Lumaktaw sa pangunahing content

...agosto para sa pilipino...

...isang mapagpalayang araw at gabi sa inyong lahat...saang panig man kayo ng mundo, nais ko po kayong batiin ng "Maligayang Buwan ng Pagka-Pilipino!"....opo! ang buwan po ng Agosto ay buwan na itinakda para sa Pilipino...bukod sa espesyal para sa akin ang buwan na ito (birth month ng aking Grasya), ang buwan pong ito ay nagsisilbing panahon kung saan ating sinasariwa ang kadakilaan ng ating mga bayaning nagpatibay ng ating pagka-Pilipino...

ano nga ba ang meron sa buwan ng Agosto?...ang unang linggo ng Agosto, ay ating tinaguriang "Linggo ng Wika"...batid pa rin ba ninyo ang panahong ito?... ito din ang paggunita sa kamatayan ng unang presidente ng bansa na nagwagi sa pamamagitan ng halalan, ama ng wikang pambansa at ikalawa sa mga naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas, si Manuel L. Quezon...bukod sa kanya, sa unang linggo at unang araw din ng kasalukuyang taon pumanaw ang unang babaeng presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon Aquino na nagsilbing inspirasyon sa karamihan ng mga mamayang Pilipino...at ngayon ika-dalawampu't isa ng Agosto, ang araw ng paggunita sa kamatayan ng dating Senador Benigno Aquino Jr....ika-21 ng Agosto taong 1983 (1 year old pa lang ako nito...) ng siya ay barilin sa Luneta paliparan...ang kanyang kamatayan ang nagsilbing mitsa ng unang EDSA People Power...kung saan pinatalsik ang diktadurya ng dating pangulong Ferdinand Marcos... nakakatuwang isipin na may mga taong nagmalasakit pa din para sa bayang Pilipinas...ang mga bayaning tulad nila Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Juan Luna, Melchora Aquino hanggang kay Lapu-Lapu ay hindi matatawaran ang kanilang pinamalas na kagitingan at pagmamahal sa bayan... ang kanilang kabayanihan ay sa buwan din pong ito pinagdiriwang...opo! hindi din po yan chismis...ang araw po ng mga bayani (National Heroes Day) ay ating ipinagdiriwang tuwing Lunes sa ika-apat na linggo sa buwan Agosto...sana naalala mo....sa ika-24 ng Agosto ng taong ito, ating pagdiwang ang kabayanihan nila...at kabayanihan mo....

....alam kong marami pang nagmamalasakit sa bansang ito...alam kong isa ka dun...




epal lang: ang dami ng holiday ngayon August...ang saya-saya!


Mga Komento

  1. ako una! yahooo! agosot: buwan ni Ninoy!

    TumugonBurahin
  2. MABUHAY ang Pilipinas! :D

    TumugonBurahin
  3. tama!ang daming holiday, daming walang pasok, yippie!Ü mabuhay ang pilipinas!

    TumugonBurahin
  4. wow.. parang galing galing moh lang sa history kuyah... nung binabasa koh entry moh eh parang feel na feel koh tlgah ang pagiging pilipino koh.... galing moh.... dehinz na akoh magpapahaba nang komentz pero hihiritz lang... ang pinakamahalaga sa lahat nagn okasyon sa buwan nah itoh eh ang kaaarawan nang iniirog mong mahal... haha... iniirog na mahal eh no? lolz... ingatz... happy birthday to 'ur gracia... Godbless! -di

    and sabi nga ni ms. chikletz... mabuhay ang Pilipinas at sa lahat nang pilipino saang sulok nang mundo... =)

    TumugonBurahin
  5. tsk... nagbalik ka na pala. mukhang mapipilitan na rin talaga akong bumalik ah. ikaw pa naman inspirasyon ko sa pagiging busy (bisihan) ko. eheks :P

    ang saya mo porket holiday na naman ha. ako everyday holiday :) sadyang maraming dpat ipagbunyi ang mga Pilipino sa buwan na ito: Linggo ng Wika, Araw ng mga Bayani, at kamatayan ng dalawang taong nagbigay daan sa ating demokrasya.

    TumugonBurahin
  6. @Bino
    yeah...yellow day din daw ngayon... :)

    @chikletz
    yeah yeah...pati tayong mga Pilipino..mabuhay din... :)

    @♥superjaid♥
    ahehehe..sarap ng bakasyon...mahaba-haba din ito... ;)

    @ELAY
    yeah...mabuhay din po kayong lahat.. :)

    @Dhianz
    aheks...inde nman dhi...ang totoo nyan parang ngayon lang ako nahihilig na pag-usapan ang nakaraan ng Pilipinas at maging ang mga Pilipino...

    yeah tama ka...kung may dapat akong ipagpasalamat...yun ay ang pagkakaloob ng Dakilang Lumikha sa aking grasya... ;)...salamat dhi... ;)

    @enjoy
    yeah nandito na ako ulit...pra manggulo...ahahaha...

    TumugonBurahin
  7. Mabuhay ang Pilipinas kong mahal!

    (sayang wala ako jan, ndi ko maeenjoy ang madaming holiday)

    ^^,

    TumugonBurahin
  8. Akala nio english lang ang nakakdugo ng ilong try niong magtagalog ng puro pag di dumugo din ang ilong nio sa tamang termino...hehehe...minsan maganda sa english pero balahura sa tagalog wehehehe..improud to be pinoy..ay churi, buwan pala ng wika, pinagmamalaki kong ako po ay isang pinoy..halu..

    TumugonBurahin
  9. ang daming walang pasok, masaya pero sayang ang tuition. hahaha =)) oks lang si ate jez :) classmate ko pa din xa :) IMY SG!

    TumugonBurahin
  10. @EǝʞsuǝJ
    ahehehe...sayang...bleeeehh...:)

    @SEAQUEST
    mukhang magandang idea yan ah...mmhhhhhh... :D

    @kox
    aheks...sayang nga yun...ahahaha...IMY too...lahat kayo... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...