Lunes, Agosto 24, 2009

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po...

mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw....

...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay...

sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw....

...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong natural na gawi ng tulad namin at tulad nila... kitang-kita ko kung paanong lurayin ng lobong iyon ang kasama kong bampira... ang mga damit nila'y kumalat na lang sa damuhan...sabik na kinain ng lobong iyon ang mapulang laman... ngunit magkagayun man hindi mo maririnig ang anumang pagmamakaawa... walang paghihirap kang madarama sa kabila ng mga ungol na mula sa kanilang dalawa... ang mga kuko nila'y naglalabasan... tumatalim... pumupunit ng laman... nakakapangilabot ang mga tagpo... ngunit wala... wala akong magagawa... ito ang takbo ng buhay namin... ito na ang nakatakda... tumitindi na ang tibok ng puso ko... ang mga ungol nila'y napapalitan ng papalakas na hiyaw... ang mga katawan nila'y nagsasanib sa kakaibang paggalaw... paitaas... paibaba... patindi ng patindi ang paghiyaw.... lumalakas.... nakakatulig... nakakabingi... "aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh..." tila ba may likidong lumabas mula sa lobo... amoy dugo... sapat iyon para manghina sya... ganun din ang katunggali niyang bampira... pero hindi doon nagtatapos ang tagpo... nagmistula silang mga ahas... naglilingkisan... at ng parehong makaramdam ng pagkapagal.... agad silang bumitaw...

halos tatlumpung minuto lang ang nagdaan... tapos na ang pagtutuos ng mga halimaw.... mabilis na hinanap ang mga saplot sa katawan... tao na silang muli na animo'y walang nangyari....

...oo tama kilala mo kami... kami na iyong kinukutya.... pero masisi mo ba kami kung bakit kami ganito? bakit hindi mo sisihin ang gobyerno? bakit hindi mo sisihin ang sa amin ay nang-aabuso?... bakit hindi nyo sisihin ang inyong mga sarili kung bakit kami nandito? kapag kumalam na ang sikmura mo at ng mga mahal mo, kahit sarili mong laman ay ipagkakanulo sa mga lobo...

...kung gusto mo kaming tulungan... halika... sumama ka sa pagpapaligaya ng mga bampira sa halagang isanglibo piso lamang...

[EDIT: base sa mga komento... hindi ko po namalayan na naging parang twilight pala ito.,.. inyo pong ipagpaumanhin kung bakit naging ganito ang aking pagkakadetalye ng eksena, sinikap ko lang pong hindi makagbigay ng bulgar na sa salita bilang proteksyon sa mga menor na edad na mambabasa...ang sulatin pong ito ay base sa pananaw ng isang prosti (bampira)...]




Biyernes, Agosto 21, 2009

...mapalad ka!... ikaw, ako, tayo!...

gaano ka katatag? ...katatag sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay?

..totoong minsan nakakaramdam tayo ng panghihina...pagdurog ng ating mga puso...minsan gusto na nating sumuko...sisihin ang mundo dahil sa paghihirap ng kinasadlakan mo... nakakalungkot isipin na dumadating tayo sa punto na hinahanap natin ang mga kakulangan sa atin buhay... at nakakaligtaan ang simple ngunit mahahalagang bagay na ipinagkaloob ng ating Dakilang Lumikha... nang makita ko ang video na ito...nahiya ako sa aking sarili... ang dami ko pala talagang dapat ipagpasalamat sa halip na pagsuko sa mga problemang pinagdaraanan....




p.s. : patulog na po ako..nanayt sa lahat...sa mga matutulog na din, wag po kaligtaan ang padarasal bago matulog (*bilin ito ng grasya*), wag kaligtaan magpasalamat kay Bro sa mga simpleng bagay na pinagkaloob Niya ...Good Night!

Huwebes, Agosto 20, 2009

...agosto para sa pilipino...

...isang mapagpalayang araw at gabi sa inyong lahat...saang panig man kayo ng mundo, nais ko po kayong batiin ng "Maligayang Buwan ng Pagka-Pilipino!"....opo! ang buwan po ng Agosto ay buwan na itinakda para sa Pilipino...bukod sa espesyal para sa akin ang buwan na ito (birth month ng aking Grasya), ang buwan pong ito ay nagsisilbing panahon kung saan ating sinasariwa ang kadakilaan ng ating mga bayaning nagpatibay ng ating pagka-Pilipino...

ano nga ba ang meron sa buwan ng Agosto?...ang unang linggo ng Agosto, ay ating tinaguriang "Linggo ng Wika"...batid pa rin ba ninyo ang panahong ito?... ito din ang paggunita sa kamatayan ng unang presidente ng bansa na nagwagi sa pamamagitan ng halalan, ama ng wikang pambansa at ikalawa sa mga naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas, si Manuel L. Quezon...bukod sa kanya, sa unang linggo at unang araw din ng kasalukuyang taon pumanaw ang unang babaeng presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon Aquino na nagsilbing inspirasyon sa karamihan ng mga mamayang Pilipino...at ngayon ika-dalawampu't isa ng Agosto, ang araw ng paggunita sa kamatayan ng dating Senador Benigno Aquino Jr....ika-21 ng Agosto taong 1983 (1 year old pa lang ako nito...) ng siya ay barilin sa Luneta paliparan...ang kanyang kamatayan ang nagsilbing mitsa ng unang EDSA People Power...kung saan pinatalsik ang diktadurya ng dating pangulong Ferdinand Marcos... nakakatuwang isipin na may mga taong nagmalasakit pa din para sa bayang Pilipinas...ang mga bayaning tulad nila Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Juan Luna, Melchora Aquino hanggang kay Lapu-Lapu ay hindi matatawaran ang kanilang pinamalas na kagitingan at pagmamahal sa bayan... ang kanilang kabayanihan ay sa buwan din pong ito pinagdiriwang...opo! hindi din po yan chismis...ang araw po ng mga bayani (National Heroes Day) ay ating ipinagdiriwang tuwing Lunes sa ika-apat na linggo sa buwan Agosto...sana naalala mo....sa ika-24 ng Agosto ng taong ito, ating pagdiwang ang kabayanihan nila...at kabayanihan mo....

....alam kong marami pang nagmamalasakit sa bansang ito...alam kong isa ka dun...




epal lang: ang dami ng holiday ngayon August...ang saya-saya!


...global warming a warning?...

...global warming...greenhouse effect...ozone layer...mga konteksto na pamilyar sa ating mga isipan...at bukod sa mga iyan pamilyar din tayo sa ideya ng climate change, la niña, el niño....at marami pang iba na ukol sa pagbabago sa mundo... pero tunay nga bang merong global warming? kung meron may magagawa ba tayo upang pigilan ito?...pero teka alam mo ba ang global warming?...para sa karamihan ang global warming ay tumutukoy sa narararamdamang pagtaas ng katamtamang temperatura sa ating planeta...sa katunayan tumaas ng 0.6 ± 0.2 degree Celsius ang temperatura ng ating mundo sa loob ng ika-dalawampung siglo nito...

...totoong meron global warming, ito ang paniniwala ng ilang mga siyentipiko at ng karamihan sa atin...sinisi na ang dahilan nito ay sanhi ng kapabayaan ng tao...sinasabi na ito ay dahil sa labis na paggamit ng enerhiya, pagsusunog ng mga kemikal o mga elemento na posibleng nakakasira sa ozone layer tulad ng fossils, carbon at iba pa.... nakakatawang isipin na masyadong na-guilty ang mga tao sa kasalanang ito...maging ang gobyerno ng iba't ibang bansa kabilang ang ilang mga grupo ay hindi na mag-kaundagaga sa kaliwa't kanang panawagan ukol sa pagliligtas sa kalagayan ng mundo, sa katunayan may treaty pang ginawa ukol dito, ang Kyoto Treaty...sabi ng karamihan, "please save OUR planet"...oooopppsss...teka bakit natin aangkinin ang mundong ito...OUR..hindi ito atin...hindi lang tayo, mga tao, ang nilalang sa mundong ito...kung makakapagsalita lamang ang mga insekto, mga hayop, halaman, isama na natin ang mga ipis..sisigaw din sila na, "hoy! planeta din namin ito!".... ang aking punto, hindi lahat ng mga pagbabago sa planeta ay dulot ng tao, huwag mong isisi ang lahat ng ito sa iyo...meron pang mga iba pang dahilan...mga natural na dahilan, tulad ng pagputok ng bulkan, natural na paggalaw ng mga lupa... mga pagbabago sa antas ng sikat ng araw...at ilang mga paggalaw sa kalawakan...

...bukod sa mga iyan, naalala nyo pa ba ang lecture ng ating mga teacher noong elementary pa tayo kung paano unang nakatungtong ang tao sa Pilipinas? ...sinabi nila na dumating ang unang mga tao sa pamamagitan ng tulay na lupa, nawala lamang ito ng tumaas na ang tubig dahil pagkatunaw ng yelo sa polong rehiyon ng mundo...kung totoo iyon, ibig sabihin noon pa man nakaranas na ng global warming ang mundo... at bilang karagdagan, may mga pag-aaral sa amerika na nagsasabing ang global warming ay isang cycle...ayon kay Fred Singer, dumadating ito sa mundo tuwing ika-1,500 nitong taon...ang sabi pa nga nya...hindi tao o ang mga gawain nito ang dahilan ng climate change...kundi nature mismo...ito ang kontekstong hindi natin mapipigilan, ang natural na galaw ng kalikasan...

...sa mga lumang aklat, sinasabi na meron daw dinosaur noon....pero bakit wala na sila ngayon...may mga nagsabi na dahil iyon sa pagbasak ng mga asteroid at meteor sa mundo pero sa aking palagay hindi iyon totoo...posibleng namatay ang mga dinosaur dahil sa labis na init...bilang patunay ang pag-aaral sa Geology (32: 157–160, 2004) ay nagsasabi na may bato silang natagpuan na tumutukoy sa matinding init noong panahon ng Jurrasic...ito ay naagnas ng halos 400%...ang nasabing bato ay nagtataglay ng iba't ibang oksido ng carbon...

...sa mga sinabi ko at sinabi ng iba...hindi talaga nasisira ang mundo...magpapatuloy ito kahit wala ang mga tao... walang inaaksayang enerhiya ang mundo o maging ang kalawakan... patuloy lamang itong nagbabago ... ang bawat buhay sa mundo ay hindi talaga nawawala...nag-iiba lamang ito ng anyo base sa sirkulasyon...kung may global warming, meron din kayang global cooling? ...mas dapat bang katakutan ang tumitinding init sa mundo o ang matagal ng ginaw at lamig sa buong kalawakan?

...ang sabi sa mga aklat ni Nostradamus...sa Dec. 2012...at doon lahat ay magwawakas... naniniwala ka?

...ako hindi...walang sinuman sa atin ang nakakaalam ng hinaharap...tanging ang Dakilang Lumikha lamang...


note: ang inyong nabasa ay base sa aking personal na opinyon at ilang nabasang mga artikulo...hindi ko po sinasabi na mali na pangalagaan ang kalikasan...atin lamang po itong ipagpatuloy kung alam nating ito'y nakakatulong sa sangkatauhan... hindi ko din po sinasabi na mali ang ginagawang hakbang ng kinauukulan ukol sa global warming...ngunit hindi ko din po sinasabi na tama iyon...


Biyernes, Agosto 14, 2009

...super G turning super [B]usy...

akala mo nakalimutan na kita... akala mo hindi na kita naalala... akala mo pinabayaan na kita...akala mo hindi kita na miss... akala mo...akala mo lang yun...

akala mo busy ako...totoo busy talaga ako... pero hindi sapat ang ang mga pagkakataong iyon upang iyong palitan ang aking pangalang Super G bilang si Super Busy...dahil sa mga saglit na iyon, hindi kita nakalimutan...totoo, superhero man akong ituring, minsan ako'y napapagod din...

pero...nandito pa din ako...hindi nawala...hindi nagbago.... alam kong matagal na din ang panahon ang nakakalipas ng huli mong marinig ang mga kwento ko...marinig ang kwentong minsan inakala mong walang kabuluhan...ngunit hindi iyon mga kwentong walang halaga, nasa iyong pag-intindi ang tunay na halaga n'yon...

ako'y nandito ng muli...muling dadalawin ang mga ka-blogs na inakala nilang sila'y aking kinalimutan... nandito na akong muli... ang superherong utak gulaman kung ituring ngunit super hero ang dating...

***ka-ekekang drama lang ang inyong nabasa...kung baga dramatic return... aheheheh...



Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Absolute Value Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Avoid Negativity Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless get real gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran Irrationalget isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan math Math is Life mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pi Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural ta tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang Tangent Line tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...