Lumaktaw sa pangunahing content

...the golden rule...

[repost by request]....

mula ng magawa ko ang entry na "Time for Sale", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule...

malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible:

"Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31)

ang sabi naman sa Budismo:
"Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" (Harris E.J. 1997)

...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo:
"Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton)

...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya:

"Hurt no one so that no one may hurt you"

...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa konsepto ng the Golden Rule at ang iba dito ay nakatala sa Powerdinamiks...

"Huwag mong gawin sa kapwa mo, ang ayaw mong gawin sa iyo.".... tama hindi ba? at sa sentence na yan ay diyan ka sobrang familiar, pero hindi yan ang golden rule na tinutukoy sa bible kasi ang sabi, "Gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin sa iyo"... kitang-kitang naman natin na iba yung gawin (Do) sa huwag gawin (Don't do)... pero kung naniniwala ka din sa Confucianismo walang kaso yun kahit anu pa dyan sa dalawang yan ang gusto mong i-consider na Golden Rule, ayus na ayus lang...

pero bakit naman ito tinawag na Golden Rule... wala naman golden na binanggit sa mga pangungusap na aking nabasa...kung sa value o halaga naman ng konsepto, bakit siya tinaguriang golden? ganun ba talaga sya kahalaga? bakit hindi na lang Diamond Rule at mahalaga din naman iyon?

ang totoo nyan, hindi naman ako salunggat sa konsepto ng Golden Rule... kasama kaya sila idol Thales at Pythagoras sa mga advocates nyan, gusto ko lang magdagdag para sa isang paliwanag para sa lahat...

ang konsepto ng Golden Rule ay talagang napakaganda para sa lahat, ngunit sa kabila nito merong ilang bagay ang nakakaligtaan... ang konsepto ng "diversity"...ang pagkakaiba ng bawat isa sa atin...

balikan natin ang sinabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you"... halimbawa, paano kung gusto natin kumain ng adobong baboy...at dahil sobrang fan tayo ng Golden Rule, binigyan natin ang isang kapatid na Muslim... sapalagay mo bibigyan ka din nya ng adobong baboy... oo siguro, dahil ibabalik nya yun binigay mo dahil hindi naman sila kumakain nun...ang masama dun, maaaring nainsulto mo din sya...tama hindi ba?

ang totoo nyan naghanap din ako ng solusyon sa drawback ng Golden Rule...at yun nga meron akong nakita...ang "Platinum Rule"... isa si Dr. Tony Alessandra sa advocate nito...ito ang isinasaad:
"Do unto others as they would want done to them."

...at sa puntong ito, nai-konsider din ang diversity....mahalaga din kasi na gawin natin sa isang tao ang magandang bagay na dapat ay gusto din niya at hindi lang yung tayo ang may gusto...

so anu nga ba ang gusto ko? magkoment ka... ^_^

Mga Komento

  1. The golden rule, when taken out of context does seem to have loopholes. But I think it's not meant to be taken literally, as it is, because there are other factors that come into play as you have mentioned diversity-- that what one person wants may be different for other people.

    I wouldn't want to call it the golden rule because that's not what the Bible calls it (some other person coined that term) but for me the Bible is still the authority in everything so what the Bible says trumps whatever golden, diamond or platinum rule a human being just made up..

    But then again, this is just my opinion as a firm believer in the Christian faith...some people may think otherwise...=)

    TumugonBurahin
  2. P.S.
    about giving pork to a Muslim when you shouldn't is a scenario where you shouldn't take that rule too literally. if you know for a fact that it's an insult to them but would still literally want to receive the exact same kind of food you gave away then give pork to someone who will eat it.

    btw, the expression "Golden Rule" is not found in the Bible. Mt 7:12 only says "...for this is the Law and the Prophets"

    mejo napa-reasearch tuloy ako jan superG....hehehe ;)

    TumugonBurahin
  3. @michy
    at may nag-comment na nga...aheks...salamat salamat..mahaba ah...aheks...replyan ko din ay medyo mahaba..aheks

    yeah tama ka dun...hindi dapat sya i-consider ng literal...pero hindi talaga maiiwasan yun, may magtatanong at magtatanong pa din sa ating kung bakit naging "Golden" ang tawag dun...tapos sasabihin natin, "kasi mahalaga yun kaya golden"...tama yung sinabi mo na hindi mo sya tatawagin as "Golden Rule" yung idea... naiisip ko nga din yun eh, pero meron pa kayang pwedeng gamitin na akma/appropriate na term para dun?...

    regarding naman dun sa pork issue...sample lang yun, para medyo hindi naman seryoso...basta ang point dun yung issue ng diversity/individual differences...aheks...

    dun naman sa mt 7:12..eheks inde yun word/expression na "golden rule" ang tinutukoy ko...but yung context nito...pero inde ko din kasi alam kung anu yung bible na gamit mu, pero kasama yang part na yan dun...kung sabagay sa net ko lang ito nakuha..kaso iba't ibang version ito ng mt 7:12...

    International Standard Version (©2008)
    Therefore, whatever you want people to do for you, do the same for them, because this summarizes the Law and the Prophets."

    New American Standard Bible (©1995)
    "In everything, therefore, treat people the same way you want them to treat you, for this is the Law and the Prophets.

    GOD'S WORD® Translation (©1995)
    "Always do for other people everything you want them to do for you. That is [the meaning of] Moses' Teachings and the Prophets.

    King James Bible
    Therefore all things whatsoever ye would that men should do to you, do ye even so to them: for this is the law and the prophets.

    American King James Version
    Therefore all things whatever you would that men should do to you, do you even so to them: for this is the law and the prophets.

    American Standard Version
    All things therefore whatsoever ye would that men should do unto you, even so do ye also unto them: for this is the law and the prophets.

    TumugonBurahin
  4. International Standard Version-
    I like this version, the simplest way para maunawaan..

    And about what you said dun sa pag kumain ba tayo ng adobong baboy, napaisip ako kasi nga "Do unto others what you want others do unto you" ang tema mo, napaisip akong papayag ka bang kainin ka din ng baboy..Wahahahah!

    Hayz, wala lang, pinapatawa ko lang ang sarili ko, ganto ko madalas pag lumilipad ang utakz. Mabalik tayo..

    "the expression "Golden Rule" is not found in the Bible." - Michy

    I strongly disagree with Michy kasi nga nasa Bible yun, at yun na nga napatunayan mo na. And I think this is more than just an expression or quotation. It's those words that we should live by and apply.

    Yung kay Dr. Tony Alessandra parang mas maganda at napakasimpleng paraan para sundin..

    Vice versa di ba, kung anung pinakita mo yun din ang matatanggap mo..
    Makakagawa ka lang ng difference kung salungat ang ipinakita mo sa taong halimbawa ay nanakit o umapak sa'yo.

    Pag binato ka ba ng bato, anung ibabato mo?

    TumugonBurahin
  5. Dun pa rin ako sa Golden Rule. Sa Platinum Rule kc, paano kung ayaw mong gawin ung gusto nyang mangyari sa kanya? At yong gusto mong mangyari sa yo, paano kung ayaw rin naman nyang gawin sa yo?

    Mas simple ung Golden Rule and you can even explain it in one word: karma.

    Konkretong example nyan e ung pagkatapos kong mag-comment sa yo, siempre magiging interesado ka kung sino ba ako, kaya pupuntahan mo ung blog ko. E magagandahan ka sa post ko, kaya ka magkokoment, katulad din ng ginawa ko sa yo.

    Aaa...platinum rule yata un..

    TumugonBurahin
  6. @Dylan
    "napaisip akong papayag ka bang kainin ka din ng baboy"... ahahaha... mukhang ayaw din ata ako kainin ng baboy...aheks....

    ...ayun, gusto ko yung sinabi mong "And I think this is more than just an expression or quotation. It's those words that we should live by and apply."... sobrang agree ako dito... :)

    "Pag binato ka ba ng bato, anung ibabato mo?"... kung i-aaply ko ang platinum rule, malamang hindi ako gaganti...so wala akong ibabato..kasi nga ayaw kong gawin din yun sa aking kapwa...and sigurado ako ayaw din nila ang mabato unless masokista yun, sige pagbibigyan sya....aheks... :)

    @Nebz
    aheks...uy, salamat sa pagbisita....

    "paano kung ayaw mong gawin ung gusto nyang mangyari sa kanya? At yong gusto mong mangyari sa yo, paano kung ayaw rin naman nyang gawin sa yo?"
    ...aheks, eh di syempre hindi mo yun gagawin sa kapwa mo...ayaw mo nga eh... at hindi nya din iyon gagawin sayo...ayaw nya din eh...wala naman pilitan sa platinum rule na gawin ang isang bagay... :)

    ...pero kinonsider din ang karma sa sa platinum rule...meron lang itong dagdag-babawas...dinagdagan ng konsiderasyon sa kapwa at binawasan ang pagiging makasarili ng konteksto... :)

    ...natawa ako...platinum rule nga yang sample mo....aheks... :D

    TumugonBurahin
  7. Wala akong masabi, di ako mahilig magbasa ng bible eh..lolzz

    Ang akin lang, Gawin mo ang alam mong tama, ang alam mong makakabuti sa sarili mo at lalong lalo na sa iba...Gawin mo to ng galing sa puso...

    TumugonBurahin
  8. Nice.

    EH di mas lalo na pag binato ka ng bato pero tinapay ang ibinato mo di ba.. It's like you're pouring a cold water over a burning heap of coal..

    Para matauhan ba.. wehe

    TumugonBurahin
  9. hay. sa lahat ng usaping golden rule. para sa akin.. ang bottomline DO GOOD and BE GOOD. yun lang. ahehe.

    TumugonBurahin
  10. @Dylan Dimaubusan
    what I meant was the exact term "Golden Rule" is not found in the Bible but of course the verse is. As I mentioned it was only referred to as "the Law and the Prophets" and not the Golden Rule.

    @superG
    at talagang hinanap lahat ng versions nung verse na yun! hahaha! tingnan mo naparesearch ka din tuloy...hehe

    TumugonBurahin
  11. Wow! Nice! Nice! =)

    Hmmmmm...

    Siguro dapat kunin o tanggapin ang kunsepto ng "Golden Rule" sa pinak basic na pangangailangan ng tao na kahit sa diversity swak...

    Which is... Tsaran!

    SELF PRESERVATION... Kung baga yung mga unang numero sa bill of rights ng isang citizen ng mundo... which ang puno't dulo rin naman ay RESPETO sa bawat isa, magkakaiba man ng lahi o paniniwala...

    Philosophically, masarap siyang laruin sa isip. Tulad nung sa muslim. Pero kung alam natin na ayaw ng muslim para sa muslim, bakit natin ibibigay? But ang truth dun sa act nayun, gusto natin kasi share, or karapatan natin kumain, mabuhay...

    Kaya siguro siya GOLDEN, dahil importante at mahalaga siya. Ito yung tipong rule na magagamit mo bilang tao na kailangan makisalamuha sa ibang tao...

    Dagdag lang...

    GOLD dahil ang value nito, bagamat nag flufluctuate, siya ang pinaka stable measure of wealth sa mundo sa lahat ng kultura maging nuong mga unang sibilisasyon. Kaya ang bawat bansa may kanya kanyang gold reserves. Finite kasi ang supply. Tulad ng langis na tinawag namang "black gold". Hindi tulad ng pera na napaka unstable ang value.

    TumugonBurahin
  12. @Lord CM
    aheks...
    ...pero ok ang idea na gusto mong iparating...agree ako dun...simple lang talaga naman idea na yan...

    ...kaso minsan ang mga simpleng bagay, iyon ang mahirap ipaliwanag.. ;)

    @Dylan
    ahehehe....mangunsensya ba...aheks...

    @jhosel
    weeepeeee...simple ang sagot...pero gusto ko ang sinabi mo..sa totoo lang naman, yan lang tlaga ang punto ng mga rules na yan... parang katulad ng sa 10 commandments, sabi ng iba may kulang daw, sabi naman ng isa sobra daw... pero kung susumahin... "tunay na pag-ibig" ang tinutukoy nun...sa Diyos, kapwa at sa sarili.. :)

    @michy
    ahhh...at yung talagang expression na "Golden Rule" pla ang tinukoy mo...pero wala nga talaga yun dun.. siguro hindi na nga mahalaga kung anu man ang tawag natin sa rule na iyon..ang mahalaga gawin na lang natin ang sinabi ni Jhosel at Lord CM... ^_^

    @Oracle
    ahehehe...swak nga ba ang konsepto ng Diversity sa Golden Rule..paano kung yung bagay na gusto mong gawin sau ay ginawa mo din sa kapwa mo...kaso hindi din pla iyon ang gusto nya? hindi kaya lalong magkagulo lang...

    pero ok din siguro kung i-accept ko din yung laging sinasabi ng teacher ko sa math noon na "in every rule there is/are (an) exception(s)"... dito na papasok yung konsepto ng special consideration...

    tama ka din siguro na kaya "golden" ang tawag dahil ito ay mahalaga katulad ng ginto.. pero minsan hindi tlaga matutumbasan ang mga bagay na iyan ng mga kumikinang na bagay sa mundo... bukod dito, sa bible hindi din naman daw binanggit na "Golden Rule" ang tawag dun sabi ni Michy kundi "for this is the law and the prophets"...

    pero katulad ng sabi ni Dylan, "this is more than just an expression or quotation. It's those words that we should live by and apply."...

    sa application, dito na papasok yung sinabi ni Lord CM at jhosel... ^_^

    TumugonBurahin
  13. Masaya ito idolG...pagbigyan mo ako ha... miss ko na itong mga ganitong talakayan...hehehe... =)

    "ahehehe...swak nga ba ang konsepto ng Diversity sa Golden Rule..paano kung yung bagay na gusto mong gawin sau ay ginawa mo din sa kapwa mo...kaso hindi din pla iyon ang gusto nya? hindi kaya lalong magkagulo lang..."

    Ito ang problema ng tao. Expectations. Jumping to conclusions sa isang unpredictable na mundo...

    Why dwell on the reaction, without doing the action first? And why fear the reaction, if you meant nothing but goodness? Syempre everything na ginagawa ng tao dapat responsable siya sa anumng kinahihinatnan nito... dba? =)

    Otherwise, ang lahat ng tao nasa kahon na. Playing safe, wala nang buhay.

    Naniniwala ako na ang Diversity at Golden Rule ay swak sa isat isa...

    Hindi siya kumplikado.It's really simple, at tao lang nagpapakumplika ng sitwasyon. Pinapakumplika sa pamamagitan ng expectations and assumptions.

    Hindi naman sinabi na gawin mo ito sa iba at siguradong babalik ito sa iyo diba? =)

    It's a rule. It's not a law of nature like gravity...

    ANd it's not about it being "golden, platinum, diamond or kahit ano pang pisikal na mamahalin na bagay"... metaphorically important. Basic. Sublime yet obvious. Ganun...

    Hehehehe! =)

    TumugonBurahin
  14. aheks..eto na..

    medyo agree naman ako sa golden rule eh..kasi tama naman na wag mo ngang gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sau..

    pero syempre, gaya ng halos lahat ng bagay sa mundo..me lapses din ito..

    hindi ko lang mapoint out masyado..

    bayaan mo, mag-iisip ako ng mag-iisip hanggang sa mapoint out ko na yun..

    nice one superG..
    pinag-isip mo sila oh..



    ***vanvan

    TumugonBurahin
  15. @Oracle
    ummm...parang nakukuha ko na yung point mo pero hindi ko sure kung ito yung gusto mo sabihin...

    ...parang regardless sa outcome ng action mas importante yung intention nung ginawa mo... so ibig sabihin, kahit maging masama ang kinalabasan ng action at mabuti ang intensyon mo still nakonsider mo pa din ang diversity at golden rule...tama ba?... ^_^

    @vanvan
    aheks...ok lang naman naman kahit hindi natin ma-pinpoint basta alam alng natin gawin yung sinabi ni jhosel simple lang di ba...

    TumugonBurahin
  16. "...parang regardless sa outcome ng action mas importante yung intention nung ginawa mo... so ibig sabihin, kahit maging masama ang kinalabasan ng action at mabuti ang intensyon mo still nakonsider mo pa din ang diversity at golden rule...tama ba?... ^_^"

    Mismo IdolG!

    Ang realidad naman kasi ng isang action, you'll never know kung ano magiging impact nito. Meron kasi short term at long term, at madalas hindi pareho ang ang kinalalabasan ng dalawa. But the point is alam mo yung root ng ginagawa mo, yun yung intensyon. What we do with our free will, our choices...

    The "golden rule" does not promise anything. Meron ba? Kasi diko alam eh. Ang alam ko is that isa itong shall we say a "tip" or a suggestion.

    Isang suggestion para sa isang ganap na buhay, may katuturan, may kabuluhan...

    And i believe wala itong loop hole. Kasing linaw ng sinag ng araw. Ang matatalinong tao lamang, na pilit nag mamarunong sa sinasabi ng Diyos na may likha ng lahat, ang gumagawa ng loop holes...

    Kaya naman hello, kamusta naman ang mundo ngayon sa katalinuhan ng tao? Simple lang sana ang buhay. Tao lang ang nais maging kumplikado ito, minsan sadya, minsan hindi, all because binigyan siya ng kalayaan pumili. Freedom. Choices.

    Bow! =)

    TumugonBurahin
  17. ang saken naman eh, kung ano sa tingin mo ung mga dapat gawin na bagay na sa pamantayan at prinsipyo mo eh tama, go ka lang, pero isipin mo rin ang welfare ng iba. kung makakasakit ba tayo ng kapwa natin..ganung..ganun... minsan kase we tend to do things na sa akala natin eh tama para satin kase maganda ung nagiging resulta for us pero para sa iba na maapektuhan eh hindi maganda, nakakasakit at nakaktapak na tayo ng ibang tao. we should just be more considerate na lang siguro..

    TumugonBurahin
  18. @Oracle
    mmmmhhh...maganda yang mga punto na yan... at tama din...

    pero syempre hindi ko din naman sasabihin na mali ang sinasabi ng "Platinum Rule" na "Do unto others as they would want done to them."... dahil tama din naman para sa akin na ikonsider ito...

    sa kabilang banda, ang "Golden Rule" na hanggang sa ngayon ay hindi ko alam kung saan nagmula ang termino ay isang magandang konteksto... nasa tao na din siguro kung paano ito i-interpret at sundan katulad ng sinabi mo, binigyan ang tao ng freedom... ^_^

    @yanah
    tama...maging responsable tayo...
    pero kung ang intensyon mo nga naman ay gumawa ng kabutihan...i'm sure magiging responsable sa kahit anung kalabasan nito... ^_^

    TumugonBurahin
  19. Usapang Bibliya ito... ang sa akin lang gawin mo lang ang tama para sa kapwa mo... basta't hindi ka nakakasakit ng kapwa... ayos na yon!!! :)

    TumugonBurahin
  20. aheks.... at andito nanaman ako idolG! nakakatuwa kasi.. =)

    Golden Rule VS Plantinum Rule...

    "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31)"
    -GOLDEN

    "Do unto others as they would want done to them." -Tony Alessandra

    Sa akin walang binatbat ang plantinum rule sa golden rule...

    y o y?

    sa platinum kasi iniisip natin kung ano gusto nila. Yung perspective na galing sa iba imbes na galing mismo sa puso at isipan natin...

    maaring okay, cge. Pero hindi naman lahat ng makakasalamuha mo eh pwede mong tanungin kung ano gusto mo? dba? At hindi lahat ng tao alam nila ng lubusan kung makakabuti ba ang isang bagay para sa kanila. Parang tinuturo nito ang "paghuhugas kamay", tutal ito naman ang ginusto niya. And i think it's tragic flaw para sabihin ito ang sagot sa diversity. It's corrupted. It speaks of a world na ang hangad ay temporary illusions of happiness.

    Sa golden rule kasi, it's about doing something na ang perspecive mo naka tuon sa iyo, hindi sa iba. It's about being responsible for your own actions which yun naman ang dapat. Diversity lives perfectly well with the golden rule. Especially if you focus more on the "self" rather than the "others".

    At umepal nanaman ako. Sorry po! Nakaka excite kasi ng inaantok kong mind. hehehe =)

    TumugonBurahin
  21. Sa simpleng Golden Rule, HIRAP nang gawin o isabuhay ito ng lahat (lahat ang gusto ko, hindi karamihan). Paano pa kaya kung ang Golden Rule ay dagdagan na naman natin ng 'diversity'?! Wow! Parang mas lalong naging mahirap. [Malamang madali para sa isang superhero.]

    Uhmn, teka, baka kaya naging mahirap isabuhay ang Golden Rule dahil nakakalimutang isama ang diwa ng 'diversity'?

    TumugonBurahin
  22. nice post super g. di na ko makapag comment kc halos lahat nasabi na read na lng ako ng mga comment syo hehehe, pero infairness ha nawala ang pagod ko galing sa work ng mabasa ko lahat :)

    TumugonBurahin
  23. @MarcoPaolo
    aheks...uu nga no, hindi ko din inakala na dadaan ang konseptong ito dun...kumuha alng naman ako ng samples... pero tama ka yun lng naman ang point gumawa ng kabutihan... :)

    @ORACLE
    ***"Golden Rule VS Plantinum Rule"
    at tlagang pinaglaban mo sila...aheks... pero sa tatsa ko dapat magkakampi yan...

    ***"sa platinum kasi iniisip natin kung ano gusto nila. Yung perspective na galing sa iba imbes na galing mismo sa puso at isipan natin, maaring okay, cge. Pero hindi naman lahat ng makakasalamuha mo eh pwede mong tanungin kung ano gusto mo? dba? At hindi lahat ng tao alam nila ng lubusan kung makakabuti ba ang isang bagay para sa kanila."

    tama ito...pero di ba kahit hindi natin alam ng lubusan kung makakabuti ba ang isang bagay para sa kanila mahalaga pa din na ikonsider ang damdamin o ang makakasama sa iba...sa tatsa ko lang, binuo ang konsepto ng "Platinum Rule", upang punan ang posibleng kakulangan ng "Golden Rule"...ang tanong may kulang ba?...

    hindi ko alam...

    pero base sa mga sinabi mo kumpleto rekado na ito..palusot na lang yun hindi na i-konsider ng Golden Rule ang diversity...

    ngunit sa tatsa ko lang din, naghahangad lang din ng kabutihan ang konsepto ng "Platinum Rule" o maging ang mga advocates nyan...nasa atin na ito kung gagawin natin ito o hindi, tips lang din siguro ito... pero siguro naman hindi ito naghahangad na baguhin ang teachings sa mundo...pero kung kalokohan nga yan, pwede pa naman natin habulin si Dr. Tony A. buhay pa naman sya...ahehehe...

    ...ang bottomline...sinabi na ni Jhosel... ^_^

    @Bino
    yey! salamat salamat... :)

    @RJ
    ahehehe..uu nga di ba...simple lng sabihin yan...pero minsan may mga pagkakataon na mahirap gumawa ng kabutihan... :)

    @angel
    salamat sa pagbabasa... :)

    TumugonBurahin
  24. wola na rin ako masabi, hehe, magaling.. ;p

    on the basic level of life all human beings share the same emptiness when it comes to intimate knowledge , pero im a BELIEVER, i'd say mas unang kinamulatan ng mga nilalang ang GOODNESS. there's no need to complicate..

    conflicting lang naman kasi ang konsepto ng mabuti at masama
    kapag yung individual mind ng isang tao e mas overpowering sa universal mind niya, universal concept of what is good and what is the reverse..

    TumugonBurahin
  25. haha. naaliw naman ako sa post mong ito at talagang na-stir ang mga brain cells ng lahat. congrats superG!
    at mas naaliw ako sa mga intellectual conversations dito sa comments. tsk tsk. sarap magbasa ng usapan ng mga ALIEN. lol. ahaha.
    di na ako makikisawsaw jan sa usapan nio tungkol sa golden rule. i still believe on my stand. ahehe.
    at salamat sa pag credit nito. wee.
    matulog na lang nga kayo. ahehe.

    TumugonBurahin
  26. @tsariba
    aheks...kaya nga nasa atin naman na kung anu ang gusto nating gawin... pero dapat ba talaga may opposite..as in good vs. evil... eh panu yung mga acts na hindi naman good pero hindi din evil... :D

    @jhosel
    aheks...sino ba yung mga alien jan....aheks....ako napagkakamalan lang pero hindi talaga...

    swabe ang sinabi mo eh...parang utot daw...SIMPLE PERO MAY DATING...juks... :)...pero seryoso sa lahat ng discussion dito lahat bumagsak sa sinabi mo...:)

    TumugonBurahin
  27. umaayon na uli ako sa pagiging late na classmate...

    1. may punto ka dun sa "do unto others" na maling naitranslate sa tagalog na "huwag gawin sa iba", ngayon ko lang yun narealize sensei, magkaibang view nga yun, magkaiba din ang application

    2. mahalaga din ung platinum rule, ung golden rule kc mas pansarili sya, kc ang iisipin ko kung ano ung gusto at ayaw ko pero ung platinum rule may pag-unawa sa nararamdaman ng iba, kung ano ang gusto at ayaw ng iba, actually complementary sila

    3. andami ko narealize sa entry mo na ito ha sensei : )

    TumugonBurahin
  28. At ako ay muling nag balik... =)

    Sa akin lang, ang sariling mga mabubuting hangarin para sa sarili ay sapat na upang ito ay maging gabay upang paano makitungo sa iba...

    Sabi nga ni Nurse Jhosel...

    DO GOOD, and BE GOOD. Yun lang.

    Wala nang ibang basehan kundi sarili mo... Yung good sa sarili mo, yun din ang gawin sa kapwa...GOLDEN TALAGA! =)

    Hindi yung tipong "DO GOOD and be GOOD" dahil ito ang gusto niya or nila.

    Kung ating pagmumunihan, ilan sa mundo ang hindi tunay na maligaya gawa ng dikta ng iba? Nakakulong sa expectations ng iba, dahil gusto nila i-please ang lahat ng tao sa paligid nila? Hindi nila naiisip na ang pinaka importante sa lahat ay ang pagkakaroon ng sariling paninindigan sa buhay. Paninindigan kung paano mag desisyon para sa sarili nila...

    Di ko talaga feel yang Platinum Rule na yan. Marahil gawa ng sublime or sub-conscious message na gusto nito iparating na nakakasama sa mga "NEW AGE" na prinsipyo.

    Bagama't maganda pakinggan at parang mabuti ang hangarin sa unang tingin, malalim o far reaching ang epekto. Ang kumilos na nakabatay sa kagustuhan ng iba. Okay kung sa okay. Kung bubulatlatin ang ang kunsepto na ito, sa realidad ng diversity ng mundo, mas lalo ito mag cau-cause ng gulo.

    Paano? Gawin natin ang math.

    If you give everybody they want, and everybody is different from everybody, mas malaki ang probability ng magkakatungaling kagustuhan na pilit pinagkakasundo.
    Chaos. Absolute chaos...

    Ang pinaka tragedy pa nito, ang nawawala ay ang sense of responsibility ng tao. Nawawala ang kanyang uniqueness as a person who can decide for himself. Ang sublime message ng "Platinum Rule" para sa akin ay "Go with the Flow". A culture of slavery to the carnal and temporary needs of man...

    Sorry po sa sobrang epal na dito. Ang sa akin lang ay pagbibigay ng babala. Maraming makabagong kunsepto na tila napakaganda sa unang basa o tingin, pero may malalim na kahulugan. Na parang animo'y kendi na may halong bawal na gamot.

    Mag-iingat tayo. Maging mapanuri. Lalo na sa mga may kakayahan nito.

    Maraming Salmat Idol SuperG! =)

    TumugonBurahin
  29. dadaan lang muna ako superg at pipiliin na hindi magbigay ng komento sa topic... sa tingin ko kasi, kung naging exam lang ang mga rule-rule na yan, lumalagapak na 5 ang grade ko o kung meron man na bababa pa dun eh yun na yun.

    so eto na, babay na... teker :D

    TumugonBurahin
  30. dadaan lang muna ako superg at pipiliin na hindi magbigay ng komento sa topic... sa tingin ko kasi, kung naging exam lang ang mga rule-rule na yan, lumalagapak na 5 ang grade ko o kung meron man na bababa pa dun eh yun na yun.

    so eto na, babay na... teker :D

    TumugonBurahin
  31. @Emz
    yeah...late ka nga eheks, pero ayuz lng...huli man at magaling, huli pa din...juks..... nahirapan din ako sa post na ito...ang dami kong kinosider...aheks...salamat salamat...

    @ORACLE
    ..."Mag-iingat tayo. Maging mapanuri."...

    ...mmmhhhh...be cautious...ahhh ok yun..

    ...pero di ba tama din na hindi tayo maging madamot (platinum) at maging sara ang ating isipan sa mga bagay maging masama man ito o mabuti...bakit hindi natin bigyan ng kahit na maliit na tsansa...minsan kasi ayaw natin, natatakot tayo na baka lamunin tayo nito at mawala yung tinatawag nating uniqueness na sinasabi mo...pero di ba anu pa ang silbi ng uniqueness kung hindi naman ito binabahagi sa kapwa...gwapo ka nga, pero wala naman ang nakakakita o nakaka-appreciate....gumawa ng kabutihan, wala namang ibang pagbibigyan kundi ang sarili...

    "Bagama't maganda pakinggan at parang mabuti ang hangarin sa unang tingin, malalim o far reaching ang epekto. Ang kumilos na nakabatay sa kagustuhan ng iba. Okay kung sa okay. Kung bubulatlatin ang ang kunsepto na ito, sa realidad ng diversity ng mundo, mas lalo ito mag cau-cause ng gulo.

    Paano? Gawin natin ang math.
    If you give everybody they want, and everybody is different from everybody, mas malaki ang probability ng magkakatungaling kagustuhan na pilit pinagkakasundo.
    Chaos. Absolute chaos..."


    hindi ko alam kung anung math ang ginamit dito, basic algebra ba ito at onting statistics? siguro naman hindi kasali ang calculus dito o iba pang math... pero sa tantsa ko mukhang distributive property ito sa algebra...kasi sabi mo "If you give everybody they want, and everybody is different from everybody mas malaki ang probability ng magkakatungaling kagustuhan na pilit pinagkakasundo. Chaos. Absolute chaos..."

    ....pero kung distributive property ito, may reaction na magaganap sa "everybody" which dapat tutugma din sa property ng pagbibigyan na kung saan yung "everybody" nga na different from "everybody"...ang kaso hindi lang naman distrubutive property ang dapat i-consider...nandun ang closure, associativity, reflexability, identity, zero property at marami pang iba...sa madaling sabi ang mga property na ito ay tumutukoy sa "diversity o pagkakaiba-iba ng mga indibidwal"...

    pero anu ang solusyon pra ma-avoid ang "Chaos. Absolute chaos" na tinutukoy mo?....hindi ba intindihin ang "everybody" na tinutukoy mo (platinum), o isipin ang sarili na lng? (golden)...hindi ko sinasabi na ang konsepto ng "golden rule" ay ang pagiging makasarili dahil nga sa paggawa ng "tunay" na kabutihan kalakip kasi nun lagi ang responsibilidad mo sa kapwa at responsibilidad nya sa iyo...

    ...may nakita akong libro ni DR. Tony A. tungkol sa platinum rule sa internet kaso may bayad kaya hindi ko naman nabasa.. pero ang sabi dun ito ay isang HRManagement-related na libro, so ibig sabihin wala itong kinalaman sa mga underlying priciples ng "Golden Rule"...but ito ay para maunawaan ang mga empleyado... hindi din naman nito tinuligsa ang "Golden Rule"...kasi yun ang basic, yun ang nagsisilbing balanse ng mundo...[sinadyang hindi ginawang perpekto ang Golden Rule] upang makita ang kakulangan ng tao...

    ***[sinadyang hindi ginawang perpekto ang Golden Rule]--->>special case ang statement kong ito, dahil naniniwala din kasi ako na ang hindi pagiging perpekto ng Golden Rule ang syang nagpapa-PERPEKTO sa kanya***

    salamat din... ^_^

    @enjoy
    aheks...uki lng...daan ako sa blog mo mmya...mukhang ayuz ang new entry mo ah...salamat sa pagdalaw... :)

    TumugonBurahin
  32. Wahahaha! Idol sobra nako! alam ko. hehehe. pero weakness ko talaga mga ganitong diskusyon... =)

    GOLDEN RULE

    "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31)

    PLATINUM RULE

    "Do unto others as they would want done to them." Dr. Tony Alessandra

    "...pero di ba tama din na hindi tayo maging madamot (platinum) at maging sara ang ating isipan sa mga bagay maging masama man ito o mabuti..."

    Sa akin gusto ko maging mapagbigay ang tao sa akin at bukas ang isipan nila sa pakikitungo sa akin. So kung Golden rule i-apply ko, yun ang gagawin ko sa kanila, mapagbigay at bukas na isipan. So obviously, hindi pagiging madamot ang golden rule, tama ba? =)

    Kung Platinum naman. Tatanugin ko sila ano gusto nila, saka ko gagawin ang gusto nila? Hindi ba parang pinahaba pa ang proseso?

    "bakit hindi natin bigyan ng kahit na maliit na tsansa...minsan kasi ayaw natin, natatakot tayo na baka lamunin tayo nito at mawala yung tinatawag nating uniqueness na sinasabi mo...pero di ba anu pa ang silbi ng uniqueness kung hindi naman ito binabahagi sa kapwa...gwapo ka nga, pero wala naman ang nakakakita o nakaka-appreciate....gumawa ng kabutihan, wala namang ibang pagbibigyan kundi ang sarili..."

    Medyo nahilo ako kapatid sa argument na ito. Ang simpleng pakikisalamuha sa iba ay pagbabahagi na ng uniqueness ng bawat nilalang. Lalo na kung malayang kumikilos ito batay sa kanyang sariling paninindigan. Hindi ko alam kung paano nagiging madamot ang Golden Rule, kasi sa tingin ko wala naman tao na gustong pagdamutan siya ng iba...

    "***[sinadyang hindi ginawang perpekto ang Golden Rule]--->>special case ang statement kong ito, dahil naniniwala din kasi ako na ang hindi pagiging perpekto ng Golden Rule ang syang nagpapa-PERPEKTO sa kanya***

    Mahusay! Ang special case na ito ay tunay na nakakalibang laruin sa isipan. Bagama't ang pagiging perpekto at di perpekto ng isang bagay ay batay sa tumitingin o nakakaita, ito ay susi upang tayo ay maging mapanuri...

    At talagang hinimay mo pa ang math! Alien ka talaga superG! Idol. The best! =)

    TumugonBurahin
  33. uhm, dami ng nagcomment ahh, i was out for a couple period of time.. busy kxe..

    uhm, just want to comment out..

    well well well, para sa akin, it's up to the person naman kung anu gusto niang sundin.. we have our own intelligence to distinguish good from bad.. so if you think or you know, it was right all along, then go.. as long as you won't step on someone else's life.. if you're happy, then fight for it.. it doesn't matter if it's a golden rule or platinum as what you're telling us..

    I do consider feelings of other people, thinking that i may hurt them in the process.. but i will never ever sacrifice my happiness.. but i always consider what's best for both of us...

    just do good and be good...

    i love myself, mind you, i'm not selfish.. i only consider my happiness...

    TumugonBurahin
  34. "Sa akin gusto ko maging mapagbigay ang tao sa akin at bukas ang isipan nila sa pakikitungo sa akin. So kung Golden rule i-apply ko, yun ang gagawin ko sa kanila, mapagbigay at bukas na isipan. So obviously, hindi pagiging madamot ang golden rule, tama ba? =)"

    tama...hindi nga ito pagiging madamot kasi ang sabi "Do unto others" hindi naman ito "Don't do unto others"... kaso nga magkaibang konsepto din kasi "hindi pagbibigay" sa "pagbibigay ng mali o nakakasama"....pero kung titignan mo ang golden rule hindi naman din sinabi kung dapat ba mabuti o masama (ito ay para mai-maintain ang balanse sa mundo)...basic ang konsepto ng golden rule, hindi nito sinasabi na mali ay mali, ang tama ay tama, ang mali ay tama, at ang tama ay mali...walang ganitong basehan, ang mahalaga gawin mo ang gusto mong gawin ng tao sayo...ibig sabihin ok lng na gumawa ka ng masama o kabutihan sa iyong kapwa kung ito ay gusto mo para sa sarili mo...freedom to choose kung ano ang gusto mong gawin...basic...

    "Kung Platinum naman. Tatanungin ko sila ano gusto nila, saka ko gagawin ang gusto nila? Hindi ba parang pinahaba pa ang proseso?" ---"Do unto others as they would want done to them."---

    kung konsiderasyon naman sa kapwa at kabutihan ang nais ihatid bakit hindi magbigay ng konting effort?..pero syempre may restrictions ito...paano kung ayaw mong gawing ang gusto ng kapwa mo?...ibig sabihin papasok ulit yung bagay na meron sa GOlden Rule..."freedom"...

    "Ang simpleng pakikisalamuha sa iba ay pagbabahagi na ng uniqueness ng bawat nilalang. Lalo na kung malayang kumikilos ito batay sa kanyang sariling paninindigan. Hindi ko alam kung paano nagiging madamot ang Golden Rule, kasi sa tingin ko wala naman tao na gustong pagdamutan siya ng iba..."

    first sentence, agree ako...
    second sentence, agree ulit...

    third sentence:"Hindi ko alam kung paano nagiging madamot ang Golden Rule,"... hindi pagdadamot ang itinuturo ng Golden Rule kundi balance....
    "kasi sa tingin ko wala naman tao na gustong pagdamutan siya ng iba" ... hindi ako sigurado, nakadepende siguro ito sa bagay (abstract man yan o concreate nouns o khit anung type ng nouns) na ipagdadamot mo... kung ipagdadamot sa akin ang kasamaan...payag ako jan...kung ipagdadamot mo sa akin ang hindi ko kailangan, ok lng sa akin yun...

    sa huli, sobrang agree ko sa konsepto ng "Golden Rule"...pero agree rin ako sa konsepto ng "Platinum Rule"...

    "Mahusay! Ang special case na ito ay tunay na nakakalibang laruin sa isipan. Bagama't ang pagiging perpekto at di perpekto ng isang bagay ay batay sa tumitingin o nakakaita, ito ay susi upang tayo ay maging mapanuri..."

    ...tama ang maging mapanuri, mapagmatyag...matanglawin!...aheks...salamat ah...haba na ng discussions dito...aheks...

    @aisa
    baet naman..aheks...salamat sa komento... maging mabait na lang tayo...inde na ako magdadag ha? basa mo na lgn iba ko reply d2...aheks...thanks.. :)

    TumugonBurahin
  35. The Golden Rule, is after all, a term devised by humans, to be easily misconstrued by mischief-minded modern-day Plato-wannabes.
    The concept( varying in forms i.e. The Silver Rule( its negative form), brazen rule, iron rule, etc.)appeared in some way or another in almost All religions.As it is engendered by human language, it can be limited in depth and meaning in its "raw" and uncloaked form. Taking it into a literal context, it would be insufficient,and awfully preposterous.To apply it, you'd put yourself in the exact place of the other person on the receiving end of the action. If you act in a given way toward another, and yet are unwilling to be treated that way in the same circumstances, then you violate the rule.

    To apply the golden rule adequately, we need knowledge and imagination. We need to know what effect our actions have on the lives of others. And we need to be able to imagine ourselves, vividly and accurately, in the other person's place on the receiving end of the action.

    The golden rule is best seen as a consistency principle. It doesn't replace regular moral norms. It isn't an infallible guide on which actions are right or wrong; it doesn't give all the answers. It only prescribes consistency - that we not have our actions (toward another) be out of harmony with our desires (toward a reversed situation action). It tests our moral coherence. If we violate the golden rule, then we're violating the spirit of fairness and concern that lie at the heart of morality.

    TumugonBurahin
  36. lols
    iba ibang term pero iisa ang ibig sabihin at gustong ipahiwatig nun!

    "golden Rule"
    yun na kase yung una mong maiisip eh.. "Do unto others as you would want done unto you."

    "house Rule"
    naman,
    "wag ipasok ang sapatos o tsinelas"

    yun lang yun eh.. naangkop ang isang bagay sa Tag na naibigay na sa kanila.. Hindi pwedeng gawing dyamente o di kaya platinum.

    pwede rin,
    ako na ang gagawa ng Diamond Rule.

    "diamond Rule"
    kapag binato ka ng tinapay, Humingi ka ng Kape"

    "Platinum Rule"
    maghugas muna bago kumain..

    lols
    ayan parekoy, kumpleto na..
    may diamond, gold at platinum pa.hehe

    TumugonBurahin
  37. @Joseph Vindollo
    ahhhh...oki...aheks...mmya na lgn pagpunta mo sa bahay pag-usapan natin yan...aheks...

    @kosa
    ayuz... sa lahat ng mga rules the best ang diamond mo... aheks

    "kapag binato ka ng tinapay, Humingi ka ng Kape".... ayuz ito...nescafe ok na sa akin...ahahaha... :)

    TumugonBurahin
  38. hmmm....basta ako ginagawa ko lang ang tama, na alam kong tama rin ang magiging balik. ---my own perspective.(i agree with Lord CM and other) You don't have to expect something in return though.

    TumugonBurahin
  39. @biba
    yeah...basta pakabait na lang tayo.. :)

    TumugonBurahin
  40. hmmm...

    sayings and quotes are only applicable to certain circumtances. they are made to suit the situations that the author or whoever made that saying wants to address.

    plus, i dont get these words of wisdoms...

    the wise dont need them, and fools can understand them.=P

    the golden rule...
    lemme see...

    I am now giving a comment... so...

    i guess i will be seeing you soon...

    my place.hehehe

    TumugonBurahin
  41. @timankey
    salamat sa pagkoment...

    ngunit...ang "Golden Rule" ay hindi sayings or quotes or words of wisdom...katulad ng nabanggit sa entry at mga komento at sa salita mismo...ang "Golden Rule" ay rule...pwede ding sabihin na tips para sa iilan or guide para sa ating lahat...

    salamat muli sa koment..sige kita tayo.. ;)

    TumugonBurahin
  42. May mga blogger na kumita at patuloy na kumikita online ng malaki sa pagbla-blog sila yung mga hindi sumuko sa halip ay lumaban, hindi nag-ubos ng oras sa paninira sa halip ay patuloy na gumawa, hindi nagsawa sa halip ay nagpatuloy sa muling pagsisimula.
    At marami rin ang mga sumubok at nabigo, sila yung mga sumuko, nag-ubos ng oras sa paninira at mga nagsawa.
    Ngayon, saan ka dyan mapapabilang?

    TumugonBurahin
  43. What flowers do you like?

    TumugonBurahin
  44. How do you do?
    I am 31 years old woman and I live in Venezuela, Santa Rosa. My interests it is a family and spiritual self-improvement. For a long time dreamed to make international friends

    TumugonBurahin
  45. Alternative dorama ladies fine hair and youth earrings. What unusual cosplay songs are liked by critics this month in Asia? Alternative anime girls stylish nails and unusual footwear. Scene dorama women beautiful make-up and modern hairpins. What glorified anime albums have a high rating for last year in the world?

    TumugonBurahin
  46. i want to ask who make the golden rule?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....