Sabado, Marso 30, 2013

Pag-uuri


"Ihiwalay ang puti sa de-color"


Natapos na naman ang buong linggo ko at sa wakas rest day ko na naman.  Pero katulad naman ng dati wala namang bago.  Bukod sa gwapo pa din naman ako (ehem!), wala naman kakaiba sa buhay ng isang OFW. Pero kung iisipin mo nga naman tayong mga Pilipino ay likas sa hilig sa pag-uuri (categorization) ng mga bagay-bagay. OFW...Overseas Filipino Worker sabi nila. May narinig na ba kayong OAW, Overseas American Worker? O kaya naman, OCW, Overseas Chinese Worker? Kahit mga taga-India, wala naman din daw silang OIW, Overseas Indian Worker. Tayo lang ang meron nyan. Onli in d Pilipins. 

Sige isipin mo din, sa propesyon na gusto mong tahakin may pag-uuri din tayo dyan at iyon ay ayon sa impluwensya ng pamilya. Halimbawa, ang mga Marcos, pamilya yan ng mga politician. Ang mga Aquino, pamilya yan ng mga politician din. Politician nga ba o artista?... Ah basta, poli-tista na lang ayon sa pag-uuri ni SuperG.  Kung ang mga magulang mo ay teacher, malamang teacher ka din. Tapos ma-iisip mo na lang, aba! pamilya pala kami ng mga teacher. Kung basketbolista naman ang magulang mo, malamang maging basketbolero ka..ay basketbolista pala. Kitam.

Tapos meron din tayong mga pag-uuri na palasak sa mundong ating ginagalawan. Pag-uuri ng "mahirap" at  "mayaman", "matalino" at "bobo" at meron pang bonus na kategorya at yun ay "tanga". Kung noong grade school ka at lagi ka sa row 4 alam mo na kung saang kategorya ka noon. Anong row nga pla naka-upo ang mga tanga? Ang sabi ng classmate ko noon, "Ayan oh, may sariling desk sa harapan natin, lagi kitang kinokopyahan pero hindi pa nya ako nahuhuli".

Noong highschool ako, madalas akong kinakantyawan ni Laura ng "Ihiwalay ang puti sa de-color" dahil sa kayumangging kaligatan kong kulay. Ngiti lang ang sinukuli ko dahil alam kong crush naman nya ako.  Bwahahaha, kala mo ha? Pero inpeyrnes, d best ang mga highschool friends.

Ngayon, Oo, ngayon nga hindi bukas, ngayon dito sa Dubai, ito ang palasak na pag-uuri.  Mabango at mabaho! (Pinoy din ay pakana nyan...^_^)

Linggo, Marso 17, 2013

Tagal


Update. update.


Wala na ako sa Pinas ngayon at medyo may katagalan na din.  Mag-dadalawang taon na din. Hindi na din ako single at medyo may katagalan na din. Mag-dadalawang taon na din. At may baby na din ako at hindi pa naman ito katagalan. Mag-iisang taon pa lang din. Sa pagkakaalam ko nasabi ko din yata ang mga bagay na ito sa blog na ito at medyo may katagalan na din.

May katagalan at kabagalan.

Yan! Yan ang eksaktong larawan ng kukote ko ngayon.  Pero teka may larawan nga ba ang kukote? Kita nyo na hindi lang mabagal minsan may pagkasira-ulo din.  Balik tayo sa usapang katagalan.  Ang salitang "katagalan" ay mula sa salitang-ugat na "tagal" na nilagyan ng unlaping "ka-" at hulaping "-an". Ang salitang "tagal" ay isang pang-uri o adhetibo na tumutukoy sa haba ng oras ng paghihintay.  Ito rin ay kadalasang naiuugnay sa salitang "inip".  Ang salitang "inip" ay bahala na kayong maghanap ng kahulugan. Aba, OA naman yun kung pati yun i-define ko pa. Ahehehe.

Ano nga ba ang "tagal"?

Para sa akin, ang "tagal" ay paglalarawan ng ating mga adhikain sa buhay.  Para sa akin yan ha? Hindi yan para sa'yo pero kung gusto mo, sige na nga share. Noong tatlong taong-gulang pa lang ako, ang sabi ko, "Ang tagal ko naman pumasok sa school". Noong, Grade 1 na ako, ang sabi ko, "Ang tagal ko naman mag-High School".  Noong, Graduate na ako ng High School, ang sabi ko "Ang tagal pa din ng apat na taon sa College." Noong, graduate na ng College. Ang sabi ko,  "Ang tagal ko naman makahanap ng trabaho."  Noong nakahanap na ng trabaho, ang sabi ko, "Ang tagal ko na sa trabahong ito, wala na bang iba".  Noong makilala ko ang Grasya, "Ang tagal mo, bakit ngayon ka lang? Eh di sana anim na ang baby natin". Kitam.

Habang ginagawa ko ang post na ito, nag-message sa akin ang isang magandang boholana-sexy-klasmeyt-with dimples sa facebook. Nangamusta-kinamusta-nagkamustahan lang din kami. Ang sabi nya single pa din daw sya at may katagalan na din daw.  Gusto kong mag-isip ng ibang bagay, kaso napangiti na lng ako. Ayaw kong masaktan-mabalian ng buto-at maihagis sa pacific ocean ng Grasya. Ang sabi ko na lang, "Hintayin mong ma-surprise ka, wag kang mag-madali katulad ng surname ko." O alam nyo na ang totoong pangalan ni SuperGulaman.  Bhoyet Madali, search mo sa facebook. Dali! 

Teka! ang tagal ko ng nag-ta-type..mahaba na ata. Stop na muna.

Sige mag-koment ka na. Tagal!





Huwebes, Marso 14, 2013

WiFi

Internet WiFi hacking mode. Tulog pa lang ako, busy na ang utak ko sa paghahagilap ng paraan kung paano ako makakasagap ng libreng WiFi mula sa mga kapitbahay. Kung sa paanong paraan?...maraming paraan.  Kung sakali na mai-post ko ang sulating ito, tagumpay ang bidang loko.

Kahapon... kahapon nga ba? Hindi ako sigurado, basta noong gumawa ako ng post ukol sa aking pagbabalik...hindi ko akaling may papansin nito.  Aba! si superjaid at kamilshake bumati na. Aba syempre maraming tenkyu po. 

Sa ngayon gusto ko lang mag-post ng kahit ano. Sa katunayan hindi ko alam kung paano sisimulan ang post na ito.  Hindi ko din alam kung paano tatapusin.  Kaya ganito na lng muna, parang sabi ni Chito ng Parokya. Bigla na lng mawawala.

Martes, Marso 12, 2013

Eto na...eto na ulit!

Imahe mula sa Leisure Rumblings

Lumipad, nagpumiglas at kumawala ang ideyang nakahimlay sa bahagi ng bungo na kung tawagin ay kukote.  Hindi ko lang alam kung katulad ba ito ng ginto na kapag itinago sa mahabang panahon ay tataas ang halaga o dili kaya'y parang kutsilyong naging mapurol at kinalawang na dahil sa haba ng panahong hindi ito nagagamit.


Hanggang sa sumandaling ito, wala pa din ang gana, wala pa din ang sigla at pananabik na muling makibahagi sa nakagisnang panitik. Matamlay ang diwa na hindi katulad noon na puspos ng ideya at mayabong na imahinasyon, dunong at impormasyon. 

Ngunit katulad ng nakaraan, muli itong magbabalik...mangungulit at magpapasabik.

Mask?...ok.

Boots?...OA...but ok.

Cape?...cape?...kapa?...

Kapa???

...nasa service center pa...

***hindi lahat ng bumabalik ay matalino at sikat, minsan bobo din at tamad...***


Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Absolute Value Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Avoid Negativity Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless get real gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran Irrationalget isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan math Math is Life mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pi Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural ta tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang Tangent Line tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...