Biyernes, Oktubre 22, 2010

...isang sulyap sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap...

[Paalaala: ang sulating ito ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda, anumang bahagi na may pakakatulad sa iba pang kwento at tunay na buhay ay hindi sinasadya, Maligayang Pagbabasa!]

***

Sa Kalendaryo. May 31, 2041.

Oo tama, ito ang katapusan na araw sa buwan ng Mayo ng taong dalawang libo apatnapu't isa, ito na aking ika-limampu't siyam na kaarawan. Isang taon na lamang at hahantong na din ako sa aking ika-animnapung kaarawan. Totoo, halos hindi na din kita madinig, humihina na ang aking tenga. Halos hindi na din kita makita, nanlalabo na ang aking mga mata. Mahina na ang aking katawan at bumabagal na din ang gana ng isipan. Natatakot ako. Natatakot ako na sa pagpikit ng mga mata kong ito ay hindi ko na muling maalala ang mga sandaling naging bahagi ka ng mahirap at simple kong mundo. Natatakot ako.

"Pa, gising! si Ace po ito...", isang uyog ang gumising sa aking sandaling pagkakaidlip.

"Alas, ikaw pala yan, kailan ka pa dumating?", tanong ko.

"Eh, kararating ko lang din po. Medyo na-delay po ang flight naming mag-anak kaya ngayon lang din kami nakarating dito", sunod-sunod nyang tugon habang papalapit sa matandang babaeng nasa duyan.

"Alas,wag mo munang gisingin ang mama mo. Napagod kasi yan sa pagluluto kanina. Gustung-gusto pa din nya kasing sya ang magluluto para sa mga apo nya kahit na alam nyang madali na syang mapagod. Hayss, ang mama mo talaga", tugon kong may kasamang isang malalim na buntong hininga.

Siya si Ace, Alas kung tawagin sya namin ng aking may-bahay--si Grace. Siya ang aming panganay na anak. At ang sumunod sa kanya ay si Graciella. Dalawa lamang ang naging anak namin at ang mga pangalan nila ay aking sinunod sa pangalan ni Grace, ang aking Grasya. Totoo, mahal na mahal ko ang aking Grasya kung kaya lahat ng magagandang bagay na naging kabahagi ng buhay ko ay iniaalay ko sa kanya.

Taong 2003 ng magkakilala kaming dalawa, isang simpleng pagsusuyuan na humantong din naman sa seryoso at maalab na pagmamahalan. Pero bago pa man kami magkasama ng mahaba-habang panahon maraming hirap, luha at kalungkutan ang aming tiniis. Sa katunayan, makalipas ang isang taon ng suyuan at pagkakapalagayan ng loob, nagdesisyon si Grace na iwan nya ang sariling bayan at ako. Malungkot na ang mga sumunod na tagpo noon, pero puno pa din ng pag-asa ang bawat isa. Hindi na din ako tumutol sa desisyon nya bagkus taos puso kong sinuportahan ang kanyang kagustuhan. At alam kong iyon din ang tama, tama para sa pamilya nya at tama para sa pangarap naming pamilya. Alam kong ang kanyang paglisan ay hindi wakas ng aming pagmamahalan, naniwala ako na daan yun upang tuparin ang mga pangarap nya... ang pangarap namin dalawa.

Sa paliparan.

Halo-halong luha ang nandoon. Luha ng kalungkutan at pag-asa para mga pamilyang naiiwan. At luha ng galak at pananabik para sa kapamilyang muling nagbalik. Mga luha ng pagmamahal para sa bawat isa.

Gusto ko din umiyak ng mga sandaling iyon at pigilan sya sa kanyang pag-alis. Ngunit hindi, kailangan nyang gawin iyon. Kailangan. Niyakap ko sya ng buong higpit at pinaalalahanan ng mga salitang hindi ko din alam kung matatandaan pa nya. Pigil ang aking luha. Ayaw kong makita nya iyon. At sa kanyang pagtalikod, isang paalala nya ang saglit na nagpangiti sa malungkot kong mukha.

"Wag kang mambabae ha? Subukan mo lang bobodjakin kita!", maluha-luha at napapangiti nyang sabi.

Saglit lang din at pumasok na sya sa loob ng paliparan. At nawala na sya sa akin paningin.

Sa paglisan ng aking Grasya, naging matamlay ang mga sumunod na araw. Ngunit hindi, kailangan kong maging matatag dahil si Grasya ay dalawang ulit na mas mahirap ang pinagdadaanan nya kumpara sa akin. Kung nalulungkot ako dito paano pa kya sya na mag-isa lamang sa lugar na hindi sya pamilyar. Kailangan kong maging matatag, kailangang magtiwala sa isa't isa.

2006. Mahigit tatlong taon na din ng umalis si Grace. Tanging tawagan lang sa telepono at computer ang naging kamunikasyon. Araw-araw walang patid. Yun lang din kasi ang meron kami at hindi na namin yun ipagkakait pa sa isa't isa.

2007, 2008, 2009, 2010. Mabilis na nagpalit ang pahina ng kalendaryo ngunit naging ganun pa din ang sistema--LDR. Telepono at computer, araw-araw. Mahirap, malungkot pero kailangan para sa mga pangarap. Nagkakatampuhan minsan, ngunit kailangan mag-kaayos. Kailangan laging nag-aalab ang pag-iibigang milya-milya ang pagitan, pag-iibigang libong karagatan ang hadlang. Hindi dapat sumuko. Kailangan.

Mayo ng taong dalawang libo't labing isa, dumating na din ang pinakahihintay namin. Sa paliparan. Hindi na malungkot na mukha at luha ng kalungkutan ang aking tangan bagkus puno ang aking puso ng galak at pananabik. Umuwi na ang aking Grasya.

At sa pagbalik ni Grace, nabigyan din katuparan ang pag-iisang dibdib na ilang taon ding nabinbin dahil sa pag-aalala para sa kinabukasan. Sa pagkakataon ito hindi na namin iniisip ang bukas. Ang mahalaga kapiling namin ang bawat isa. At ang pag-iibigang iyon ay nagbunga ng dalawang makukulit at mapagmahal na supling si Ace at Graciella.

Katulad ng ibang pamilya, hindi din naging madali ang buhay namin. Ngunit nanatili kaming matatag at puno ng pagmamahalan. Sa aming mga pagtitiis at hirap na pinagdaanan, walang problema na hindi maaaring malampasan sa tulong ng tiwala sa isa't isa, pagmamahal at sa tulong ng Dakilang Lumikha.  Maayos namin pinalaki ang aming mga anak na sa ngayon ay may sarili na ding mga pamilya.

"Pa, mano po!", isang babae ang umabot ng aking kamay. Si Graciella habang karay-karay ang kanyang munting anghel.

"Ang laki na pala ng apo ko ah! Akin na nga muna na yan at na-miss namin ng mama mo yan ng sobra", nakangiti kong tugon.
"Nasaan na nga pala ang bolero mong asawa?", tanong ko kay Graciella.

"Andun po sa loob, dala yung suhol nya na naman sa inyo...ahahaha", nakabungisngis nyang tugon.

"Hays, yan talagang asawa mo oh, tuloy pa din ang pagpapalakas nya sa amin, eh pasado na nga sya, at ito na nga ang trophy na oh..", nakangiti kong sabi habang inuugoy ang munting anghel.

"Ay, pumasok na kayo dun Graciella, susunod na kami ng mama mo, gigisingin ko lang siya saglit, susunod na kami.", muli kong tugon habang binabalik sa kanyang bisig ang munting anghel.

Lumapit ako sa duyan, na kanina ko pa sinisipat. Doon, muli kong pinagmasdan ang bahagyang kulubot na mukha ng babae at bumulong sa sarili na, "Salamat, at kasama kita hanggang sa finals". Akma ko na syang gigisingin ng mapansin kong sya ay ngumingisi. 

Nakapikit sya habang sinasabi, "ikaw talaga oh, na-iinlab ka na naman akin, kung makatitig ka para kang teenager...ahahaha".

Tumabi ako sa kanya at inakbayan.

"Malaki na Graciella no? Gusto mo sundan na natin sya?", mapanukso kong imik.

"Magtigil ka nga dyan, mahina na nga ang tuhod mo, puro pa ka kalokohan." "Tara, pumasok na nga tayo at sigurado gutom na ang mga apo mo".

Nakangiti kaming pumasok sa paraiso. 






Miyerkules, Oktubre 13, 2010

...musika at ganda...

mga ilang linggo na din ang nakakalipas ng ako'y muling bumalik sa mundong ito--ang mundo ng blogging...ang totoo nyan dahil sa mahaba-habang pagbabakasyon mukha yatang kinakalawang na si SuperGulaman...hirap gumawa ng entrada...walang maisip na magandang tema...walang mahabing mga salita...salat na sa pambobola at paggawa ng kwentong minsan na kahit sarili ay hindi naniniwala...laging tulala...sa madaling salita...parang tanga...

...matagal na din ang oras na nakalilipas mula ng isulat ko ang talatang nasa itaas...bakit? hindi ko na din kasi alam kung ano pa ang isusunod ko dyan...hanggang sa maglakwatsa ang daliri at mata patungo sa paboritong panooran ng lahat--ang youtube... isang klik lang... presto!...aliw na ito at titigil na ang mundo... ikaw kaya mo bang paikutin o ihinto ang ikot ng mundo?

sabi ng iba, "Love Makes the World Go 'Round" pero para sa akin "NOT ONLY Love Makes the World Go 'Round, but Love Makes the Ride Worthwhile"...sabi din nila marami daw ang nagpapaikot sa mundo at nakabase o nakadepende yun sa kung ano ang pinahahalagahan natin...magkagayunman, ngayon ko lang napagtanto na nagagawa pala talaga nating mapatigil o mapaikot ang mundo... isa ang pag-ibig para mapaikot ito.... at musika at ganda para sa saglit na pagtigil ng mundo...maniwala ka...nandito ang mga dahilan ng paghinto ng mundo...sila nga... :)

Stephenie Gee




Alyssa Bernal



Kina Granis




Kim Yeo Hee (Apple Girl)



Julia Sheer



At sa lahat ng mga iyan...syempre hindi ko pa din makakaligtaan ang all time na pinakapaborito ko...Andrea Corr...the best!

Andrea Corr



*** para sa aking Grasya...kung ang mga panooring yan ang dahilan ng paghinto ng mundo... ikaw aking Grasya ang aking Mundo, wala ng iba... :)

Huwebes, Oktubre 7, 2010

...ang panyo...

ika-pito ngaun sa buwan ng oktubre...ang pinaka-paborito kong araw sa bawat buwan...maaga akong nagising at nagbihis para makupunta agad sa trabaho..."grabe ang gwapo naman nito",(*nakaharap ako sa salamin*)...matapos ang ilang orasyon, naglagay ng konting pabango, sinuot ang bagong labang sumbrero, sinuot ko din ang ilang palamuti na bigay ng Grasya ko, at naglagay na din ako ng sound system sa tenga ko...ayun, presto handa na akong lumarga...

..."ayuz mukhang ok nmn ang lahat, maaga pa eh...maluwag ang byahe ngaun", sabi ko sa sarili... ang totoo nyan, ang umaga ang pinakagusto kong oras ng pagsakay ng jeep o pagbyahe...syempre, halos lahat ng makakatabi mo sa jeep ay mga fresh pa at mababango patungo sa kani-kanilang trabaho o eskwelahan...sa may kanto, naghintay din ako kaunti bago sumakay ng jeep, namimili ng walang gaanong tao, para hindi masyado maiinit...ilang saglit pa..ayan may jeep na...naupo ako malapit sa estribo..ok itong lugar na ito, tamang-tama sa pagpasyal ko sa mundo ng imahinasyon....sa madaling salita, tutunga na naman ako... habang papalayo kmi sa kantong aking pinaghintayan, unti-unti na ding napupuno ang aming sasakyan...ok na din ang pwesto ko, kahit medyo malaki yung katabi ko, kaaya-aya nmn ang amoy ng kanyang pabango....

...malayo na din ang aking nalalakbay sa mundo ng imahinasyon...huminto ang jeep, may pumara..may sasakay..., nagsumiksik itong tumabi sa pagitan namin ng malaking tao na aking katabi knina...umusog kami ng onti para paupuin siya...ngunit bigla akong natigalgal sa aking nalanghap....noong una inakala ko lng na baka nga guni-guni ko lang un..iniisip na baka ako lang din yun..inalala na baka nga dahil ang bibig ay malapit sa ilong..pasimple kong kinuha ang armas na inabot sa akin ng nanay ko knina..."ang panyo"..pasimple akong huminga at inamoy iyon...pero hindi akin ang amoy na iyon, nagsipilyo ako ng ilang minuto eh...at yun na nga alam ko na kung saan galing ang kakaibang amoy na iyon...

...pinilit kong inunawa ang kanyang amoy na bka nga nakalimutan niya lang maligo ng isang linggo o dalawang buwan..kung sabagay hindi namn krimen ang hindi paliligo..wala pa namn akong nakikilala na nakulong ng dahil sa hindi paliligo...pero iba ito...amoy tinapay siya...ito ung tinapay na kung tawagin ay "putok"...ibang klase ang amoy, ito ung amoy na hindi lang basta tumatambay sa ilong...dumidikit yata ito sa balat...pumapasok sa iyong epidermis...manunuot at didiretso sa iyong sistema...matindi ito, inabot na nya aking sikmura..sumasama na ang pakiramdam ko..hindi ko na maunawaan kung nasusuka na ako o natatae...hindi ko na kaya...sa loob ng bag na aking tangan, ipinasok ko ang panyo, at duon pasikreto kong winisikan ito ng imported kong pabango...bwahahaha, sigurado maliligtas na ako sa amoy na ito....pagkatapos ng ilang saglit, pinantakip kong muli ang panyo sa aking ilong...mmhhhhh..."kala mo ha? kaya mo ang armas ng bigay ng nanay ko.."...napapangiti na sana ko nung oras n iyon...pero ibang klase itong si manang, kumapit siya sa baras ng jeep..nakataas ang knyang kamay..."waaaaa!"...nalilito na ako nung oras na iyon...gusto ko nga bumaba at sumakay sa ibang jeep...pero ang mahal na ng pamasahe ngaun...kailangan kong magtiis at mag-isip ng paraan...

...makailang saglit pa, may pumara sa may edsa...dalidali akong sumalisi at umupo sa likod ng driver ng jeep...sa pwestong ito, mukhang ligtas na ako...binaba ko na ang aking armas upang matiyak kung abot pa dun ang "nuclear weapon" ni manang... pero oo nga...umiikot na ang mala-lason na amoy n iyon sa buong jeep...pero mas ok na ang pwesto ko ngaun...kaya ko na itong harapin gamit ang armas na bigay ng nanay ko..."ang panyo"...


Lunes, Oktubre 4, 2010

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman...

matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay muling ginamit ng mga Pilipino at binago ayon sa kanilang pangangailangan... ang mga dating sasakyang pandigma ay sadyang binago upang magiging pampublikong transportasyon na angkop sa kalagayan ng panahon... sa pagbangon ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaan Pandaigdig (World War II) hindi na binitawan ng mga Pilipino ang paggamit sa Jeep bagkus ay nagkaroon pa ng madaming produksyon ng ganitong uri ng sasakyan sa bansa...at dito ipinanganak ang sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...

ang salitang "jeep" ay hango sa sasakyang ginamit ng bansang Amerika sa digmaan na kung tawagin nila ay GP...ang GP ay mula sa pagpapaikli ng mga sa salitang "General Purpose o Government Purposes"...dahil sa kakaibang paraan ng mga Amerikano sa pagbabaybay ng kanilang salita, ang salitang GP ay nabago na sa Pilipinas at tinawag na nating itong Jeep o dyip at Jeepney sa pormal na pamamaraan...

ang jeep para sa iba ay isang uri lamang ng sasakyan, ngunit hindi... ang jeep ay ang buhay ng maraming pamilya sa bansa... para sa mga tsuper, ito ang kanilang "bread and butter"... nandito ang kanilang buhay... para sa mga ordinaryong manggagawa at mag-aaral, ang jeep ang nagsisilbi nilang angkasan sa pag-arangkada sa buhay.... ang jeep ang sumisimbulo sa mga taong nakararami sa bansa--- ang masa....

ang jeep para sa iba ay isang tahanan, kaya hindi na nakapagtataka kung makikita ang pangalan ng bawat miyembro ng pamilya, pangalan ng anak, pangalan ng asawa, minsan kasama na din pati pangalan ng kabit....bukod sa mga iyan, may mga pangalan din ng mga santo, pangalan ng mga anghel, pangalan ng... (anu nga ba ang zodiac signs sa tagalog?)..basta zodiac signs...nakakatuwa din pagmasdan at basahin ang bawat paskil at pakulo sa sasakyang tinaguriang "Hari ng Kalsada"...ilan dito ay:
  • Barya lang po sa umaga ng di maabala
  • Bawal tutok, pwede pasok!
  • Katas ng Saudi/ Puro kayo Katas, Utang Ito!
  • Basta sexy libre, sa drayber lang tumabe
  • Pag seksi libre, pag buntis doble!
  • God knows Hudas not pay
  • Batak Mo, Stop Ko / Batak Mo, Hinto Ko
  • Bawal ang sabit, pwede ang kabit
  • No ID, No Discount
  • Bawal Manigarilyo/No Smoking
  • Konting ipit, baka masilip
  • Wag bukaka, baka bangga
  • Pasok lang po ng pasok... maluwag yan, araw-araw ginagamit iyan...
  • Ang kumatok, sira ang tuktok
  • Kalimutan ang lahat, wag lang po ang bayad...
  • Ang salamat ay magandang pakinggan ngunit di pwedeng ipambayad sa gasolinahan.
  • Pag-ibig ko'y sayo'y wagas at dalisay ngunit ikaw palay isang garutay.
  • Magandang dalaga nais kitang makilala ngunit akoy abala sa aking manibela
  • Pasaherong tapat wag sanang barat, hustuhin mo ang bayad.
  • Ang sumutsot ay aso.. ang kumatok ay gago!
  • Ang katok ay para sa pinto.. ang para ay sa tao!
...pero sa lahat ng mga iyan, ito ang pinaka paborito ko, "Fool the string to Stuff" ...sa mahigit na labing-anim na libong (16,000) beses na pagsakay ko sa jeep mula ng ako'y ipinanganak, hindi matatawaran ang mga karanasang naging kabahagi ng buhay ko ito...sa bawat ikot ng aking kapalaran sa Pilipinas, dyip ang naging kaantabay ko...mula sa aking pagpasok sa eskwela, pagpasyal sa mga lugar sa metro manila, pagsunod-sunod sa grasya, dyip ang nagsilbing kabahagi ko sa tuwina...

pero teka, nakasakay ka na ba ng jeep/dyip/jeepney? oo? kaso Hummer ba ang tatak ng jeep mo? ... gusto kong inggitin ang mga taong hindi pa nakakasakay ng dyip... kung hindi ka pa nakasakay sa jeep na tinutukoy ko kundi sa hummer mo lang... nalulungkot ako para sa'yo... bakit? 

....dahil hindi mo naranasan ang pagtatakip ng panyo sa ilong tuwing may mabahong katabi, dahil hindi mo naranasang makipagsiksikan sa loob ng dyip at matsansingan ng mga bading, dahil hindi mo pa naranasang sumigaw ng "Para!", dahil hindi mo pa naranasang manganib ang buhay mo sa pagsabit sa mga dyip na "patok" na tila ba naaaliw ang tsuper sa twing iwinawasiwas ang likurang bahagi ng sasakyan, dahil hindi mo pa naranasang maholdap/madukutan/ma-slashan/ma-snatsan sa loob ng jeep, dahil hindi mo pa naranasang magulangan ni manong tsuper, dahil hindi mo pa naranasang gulangan si manong tsuper, dahil hindi mo pa naranasang mag-1-2-3, dahil hindi mo pa naranasang matsansingan ang magandang chicks na nag-aabot ng bayad at sukli, dahil hindi mo pa naranasang mapagbintangan ng isang manang na tsinatsansingan mo siya, dahil hindi mo pa naranasang masandigan ng antuking tulo ang laway, at dahil wala kang maibabahaging kwento o karanasang pang-jeep na katulad nito sa iba...mga karanasang pang-jeep na tunay tatak-Pilipino...

...sana bago matapos ang di-gaanong kahabaang sulating ito ay nakumbinsi ko kayo na minsan subukan nyo din na sakyan ang dyip na naging kabahagi na sa bawat yugto ng pagbabago sa "Bayan ni Juan"...

bukas, sasakay ulit ako...

Biyernes, Oktubre 1, 2010

...babalik ka din...

pasado alas-singko na ng lumisan ako mula sa opisina... "uwi na kayo sir?", bati sa akin ng gwardya sa halos araw-araw naming pagkikita...tumango lang ako kasabay ng pag-angat ng kilay...walang imik, tahimik na tinungo ko ang pintuan ng gusali...sinipat ko ang langit...makulimlim...nagbabadya na naman ang ulan... buntong hininga.

sa jeep. nakatitig na naman sa kawalan hanggang sa bulabugin ang aking pagtunganga ng malakas na pag-buhos ng ulan...katabi ang estribo, seryoso kong minamatyagan ang mga nagmamadaling mga tao sa lansangan...halos lahat hindi magkandaugaga sa pagpapaliit ng katawan para hindi lang mabasa ng ulan...may taong nagsusumiksik sa maliit nyang payong...ang isa ay animo'y masamang tao dahil sa balot na balot ang buong katawan... may mga estudyante din na nagsisiksikan sa silong ng tindahan...akyat-baba na din ang tao sa jeep...ang iba'y may mga dalang payong na tila ba na naaliw sa twing iwinawasiwas nila ito sa mukha ko...gusto kong sumigaw na "Oy...tao po ako, hindi po ako gabi na waterproof..." ...ngumingiti na lang ako sa twing humihingi sila ng paumanhin...good sign yun na nakikita pa pala nila ako, hindi tulad ko na minsan iniisip ko na espiritu na lang ako...na nararamdaman lang at imposible ng makita ng mata...

...ang tao nga naman... kung saan-saan nagpupunta...sa opisina, paaralan, pasyalan...ang iba pa nga ay kung saan-saang lupalop ng mundo tumutungo... kasabay nito marami din silang hirap at unos na pagdaraanan...sumisilong, nakakasakit ng kapwa, humihingi ng tawad, natututo...ngumingiti... sumasaya...pero sa lahat ng ito, isa lang ang hanap ng tao ---ang tahanan... hindi magiging kumpleto ang mga karanasan sa buhay kung walang tahanang babalikan...ito ang tao laging hinahangad ang muling makabalik sa kanilang tahanan at umasa sa muling pagtila ng ulan...


Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur