Sabado, Mayo 30, 2009

...salamat kaibigan...

...ilang oras na lang ang nalalabi at may daragdag na naman na bilang sa aking edad.... sa ika-tatlumpu't isa ng Mayo, magbabago na naman ang numero ng aking edad...nakakalungkot dahil takteng yan ito na ang aking ika-dalawampu't pitong kaarawan... pero ayuz lang yan kung 27 na ako bukas... next year 26 na ako ulit... ahahaha...joks...

sa aking kaarawan marami akong gustong pasalamatan...una sa lahat si Bro....yes Bro, maraming salamat sa pagkakaloob ng magagandang karanasan at buhay sa mga nakalipas na taon... alam kong patuloy pa rin ang iyong paggabay sa aking simple ngunit masayang buhay hanggang sa mga sumusunod pang taon at dekada ... gusto ko din pasalamatan ang aking magulang... salamat po ginawa nyo po akong pogi (*bawal ang kumontra...sasakit ang tyan*)....salamat po sa pagkalinga at maayos na pagpapalaki...sana nga lang medyo pinatangkad nyo pa ako...ahahaha...sa aking mga kapatid, kaibigan, kaklase, ka-opisina...maraming salamat po sa pakikibahagi sa aking buhay...sa iyo na bumabasa nito ngayon maraming salamat din...dahil wala ka ng magagawa naging kabahagi ka na ng aking kwento...salamat po......sa aking mga sponsors...salamat po...ahehehe...

...sa aking Grasya...maraming salamat mahal.... alam kong makakalimutan mo ang birthday ko.... ahahaha.... wag kang mag-alala hindi naman ako nagtatampo... nagiging makakalimutin ka lang... aheks... pero seryoso...maraming salamat sa pagiging parte ng aking buhay... alam kong wala ka man sa aking tabi ngayon, sa mga susunod kong kaarawan alam kong nandyan ka na at di na mawawalay pa... bukas, alam kong makikipag-unahan ka na naman ng pagtawag sa akin...hindi ako magpapatalo, basta wag mo lang akong dadayain at 12:01 pa lang tatawag ka na...wag ganun tulog pa ako nun... aheks... mahal, mag-iingat palagi... tatandaan ko ang sinabi mo kanina kaya wala ng bawian, pag-uwi mo humanda ka... aheks... i love you Grace, i love you so much...

...syempre kayong lahat at mga kapwa ko blogero...maraming salamat po... sa iyo Komiko ng Kornchops...maraming salamat sa paggawa ng larawan kong ito...nagulat ako kung saan mo ito nakuha...nakakatuwa... ang galing... sabay pa ang ating birthday.... Happy 18th Birthday sa iyo...

...sana nandito pa din kayo sa mga susunod pangtaon...

...hanggang sa muli...salamat kaibigan!


Sabado, Mayo 23, 2009

...adik [dahil] sa'yo..

"...May asawa ka na ba? ...Are u married? .... Ikinasal ka na ba?"

pamilyar po ba tayo sa mga tanong na ito?... ang iba po sa atin ay madalas nadirinig ang mga ganitong katanungan... iniisip na pareho-pareho lang ang ibig sabihin ng mga iyan... ngunit magkapareho nga ba? syempre kung ako ang tatanungin, ang sagot ko ay "hindi"...spelling pa lng magkaiba na eh...aheks...

ang pag-aasawa po ba ay nangangahulugan ng pagpapakasal o ang pagpapakasal ba ay nangangahulugan ng pag-aasawa? ... maaaring ang ilan sa atin ay sagot ay "oo"... pero sa katunayan hindi ko din talaga alam kung magkapareho nga iyon... atin pong basahin ang susunod na mga sitwasyon...

Sitwasyon 1:
^_^: May asawa ka ?
@_@: Meron.
^_^: Kasal?
@_@: Hindi eh, walang kaming pera pangpakasal.

Sitwasyon 2:
^_^: May asawa ka?
@_@: Wala.
^_^: Kasal?
@_@: Oo, hinihitay ko pa ang result ng hearing namin para sa divorce.

...sa mga sitwasyon ito, nakikita natin ang pansamantalang pagkakaiba ng pag-aasawa sa pagpapakasal... tila ba na ang pagpapakasal ay isa lamang pormalidad ng pagsasama ng isang magsing-irog...na parang ang pagpapakasal ay isa lamang sermonya at mga pangako na itinala sa isang kapirasong papel... sa katunayan si Willie Revillame ay marami na din beses na ikinasal ngunit hanggang sa ngayon nanatili pa rin syang single...

sa kabilang banda, marami akong kakilala na nagsasama (live-in) na higit pa ang pagsasamahan sa mga ikinasal...ito yung binaggit ko sa uang sitwasyon... ang sabi ng ilan ang pagpapakasal daw ay isang seremonya ng pag-iisang dibdib ng dalawang nag-iibigan... ang sermonya na ito ay syang nagpapabanal sa pagsasama ng magkapareha, isa itong bigkis ng pagsasama.... ang sabi naman ng ilan, ito ay isang "religious practice"... kaso nga paano naman ang mga Atheist...sa iyong palagay makakasal ba sila? posible pero hindi sa simbahan o kahit na anong "matrimonial ceremonies" ng iba't ibang relihiyon sa mundo... sa isang civil wedding siguro...

kadalasan, ang mga kababaihan ay nangangarap na makasal...maging simple man ito o magarbong kasalan...dahil para sa kanila napaka-importante ang grasyang iyon na hindi dapat palampasin sa yugto ng buhay...sa kabilang banda ang mga kalalakihan ay nangangarap din...ngunit hindi sa isang simple o magarbong kasalan...kundi sa isang pag-sasama ng panghabangbuhay na tatawagin nating "pag-aasawa"... "ang pag-aasawa ay hindi nasusukat o naipapakita ng anumang sermonya at kasulatan... nasa pag-uunawaan ito ng dalawang pusong nagmamahalan...."

...maaaring ngang ang pagpapakasal ay mahalaga sa pagsasama ng mag-asawa... hindi man ito kasing halaga ng pagmamahal at katapatan sa pagsasama... nanaisin ko pa din itong ialay sa nag-iisang Grasya ng aking buhay...

(*pasenya na mejo adik post ito*)

(*hindi na po ako gagawa ng entry ukol sa mga video scandal ni Dr. Hayden Kho...napanood ko po ang ilan dito, hindi ito kaaya-aya*)

Linggo, Mayo 17, 2009

...subic...

ito na naman po ang inyong superhero na nagbabalik matapos ang hindi naman katagalang bakasyon... at dahil dun, narito po ang ilang larawan na gusto ko din naman na ibahagi sa inyo...ang mga larawan na inyo pong makikita ay larawan ng aking ilang mga ka-officemate kasama ang kanilang mga anak... at syempre hindi ko po dyan kasama ang aking Grasya...sana kasama ko sya no?...haaysss... ngunit ganun pa man, aking isinama ang aking kapatid...at dahil nga wala syang pasok ngayon sa eskwelahan..isinama ko na din para malibang...





ang aming lokasyon...subic, arizona international hotel&resort... nakakatuwang isipin na matapos ang pang-araw araw na trabaho sa buong taon ay mayroon pa lang tinatawag na summer outing... ahehehe...muntik ko na sana itong kalimutan at hindi na asahan dahil sa hindi pagpaparamdam ng aming mga bossing na may outing pa din pala kami...bagamat naging kultura na din naman namin ang mag-outing tuwing summer ng taon ay medyo nag-alinlangan pa din ako ngayon dahil sa global recession na tinatawag...

...mula sa aming mga nakaraan bakasyon sa mactan cebu, sa calatagan sa batangas, sa rockpoint sa laguna at ngayon sa arizona ng subic kakaibang karanasan nanaman ang nadagdag sa aming pagkatao... naging masaya naman ang aming pagtigil sa Arizona hotel ng subic dahil sa ganda ng ambiance...ngunit sa kabilang banda kapansin-pansin pa din ang dami ng mga dayuhan sa lugar... magkagayunman, kapansin-pansin pa din na halos lahat ng dayuhan na nadoon ay pawang mga lalaki...bibihira ka makakita ng mga dayuhang babae... bukod sa ganoong tanawin, kapuna-puna din na ang mga dayuhang iyong ay may mga kasamang mga Pilipina na hindi ko alam kung ano ang drama nila sa buhay at ayaw ko ng pakialaman iyon...

...sa kabuuan naging masaya naman ang aming pamamasyal at pagtigil sa lugar na iyon...pero sabi ko nga... sayang kung kasama ko lang sana ang grasya...totoong masarap kumain sa hotel at ilang food chain na nandoroon, pero mas masarap ang aking pagkain kung kasabay ko sa hapag ang grasya... hindi rin matatawaran ang sarap at lamig ng aircon ng kanilang kwarto, pero hindi ko pa din ipagpapalit ang lamig ng ihip ng hangin ng bentilador sa aking kwarto... totoong masarap humiga sa kanilang kama at masarap ang hagod ng kanilang comforter sa katawan na nagpapahimbing ng iyong tulog...pero hindi ko pa din ipagpapalit ang kumot na bigay ng aking Grasya na aking ginagamit sa panahon man ng tag-ulan o maging sa tag-init...ang pagmamahal na nakapaloob sa simpleng kumot na iyon ay hindi ko ipagpapalit sa comforter ng nasabing hotel...mis na kita...

Martes, Mayo 12, 2009

...bilog o tatsulok...

at muli... ako'y nagbalik ... nawala ng sandali...ngunit muling magbabalik... muling mawawala ng ilang saglit... ngunit ako'y babalik...

mga kasama sa masayang mundong ito, inyo pong ipagpaumanhin ang aking pansamantalang pananahimik... ang totoo nyan...madalas pa din ang aking pagdalaw sa ilang paborito kong blog... nakikibasa lamang ngunit hindi nag-iiwan ng bakas... ano nga ba ang dahilan ng aking pagkawala pansamantala?

a. naging abala sa pagsusulat at pananaliksik ng ilang proyekto? (*posibleng ito yun*)
b. inasikaso ang magiging bahay namin ng grasya? (*pwede din ito...dapat lang kasi yun, kundi lagot ako dun, aheks...*)
c. naging busy sa panood ng eyeshield21 na may 145 episodes? (*mmhhhh...*)
d. na-excite sa nalalapit na summer outing sa subic? (*sa May 16-18 yun, so absent ako ulit*)
e. naging busy sa pag-update ng mga anime sa narutomaxx.net? (*medyo na-prepressure ata ako sa mga viewers ko dun ah, madami na silang demand...aheks*)
f. dahil sadyang tamad lang ako? (*masipag naman yata akong gumawa ng wala*)
g. masyadong naaliw at nahalina sa pakikinig ng musika ng moonstar88 at the corrs? (*bukod sa maiingay na musika, favorite ko ang mga yan noon pa*)
h. masyadong na-overwhelm sa pagkapanalo ni manny pacquiao? (*pareng lio loco kamusta na ang panlilibre mo ng pang-inom dahil sa pagpusta kay hatton...aheks, ayos lng yan bawi na lang sa pacquiao-marquez fight*)
i. tinamaan ng virus na A(H1N1)? (*ito yata yun ah...*)
j. naliligaw pa din hanggang sa ngayon at hindi alam kung saan ang daan pauwi? (*parang ito ang tamang dahilan*)

sa inyong palagay ano nga ba?... hindi na ako magbibigay ng hint baka mahulaan nyo pa...ahahaha...

~~~~****~~~~

...at dahil nga ako ay muling nagbalik...isang bagong isipin ang aking hatid...konting alalahanin na hindi dapat mawawaglit...

ang sabi ng karamihan... ang buhay daw ay parang bilog, isang gulong...minsan nasa ibabaw...minsan nasa ilalim...pero bilog nga ba?

...hindi ko pa din alam kung tunay nga ang paniniwalang iyon... madalas ko din iyan na naririnig yan sa aking namayapang ama...kasama ang mga salitang "whether-whether lang yan"... nakakatuwang isipin na ang salitang iyan ay isa sa mga nagpapatatag sa akin sa pagharap sa ilang mga problema na nasa aking tinatahak... ang mga salitang iyan, bagama't payak sa tunay na kahulagan ay nagpapahiwatig ng pagiging optimitic o positibo... ang totoo nyan gusto kong maniwala na ang buhay ay talagang bilog at hindi isang tatsulok...ang sabi sa kanta ni bamboo: "habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, 'di matatapos itong gulo" (uuyyy...kinanta nya...ahehehe..)... ganito ang buhay, matira ang matibay...paunahan sa pag-akyat sa tuktok ng tatsulok...kasabay din niyon ang patuloy na paghila sa iyo pababa ng mga taong naghahangad din sa matayog na rurok na iyon...

magpapatalo ka ba?
hindi!

may galing at talento ka ba?
wala!

paano ka makakarating sa tuktok na iyong kung ni isang talento o galing ay wala ka?
dahil sa lahat ng aking gagawin...handa ko ng ibigay ang isang daang porsyento ng aking gilas..wala man akong galing at talento...ibibigay ko ang aking puso...ang aking buong pagkatao...hindi susuko sa kahit anong laban... patuloy na magtatagumpay para sa mga taong mahal ko..sa sarili ko...at sa Maykapal na may kaloob ng mga biyayang ito...

...maaaring kulang nga ako sa talento...ngunit magsusumikap ako, hindi padadaig sa mga henyo... limitado ang mga talento...pero ang pagsisikap at pagtyatyaga, wala itong hanggan... isang kapangyarihan na maipagmamalaki kahit sa iyong pagpanaw...

Sabado, Mayo 2, 2009

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks....

...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe...

...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano naman kung paghahaluin natin ang lahat ng mga kulay??... syempre anu pa nga ba ang kakalabasan kundi puti (white)... ayaw mo maniwala di ba?...sinubukan ko din kasi dati na paghaluin ang mga kulay na red, blue, green, brown, yellow, pink, violet at black...ayun, hindi white ang kinabasan kundi itim (black)...at dun ko nga na-realized na kinain ng itim ang lahat ng kulay na inihalo ko kaya naging itim din ang resulta...

...kung inyong maaalala na ang kulay itim ay tinagurian absence of color at white naman para sa opposite nito na presence of color...kung ang black pala ay absence of color ibig sabihin nun hindi color ang black, kaya hindi ko pala iyon dapat ihalo...pero ang sabi sa description na nabasa ko sa wikipedia.com "Black is the color of objects that do not emit or reflect light in any part of the visible spectrum; they absorb all such frequencies of light." Ang sabi nila "black is the color"...so kulay pa din ang black...pero dinagdag pa "that do not emit or reflect light in any part of the visible spectrum"... so wala itong kakakyahan na mag-emit o mag reflect ng liwanag na maaaring makita ng ating mga mata... ang gulo hindi ba? paano masasabing may kulay ang isang bagay kung hindi mo naman ito makikita? ang mata ay may kakayahan lamang na i-distinguish ang mga kulay base sa liwanag na nagrereflect dito...kahanga-hanga...

sa kabila ng kamangha-manghang abilidad ng mga kulay, sinubukan kong paglaruan ang mga kulay na matatagpuan sa Pilipinas...ito ang ilan sa aking mga natuklasan...

red + red = violet
orange+orange+orange+orange+orange= violet
5 orange =violet
violet+violet+violet+violet+violet= yellow-green
5 violet = yellow-green
yellow-green + yellow-green = blue
gold-silver + gold-silver = orange
100 silver = violet

ilan lamang ang mga iyan sa mga kombinasyon ng kulay na nakadepende sa level ng paghahalo-halo... sa palagay nyo anu kaya ang resulta kung pagsasamahin mo ang 6 red, 1 yellow-green at 2 violet ? mmmmhhhh...
Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...