pagpapatuloy [1]
lilok: ang pagpapatuloy [2]
lilok: ang pagpapatuloy [3]
lilok: ang pagwawakas

Kwento Hango sa Buhay ni SuperGulaman
History of Super Gulaman
isang pagbabalik tanaw
ang tunay na siga
panyo
pelikula
sintang paaralan
wala lang
sino ang tamad?

Usapang Pag-ibig hango sa buhay ni SuperGulaman
tagapagpalaganap ng pag-ibig
salamat
babae sa jeep
regalo
limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman
kape sa tanghali

Mga Usapang Ayaw Mo
usapang kadiri
usapang kadiri (Part 2)
REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES
kalma lang boss
isang madugong labanan

kung kulang pa ang listahang ito...marami pa dyan sa baul ko... wala man ako ngayon, nandito ang mga kwento ko na makikibahagi sa bawat pagkakataon...
...inaasahan ko po na ang pahinang ito ay hindi malilimutan at kahit papano ay naging parte ako ng masasaya at makukulit ninyong mundo...hanggang sa muli... :)




Martes, Marso 24, 2009

...mismo!...

...alas cuatro y media na ng hapon...lulan ng pampublikong sasakyan...pauwi na ako mula sa trabaho... iba ang singaw ng init ng buong maghapong ito...mababa na ang sikat ng araw ngunit ang init nito'y nanunuot pa din sa balat...

nakakahapo ang dulot matinding sikat ng araw... nagiging dahilan iyon ng aking pagtakas sa tunay na daigdig at pamamasyal sa iba pang uri ng mundo... sa katunayan nadadalas na talaga ang aking pagtambay sa mundo ng imahinasyon... ngunit may magagawa ba ako?.. sa mundong ito kaya ko gawin ang anumang aking naiisin... kaya kong balikan ang mga masasayang nakaraan at mapangiti sa mga bagay na aking minimithi sa hinaharap...

...ngunit malungkot ang dala ng mainit na hangin na humampas sa aking mukha habang sakay ng sasakyan... "bakit ako nandito?".... "bakit hindi ko sya kasama?".. "malungkot"...sa aking pag-uwi pilit kong lilibangin ang sarili sa aking pamamasyal sa mundo ng imahinasyon at mundo ng makabagong teknolohiya upang makaligtaan ang katotohanang wala sa aking tabi ang aking pag-ibig...

"kamusta na kaya siya?"

...kasabay ng tanong na iyon, muli kong ginunita ang ala-ala ng nakaraan... muling ginunita ang mga panahong nandito sya sa tabi ko... ang mga panahon ng iyakan at yakap para sa suporta ng problemang kinakaharap... ang panahon ng tampuhan at pagkikipagbati... ang panahon ng lambingan na lubusang nagpapangiti sa akin... nakakatuwang balikan ang mga sandaling iyon... nakakatuwang balikan ang ginagawa nyang paghaplos sa aking noo sa tuwing nagagalit o naiinis ako.... masama daw kasi ang laging naka-kunot ang noo, tatanda kang tignan..napakasarap din pakinggan ang mga sermon paalala nya sa aking mga masasamang gawi tulad ng paghihilamos pagkatapos ng buong maghapon ng pagbabad sa harap ng computer, paglamon ng sobrang ma-kolesterol na pagkain at pagpapauto sa mga nangungutang...masama daw din kasi ang sobrang bait, maraming umaabuso...

...hinding-hindi ko din makakaligtaan ang kanyang pandaraya sa larong "thumb wrestling"... hinahanap-hanap ko ang kanyang pagkusot at pagtitig sa aking mata sabay sabing, "sana makuha ng magiging anak natin ang mata mo...".. nakaka-miss din ang kanyang ilong na lagi kong hinahagod at bilang ganti nya, pinipisil nya ang aking ilong kasabay din ng pagtakip nya sa aking bibig...tatawa sya kapag nakikita ka nyang nagpupumiglas ako at hindi makahinga...pero dagli syang titigil ng ngumingisi kasabay ang malabing na yakap... masarap ding balikan ang aming pag-uusap ukol sa aming plano sa hinaharap... ang 'di nya pagsang-ayon sa balak kong pagbuo namin ng isang pulutong ng mga anak...sabi nya dalawa lang daw... ang pangangarap naming dalawa na magkaroon ng sariling bahay na sa ngayon ay natapos na din namin ang dalawampung porsyentong paunang hulog... masarap ding balikan ang sabay naming pangangarap sa aming nalalapit na pagsasama....habangbuhay...

ngunit sa pagbaba ng aking ulirat sa reyalidad, tunay pa din na sa ngayon ay hindi ko sya kapiling... nakakalungkot... pero hindi ito sapat upang mapanghinaan ng loob... dahil kung sya nga ay hindi sumusuko, ako pa kaya... kung nalulungkot man ako dito sa sariling bayan...siya pa kaya na wala sa lugar na nakagisnan? kung nagawa nyang magsakripisyo para sa kanyang pamilya at para sa aming kinabukasan, magagawa ko ding magsakripisyo at maghintay sa muli nyang pagbabalik...

....totoo, mahirap ang mawalay sa minamahal...maraming alalahanin ang simisibol sa puso't isipan... kung minsan matatakot ka talaga, matatakot na baka magbago ang pintig ng puso niya... natatakot na mahulog ang loob nya din sa iba...natatakot na lubusan nyang makaligtaan ang inyong mga nakaraan, pagmamahalan at mawala na ang inyong mga pangarap....

...wala kang ibang panghahawakan kundi ang pagmamahal at tiwala sa isa't isa...ngunit sapat na ang mga ito at pananalig sa Dakilang Lumikha na hindi Niya kami pababayaan...

...isa...dalawa...tatlong ring ng aking telepono... tumatawag na ang na-mimis ko... ang aking Grasya.. abot batok na muli ang ngiti ko....

Biyernes, Marso 20, 2009

...alibata...

..."Pilipino ka ba?", tanong ko sa sarili ko...

..."Oo naman", mabilis kong sagot...

"Paano mo nasabi na Pilipino ka?"... Kayo, paano nyo nasasabi na Pilipino nga kayo?

...bukod sa ating pisikal na kaanyuhan na madalas napagkakamalan Indonesian o Malaysian, marami tayong mga katangian na halos kapareho ng ilang mga lahi sa buong mundo...kung may mga singkit sa China, sa Pinas meron din, kung may balbunin sa Espanya, sa Pinas meron din, kung may negro sa Africa, sa Pinas meron din, kung may maputi sa Amerika, sa Pinas meron din...ano pa nga ba ang pinagkaiba ng mg Pilipino sa ibang lahi kung halos lahat ng mga katangiang meron sila ay makikita mo din sa mga Pilipino?

....kung ating babalikan ang nakaraan ng mga tao sa Pilipinas (balik tayo sa ating lesson noong nasa grade school pa tayo)... sinasabi na ang unang tao daw sa ating bansa ay ang mga tinagurian Aeta na dumating sa Pilipinas sa papamagitan ng tulay na lupa...sa kasamaang palad, ang mga tulay na lupang ito ay ganap na din naglaho matapos ang tinatawag na "Ice Age"... sa paglipas ng panahon dumating ang mga Indones sakay ng mga sasakyang pandagat...sa kanilang pagdaong at paninirahan sa lupain ng bansa, itinaboy nila ang mga Aeta sa kabundukan...at sa pagdating ng mga Malay, tuluyan na ngang nagkaroon ng sistemang panlipunan sa Pilipinas...sa panahong ito nagsimulang mangalakal ang mga unang Pilipino, nagkaroon ng sining, edukasyon, sistema ng agrikultura, sandatahan, pulitika...oo tama! pulitika, hindi pa man dumadating ang mga Intsik, kastila, amerikano, hapones at iba't ibang lahi sa bansa may sarili ng paraan sa pamumulitika ang mga sinaunang Pilipino, sa katunayan.. Datu at maharlika ang taguri sa mga pinuno noon ng isang balangay...totoong mayaman sa kultura ang mga naunang Pilipino na patuloy ko pa din hinahanap sa bawat isa sa atin hanggang sa ngayon ngunit gahibla man, parang wala na yata akong maaaninag...

...sinasabi natin madalas na tayo ay Asiano, ngunit sa mga gawi, Asiano ba tayong maituturing? kung ating mapapansin Asiano pa din ang lahing ating pinagmulan ngunit tila ba kinain na tayo ng kultura ng kanluran... ilan na lang ba sa atin ang nakakaalam ng kwento ni Biag ni Lam-ang? ang nakakaalam sa itsura ng sarimanok at minokawa? ang naniniwala sa kapre, manananggal, tiyanak, nuno sa punso at tikbalang? may nakakakilala pa ba kay Kan-Laon? marunong ka bang magsulat gamit ang alibata?...hindi ko alam kung alam nyo pa ba ang mga bagay na yan...nakakalungkot lang din kasi isipin na tuluyan ng nawawala ang tatak ng mga Pilipino...tatak noong hindi pa naiimpluwensyahan ng mga mangangalakal at mananakop ng bansa...

...totoong Pilipinas ang pangalan ng ating bansa, ang sabi nila ito daw ay sinunod sa pangalan ng dating hari ng Espanya na si King Philip II... nagkataon nga lang ba ang pagpili sa pangalang "Pilipinas" at pagtawag sa mga maninirahan dito na "Pilipino"?... kung ating tatanungin ang aking propesor noon...sasabihin nya na ang pangalang Pilipinas at Pilipino ay sadya ng itinakda sa atin kasabay ng paglikha ng mga planeta sa kalawakan... ang Pilipinas ang siyang pinakamahusay na bansa sa mga bansa at ang Pinoy ay ang lahing angat sa iba kung kakayahan at katangian ang pag-uusapan...ibig sabihin ito ang Pilipinas ay "Pinili" at "Pinitas"...kung baga parang "chosen one" ang dating...ganun din daw ang mga naninirahan dito.. ang mga Pilipino... ang mga taong sadyang "Pinili" (chosen) at "Pino" (fine)... ibig sabihin bago pa man nadiskubre na bilog ang mundo, nakatakda na ang kapalaran ng mga Pilipino na sakupin ang sandaigdigan... ay oo nga pla, hindi bilog (circle) ang mundo...kundi isa itong bilugan (sphere)...alam naman natin na ang circle ay isang Euclidian figure na maaring ilarawan sa 2-dimensional plane at ito ay walang volume...ngunit ang sphere tulad ng mundo at maipapaloob sa isang 3-dimensional plane na may volume...bago lumayo ang usapan balik tayo sa kwentong Pilipinas at Pilipino...

...sa ngayon ang mga Pilipino ay hindi na puro (pure)...mixture of different races na ang mga naninirahan sa Pilipinas...nahalo na ngang tuluyan ang ating lahi...pati ang kultura ay lubusan ng nagbabago at magbabago pang muli sa patuloy na pag-inog ng mundo...sa kabila ng mga galing, kaalaman at talento na ating namana sa ating mga ninuno, naging pabaya tayo at hindi napahalagahan ang ating kultura...nawala ang Alibata...ang istilo ng pagsusulat sa pamamagitan ng natural na pamamaraan...ang mga titik sa Alibata ay kahawig sa Sanskrit na masasabi nating ito ay pagsusulat batay sa dikta ng kalikasan ay lubusan ng naglalaho sa Pilipinas...may ginawang pag-aaral ang aking propesor, si Ginoong Ghandi Cardenas na nagsasabi na ang bawat letra o titik ng Alibata ay ayon sa structure ng isang atom.... hindi ko pa nababasa ang pag-aaral na iyon...dahil kung totoo man iyon, ang mga sulatin noon na nasa ganitong paraan ng pagsusulat ay magkakaroon ng koneksyon sa ating hinaharap...

...totoong ibang-iba na ang Pilipinas ngayon...hindi na Alibata ang gamit natin...hindi narin ABAKADA ang gamit na may dalawangpu't walong letra kasama ang ñ at ng, kundi Alphabet na, na kung saan dalawapu't anim na lang ang titik at ito ay mula sa kanluran...

...wala naman talaga akong galit sa mga banyagang pumarito sa bansa...bagkus nagpapasalamat ako sa mga kaalaman na ating namana mula sa kanila...ngunit sana hindi naiwaglit ng mga Pilipino ang kanilang pagkakakilanlan... kung kaya saan man dako tayo ngayon ng mundo..ipakita mo na ikaw ay Pilipino...may sariling kultura...mayaman at totoo... ang pagsasalita sa wikang Filipino lalo na mismo sa loob ng ating bansa ay isang magandang halimbawa... pero bakit hindi ito ang nagyayari sa Pilipinas... hindi kasi natin batid na ang salita ay sadyang makapangyarihan...ito ang tumutukoy sa lawak ng teritoryo na nasakop ng isang lahi...halimbawa, ang amerika..maraming bansa ang naging sunud-sunuran sa kanila at kabilang dito ang Pilipinas... naging International Language ang English...isipin lang natin, paano kung Filipino ang naging International Language..siguradong walang Pilipino ang magmimistulang alipin sa dayuhang bansa...sa palagay nyo bakit nanatiling matatag ang ekonomiya sa Japan...dahil ba ito sa teknolohiya na meron sila? dahil ba sa aking talento na meron sila? hindi... dahil meron silang pagpapahalaga sa sarili nilang wika...

....hindi pa naman huli ang lahat...may mga pagbabago pang magaganap...

------------------------------------------------------------------------------------------------------
ito ang pagkakasalin-wika sa makabagong Filipino ng nakalimbag gamit ang ALIBATA:

O magsaya at magdiwang
Pagka't sumilang na
Ang Hari ng lahat
Ang Hari ng lahat
Kaya't ating buksan
Kaya't ating buksan
Ang pinto ng ating pagmamahal




Martes, Marso 17, 2009

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga!

nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha...

at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig...

bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi ang kanilang surname...si Quezon Avenue kaya kakilala nila?...aheks...juks... baka lumayo pa ang kwento, ito na ang batas ng tag/award ng ma-cute na batang si Stacey...

The Rules:
Copy the questions below. Simply use the first letter of your name/nickname as your answer for each questions. You can’t use any answer twice and don’t use your own name for questions # 3 & 4. After you’re done, tag 10 people.

1. What is your name : bhoyet
2. A four Letter Word : bill
3. A boy's Name : blade
4. A girl's Name : bless
5. An occupation : blind knife-thrower target (sa circus ito..ahehehe)
6. A color : bondi blue (blue green din yata yan)
7. Something you'll wear : brief
8. A type of food : baked macaroni
9. Something found in the bathroom : brush (maraming uri ito, depende kung para saan..)
10. A place : Basilan
11. A reason for being late : bwisit kasi ang trapik!
12. Something you shout : bwisit!
13. A movie title : bata-bata paano ka ginawa
14. Something you drink : buko juice
15. A musical group : Barbie's Craddle
16. A street name : branches st. (sa Project 8 yan)
17. A type of car : Buick Blackhawk
18. A song title: Binibini
19. A verb : basa (read)

at para sa tag/award na ito...ipinapasa ko ito sa lahat ng nasa blogroll ko..bahala na kayo kung kukunin nyo ito o hindi...walang magmumulto sa inyo...awwwooooo... :D

dumako naman tayo sa isa pang ma-cute na award/tag...ma-cute din ang nagbigay nito ngunit mas ma-cute ang baby nya...bleeehhh...si mommy kaye ng randomwahmtoughts ay aking pinasasalamatan para sa MGA award na ito... unahin na natin ang tinaguriang "Uber Amazing Blog Award".. ito po ang background ng tag/Award na ito:

UberAmazing Blog Award is a blog award given to sites who:
  • inspire you
  • make you smile and laugh
  • or maybe give amazing information
  • a great read
  • has an amazing design
  • and any other reason you can think of that makes them uber amazing!
* Copy the badge and put the logo on your blog sidebar or post.
* Nominate at least 5 blogs (can be more) that for you are Uber Amazing!
* Let them know that they have received this Uber Amazing award by commenting on their blog.
* Share the love and link to this post and to the person you received your award from.

hindi ko na ito i-kakategorya batay sa klase ng blog na katulad ng ginawa ni kaye dahil lahat kayo na nasa aking blogroll ay UBER AMAZING...hindi ko na po ito patatagalin pa...ito na po ang aking listahan:



Mi mundo del Amor
Easy Bingo
jigalbigal
Jen's Misadventures
kalyo galera
Filipina writes
Bottomless Coffee
tales of mArga's life
Simplymeeh!
NOT THE ONE WHO WOULD REMAIN "ANONYMOUS".
dungeOn
Breezing my confined emotions
Trip Ni Kosa
Halo Halo
HONIE'S CONFESSION
Blog ni ako
The Chook-minder's Quill
Hiraya: Endless Journey
On My OwN
payatot, lahat dito chubby
"panunumbalik ng ulirat"
penpusher
timawa
eRnz-eRnzQ
RealCashTips
Panahon ng Tag-araw
bhing-juandelacruz
"Silip..."
ablogslife
sOmewhere dOwn hEre
A Journey of My Simple Life

lio loco
Frog Princess
Isla de Nebz
naks naman
RandomWAHMThoughts
poging (ilo)CANO
Morgentau und Rosen
pinta_ng_aking_puso
Welcome to 2L3B's World...
LIFE'S A TWITCH
Treasure House
DarkRoom
Jhemsunshine of the spotless mind
Bomzz-in-Iraq
The Official Website of Stacey Joyce Tee
lipad kuto, lipad
Epistaxis
Damuhan: Blog ng Pinoy. Tambayan ng PInoy
All Knowing Superboi
just jhosel.
Mindless
KIkilabotz friendster blog
angGuwapongBlog
Perspektib
Life Is A Piece Of Keyk
Kwento ni Enday
pictures and more
NewsNTech Palace
GRACE UNLEASHED
Mundong Parisukat
my existence
vanvan
OKRAYPINAY
ORAKULO
Single and Lovin' It!
I'M ADDICTED TO YOU.......

DES per Ada ng Prinsesa
kundiman[dot]net

simplefula09
Dark Corner
s i m p l y ME . . .
blog ni biBa
Mike Avenue's Pinoy Blog
The Cookie Jar
Marvz18
Niche Keywords
SaM's Xin Wo
STEAL MY WORDS
It's okay if I got hurt,as long as I'm doing, what is BEST for the one I LOVE. :)
one day in summer's bio
an_indecent_mind

KLASRUM NI PAJAY
StylishchiicQ
SupEr pat
lownous
JETTRO'S HANG OUT
Why me?

ღMy Confessionsღ
MY FIRST AND LAST LOVE...
Online Trash Can
Semua Informasi Layanan Data
Basta...
MANIKANG PAPEL
NURSE ON LEAVE
Anak Pemangkat Blog's
The Chronicles of the Wandering Princess
BLANGKO
☆ gLiTteR mInDeD☆
Bb. Alindogan
Yods a.k.a. Boy PUTO
FeedBulletin for: skbh12

mp3musiclyrics-arah

Kung hindi nyo po makita ang pangalan ng inyong blog sa aking listahang iyan, hindi po iyon nangangahulugan na hindi UBER amazing ang inyong blog...dahil naniwala ako na ang lahat ng blog na aking nadaanan ay talagang kahanga-hanga sa sariling paraan ng may likha...mangyari lamang po na ipagbigay alam ito sa akin kung wala po kayo sa aking listahan... ito po ay hindi ko sinasadya dahil na-reset pong bigla ang aking blogroll ng maging dot com na po tayo...patawad... ngunit kung kayo ay nasa listahang iyan maari nyo na pong kunin ang tag/award na ito...bahala na kayo mag-isip kung pilitan ito o hindi...ahehehe...

ngunit hindi pa din po diyan nagtatapos ang malufeeeeet na awards night na ito...tinalo ko pa talaga ang mga nanalo sa academy at oscar awards sa parangal na binahagi ni mommy kaye ng randomwahmtoughts ...salamat ulit sa "Friendship Award"...

simple lang naman ang hiling ng Award na ito...at yun ay palaganapin ang pakikipagkaibigan sa mundo ng mga blogero at blogera...ito po iyon:
Deliver this award to those bloggers who must choose at least 5 more and include this cleverly-written text into the body of their award.
salmat sa pakikipagkaibigan at muli ang award na ito ay binibigay sa lahat ng aking nailistang blogs sa itaas...

syempre hindi mawawala ang "LEGS tag" nila Lord CM at Amor ... 'yan ang hilig nyo ha? ibbigay ko ngayon ang inyong hilig...ahehehe... pasensya mga chong hindi ko masabi ang cute sa inyo katulad ng kila Stacey at Kaye... hindi kasi bagay parang bading ang dating...ahehehe... kaya ito na lang: salamat sa inyo POGING LORD CM at POGING Amor...dapat ba pogi din si Amor?... ahehehe...sige na nga ma-cute na Amor, salamat... :D...ito na ang aking legs kasama ang bagong biling medyas... ahahaha... inyong matutunghayan ang mabalahibo kong hita...bwahahaha!



ayan ang iba't ibang pose ng pata ng superhero...subok na mabalahibo, subok na mapata... panlaban yan sa kahit anong digmaan... ahahaha!... at ngayon ipapasa ko din ito sa lahat ng nakalista sa itaas...damay-damay na ito... aheks...

muli ako'y nagpapasalamat sa lahat...

whew!

2010 Philippine Election FINAL Results [Latest]

[UPDATE 6] as of 5:15 PM June 08, 2010 announced by: ABS-CBN



[UPDATE 5] as of 5:15 PM May 18, 2010 announced by: ABS-CBN

President

Vice-President

Senators


[UPDATE 4] as of 3:48 PM May 17, 2010 announced by: ABS-CBN

President


Vice President


Senators



[UPDATE 3] as of 2:17 PM May 13, 2010 announced by: ABS-CBN

President


Vice-President


Senators






[UPDATE 2] as of 3:29 PM May 12, 2010 announced by: ABS-CBN

President



Vice-President



Senators





[UPDATE 1]
announced by: Bombo Radyo Philippines

Lunes, Marso 16, 2009

...wala akong medyas!...

lunes ngayon...isang magandang araw para simulan ang buong linggo kung kaya kagabi pa lang maaga na akong natulog upang makapasok din sa opisina ng maaga... katulad ng nakasanayan ko alas-cuatro y media palang ng umaga ay gising na ako at nagsisimula ng gumayak...may mainit na din na kape na inihanda ang aking nanay...oo tama laging nauuna magising ang nanay ko, hindi ko matatalo ang record nya sa paggising ng maaga...nakasanayan na nya din yun dahil sya ang mistulang alarm clock ng tatay ko noon upang gisingin nya ito para pumasok sa trabaho...sa palengke nagtratrabaho ang tatay ko noon kaya alas-tres pa lang dapat handa na ang lahat...

maayos naman ang naging tulog ko, kumpleto o baka nga sobra pa...tinignan ko ang aking cellphone...."mmmmmhhhhh, anim na miskols mula kay Grasya"...syempre nagmiskol na din ako para sabihing, "mahal, gising na ako"...matapos ang matagal na paghigop ng kape, sinimulan ko ng ayusin ang aking gamit...brief, towel, panyo, damit, pantalon, sabon, deodorant, pabango, sumbrero at syempre pulbos...hindi ako nabubuhay ng walang J&J baby powder...wag kang matawa, totoo yan...halos kumpleto na ang aking gagamitin ng mapagtanto ko ang kulang...sapatos at medyas...tinungo ko ang lagayan ng aking mga sapatos...kinuha ang rubber shoes sa halip na leather ang gamitin ko... mas feel ko ang rubber shoes pangpasok sa opisina...kumportable...

naghanap na din ako ng medyas...

...takte! wala akong medyas na matino kahit isang pares...naghalungkat ako at halos gumuho na ang buong kwarto sa kakahanap ko...tinanong ko ang nanay ko kung nasaan na ang mga medyas...ang sabi nya nasa cabinet ko lang naman daw lahat... pero wala nga... at sa pagkakataon iyon tsaka lamang namin napagtanto na tinangay iyon ng aking magaling na kapatid...linggo ng gabi ng umalis iyon sasama daw sya ng kabarkada nya sa probinsya ng isang linggo... nagpaalam naman na aalis ngunit hindi nagpaalam para sa mga gamit ko...pero nagtira naman sya ng isang pares kaso ginamit na niya iyon at hindi nilabhan...takte na yan!...kinalma ko ang sarili ko at sinabing, "cge tsinelas na lang ang gagamitin ko pagpasok sa opisina"... oo nga pala ok lang naman ang pumasok dito sa aming opisina ng naka-tsinelas basta hindi ka lang magmumukhang pulubi...

sinimulang ko na ding hanapin ang aking tsinelas... takte! wala din!... at tanging ang mukhang pulubing tsinelas ng aking magaling na kapatid ang naiwan sa labas, ibig sabihin dinala nya din iyon... nasira na talaga ang maagang gising ko...namroblema na talaga ako...maaaring natatawa ka sa problema ko...pero paano ka naman papasok sa opisina ng walang sapin sa paa...takte na yan!

...masyadong malupit ang kapatid kong ito, pati ang nanay ko umuusok na din ang ilong sa galit...sobrang pasaway...hindi ko alam kung may koneksyon ang pagiging junior nito... na lahat yata ng masasamang gawi ng aking namayapang ama ay namana nya... una, tamad mag-aral, may utak naman.. elementary magaling sa klase may honor nga eh... pero grade 3 pa lng ito, magaling na sa tong-its...grade 5, sobrang husay na sa mahjong...ako nga eh hindi marunong nito...pati ang pagkapa sa pitsa sobrang husay...grade 6 pa lang wala ng inatupag kundi mambabae hanggang maka-graduate ng highschool, pangbabae pa din ang ginawa...pinapasok sya sa kolehiyo ng ate ko...humihingi sya ng pera para daw sa mga libro, pero ni isang libro wala akong nakita...unang semestre pa lang ng klase ilang libong piso na ang naiwaldas ng ate ko para sa kanya...kaso walang inuwing assignment kung pangalan ng mga babae, upos ng sigarilyo sa bulsa at botelya ng alak ang laman ng utak...kaya nung sumunod na taon istambay na lang sya muna...hindi pag-aaralin hanggang hindi tumino...sa ngayon hindi ko pa alam kung matututo sya ng leksyon...kailangan maging handa sya sa galit ko dahil sa pagtanggay nya sa aking personal na gamit...mabait akong kapatid, hindi naman ako nagagalit dahil wala akong magamit...nagagalit ako dahil kinuha nya iyon ng walang paalam... wag lang siyang magkakamali ng pagsagot sa akin at muli nyang matitikman ang aking malutong "rageful blow".

pero yun nga no choice...kung kay kinuha ko ang rubber shoes, ginamit ko iyon ng walang medyas na suot at umalis na din ng bahay...sa jeep nagmuni-muni ako sa kasasapitan ko sa buong linggo pagwala akong medyas... kawawa ako nito baka mapuno ng paltos ang aking maselan na paa...

...sa opisina naman, isang pasaway na kliyente mula Hong Kong ang aking sinagupa...mantakin ba naman na magpagawa din sya report tungkol sa kanyang personality...takte! personality nga eh, anong alam ko sa personalidad nya, hindi naman kami close... pero wala akong magawa dahil ako na din ang gumawa ng mga company reports nya noon at regular client yun kung kaya pinagbigyan ko na din... habang ginagawa ko ang report nyang iyon, nakaisip ako ng solusyon sa problema ng nawawala kong medyas at tsinelas... naalala ko ang aking butihing estudyanteng kapatid na dadaan ng mall..dagli akong tumawag sa bahay at nagbilin na bilhan nya ako ng dalawang pares ng medyas at isang tsinelas sa aking paboritong botique...solve ang problema ko...

...bago pa man matapos ang alas-dos ng tanghali tapos na ako sa aking trabaho...maya-maya lang may nagpop-up na mensahe mula sa aking yahoo messanger...huwaw! ang aking grasya... at kahit medyo delubyo ang umaga ng araw na ito...nababawi naman ito ng aking pakikipag-usap kay Grasya...ngunit sa aming pag-uusap, biglang hindi na sya nakakasagot ng ilang minuto, paputol-putol ang aming pag-uusap..sinabi nya na naghahang ang gamit nyang laptop...gusto kong matawa ng oras na iyon dahil parang sinusukan ako ng pagkakataon...pero kahit papano naging mahaba naman ang aming kwentuhan... kaso nga lang tuluyan na din nawala ng koneksyon noong magpapalam na ako, hindi man lang ako nakakapag "I LOVE YOU", nadisconnect na.... buhay nga naman ohh...

...ngunit magkagayun man, pinilit ko naman tumawag sa mobile phone ng Grasya para makabawi sa naputol na koneksyon...kaso busy ang linya...busy...busy... ibababa ko na sana saglit ang aking cellphone ng bigla itong mag-ring... mahaba ang ring... kala ko miskol lang... sobrang haba..sinagot ko na... ang Grasya yun, nag-alala din sya dahil hindi man lang din daw sya nakapag-paalam ng maayos...at hindi pa sya nakakapagbilin sa akin tulad ng "mag-iingat ka ha?, diretso sa bahay at pag nasa bahay ka na wag mong kakalimutan magmiskol"... at ang mga paalalang iyon ang isa mga dahilan kung bakit sobrang mahal ko sya...bukod sa matatamis na i love you... napasaya pa din nya ang buong araw ko ng sabihin nyang "Yet, umuwi ka na...alam kong lagi kang umuuwi ng maaga, hahanapin ka ng nanay mo pag-late ka umuwi, mamaya tumawag sa akin iyon at magsumbong na nambabae ka pa, eh na-late ka lang naman dahil nag-chat tayo...ahihihi"...aheks...

...nakakapagod ang buong maghapon na ito...ngunit natapos ko naman ito ng maayos at may ngiti sa labi... ibang klase talaga ang Grasya...laging nandyan siya para mapangiti ako at dahilan din iyon magkaroon ako ng magandang tiwala para sa kinabukasan...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~******************~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



ang simbolong ito ay tanda ng pakikiisa kay yanah...kasama ng panalangin, hiling ay magandang biyaya para sa iyo at para sa iyong mga anak...Go Yanah!


Biyernes, Marso 13, 2009

...ikalawang ginto...

...matagal na din ang panahon na nakaraan ng simulan ko ang pagbuo sa blog na ito... taong dalawang libo't pito sa unang araw ng buwan ng Marso ng simulan kong buuin ang blog na ito at lagyan ng unang entrada, isa itong panalangin... tama! halos dalawang taon na din ang nakalilipas... ngunit sadya yatang naging abala lamang ako sa ilang mga bagay-bagay at hindi ko ito ulit napag-ukulan ng pansin...lumipas ang halos isang taon bago ko ulit malagyan ng bagong entrada...ang totoo nyan taong dalawang libo't walo sa ika-pitong araw ng buwan ng Perbrero na ng makapaglagay ako ng bagong kwento... pinilit kong magsipag-sipagan ng mga panahong iyon, ngunit sadya yatang makapangyarihan ang katamaran..wala ding nangyari at ang sumunod na entrada ay Agosto na ng nasabing taon... sa panahong ito, pinalitan ko na din ang pangalan ng aking blog mula sa MadalikasiAko.blogspot.com hanggang sa maging SuperGulaman.blogspot.com na ito...at ngayon nga isa na tayong ganap na SuperGulaman.com...

maaaring maitatanong ninyo kung bakit MadalikasiAko.blogspot.com ang naunang pangalan nito? at yun ay sa kadahilanang MADALI, ang aking apelyido... ibubulgar ko na ito... kaunti lamang ang may ganyan apelyido sa buong mundo at madali nyo akong matutunton... pero ayos lang dahil pagnagkita na tayo, uutangan ko na lang kayo... ang mga Madali ay tubong Romblon katulad ni NVM Gonzales (hindi ko sya kamag-anak)... ngunit magkagayun man hindi ko man lamang natutunan ang diyalekto nila dahil sa Kyusi (QC) na ako nagkaugat at tumubo... bagama't mukhang imposible ninais ko pa din matutunan ang gintong diyalekto ng aking namayapang ama... sa ngayon, may ilang salita na akong natutuhan, at ito din ay mula sa tulong ng aking isa pang biyaya... ang aking pinakamamahal na Grasya...

...ikalawang ginto... ang sabi sa mga lumang kwento, ang mga nilalang na nagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ay bibigyan ng mga ginto bilang isang regalo... sa mga kasal, "golden anniversary" ang kanilang taguri sa kanilang ika-limampung anibersaryo... at ngayon nga, ito na ang aking ika-isang daang entrada, ang pagdiriwang ng ikalawang ginto ng aking mga entrada... nakakatuwang isipin na umabot na ako sa aking ika-isang daang entrada sa kabila ng aking katamaran...at sa pagkakataong ito'y dalangin din na sana ay hindi na ako dapuan ng sakit na "katam"...nawa'y magpatuloy ang aking kasipagan kung kasipagan man itong maituturing...

...sa mga naging bahagi ng blog na ito, nais ko kayong pasalamatan...ngunit hindi ko na din babanggitin ang inyong mga pangalan dahil baka ako ay may mawaglit at ito ay magdamdam... sa lahat ng mga mambabasa at kapwa blogero't blogera...maraming-maraming salamat po sa pakikibahagi sa mga imahinasyon at buhay ni SuperGulaman...

Hayaan ninyo't patuloy pa sa paglipad ang superhero ng masa, tara na at sumama...SuperGulaman!




Martes, Marso 10, 2009

2010 Philippine Election Initial Results

[note:] Updated hourly (as of 15:57 Philippine Standard Time, May 11, 2010.)

Official COMELEC tally

The latest partial official results of 2010 National Elections from the Commission on Elections (Comelec).  [87.75% of ERs]

Presidentiables
1 AQUINO, Benigno Simeon III C. 13,449,957
2 ESTRADA EJERCITO, Joseph M. 8,552,644
3 VILLAR, Manuel Jr B. 4,863,901
4 TEODORO, Gilberto Jr. C. 3,591,940
5 VILLANUEVA, Eduardo C. 1,000,879
6 GORDON, Richard J. 455,710
7 ACOSTA, Vetellano S. 160,068
8 PERLAS, Jesus Nicanor P. 47,866
9 MADRIGAL, Jamby A. 41,087
10 DE LOS REYES, John Carlos G. 39,151


Vice Presidentiables
1 BINAY, Jejomar C. 13,141,967
2 ROXAS, Manuel A. 12,343,714
3 LEGARDA, Loren B. 3,693,086
4 FERNANDO, Bayani F. 915,080
5 MANZANO, Eduardo B. 690,980
6 YASAY, Perfecto R. 323,239
7 SONZA, Jose Y. 56,314
8 CHIPECO, Dominador Jr F. 46,416


Senatoriables
1 BONG REVILLA, Ramon, Jr. B. 17,337,624
2 ESTRADA, Jinggoy E. 16,953,592
3 DEFENSOR SANTIAGO, Miriam P. 15,504,061
4 DRILON, Franklin M. 14,207,671
5 ENRILE, Juan Ponce -. 14,018,501
6 CAYETANO, Pilar Juliana S. 12,269,073
7 MARCOS, Ferdinand, Jr. R. 11,804,981
8 RECTO, Ralph G. 11,096,537
9 SOTTO , Vicente III C. 10,639,832
10 OSMEÑA, Sergio III D. 10,432,607
11 LAPID, Manuel M. 9,779,751
12 GUINGONA , Teofisto III D. 9,230,475
13 HONTIVEROS-BARAQUEL, Ana 8,201,676
14 BIAZON, Rozzano Rufino B. 7,739,342
15 DE VENECIA, Jose III P. 7,470,508
16 REMULLA, Gilbert Cesar C. 6,728,046
17 LIM, Danilo D. 6,571,193
18 ROCO, Sonia M. 6,084,469
19 QUERUBIN, Ariel O. 5,876,604
20 PIMENTEL, Gwendolyn D. 5,707,217
21 ACOSTA, Jr. Nereus O. 5,318,702
22 LACSON, Alexander L. 4,688,123
23 TAMANO, Adel A. 3,611,414
24 OSMEÑA, Emilio Mario R. 3,518,442
25 MAZA, Liza L. 3,471,298
26 OCAMPO, Saturnino C. 3,186,166
27 TATAD, Francisco S. 2,994,451
28 LOZADA, Jose Apolinario Jr L. 2,460,807
29 MITRA, Ramon B. 2,446,862
30 LANGIT, Rey M. 2,397,732
31 BELLO, Silvestre III H. 2,202,701
32 LAO, Yasmin B. 1,819,630
33 PAPIN, Imelda A. 1,751,714
34 OPLE, Susan V. 1,733,242
35 BAUTISTA, Martin D. 1,682,479
36 PLAZA, Rodolfo G. 1,365,552
37 BAUTISTA, J.V. L. 1,252,580
38 GUICO, Ramon, Jr. N. 1,078,292
39 LAMBINO, Raul L. 978,247
40 VILLANUEVA, Hector L. 863,194
41 OCAMPO, Ramoncito P. 836,782
42 INOCENCIO, Ma. Katherine L. R. 791,926
43 PALPARAN, Jovito Jr S. 723,349
44 TINSAY, Alexander B. 649,566
45 TAMAYO, Reginald B. 602,693
46 ALONTO, Zafrullah M. 601,542
47 ESPINOSA, Nanette M. 528,833
48 MAAMBONG, Regalado E. 475,533
49 DAVID, Rizalito Y. 438,730
50 ALBANI, Shariff Ibrahim H. 423,670
51 VIRGINES, Israel N. 401,216
52 PAREDES, Zosimo Jesus II M. 386,147
53 SISON, Adrian O. 367,663
54 PRINCESA, Reynaldo R. 320,307
55 IMBONG, Jo Aurea M. 316,392
56 NIKABULIN, Adz G. 302,665
57 CAUNAN, Henry B. 209,085
58 VALDEHUESA, Manuel Jr E. 177,762
59 TARRAZONA, Hector M. 146,885
60 RIÑOZA-PLAZO, Maria Gracia D. 135,132
61 LOOD, Alma A. 111,202

NAMFREL

President
AQUINO, Benigno Simeon III C.
14.73%
ESTRADA EJERCITO, Joseph M.
8.47%
VILLAR, Manuel Jr. B.
3.75%
TEODORO, Gilberto Jr. C.
3.34%
VILLANUEVA, Eduardo C.
1.00%
Vice President
BINAY, Jejomar C.
13.24%
ROXAS, Manuel A.
12.81%
LEGARDA, Loren B.
2.52%
FERNANDO, Bayani F.
1.90%
YASAY, Perfecto R.
0.27%
Senator
ESTRADA, Jinggoy E.
39.48%
BONG REVILLA, Ramon, Jr.
36.75%
DEFENSOR SANTIAGO, Miriam P.
36.30%
DRILON, Franklin M.
35.22%
ENRILE, Juan Ponce
33.30%


MORE RESULTS (PPCRV): CLICK HERE
COMELEC RESULTS: CLICK HERE

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!)

Babae,
babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban...

kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwan ka na ng iyong pinakamamahal na si lalaki... ano na nga ba ng balita? sumakabilang buhay na ba sya o sumakabilang bahay na?

...batid ko ang iyong dusa, tiyaga at kakaibang saya noong pinagbubuntis mo ang iyong supling...siyam na buwan sa sinapupunan ay hindi birong mga numero upang makapiling ang isang biyaya...hindi matatawaran ang iyong mga nagawa ngunit sa kabila n'yon nasaan na si lalaki bakit hindi ka man lang nya matulungan o kahit na samahan?... kung sabagay mas mabuti ng wala sya sa tabi mo, kaysa naman pang-aalipusta at suntok sa mukha at iba pang parte ng katawan ang abutin mo katulad noon pag kayo'y nagtatalo...hindi ka na nga nya minahal, sinasaktan ka pa... nasaan na ang mga matatamis na pangako noong nanunuyo pa lang siya sa iyo?...nasaaan na?

...babae, hindi ito ang dapat mong sapitin...hindi suntok at sakit sa katawan ang dapat sa iyo kundi pagkalinga...hindi ka dapat binabalewala kung maaari nga lang dapat ikaw ang prinsesa... hindi ka dapat nasasaktan bagkus inaalayan ng buong katapatan... babae mahalaga ka, sana maniwala ka... hindi ka lang parausan ni lalaki at magsisilbing kanyang laruan lamang... tao ka at may dangal ding dapat igalang at pag-ingatan... hindi ka gamit na pag pinagsawaan na ay pwedeng ng itapon...hindi...hindi dapat ito, pagmamahal na tunay ang dapat na para sa iyo...

'SuperGulaman

Linggo, Marso 8, 2009

...balanse...

...ang susunod po na aking ibabahagi ay batay sa laman ng aking imahinasyon at malayong-malayo sa aking tunay na paniniwala...

...pamilyar na po ba tayo sa konsepto ng "rationality"... ang konseptong nagbibigay buhay sa lahat ng ideya... ang konseptong dahilan ng mga batas sa mundo... ang konseptong nagpapataas sa uri ng tao kumpara sa ibang hayop sa mundo... ang konseptong nagdedetermina ng tama at mali... ang konseptong naging dahilan ng maraming tanong...ang konseptong dahilan ng maraming sagot na hindi mo alam kung tama o mali...ang konseptong naging ugat ng katalinuhan ng tao na sumusira sa balanse ng mundo... ang konseptong dahilan kung bakit ka tinawag na tao...

...isa nga bang biyaya ang "rationality" para sa tao? o ito ba ang maaaring maging dahilan ng pagkasira mo, tao?... kung wala ang "rationality", ano na kaya ang naging kalagayan ng tao? ano na kaya ang nangyari sa mundo?... siguro wala na ang kasamaan... pero wala na din ang kabutihan.. malaya kang gagawin ang iyong gusto... ang lahat ng iyong nanaisin ay iyong makakamit... walang problemang iisipin at magiging ganap ang iyong kalayaan... hindi mo na sasabihin na masama ang pagpatay ng kapwa upang mabuhay dahil hindi na uso ang pagdadahilan... hindi mo na rin iisipin ang mga bagay na ito katulad ng ginagawa mo ngayon... hindi mo na din malalaman kung mali o tama ang iyong ginagawa at tanging puso mo na lamang ang iyong magiging armas para mabuhay... mawawala na din ang mga batas at mga parusang nababawal sa iyo na gawin ang mga bagay na nanaisin mo...at sa pagkakataong ito hindi masisira ang balanse nag mundo dahil ang lahat ng mangyayari ay naaayon sa natural na pamamaraan...

...ano na nga ba ang dala ng "rationality" sa tao?... nagkaroon ang tao ng kakayahan na malaman ang pagkakaiba ng tama at mali.. nagkaroon ng basehan para gawin o hindi gawin ang isang bagay... nagkaroon ng kaalaman para hindi masira ng tuluyan ang balanse ng mundo... at sa balanseng iyon, doon nagtatalo at nagbabanggaan ang konsepto ng duality, ang liwanag at dilim... ang tama at mali... ang masama at mabuti.. kailangan balanse, walang makakalamang... pero ano na nga ba ang meron sa mundo... ang sabi ng karamihan ng mga taong may matinong pag-iisip sa mundo, kailangan kabutihan ang mamayani... kaso paano na ang mga masasama? ...paaano na ang balanse?

Biyernes, Marso 6, 2009

...sulat kamay...

sabado ngayon... weeepeeee... isa sa pinakamasayang araw ito... bukod sa walang pasok... at ngayon ay ika-pito ng marso... batiin nyo naman kami... weeepeeee.... 5th anniversary na namin ng grasya... bagama't malayo ka ngayon... at wala man lang akong gift na kahit na ano, nandito lang naman ako para sa'yo... hindi mawawala, hindi maglalaho... hayaan mo't magkikita na din tayo... magkakasama at di na magkakawalay pa...

anyway, speaking of gifts...madalas ang gift ko kay grasya ay mga cards, love letters... hindi dahil sa kuripot ako at puro cards na lang lagi, sinasamahan ko naman yun ng ibang gifts...kahit noong nandito pa sya sa 'pinas laging hindi ko sya kinakalimutan ng bigyan ng cards kasama ng iba pang mga gifts... at kahit nasa dubai na sya nagbibigay pa din ako ng cards sa tuwing may pagkakataon... alam kong iba pa din kasi ang dating ng sulat kamay...kasya sa mga letra mula sa keyboard...

...at kung paano ko pinahalagahan ang sulat kamay, ginawa ko din ang isang tag mula kay kaye ng randomwahmthoughts, ang aking dating ka-ofizmate na may ma-cute na baby... kamusta naman ang buhay sa baguio kaye?... kung tutuusin medyo pahirap ang tag na ito dahil kakailanganin mo ng isang scanner pero kung wala pwede na ang camera na lang...digicam o kaya webcam...

ito po ang rules kung paano gawin ang tag na ito...

1. Write down who tagged you.
2. Answer these:
  • your name / username / pseudo
  • right-handed or left-handed?
  • your favorite letters to write?
  • your least favorite letters to write?
  • Write “The quick brown fox jumps over the lazy dog.”
3. Tag five persons.

at katulad ng inyong nakikita sa larawan, yan po ang sulat kamay ni supergulaman... akin na po itong ipapasa kina gelene, vanvan, jhosel, yanah at enjoy.

Linggo, Marso 1, 2009

...mapalad silang wala sa katinuan...

...lulan ng pampublikong sasakyan, minamatyagan ko mula sa bintana nito ang isang taong grasa...isang taong grasa na wala na sa katinuan...masaya siyang kinakausap ang sarili...walang bahid na alinlangan sa mga bagay na nais nyang gawin... gusto ko siyang kaawaan ngunit natutuwa lang ako siyang pagmasdan... nakakaawa nga ngunit sa kabila niyon nakadarama din ako ng pansamatalang inggit sa kanya..."mabuti pa sya hindi na nya pasan ang problemang ng mundo, hindi tulad ko at tulad mo na nabubuhay sa mundong hindi alam kung saan tutungo..."... matino nga tayo...alam natin ang tama at mali...pero malaya ba tayo?... hindi...dahil alam natin ang limitasyon natin...at hindi natin magawang makaalpas sa limitasyong iyon dahil maaaring magdulot ito ng pagkasira ng ating pagkatao o ng ibang tao...

...nakalagpas na ang aking sinasakyan, ngunit hindi pa din mawala ang kanyang imahe sa aking ulirat...ang ngiti sa mga labi na walang halong pagkukunwari, maaring may malungkot siyang nakaraan, ngunit ngayon nakalaya na siya...hindi na alintana ang panganib ng mundo, walang problema ang hindi na niya kayang harapin, wala na din ang damdaming nasasaktan, walang alalahanin sa buhay, hindi na din nya batid ang mga panghuhusga ng mundo... tanging mga alaala na lang iyon sa kanyang isipan...

...hindi ko alam kung naiintindihan nyo ang gusto kong ipabatid, ang inggit na aking nadarama sa mga taong wala sa sariling isip...mabuti pa sila malaya na...tayo kaya, kelan?
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Absolute Value Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Avoid Negativity Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless get real gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran Irrationalget isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan math Math is Life mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pi Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural ta tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang Tangent Line tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...