Lumaktaw sa pangunahing content

...dalaw...

"kung ayaw 'nyo kaming dalawin, kami na lng ang dadalaw sa inyo! - mga yumao"

...araw ng patay?... kapistahan ng mga patay?... araw ng mga kaluluwa?.. halloween?... takutan?... trick or treat?.. pero para saan nga ba ang araw ito? o anung meron sa araw na ito?...

...ang mga Pilipino madalas ika-uno pa lng ng nobyembre, nagmamadali na yan tumungo sa sa sementeryo upang gunitain ang araw na ito..november 1? ei "all saints day" pa lang un, november 2 pa ang "All souls day"? bkit nagtutungo na ang karamihan sa atin pra dumalaw sa mga kamag-anak nating yumao... nung una inakala ko na nagkamali ang mga Pilipino sa paggunita ng araw na ito...inisip ko din na bka nga dahil masyadong excited lng tayo...likas na kasi sa pilipino ang excited..likas na din ang pagiging-UA (*uber akting*)...konting problema lng react na agad, konting tsimis kalat na agad yan...sa sobrang ka-OA-an..magrarally pa yan sa mendiola at EDSA... pero bkit nga ba november 1 instead na november 2...dahil ba ito na ang nakasanayan ntin? posible din d ba?..pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko ng i-celebrate yun ng november 1 kasya november 2... bkit? syempre gusto ko...pakialam nyo...ahahaha...

...sa seryosong dahilan, wala naman kasi akong nakikitang pagkakaiba sa Saints and Souls..may pinagkaiba ba sila? wla naman halos di ba? pareho naman na patay yan eh...pero wag na po nating pagtalunan kung meron ngang Saints or souls, accept na lng muna natin na existing sila...ay mali, patay na nga pla yan, so hindi na existing...ang ibig kong sabihin maniwala na lng tayo na meron ngang mga saints at souls....yun na nga, wala kasi akong makitan pinagka-iba nila at ayaw kong maging bias, kaya lahat ng yumao pra sa akin saints na lng khit masama pa silang tao, kaya november 1 pa din gusto ko... andugas kasi ng simbahan eh, pinipili lng nila yung mga saints...ang dami kayang mga pumanaw na din na mas mabuti pa sa mga saints na na-recognized nila..hindi ko na din iisa-isahin hindi ko kasi memorize ang mga pangalan ng saints (*hindi ko tlaga alam kung sinu-sinu yun)...

november 1, masaya sa sementeryo...dito maganda gumimik, hindi lang mga buhay ang ka-jammin, pati mga patay nakiki-gimmik din...ang daming negosyo din dito...kumpleto...bentahan ng bulaklak, bentahan ng kandila, pagpapapintura ng nitso ...meron din, sari-sari store..kumpleto din...meron din libreng twag...oo tama, ang weird nga eh..sa sementryo nag-mamarket ang mga telephone companies...kaiba tlaga...yung mga patay daw kasi gusto din kausapin ung mga kamag-anak nila sa abroad at probinsya..magtatanong siguro ung mga patay kung sila na lng ang pupunta sa bahay nung kamag-anak nila kung hindi sila dadalawin...uu nga naman pra hindi din aksayado sa pamasahe...

...ayaw ko sanang mag-post about halloween, pero ok na din...nakikiuso lng...

HAPPY HALLOWEEN!




Mga Komento

  1. nyaks..ahaha.. nakikiuso denhahaha.. uu nga nmn..ako nGa hnde ko alam kung which is which bsta ako rumampa sa cementery wahah cemetery lol..!!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...