Lunes, Abril 27, 2009

...tao..

naniniwala ka ba sa multo?...

"errrr, hindi ko alam...bagamat nakakaranas ng mga kakaibang bagay, minsan hindi ko pa din ito mapaniwalaan o minsan ayaw ko na talaga syang paniwalaan..."

naniniwala ka ba na may kaluluwa ka?...

"uummmm, meron siguro..."

eh sa espiritu, naniniwala ka ba?

"oo naniniwala naman ako, kaso nga lang ang definition na binigay para dito ay hindi ko maunawaan..."

"pero teka, bakit ang hangin, hindi mo naman nakikita ei naniniwala ka pa din?"

"...hindi mo man nakikita ang hangin, nadarama mo naman ito sa iyong balat...bukod dito, iyong makikita din ang komposisiyon ng hangin gamit ang isang materyal sa mundo...ang mikroskopyo..."

...tunay ngang may mga bagay sa mundong ito na hindi man abot ng ating mga pandama (faculty of senses)(**) ay sadya natin itong pinaniniwalaan... at ito ay nakadepende na din sa dalas ng ating pakikisalamuha sa mga bagay na hindi pangkaraniwan...alam natin na hindi lahat ng tao ay naniniwala sa multo, kaluluwa o maging sa espiritu...bakit? ...hindi daw kasi ito natin nakikita... kahit pa na gamitin natin ang ating mga "karamdaman" tulad mata, ilong, dila, tenga at balat, hindi pa din natin ito maipapaliwanag ng abot sa pananaw ng isang normal na tao...

...sa kabila ng limitasyon ng kakayahan ng tao na hindi maipaliwanag ang mga kakaibang bagay sa mundo...noon pa man, maging sa panahon pa ni Hesukristo...marami na din ang naniniwala na may multo...ito ay pinatunayan noon mamatay at muling mabuhay siya..ito yung kinukumbinsi nya ang isa sa kanyang alagad na sya ay muling nabuhay at kanyang ipinahawak ang kanyang mga sugat sa katawan...

....ang mga kaluluwa sa kabilang banda ang isa sa mga bumubuo sa komposisyon ng isang tao... ito din ay kadalasang tumutukoy sa espiritu, likas na sarili at pagkakakilanlan ng isang tao.... kung inyong matatandaan, sa aking nakaraang akda na tinaguruan kong "tao, tao saan ka gawa?" ay binanggit ko na ang tao nga ay maaring nagmula sa "tuldok"... ngunit may katotohanan din na hindi lamang ito ang bumubuo sa tao...sa inyong palagay kung puro tuldok lamang ang komposisyon ng tao...magiging tao kaya syang matatawag o maituturing?...syempre hindi, dahil hindi lang ito ang bumubuo sa tao....bukod sa mga elemento na tinutukoy ng siyensya...may mga elemento na bumubuo sa tao na hindi matutukoy ng tao...ito ay ang kaluluwa...ang ating espiritu..

"kung bibiyakin ko ang dibdib, makikita ko ba ang iyong kaluluwa?...kung hahatiin ko ang iyong ulo, makikita ko ba ang iyong kaluluwa...?" (from Ulquiorra of Bleach)

...medyo natakot ako sa eksenang iyan...pero tama hindi ba... na kahit 'anong sira natin sa katawang pisikal...may komposisyon ang tao na hindi kayang wasakin ng materyal na bagay sa mundo....

...magkagayun man, maaaring masira ang kaluluwa sa pamamagitan din ng mga bagay na iyong makikita sa mundo...."ang kasamaan"...ngunit huwag din matakot dahil may bagay din na tutulong upang maisalba ang ang biyayang kaluluwang meron tayo...at ito ay sa pamamagitan ng "kabutihan"...

...mapalad ako, mapalad ka...mapalad tayo....sana matutuhan natin mapahalagahan ang biyayang meron tayo...maliit man o malaki...nakikita man o hindi...sana pahalagahan natin ito...huwag sirain para sa sarili mo, sa kapwa tao, sa paligid mo...at para sa may likha ng mga biyayang ito...

(**)wala po itong direktang salin sa tagalog, maging si Balagtas ay ginamit ang mga salitang "limang karamdaman" sa kanyang aklat na Florante at Laura upang ilarawan ito.



Linggo, Abril 26, 2009

..walong palakaibigang adik...

warning: medyo mahaba po ang entry na ito....magkagayunman...pakibasa naman po..parang awa nyo na... aheks...

inyo pong ipagpaumanhin ang hindi ko masyadong paglilibot sa inyong mga blogs...sobrang naging busy po ako sa trabaho at sa mga ilang bagay at gawain na dapat kong gampanan para sa aming kinabukasan...babawi po ako susunod... ^_^

ito na po ang "walong palakaibigang adik"...

~~~***~~~
The 8 Tag
simple lamang po ang tag/award na ito..kailangan lamang maglista ng mga 8 bagay katulad ng ginawa ko po sa baba... hindi po ako ang orihinal na may gawa nito...ito po ay mula kay Kaye ng RandomWAMH Thoughts...salamat po...ngunit sa kasamaang palad, wala pong ginawang logo para dito...kaya pinakialaman at pinangunahan ko na...

8 Things I'm Looking Forward To:
  1. ...syempre anu pa nga ba ang una? ang makasama ang grasya...
  2. ...wedding...wag po mag-alala grasya, mag-iipon na po ako...
  3. ...babies! ...kaya grasya umuwi ka na... ahahahaha...
  4. ...summer outing...saan kaya yun?
  5. ...salary increase...sir parang awa nyo na!
  6. ..google payout...naka-quota na ako...may pang-tuition na aking stupident....ahehehe...
  7. ... birthday ko...Mayo na eh...pwede nyo na akong batiin, pero wag lang kalimutan ang gifts...
  8. ...makapaghanap ng sidekick nila SuperG at WonderG...at tatawagin ko syang Super Sapaw...saan ko kaya sya makikita.... ahehehe...

8 Things I Did Yesterday.
  1. ...nag-computer...
  2. ...nag-blog hop, nagbasa lang pero hindi nakigulo o nagkomento...
  3. ...nag-update ng mga episodes sa narutomaxx.net
  4. ... kumain ng sobrang dami...
  5. ...pinaganda ang aking desktop...nilagyan ng window blinds at marami pang-pabagal ng computer...ahahahaha...di bale ng mabagal...maganda naman tignan..ahahaha...
  6. ...tumawag kay Grasya...sa wakas nauna din akong tumawag, lagi nya kasi akong nuunahan...
  7. ...nagtext kay grasya gamit ang libreng text ng wadja.com
  8. ...umuwi sa bahay nanuod ng "may bukas pa" at na-inspire kay Santino...^_^

8 Things I Wish I Could Do.
  1. ...lumipad papunta sa dubai...
  2. ...mabawasan ang labis na pagiging mapagmahal sa pagkain...
  3. ... bumalik muli sa paaralan at mag-aral muli...
  4. ... makagawa ng libro na masasabi kong akin...
  5. ...makalikha ng isang bagong disiplina sa matematika na wala pang nakakaisip kundi ako lamang..
  6. ...matutuhan ang kagebunshin ni naruto..
  7. ...mahulaan ang mga numerong mananalo sa lotto...
  8. ...matulungan si pareng Obama sa problema sa Amerika...:D

8 Shows I Watch
  1. Slumdog Millionnaire...maganda ito....nandito ang realidad ng buhay...
  2. The Number 23...malupit din ang kwento nito...kwento ito ng taong pinag-hinalaan ang number 23.
  3. X-Men Origins: Wolverine... hindi ko alam kung matutuwa kayo sa movie na ito...mukha kasing minadali ang pagkakagawa o hindi pa yata ito tapos...kita-kita pa kasi ang mga harness na ginamit..pati yung mga computer graphics hindi pa ganun kaayos...super fake ang effects nito...
  4. ppssstt.... este..T2...maganda din ito..astig ang mga effects..pati ang story...isama ko na din ang mga artista na hindi mo inaakala na kasama sila... ahehehe...^_^
  5. Friday the 13th...as usual patayan ito...mahusay talaga si Jason buhay pa din... ahehehe...
  6. Saw V...buhay pa din si Jigsaw...at meron na syang apprentice...sama tayo sa kanyang mga paniniwala...ahahaha...
  7. Naruto Shippuuden Movie 2: Kizuna (Bonds).. bagong labas pa ito..wala pa syang subtitle...kawawa naman ako hindi ko sya naintindihan...
  8. Wanted: Pamilya Banal... the best..ahehehe..ibang klase talaga si FPJ...ahehehe...

8 People I Tag.
  1. LordCM of Dungeon
  2. Dylan of Bottomless Coffee
  3. Tsariba of lipad kuto, lipad
  4. Enjoy of Life Is A Piece Of Keyk
  5. Deth of MindDeth
  6. Kosa of Trip Ni Kosa
  7. Kox of kornchops
  8. Amor of DarkRoom
ayun natapos din...mejo dumugo ilong ko kakaisip...ahehehe..
~~~***~~~

Blogger Friendship Award 2009

Ang award pong ito ay mula kay Rhodey ng Kape at Yosi...salamat parekoy...
  1. Place the logo / banner on your blog.
  2. Add a link to the blog who gave the award.
  3. Nominate at least 7 other blogs. (It says at least! If you've got more friends, go ahead)
  4. Add links to the blogs that you have nominated.
  5. Let them know by leaving a message (shout) on their blogs.
at sa kadahilanang pwede pa lang sumobra sa pagbibigaya...ipapasa ko ito sa lahat ng nasa blogroll ko...kunin nyo po ito, parang awa nyo na...wag nyo na pong hintayin na ilista ko kayo lahat dito... juks... ahehehe...hindi po ito compulsory ha...kung trip nyo kuha lang ng kuha...salamat.. :)

~~~***~~~
ang tag award na ito ay mula kay parekoy LordCM of Dungeon ...maraming salamat parekoy...katulad ng naipangako ko...weekend ko na ito gagawin...at dahil weekend na...eto na sya...yahooo...

wala naman consequence ang award na ito..maliban sa pagiging adik... gusto ko sna itong i-award sa inyong lahat... pero para maiba naman ang takbo...itatago ko muna ito at hindi ipapasa..bleeehh... pero kung gusto mong kunin..bahala ka...wala naman itong sumpa.. ahehehe... ^_^


[Edit]: at dahil nagtatanong si mommy kaye sa itsura ng aking desktop...ito na po sya... tayo na pong mahalina sa alindog ni Jang Nara.. ahehehe....ganda... ^_^





Linggo, Abril 19, 2009

..ano sa palagay mo?...

matapos mapanood ang nakakakilig na pelikula nila Maricel Soriano sa T2 (Tenement 2), aking naalala at muling binalikan ang mga kwento ng aking namayapang ama. Oo nga pala, ang pelikulang T2 ay isang love story. Isang pag-iibigan ng engkanto at normal na tao... hanggang ngayon akin pa ding iniisip kung tunay nga bang merong mga ganitong bagay sa mundo... ito ba ay isang haka-haka lamang o katotohanan? parte nga lang ba ito ng malikot na imahinasyon ng tao o tunay talaga itong nagaganap sa sangkatauhan?

ang susunod po na inyong mababasa ay isang kwento hango sa binahagi ng aking namayapang ama... kung katotohanan ba ito o kathang isip lamang kayo na po ang humusga...

sa probinsya ng Romblon sa baryo ng San Agustin, dito pinanganak at nagbinata ang magkakapatid na si Jose, Enrico at Ding...oo nga pala meron ding silang nag-iisang kapatid na babae na si Dinia...sa apat na magkakapatid na ito, si Ding ang bunso...sa kabila ng kanyang pagiging bata at kakulitan, likas sa kanya ang pagiging mahiligin sa pagsubok...masipag din si Ding at lagi syang tumutulong sa kanyang ama kasama pa ang dalawang kapatid na lalaki sa mga gawain sa bukid, pangingisda, pangingilaw, pagkokopra at pagkakaingin...

...isang gabi ng huwebes santo, inutusan sila ng kanilang ama na pumunta sila sa gubat upang kumuha ng mga panggatong na gagamitin para sa paghahanda sa biyernes santo...madilim ang daanan na kanilang tinahak patungo sa pusod ng gubat...bitbit ang sulo, malakas ang loob ng magkakapatid kahit batid nila na mapanganib ang pagtungo sa gubat dahil sa mga engkanto daw na nandoon... patuloy sa paglalakad ang magkakapatid ngunit biglang napansin ni Enrico na parang paulit-ulit lang ang kanilang dinaraan...hindi nagpadala sa takot ang magkakapatid bagkus minarkahan nila ang bawat puno na kanilang madaanan...at makailang lakad pa, tunay ngang sila ay paulit-ulit lamang sa kanilang nilalakaran... at dahil dito, agad nilang binaliktad ang kanilang damit at patuloy na naglakad hanggang makarating sa lugar na matatagpuan ang dekalidad na mga panggatong...

....naghanap si Ding ng pagsasabitan ng sulo at doon din may nakita siyang malaking puno sa madilim na bahaging iyon ng gubat...agad na binunot ang sundang...akma na niyang bibigyan ng isang malakas na sibak ang katawan ng punong iyon ng bigla itong gumalaw...laking gulat ng magkakapatid na isa pala itong binti ng kapre...isa malaking nilalang na may malaking tabakong hinihithit...sa pagkabigla ng mag-kakapatid, agad silang nagpulasan... mabilis ang takbo ng magkakapatid at naiwan ni Ding ang kanyang sundang at sulo...nakarating sila sa ilog na malapit sa paanan ng gubat...at upang bigyan pagkakataon ang pagal na katawan, naglublob sila dito at namahinga ng sandali...maganda ang liwanag ng buwan ng sandaling iyon, tila ba nagbabadya iyon ng paglipana ng mga hindi pangkaraniwang nilalang...makailang sandali pa, may narinig silang kakaibang ingay...

"ik...ik....ik...."

....hinanap ni Jose ang tinig...laking gulat nito ng tumambad sa kanya ang isang manananggal...isang nilalang na lumilipad na humihiwalay ang pang-ibabang bahagi sa pang-itaas na bahagi ng katawan..bagkus na matakot...sinipa ito ni Jose ng buong lakas...sa lakas ng sipang iyon, agad na tumalilis ng paglipad ang nilalang...pinagpatuloy nila Jose ang paglalakad hanggang makarating sa dulo ng ilog...lagpas hatinggabi na ng oras na iyon at kailangan na nilang makabalik...at sa takot sa kanilang ama, namulot na lang sila ng kahoy sa daraanan, wala man ito sa kalidad na hinahanap ng kanilang ama..kahit papano may nadala sila...

...matapos ang kakaibang karanasang iyon, hindi na iyon nila pinag-usapan pa...

...linggo ng pagkabuhay...nagkayayaan ang magkapatid na magpunta sa kabilang baryo upang makipagsayawan...napaka-natural ng ganitong kaugalian sa mga probinsya...sa mga taga-lungsod, disco ang tawag natin dito... (*hindi ko na po babanggiting ang pangalan ng baryo para hindi ito katakutan ng karamihan*)... sa baryong iyon, laking gulat ng magkakapatid na karamihan ng mga babae dito ay may kakaibang ganda...ang kutis nila'y hindi kutis ng mga babae sa probinsya...mapuputi ang kutis ng mga babae doon... sa kabila nyon hindi nagtaka ang magkakapatid dahil dayuhin ang lugar na iyong ng mga turista...nakipagsaya ang magkakapatid... at nakipagkilala sa ilang mga dilag... si Ding bilang isang bunso ay kabado sa ganitong pagkakataon...lumapit kay Ding ang isang babae at inaya syang sumayaw...sumunod naman ito... tinitigan nya ang mukha ng babae...wala itong kanal sa pagitan ng ilong at labi...tinignan nya ang iba pang babae sa paligid...ganun din ang kanyang napansin... tinitigan nya ang kasayaw...ngunit hindi ito direktang makatitig sa kanya...sa puntong iyon, kinabahan na sya...nagdahilan na lamang na nagugutom na sya at kakain lamang saglit...pagdating sa lugar ng kainan, halos itim na pagkain ang nakahain...wala syang tikman sa bawat putaheng iyon bagkus hinanap ang kanyang mga kapatid at inaya agad ito na umalis... ..kinaumagahan, nabalitaan nila na hindi natuloy ang sayawan sa baryong iyon...inusog daw ang sayawan sa unang araw ng Mayo...

~~~***~~~

hanggang sa mga pagkakataong ito...hindi pa din ako ganap na naniniwala sa mga kwentong iyan ng aking amang si Ding...ngunit kung imbento lamang ito ng aking ama...nakakapagtaka lamang dahil noong minsan na magbakasyon ako sa Romblon, (*15 years old pa lang ako nun*) na-ikwento din ito sa akin ni Uncle Jose... .

...sa aking pagtigil sa Romblon ng ilang araw, nakaugalian ko na ang pagtamabay sa may malapit sa paaralan upang manood ng baseball...sosi nga ang laro dito eh, hindi basketball kundi baseball...doon din may nakilala din akong isang magandang batang babae na nagpakilalang anak daw sya ng kapitan ng baranggay...laking gulat ko ng sinabi ng pinsan ko na halos isang taon ng patay ang anak ng kapitan...



Sabado, Abril 18, 2009

...akalain mo yun...

mabilisan lang po ang entry na ito...hayaan nyo po muna akong matulog...nag-OT kasi ako sa trabaho kaya pagod po ang inyong bida.... pero bago ako matulog, hayaan nyo po muna akong pasalamatan si kox ng kornchops para sa award na ito...Salamat!...ito po ang award na aking nakuha sa paghula ko sa pangalan nya.. ahehehe... akalain mo yun...

unusual po kasi ang real name ni kox..."Komiko" ang name nya...ang ganda diba... akalain mo yun...mabuti na lang medyo nahihilig ako sa Japanese Entertainment... ahehehe...

baka humaba pa ang entry ko...matutulog na po ako...huwag kayong mag-alala...bukas dadalawin ko po ang inyong mga blogs...gudnyt 2 all! ^_^

Huwebes, Abril 16, 2009

bhabiejhoice-xoxo.net contest

Manonood po muna ako ng T2...isa munang patalastas...sana po ay matulungan natin sya.. :D

This entry is for my blogfriend Faith. Help her win at Bhabiejhoice-xoxo 1st contest!
She really wanna win on this contest! Pretty Please?=)

I know you guys are aware that Ate Jhoice of http://bhabiejhoice-xoxo.net is having her 1st ever contest!
Faith,a good friend of mine is joining in her contest!

My friend really wanna win this one! So let's help her win!

~The Awesome Prizes~

First Prize : Price Package valued at $60.
Including such things as : hollister tops/tee, V.S perfume, Aero tee, etc.. PLUS $10.00 and a 1year (dot) net domain.
125×125 advertisement on bhabiejhoice-xoxo.net

Second Prize: $15 Cash, and 1year (.info) domain
125×125 advertisement on bhabiejhoice-xoxo.net

Third Prize: $10 Cash and 1year (.info) domain
125×125 advertisement on sexychiicq.net

Support Faith!Repost this blog entry!Let's help her win!
More infos about the contest?

Check it here!

Lunes, Abril 13, 2009

...kalsadang mabato...

inaasahan ko na ito... ang ulanin ng 'sankaterbang trabaho matapos ang mahigit sa isang linggong bakasyon... pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung tinatamad pa din ako... idagdag pa natin ang sobrang init ng panahon, sa palagay nyo may matratrabaho ba ako?.... syempre wala...

...at dahil wala akong magawa, minabuti ko na lang na libangin ang aking sarili upang mawala ang tumitindi kong katamaran....lumabas ako sa kwarto ng opisina at pumunta sa malapit na convenience store...naghanap ng malamig na ice cream...oo tama! sinigurado kong malamig ang ice cream na bibilihin ko...dahil kung mainit yun, mawawalan lamang ito ng silbi para panlaban sa mainit na panahon...pinili ko ang napakasarap na kalsadang mabato (rocky road) na mula sa kumpanyang nagngangalang Selecta... ang tanong ko lang, meron bang mainit na ice cream?....

...makailang saglit pa, nagmamadali na akong bumalik sa opisina hindi dahil natatakot na agad malusaw ang aking binili kundi dahil baka masunog ang aking sensitibong balat sa matinding sikat ng araw...pero syempre hindi totoo ang dahilan kong iyon... kung inyong makikita ang aming larawan kasama ang aking Grasya sweet namin no?..bleehhh, isa akong kayumangging kaligatan kaya walang epek yang sinasabi ko na masusunog ang aking balat...kung tutuusin kaunting tsansa na lang mapagkakamalan na akong nagtitinda ng bisidi,dibidi,empitri...mapapagkamalan na din akong nagpapa 5-6...pero hindi po ako kaamoy nila....mabango po ako, pawis ko pa lang parang michael jordan's cologne na...huwag din po ninyo akong pagkamalan na si kobe bryant...mas maputi po ako sa kanya ng ilang paligo...pero kung sa galing sa paglalaro ng basketball...halos magkasing-level lang kami (*sasakit ang tyan ng kokontra sa sinabi*)

...pero sobrang init talaga at lahat na yata ng mantika sa aking katawan ay mailalabas ko na...tagaktak na ang aking pawis, abot na yata ito hanggang singit...matindi talaga ang init ng panahon...katulad yata ito ng init noong Easter Sunday na ang mga itlog na nabilad sa araw ay halos maluto na...ito yung mga itlog na nakatago sa kung saan-saan...yung itlog na naiisip mo, ewan ko lang din kung naluto na din yun...

...sa wakas, nakabalik na din ako sa aking "control center"....ninamnam ang masarap na ice cream...sarap!... ang totoo nyan, hindi naman talaga nakakatulong ang pagkain ng malamig upang palamigin ang pakiramdam...may sariling "cooling system" ang katawan, kaya nga pinagpapawisan tayo kapag naiinitan...pati ang paggamit ng pamaypay ay hindi din nakakatulong upang hindi mainitan, dahil mas lalo tayong pagpapawisan kapag tayo ay nagpaypay o kumilos...ang sikreto, huwag kumilos o gumalaw para hindi mag-init ang katawan...buksan ang aircon o tumapat sa bentilador...pero bakit ba ako bumili ng malamig na ice cream?... simple lang ang dahilan, mas madaling makalimutan ang init ng pakiramdam kung may malamig na nilalasap sa bibig...ibig sabihin may psychological effect ang pagkain ng malamig na ice cream para lumamig ang pakiramdam kahit na hindi talaga nito pinapalamig ang katawan... ngunit isa din ang sigurado ko, palalamigin nito ang tiyan mo... :D

...hanggang sa pag-uwi dama ko pa din ang init ng panahon...sa pintuan ng aming bahay, nakaupo ang nanay ko at noon din ako ay nagmano...kasabay nun nasabi ko tuloy sa kanya,

"Ma, sobrang init ng panahon ngayon no?"

sumagot ang nanay ko,

"Mainit ba?"

tumango lamang ako...at nagsalita ulit ang nanay ko,

"Eh di magpayong ka..."

napangiti ako sa hirit ng nanay ko...joke pala yun... ahahaha!

Biyernes, Abril 10, 2009

...mcarthur...


at ako'y muling nagbalik...

makalipas ang ilang araw ng pamamahinga, ako'y muling bumalik sa mundong ito...bkit nga ba ako nawala sa himpapawid pansamantala?... ang totoo nyan, marami talaga akong pwedeng idahilan...una na yung gusto ko naman ay ma-miss ninyo ako paminsan-minsan... ahahaha...

bukod sa panahong ito ng kwaresma, maganda din itong pagkakataon para sa isang magandang pagninilay-nilay...gusto ko din talaga pigilan ang aking sarili sa aking labis na paggamit ng teknolohiya... masyado na akong nakadepende dito at marami na akong mga ilang bagay na nakakaligtaan...ngunit magkagayon man talagang babalik ako sa mundong ito...sa cyber world... dahil nandito ang aking ikinabubuhay at ang mga kaligayahang hindi matatawaran... pansamantala din akong nawala dahil nakaranas din ako ng tinatawag kong techno/cyber stress...yung tipong paghumarap ka lang sa monitor ng iyong computer ay pakiramdam mo na sobrang napapagod ka... nagbakasyon din ako sa opisina...at yun naman ay sa kadahilanang nitong mga nakalipas na apat na taon ay lagi akong nagkakasakit sa tuwing papasok ang panahon ng kwaresma...oo tama! nitong nakalipas na apat na magkakasunod na taon ay lagi akong nagkakasakit sa di malamang dahilan...sinubukan ko itong i-anticipate iyon...nakakatuwa naman at hindi ako nagkasakit ngayon...

nagbalik na nga po ako...at susubukan kong muling dalawin ang inyong mga blogs bukas....ang araw na ito ay aking igugugol sa pag-aayos ng aking mga ilang blogs na napbayaan...mukhang masyadong marami ng agiw at sapot ng gagamba ang aking mga blog at kailangan ko itong linisin... bago pa man may maunang bumati sa akin...uunahan ko na kayo...

MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY!


Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur