tag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post213670929985639258..comments2024-03-07T20:39:49.552-08:00Comments on Super Gulaman!: Reproductive Health Bill (Opinyon Ko)=supergulaman=http://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comBlogger38125tag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-19537185571599361442016-09-03T06:08:59.230-07:002016-09-03T06:08:59.230-07:00I was not happy until i met Dr.Agbazara through th...I was not happy until i met Dr.Agbazara through these details +2348104102662 OR agbazara@gmail.com because my husband has left me and never had the intention of coming back home. But just within 48 hours that i contacted Dr. Agbazara my marriage changed to the positive side, At first my husband came back home and since then my marriage has been more peaceful and romantic than ever beforeAnonymoushttps://www.blogger.com/profile/02322896103722682163noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-42941558913952873392011-11-15T22:11:07.617-08:002011-11-15T22:11:07.617-08:00... ako anti ako.. ang dami ng problema ng bansa t...... ako anti ako.. ang dami ng problema ng bansa tapos un ang uunahin nila..Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-72492921146781662592011-11-15T22:06:05.173-08:002011-11-15T22:06:05.173-08:00.. nice.. BRABO... TAMANG-TAMA.. YAN ANG OPINYON N..... nice.. BRABO... TAMANG-TAMA.. YAN ANG OPINYON NA HINAHANAP KO.. ..may malawak na isipan.. Thanks for sharing your Knowledge...Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-76602988660519563872011-07-26T15:11:55.935-07:002011-07-26T15:11:55.935-07:00@rina1323
salamat din sa iyong pagpasyal sa simple...@rina1323
salamat din sa iyong pagpasyal sa simpleng blog kong ito...nawa'y marami pa kogn kabataan matulungan...salamat... :)=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-87825282647384112362011-07-26T07:14:22.537-07:002011-07-26T07:14:22.537-07:00Karapat-dapat kang i-clap clap. *palakpak* Ang gal...Karapat-dapat kang i-clap clap. *palakpak* Ang galing ng opinyon niyo kuya. Nagustuhan ko. Mas lalo pa akong naliwanagan sa usaping RH Bill. Thank you talaga.

PS: Nakatulong ka po sa report ko. TY :))rina1323https://www.blogger.com/profile/06263079781043314575noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-60763106818381759742011-05-26T14:37:47.832-07:002011-05-26T14:37:47.832-07:00@Kosa
ahehehe..oo nga nakakaaliw ang mga komento, ...@Kosa
ahehehe..oo nga nakakaaliw ang mga komento, lalo na ang kay bebejho..bongga... :D=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-52448683504444179652011-05-26T11:11:24.769-07:002011-05-26T11:11:24.769-07:00ay nagbasa.
naaliw.
at masnaaliw sa napakahabang ...ay nagbasa.
naaliw.

at masnaaliw sa napakahabang mga komento.Kosahttps://www.blogger.com/profile/12571524230487081729noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-40490776781542558582011-05-24T23:51:45.562-07:002011-05-24T23:51:45.562-07:00@bebejho
pro-life ako... pero pwede mo ding sabihi...@bebejho
pro-life ako... pero pwede mo ding sabihin na anti-RH... or pwede ding sabihin Pro RH or pwede din sabihin na NOT anti RH o kaya din naman NOT Pro RH. ^_^

salamat sa pagpunta dito..kilala ka pla ng kapatid ko... :D=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-74361701475382639952011-05-24T23:47:10.375-07:002011-05-24T23:47:10.375-07:00hehe.. sa ngayon isa lang ang malinaw, nde ka pro-...hehe.. sa ngayon isa lang ang malinaw, nde ka pro-life anti RH ka.. :)

nice to be here.. ciao!bebejhohttp://bebejho.blogspot.comnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-5022220459781336012011-05-24T21:41:58.135-07:002011-05-24T21:41:58.135-07:00@bebejho
Ang RH Bill ay hindi lang naman tungkol ...@bebejho
Ang RH Bill ay hindi lang naman tungkol sa condoms at pills, nagbibigay din ito ng assistance para sa mga mag-asawa at mag-aasawa para mas maunawaan ang responsableng pananagutan sa pamilya at magiging anak. Hindi rin sya basta pipigilan mag-anak kundi tuturuan ang bawat mag-asawa ng tamang spacing ng pag-aanak para mas mabigyan ng mas komportableng buhay ang bawat anak.

***tama din na sabihin na ang  RH Bill ay hindi lang naman tungkol sa condoms at pills, nagbibigay din ito ng assistance para sa mga mag-asawa at mag-aasawa para mas maunawaan ang responsableng pananagutan sa pamilya at magiging anak. pero kung ating susuriin, nasa  “bill of rights”  na natin ang nakapaloob sa RH maliban sa usaping contraceptives. Responsible parenting? Nakasaad na yun sa ating educational system policies.. ang kulang lang siguro ay pangil sa pagtuturo ng tamang pagpapamilya, so anong solusyon ang nakikita ko? Dagdag na education budget at maayos na educational system. Naniniwala nga din ako na mas solusyon pa ang pagbibigay ng trabaho sa mga tao upang bumaba ang populasyon. Bakit? Kung may trabaho ang isang tao ilang oras ba sya sa trabaho? 6-8hrs di ba? Pag-uwi nyan, mag-hahanap ba yan ng sex? (depende) pero kadalasan magpapahinga na lng yan di ba. Ibig sabihin less risk yun sa pregnancy.

***Para sa akin ang win-win solution, ayusin ang gobyerno ang usapin sa kawalan ng trabaho ng pinoy, pagtibayin ang educational system, yung iba nasabi ko na pla sa blog entry kong ito…aheks…:D

Salamat po sa napakagandang talakayan…:)=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-54314265508887303412011-05-24T21:41:23.014-07:002011-05-24T21:41:23.014-07:00@bebejho
Ano ba ang depinisyon mo ng moralidad? Me...@bebejho
Ano ba ang depinisyon mo ng moralidad? Medyo nalito kasi ako. Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol at basta iwan ito sa kalye at imoral ang nanay na gumagamit ng pills para hindi muna masundan ang 8-buwang anak para higit na matugunan ang pangangailangan nya? Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol at hayaang maging adik ang anak dahil sa kakulangan sa tamang kaalaman tungkol sa pagpapamilya, at imoral ang mga magulang na gumagamit ng contraceptives dahil nagkasundo silang mag-asawa na 2 lang ang anak? Moral si Gloria dahil hindi sya gumagamit ng pills pero sandamakmak ang kinorap nya at imoral si Pnoy dahil suportado nya ang RH Bill? Paano na ang mga Muslim? Imoral silang lahat?

***Alam kong alam mo din ang depenisyon nyan. Naisulat mo nga eh, alisin lang natin ang conjunctions. Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol  (moral ito!) at basta iwan ito sa kalye (immoral) at imoral ang nanay na gumagamit ng pills para hindi muna masundan ang 8-buwang anak (immoral at least para sa opinion ko) para higit na matugunan ang pangangailangan nya (moral). Ayun may distinction na. Magaganda yang mga sample na yan pero ang totoo nyan ang mga samples na yan ay hindi patungkol sa moral at immoral, it is more on what is right and not right. Hindi porke’t tama ang isang bagay moral na iyon. Para sa iyo, maaaring tama,  ang nanay na gumagamit ng pills para hindi muna masundan ang 8-buwang anak , pero hindi yun nangangahulugan na moral ito. Ang sabi ko,  “what is right and not right”  at hindi ko sinabing  “what is right and wrong” . Hindi porket not right ay wrong o kung hindi tama ay mali na agad. Kasi posibleng yung hindi tama ay baka maging medyo tama, muntikang maging tama, o kaya naman magiging tama. Walang duality premise sa totoong buhay marami kasi tayong options.=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-88684472258965981612011-05-24T21:39:33.486-07:002011-05-24T21:39:33.486-07:00@bebejho
Oks lang kahit hindi pa last..natutuwa di...@bebejho
Oks lang kahit hindi pa last..natutuwa din naman ako. salamat.

una, gusto ko munang buuin ung talatang ibinigay mo sa itaas.. Ephesians 1:4 "For He chose us in Him before the creation of the world to be holy and blameless in His sight." Ito ay "encouraging letter" ni Paul para sa mananampalataya na taga Efeso na ang konteksto ay upang hikayatin sila na magpatuloy sa kanilang pananampalataya, maging banal at kapuri-puri sa harap ng Diyos dahil tayo ay Kanyang pinili upang maglingkod at magbigay papuri sa Kanya at nde sa konsepto ng "conception". Pwede mo ring basahin ang 1 Cor 7:2-5. Sinabi ng Bibliya na "be fruitful and multiply... fill the earth and subdue it." Kaakibat ng pagpaparami ay ang responsibilidad na pangalagaan at kontrolin ang mga ito. (maaari nating pag usapan ang Bibliya sa ibang pagkakataon..)

***Yup. Tama nabasa ko din yan. May mga prebiliheyong binigay sa atin ngunit may kaakibat din itong responsibilidad. Sa katunayan, naniniwala din ako na ang konseptong “be fruitful and multiply” ay hindi isang utos. Para sa akin, isa itong “blessing”  na parang nagpaalam tayo sa ating mga magulang na  “Inay, aalis na ako.”  Tapos ang sabi ng ating nanay ay  “Sige, mag-iingat kayo” . Para din sa akin ang bibliya at ang nilalaman nito ay hindi dapat pinagtatalunan ngunit maaari naman din itong pag-usapan. Bible is sacred. Para sa akin, ang bible ay hindi tungkol sa batas ng simbahan o ng kung anu man, hindi din ito tungkol sa nakaraan o history. Ang bible para sa akin ay  “gift” . Isang biyaya mula sa langit na nagsisilbing gabay sa atin. Isang gabay na nakedepende sa atin ang interpretasyon. Kaya diba marami na din relihiyon o mga sekta na ginagamit ang kani-kanilang interpretasyon sa mga sinasabi ng bibliya at wala pa din dyan ang Koran ng Muslim, Pasugo ng Iglesia, etc etc. Katulad ng sinabi ko, naniniwala din ako na sacred dapat ang “conception” kung kaya ang paggamit ng contraceptives violates the sacredness of conception. Kaya nga “contra”-ception kasi against conception. Pero kung hindi natin alam ang kahalagahan at sacredness ng conception madali na para sa atin i-consider ang paggamit ng contraceptives na parang pumasok tayo sa sagradong tabernakulo at nagtinda ng daing at tuyo. Kung baga parang binastos natin ang sagradong bagay para sa simbahan kaya hindi na din nakakapagtaka kung bakit gigil na gigil ang simbahan sa pagkontra sa RH Bill.=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-62061783960320116642011-05-24T19:52:57.664-07:002011-05-24T19:52:57.664-07:00ako ulit.. last na 'to :)
una, gusto ko munan...ako ulit.. last na 'to :)

una, gusto ko munang buuin ung talatang ibinigay mo sa itaas.. Ephesians 1:4 "For He chose us in Him before the creation of the world to be holy and blameless in His sight." Ito ay "encouraging letter" ni Paul para sa mananampalataya na taga Efeso na ang konteksto ay upang hikayatin sila na magpatuloy sa kanilang pananampalataya, maging banal at kapuri-puri sa harap ng Diyos dahil tayo ay Kanyang pinili upang maglingkod at magbigay papuri sa Kanya at nde sa konsepto ng "conception". Pwede mo ring basahin ang 1 Cor 7:2-5. Sinabi ng Bibliya na "be fruitful and multiply... fill the earth and subdue it." Kaakibat ng pagpaparami ay ang responsibilidad na pangalagaan at kontrolin ang mga ito. (maaari nating pag usapan ang Bibliya sa ibang pagkakataon..)

Ano ba ang depinisyon mo ng moralidad? Medyo nalito kasi ako. Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol at basta iwan ito sa kalye at imoral ang nanay na gumagamit ng pills para hindi muna masundan ang 8-buwang anak para higit na matugunan ang pangangailangan nya? Moral ang nanay na nagluwal ng sanggol at hayaang maging adik ang anak dahil sa kakulangan sa tamang kaalaman tungkol sa pagpapamilya, at imoral ang mga magulang na gumagamit ng contraceptives dahil nagkasundo silang mag-asawa na 2 lang ang anak? Moral si Gloria dahil hindi sya gumagamit ng pills pero sandamakmak ang kinorap nya at imoral si Pnoy dahil suportado nya ang RH Bill? Paano na ang mga Muslim? Imoral silang lahat?

Ang RH Bill ay hindi lang naman tungkol sa condoms at pills, nagbibigay din ito ng assistance para sa mga mag-asawa at mag-aasawa para mas maunawaan ang responsableng pananagutan sa pamilya at magiging anak. Hindi rin sya basta pipigilan mag-anak kundi tuturuan ang bawat mag-asawa ng tamang spacing ng pag-aanak para mas mabigyan ng mas komportableng buhay ang bawat anak.

Congrats sa mga magulang mo na napalaki kayo ng maayos kahit medyo malaki ang pamilya nyo, pero paano yung mga magulang na hindi kasing responsable ng magulang mo? Sila ang higit na nangangailangan ng batas na ito, dahil sila ang kulang sa edukasyon at kaalaman. Maging mangmang man sila sa theoretical knowledge na ino-offer ng formal school, maabot man lang sila ng gobyerno sa tama at responsableng pagpapamilya. Kailangan ng batas para maobliga ang mga local na pamahalaan na magkaron ng malasakit sa mga mahihirap na lalong naghihirap dahil sa dami ng anak.bebejhohttp://bebejho.blogspot.comnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-91237052067598074432011-05-24T01:50:57.924-07:002011-05-24T01:50:57.924-07:00Nu’ng grade 3 ako kasama sa likas yaman ng bansa a...Nu’ng grade 3 ako kasama sa likas yaman ng bansa ang yamang tao, kaya lang umabot na sa sukdulan ang yamang tao ng Pilipinas. Katulad ng gripo na banayad na umaagos, kapag nasira ba ang gripo at lumakas ang tulo dadagdagan mo pa ng tubig para tumigil?

***Wala pa sa sukdulan ang yamang tao ng Pilipinas, kung nasa sukdulan tayo hindi tayo magkukulang ng guro, duktor at bukod pa dun ang mga walang trabaho. Hindi sobra ang yamang tao ng Pilipinas kundi kulang sa pagkakataong maging “yamang tao” ng bansa. Hindi kaya ang batas para sa trabaho ang dapat pagtuunan ng pansin hindi ang RH?

Palagay ko hindi usapin kung 101% ba ng Pilipino ay Katoliko o anumang relihiyon, dahil katulad ng simbahan, may pananagutan at tungkulin din ang gobyerno sa mamamayan. Ang tanong ano nga ba talaga ang tungkulin ng simbahan sa ating mga Pilipino? Bakit nga ba tila gigil na gigil ang mga Obispo sa RH Bill, hindi ba sila nababahala sa dumaraming fetuses na iniiwan sa mga simbahan? Maliwanag naman siguro sa RH Bill na ang “abortion” ay illegal at dapat managot sa batas ang lalabag dito. Hindi rin ako naniniwala na abortion ang RH Bill, sabi nga “prevention is better than cure”.

***yup, tama parehong against abortion ang lahat, pero katulad ng lagi kong sinasabi “may mga paniniwala, pananamplataya, customs, tradisyon, kultura at iba pang batas na hindi ko din pwedeng ipagsawalang bahala.” At ganun din ang paniniwala ng simbahan, sacred ang reproduction kaya tinutuligsa nito ang contraception at kung katoliko ka, alam mo din yan. Alam din kasi ng simbahan na hindi safe sex o contraceptives ang solusyon sa abortion. Alam mo kung ano? “Takot sa Diyos”.

Hindi na kita masisisi kung wala ka nang tiwala sa gobyerno, maski naman ako nagngingitngit na dahil sa mga katiwalian. Pero paano na nga ba susulong ang bansa kung habangbuhay tayong mabubuhay sa nakaraan? Naniniwala din ako na hindi lang RH Bill ang solusyon sa problema ng bansa, pero isa ito sa mga paraan bukod sa pagkakaisa para sa iisang layunin, ang makitang maunlad ang bansa. Katulad lang din ng ibang batas, kailangan ng kooperasyon ng mamamayan.

RH Bill = freedom of choice + responsible parenthood (opinion ko lang)

***Gusto-gusto ko itong sinabi mo. Nadala na din kasi ako, tayo sa paniniwala sa mga pulitiko. Pero magkagayunman, nakahanda naman akong makinig sa panig ng bawat isa at maniwala na may kahihinatnan din ang lahat.

Salamat muli. :)=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-10426486469016322242011-05-24T01:45:23.368-07:002011-05-24T01:45:23.368-07:00Ano nga ba ang stand ng mga Pro-life na kaiba sa m...Ano nga ba ang stand ng mga Pro-life na kaiba sa mga Anti RH? Ang buhay ba ay natatapos lamang kapag nailuwal ng ina ang sanggol? Hanggang dyan lang ba ang buhay para sa mga Pro-life? Ang maipanganak ang bata at unit-unting patayin dahil sa kahirapan ng buhay, dahil iresponsable ang mga magulang, dahil walang pinag-aralan ang mga magulang, dahil corrupt ang gobyerno?

Sabi dun sa link mo HB No. 44 (RH Bill) shall be known as the “Responsible Parenthood, Reproductive Health, Population and Dev’t Act of 2011”. Siguro para sayo hindi na ito mahalaga pero para sa mga taong naghihikahos na may labing 13 anak na mas pipiliing ibili ng gatas ang 100 piso kesa bumili ng condom importante ito. Nagagalit ang iba dahil pakiramdam nila sa tax nila kukunin ang pambili ng condom. Well tama naman sila dun, sa tax nga natin. Pero wa din nating kalimutan na kahit ang mga mahihirap na nakatira sa gilid ng tren eh nagbabayad din ng tax “indirect” nga lang. Sa tuwing bibili sila ng mentos o kaya ng maxx honey-mansi sa tindahan, nagbabayad din sila ng buwis sa gobyerno dahil ang mga yun ay may buwis din. Kaya hindi lang sa tax mo kukunin ang pambili ng condom kundi sa tax ng buong bayan. Hindi lang ito basta bibigyan ka ng condom at pills, kundi pagtuturo kung kailan at paano gagamitin ang mga ito.

***Magkaiba ang Pro-Life sa Anti-RH. Isa sa pagkakaiba ay ang tahasang pagsuporta ng pro-life against abortion. Pangalawa ay naniniwala kami sa kahalagahan ng buhay. Pangatlo, hindi issue political ang priordad ng prolife kundi moralidad. Pang-apat, hindi katulad ng Anti-RH na tinutulan ang RH Bill sa kadahilanang gastos lamang ito, ang Pro-life ay against sa contraception. Bakit? Alam natin na ang buhay natin ay nagmumula sa conception. Pero ang Diyos na naghahari sa tao ay hindi nagmula sa conception. It begins in eternity. Sabi nga sa Eph.1:4 "God chose us in Him before the world began". Kilala na nya tayo bago pa man tayo mabuo sa sinapupunan. Nandito tayong lahat dahil tayo ang kanyang pinili. Ang desisyon ng tao na nagpipigil sa conception ay paglabag sa kagustuhan ng Diyos para sa atin. Sabi nga, contraception distorts the meaning of human sexuality. Tama ka na ang buhay ay hindi lamang natatapos sa pagluwal ng ina sa sanggol pero sa kahit na anong dahil dapat pa din itong iluwal at hindi pigilan. Hindi kasalanan ng mga batang ito na maipanganak kahit pa sabihin na naghihirap na ang buong Pilipinas o kahit na walang pinag-aralan ang mga magulang, o kahit na corrupt ang gobyerno.

***Sa kabilang banda, mahalaga pa din sa akin ang usaping ito. Nagdaan din ako sa hirap (*kahit ngayon mahirap pa din ako kahit mag-isa ako*), 6 kaming magkakapatid, naranasan kong magutom katulad ng mga mahihirap na nakatira sa gilid ng tren na sinasabi mo, pero kahit kailan hindi ko sinisi ang mga magulang ko sa pagkakaroon ng 6 na anak. Totoo, hindi lang ito basta bibigyan ka ng condom at pills, kundi pagtuturo kung kailan at paano gagamitin ang mga ito. Pero kung susuriin tayo pa din ang magdesisyon, paano nga kung tinuruan mo ako kung kailan at paano gagamitin ang mga ito pero hindi ko naman gagamitin.=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-66627061609357404242011-05-24T01:43:24.197-07:002011-05-24T01:43:24.197-07:00@ bebejho!
Una sa lahat nais kitang pasalamatan s...@ bebejho!
Una sa lahat nais kitang pasalamatan sa pagbibigay oras at pansin sa talakayan sa pahinang ito. Nagagalak akong iyong ibinahagi ang opinyon ukol dito. Maraming salamat sa matalinong pagpapahayag. Isa po itong obra.

Natutuwa naman ako dahil hindi katulad ng karamihan hindi ka na kailangang ikadena para sumunod sa batas. Isa kang masunuring mamamayan. Pero paano naman ang karamihan sa atin na kailangang kuryentehen para lang tumawid sa tamang tawiran? Sadya talagang ganito tayong mga Pinoy, sadista. Hindi susunod hanggat hindi nasasaktan…

***Ganyan ang Pinoy hindi ba, may katigasan talaga ang ulo. Kaya nga paano magiging epektibo ang RH Bill kung malabo itong sundin ng mamamayan? Kung titignan naman sa parusa/penalties na nakasaad sa RH Bill kung hindi ako nagkakamali Sec. 29 ng bill yun, isa hanggang 6 na buwan lang ang kulong o multa na 10,000 to 50,000 pesos na masyado ding magaan sa kadahilanang ang prone sa paglabag ay employers, healthcare practitioner at government officials na magpapatupad nito (see section 28, prohibited acts). Pero kung sa mga simpleng tao na lalabag tamang tama lang ito. Halimbawa, yung isang government official, hindi sya nagbigay ng serbisyo medical na nakaayon sa batas, but instead binenta nya ang mga contraceptives o pinagkakitaan nya ito, ibig sabihin ang multa nya lang is 50,000 maximum kapalit nung milyun-milyun kita mula sa nakulimbat nya? Well, iba din ang usapan dun sa criminal at civil liability nun pero magaan pa din.=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-7774877872182824062011-05-24T01:42:01.158-07:002011-05-24T01:42:01.158-07:00@ runmdrun
Salamat din sa pagpasyal… pero tama nga...@ runmdrun
Salamat din sa pagpasyal… pero tama nga may punto talaga si magtiblogz…:)

@Arvin U. de la Peña
Ikaw na din ang may sabi na “baka”. Kaya hindi malayo di ba? Tignan natin yang matuwid na daan na yan, sana nga lang hindi bahain ang daan.:)=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-33364653591434900592011-05-23T23:22:10.534-07:002011-05-23T23:22:10.534-07:00Siguro kahit hindi ko sabihing Pro RH ako eh marar...Siguro kahit hindi ko sabihing Pro RH ako eh mararamdaman mo na rin sa sagot ko ang stand ko.. (pasensya na at humaba ang comment ko)

Natutuwa naman ako dahil hindi katulad ng karamihan hindi ka na kailangang ikadena para sumunod sa batas. Isa kang masunuring mamamayan. Pero paano naman ang karamihan sa atin na kailangang kuryentehen para lang tumawid sa tamang tawiran? Sadya talagang ganito tayong mga Pinoy, sadista. Hindi susunod hanggat hindi nasasaktan…

Ano nga ba ang stand ng mga Pro-life na kaiba sa mga Anti RH? Ang buhay ba ay natatapos lamang kapag nailuwal ng ina ang sanggol? Hanggang dyan lang ba ang buhay para sa mga Pro-life? Ang maipanganak ang bata at unit-unting patayin dahil sa kahirapan ng buhay, dahil iresponsable ang mga magulang, dahil walang pinag-aralan ang mga magulang, dahil corrupt ang gobyerno?

Ang RH Bill ay ginawa hindi lang para sayo o para kay Jkulisap, ginawa to para sa buong Pilipinas. Hindi kasi lahat ng tao sa Pilipinas ay katulad ng ideolohiyang meron ka.

Sabi dun sa link mo HB No. 44 (RH Bill) shall be known as the “Responsible Parenthood, Reproductive Health, Population and Dev’t Act of 2011”. Siguro para sayo hindi na ito mahalaga pero para sa mga taong naghihikahos na may labing 13 anak na mas pipiliing ibili ng gatas ang 100 piso kesa bumili ng condom importante ito. Nagagalit ang iba dahil pakiramdam nila sa tax nila kukunin ang pambili ng condom. Well tama naman sila dun, sa tax nga natin. Pero wa din nating kalimutan na kahit ang mga mahihirap na nakatira sa gilid ng tren eh nagbabayad din ng tax “indirect” nga lang. Sa tuwing bibili sila ng mentos o kaya ng maxx honey-mansi sa tindahan, nagbabayad din sila ng buwis sa gobyerno dahil ang mga yun ay may buwis din. Kaya hindi lang sa tax mo kukunin ang pambili ng condom kundi sa tax ng buong bayan. Hindi lang ito basta bibigyan ka ng condom at pills, kundi pagtuturo kung kailan at paano gagamitin ang mga ito.

Nu’ng grade 3 ako kasama sa likas yaman ng bansa ang yamang tao, kaya lang umabot na sa sukdulan ang yamang tao ng Pilipinas. Katulad ng gripo na banayad na umaagos, kapag nasira ba ang gripo at lumakas ang tulo dadagdagan mo pa ng tubig para tumigil?

Palagay ko hindi usapin kung 101% ba ng Pilipino ay Katoliko o anumang relihiyon, dahil katulad ng simbahan, may pananagutan at tungkulin din ang gobyerno sa mamamayan. Ang tanong ano nga ba talaga ang tungkulin ng simbahan sa ating mga Pilipino? Bakit nga ba tila gigil na gigil ang mga Obispo sa RH Bill, hindi ba sila nababahala sa dumaraming fetuses na iniiwan sa mga simbahan? Maliwanag naman siguro sa RH Bill na ang “abortion” ay illegal at dapat managot sa batas ang lalabag dito. Hindi rin ako naniniwala na abortion ang RH Bill, sabi nga “prevention is better than cure”.

Hindi na kita masisisi kung wala ka nang tiwala sa gobyerno, maski naman ako nagngingitngit na dahil sa mga katiwalian. Pero paano na nga ba susulong ang bansa kung habangbuhay tayong mabubuhay sa nakaraan? Naniniwala din ako na hindi lang RH Bill ang solusyon sa problema ng bansa, pero isa ito sa mga paraan bukod sa pagkakaisa para sa iisang layunin, ang makitang maunlad ang bansa. Katulad lang din ng ibang batas, kailangan ng kooperasyon ng mamamayan.

RH Bill = freedom of choice + responsible parenthood (opinion ko lang)bebejho!https://www.blogger.com/profile/11908935821003497936noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-17233208206958789712011-05-23T09:07:52.390-07:002011-05-23T09:07:52.390-07:00kung maipasa ang rh bill baka hindi pa mangyari an...kung maipasa ang rh bill baka hindi pa mangyari ang condom scam kasi ang lahat baka sa matuwid na daan ang tahakin kasi iyon ang nais ng pangulo.....lagot sila kay leila de lima kung magkakaganun...Arvin U. de la Peñahttps://www.blogger.com/profile/15077474046070653261noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-24193744054343892152011-05-23T00:47:34.110-07:002011-05-23T00:47:34.110-07:00Natuwa ako sa number 5. Pinoy kasi tayo. Gusto ko ...Natuwa ako sa number 5. Pinoy kasi tayo. Gusto ko rin sana mag-copy and paste ng comment dito kaso, masyado akong naaliw sa post mo (nakakatuwa lang yung comment sa itaas ^)
Natawa naman ako sa number 9, patok na lilipatan ay muslim.
marami akong natutunan sa'yo (pati na rin sa copy-paste commenter sa taas, peace hehe)Anonymousnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-1707431587735885712011-05-23T00:04:57.299-07:002011-05-23T00:04:57.299-07:00@J. Kulisap
aheks...para maliwanag magka-iba po an...@J. Kulisap
aheks...para maliwanag magka-iba po ang PRO Life sa PRO RH at Anti RH...Kapag sinabing pro-life against po tayo sa walang katuturang pagpaslang sa mga sanggol o fetuses. Ibig pong sabihin, hindi po tungkol ang pro-life sa contraceptives, hindi din ito tungkol sa buhay ng mga batang nasa kalye o mga batang iniwan ng magulang ng dahil sa kahirapan etc. Tungkol ang pro-life sa pagpapatuloy ng buhay ng mga bata sa sinapupunan. Sa madaling salita, pro-life is against abortion na sya ding tinututulan pareho ng simbahan at ng gobyerno...

Tungkol naman sa aspeto ang pagbabago... hindi lang basta takot..kundi nadala na din siguro at kawalan ng tiwala sa mga namumuno at mga namumulitikang nagpapataba lamang ng bulsa...

Salamat sa pagbisita.. ^_^

@magtiblogz
at may naramdaman ko ang hinanakit mo sa walang pakundangang paggasta ng pamahalaan sa mga buwis na inilalaan para sa mga hindi kapakipakinabang na programa... totoo pera ng masang Pilipino ang gagamitin para dito at sa pagpapatupad ng batas na ito, tiyak na din ang pagyaman ng mga manufacturers at distributors ng contraceptives...ang masaklap dun damay dun ang buwis na ibinabayad mo... hay buhay nga naman sa Pinas... :)=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-46274388182403908722011-05-22T23:14:42.002-07:002011-05-22T23:14:42.002-07:00Ang RH Bill ay hindi usapang simbahan. Ito ay usap...Ang RH Bill ay hindi usapang simbahan. Ito ay usapang BUWIS KO NA GAGAMITIN NYO SA PAMBILI NG KONDOM AT CONTRASEPTIBO DAHIL WALA KAYONG KONTROL SA SARILI NYO!

Kapag ipinasa ang RH Bill, sasagutin ng pamahalaan ang pagtataguyod at pamamahagi ng condoms at contraceptives ng mfga taong walang control sa pagbembang sa isa't isa. Kaya't ganun na lamang ang pag-lolobby (behind the scenes) ng mga pharma companies tungkol dito sa kongreso at senado.

Ang problema kase ng mga pharma companies aymay 90% ng mga kababaihan na dapat gumagamit ng contraceptives ay nabibilang sa mababang kita o low income na hindi kayang gumnastos ng may 1000 piso kada buwan para lamang sa contraceptive. Kaya naman para mapataas ang bilang ng mga nabibiling contraceptive ay mahigit ang kanilang pagtutulak na maipasa ang RH BIll upang nang sa ganun ay ang gobyerno ay siyang magbayad ng gastusing contraseptibo. Kapag ipinasa ang RH, nasa batas na ang Goyerno ang sasagot nito. Tuwang tuwa ang mga kompanyang parmasyutiko sa isang industriya na may P132 billion per year na kita. KIta na magmumula sa buwis na ibinabayad ko sa gobyerno!!! Buwis natin na dapat sana ay ginagamit sa paggawa ng tulay, pagtatayo ng bagong ospital, pagpapailaw sa liblib na lugar, pagsawata sa krimen atbp... Wag nyo naman ibili ng contraseptives nila ang buwis na dapat sana'y para sa amin at hind sa kanilang pagpapasarap!!!!

At hindi lamang yan, ituturo sa mga batang 10 -15 gulang ang paggamit ng kontraseptibo sa iskwelahan. At sila ay bibigyan ng kapangyarihang bumili ng kontraseptibo nang KAHIT WALANG CONSENT NG MAGULANG. May 4 na milyong kataong dagdag pa yan sa bibili ng kontraseptibo. Happy na naman silang mga suppliers ng condoms at contraceptives!!!

Inuulit ko, hindi ito usaping ispitwal. Usapin ito kung sino ang kikita ng malaki sa nasabing batas!!!! Usapin ito na malaking parte ay ang paggmit ng buwis na ibinabayad ko sa goyerno!!!!Gone to the Johnhttps://www.blogger.com/profile/04250933807560409593noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-12652298371518519172011-05-22T20:05:45.508-07:002011-05-22T20:05:45.508-07:00Hi Boss.
Ako ho ay Pro-RH Bill, gaya ng paninindi...Hi Boss.

Ako ho ay Pro-RH Bill, gaya ng paninindigan mo eh, itutuloy na natin ang paninindigang ito, dahil PRO-Life ka, ganun na din 'yon.

Marami ang magaganda mong puntos at opinyon.

Ang napansin ko sa ating mga Pilipino, takot tayo sa pagbabago. Pagbabago ng pananaw, ng paniniwala pero lahat tayo nag-iingay, pero mainam na rin kesa sa walang pakialam. :)

Siguro sa maraming konsiderasyon ay napigilan ang paghahain ng batas na ito dahil diumano ay labingdalawang taon na itong nakasalang. Ilang presidente na ang dumaan.

Usaping moral ang isa sa pinaka-sensesyonal na bahagi ng batas na ito.

Moral na iba't iba ang paniniwala ng iba na kung pagtutuanan ng pansin, dapat kung mataas ang moral, nandiyan ang Respeto sa bawat paniniwala at karapatan ng iba.

Sariling opinyon ko lamang, hindi ako mag-aanak ng hindi ako sigurado kung mapapalaki ko ng maayos at mabibigyan ko ng magandang bukas ang aking anak, kasama na ang panunuri niya sa kaniyang moral, konsensiya at hakbang bilang tao.

Sa dami na ng Pilipino, tama ka nandiyan na ang mga kurakot, pagtaas ng produkto at bilihin, pero walang silbi ang awa at konsensiya ko sa mga batang naglipana sa lipunan.

Buhay nga pero buhay na kaiga-igaya ba ito sa ating paningin.

Salamat may natutunan ako sayo. :) Magandang araw.J. Kulisaphttp://jkulisap.comnoreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-69181607401506073122011-05-22T03:03:05.805-07:002011-05-22T03:03:05.805-07:00@iya_khin
ahehehe..may poot ah... ahahaha... pero ...@iya_khin
ahehehe..may poot ah... ahahaha... pero yun nga tignan na lng natin kung anong mangyayari jan... :D

@Arvin U. de la Peña
ahahaha... pero hindi malayong mangyari yun... :D

@tim
yup oo nga...sana sa pag-post kong ito..yumaman din ako katulad ng mga taga-media... :D=supergulaman=https://www.blogger.com/profile/12303878916935042579noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-7528343982768555185.post-17934452436516881712011-05-21T20:31:52.019-07:002011-05-21T20:31:52.019-07:00RH BILL kayo dyan.. e all have different view abou...RH BILL kayo dyan.. e all have different view about this issue. It sucks when church interupting, and making hilarious steps that would made them look stiff and demonic. Where is the representation of GOD?

Hahai, issues that will never die! Media is making lots of bucks from this.Anonymoushttps://www.blogger.com/profile/01655103022836640263noreply@blogger.com