Lumaktaw sa pangunahing content

...bungo at buto...

"hindi ako pirata, ako ang simbulo nila..." ---SuperG

...mahigit sa dalawampu't pitong taon na din ang nakakalipas mula ng ipanganak ang superhero sa ilalim ng simbulo ng bungo at magkasalubong na buto... mga simbulong kinatatakutan ng ilan...dahil para sa kanila ito ay naglalarawan ng kamatayan at takot... mga simbulong naglalarawan ng kahinaan ng tao...

...ngunit magkagayun man...ang simbulong iyan ay ako... ako ang simbulong ito..hindi lang ako si SuperGulaman...hindi lang ako si bhoyet para sa ilan...sa simbulong iyan nakaukit ang aking tunay na pagkakakilanlan...

...hindi ko ito sinasabi upang katakatukan...hindi ko din sinasabi ito upang kagiliwan...bagkus ang simbulong iyan ang dahilan upang magbigay inspirasyon sa sangkatauhan... ang simbulong iyan para sa akin ay hindi simbulo ng kamatayan... kundi ito ay ang pagiging matatag sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay...hindi ito simubulo ng takot...kundi simubulo ito ng tapang at tibay ng loob...hindi din ito simbulo ng lason...simbulo ito ng determinasyon...isang "conviction"....

dapat nga bang katakatutan ang mga pirata na may tangan ng simbulong iyan? o mas dapat nating katakutan ang mga piratang nakakalat kung saan-saan?...


~~~~~~*****~~~~~~


ang susunod pong inyong mababasa ay walang kinalaman sa aking sinulat sa itaas..pero kung gusto nyong lagyan ng koneksyon kayo na po ang bahala...

...kilala nyo po ba si Chito Ang? ...ang totoo nyan...hindi ko din sya kilala...hindi ko na din sana sya pag-uukulan ng pansin ng aking makita ang ilang sipi ng aking isinulat sa kanyang blog... nakakatuwang isipin na may pumapansin pa pala sa aking mga likha... wala naman talaga akong sama ng loob o galit sa kanya sa kabila ng pagkuha nya ng ilan sa aking mga gawa...nagpapasalamat nga ako at kahit papaano na-acknowledge naman ang aking pangalan... pero sana nga lang ipinagpaalam nya iyon at binigyan nya ako ng backlink man lamang... pero kahit anu pa man...salamat pa din...

... sa aking mga gawa, sinisikap ko na wala sana ditong basura...masaya ako na nagustuhan nyo ito... at ako'y magpapatuloy sa paggawa ng mga tulad nito para sa inyo....conviction...





Mga Komento

  1. Hehehe :D Anong nangyari dun brod? bakit andun yata mga entry mo? May pangalan ka naman dun pero walang link...

    Nakausap mo na ba sya? mukhang presidente sya ng fan club mo ah lolzz

    TumugonBurahin
  2. mukhang puro copy-paste ang entry nun ah lolzz

    TumugonBurahin
  3. pirata? naalala ko tuloy sila luffy! matignan nga kung sino yang chito chorva n yan..

    TumugonBurahin
  4. yak! kinuha nya ung mga sulat mu? adik un ah! panu mu nalaman ung blog nya? tskk.. walang originality un.

    TumugonBurahin
  5. ngek! anu ba yan, parang may naalala ako sa ginawa nya.. di pla sya nagpaalam?

    TumugonBurahin
  6. @Lord CM
    ahehehe...inde nga...nag-message ako sa kanya..NR naman.. aheks...yaan na lng ntin yun.. ;)

    @kox
    ahehehe...si luffy...nsa pang 196 episode na ako..medyo mahaba pa hahabulin ko... ahahaha...

    yaan na natin sya..plagiarism...aheks... ;)

    @PinkNote
    wala paaama eh...pero oks lng nmn.. ;)

    @RJ
    ahehehe...cguro nga...ahahaha...akalain mo yun...wwoooot... ;)

    TumugonBurahin
  7. gamitan mo cya ng powers mo.. para ano pat si super gulaman ka!! bugahan mo ng tonetoneladang gulaman nang malibing siya ng buhay...

    ahihihi biro lang po =) peace..

    TumugonBurahin
  8. gamitan mo cya ng powers mo.. para ano pat si super gulaman ka!! bugahan mo ng tonetoneladang gulaman nang malibing siya ng buhay...

    ahihihi biro lang po =) peace..

    TumugonBurahin
  9. Gusto mo awayin natin si Chito?hehe hayaan mo na lang siya..atleast alam namin na sayo pala galing ang mga artikulo niya..

    TumugonBurahin
  10. napirata ka super g! LOL! puro posts mo andun ah.. kuler. haha!

    may blog stalker ka..

    TumugonBurahin
  11. @Goryo Dimagiba
    ahahaha...baka imbes na malunod..matuwa pa sya... ahahaha... :D

    @RUEL
    ahehehe...wag na...hayaan na lng natin yun... akalain mo yun... aheks... :D

    @chikletz
    aheks... uu nga..nung unang makita ko yun..kala ko blog ko yun..kaso wla nmn akong maalala na nagpalit ako ng theme... ahahaha.. :D

    TumugonBurahin
  12. May blog stalker ka pala kuya, bigaten!Ü

    TumugonBurahin
  13. naks... pahuli natin kay Bong... hahahaha!

    kausapin mo ulit...
    sabihin mo bibigyan mo ng pix mo na may autograph basta magpaalam lang bago kumuha ng article mo. lolz!

    TumugonBurahin
  14. @♥superjaid♥
    ahahaha... hirap tlaga kasi ng pogi eh... ahahaha...bawal kumontra...ahahaha... :)

    @A-Z-E-L
    aha! magandang ideya yan... ahahaha...

    TumugonBurahin
  15. Tama, nakakatakot nga ang mga pirata. Nasa paligid lang sila.

    TumugonBurahin
  16. Baka obsessed fan.. lolz
    Pinirata ka ata..lolz ulit..

    Hayaan mo na.. Ganyan talaga ang magagaling..Musta sa trabaho?

    TumugonBurahin
  17. sigurado ka bang walang koneksyon yung prologue mo dun sa kuwento mo bhoyet? eh kasi parang meron. hehehe!

    isa kang self-proclaimed pirata... siya rin naman pirata eh... in disguise. :)

    hayaan mo na siya... isa lang ibig sabihin niyan superG. isa kang magaling na manunulat. treat mo ko ha. toinks!

    TumugonBurahin
  18. abah... may fan kah ahh... sikat kah... may sumusubaybay nang mga sinusulat moh... pero sino si Supergulaman?... sana man lang yeah true na-link kah or napakilala kah... or kahit sa isang sulok man lang nang page nyah na nagsasabi... etoh ang site patungo kay SuperG... ganda siguro nang pagkakasulat moh na he wanna save it in his blog.. pero sana first.. nagpaalam... 2nd naka-link ka man lang don kc itz 'ur own writing... and 3rd.. next time he writes his own blog too... juz sayin'... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  19. ahh.. may mga own writing den atah sya don.. i think.. i juz scanned his page real quick... naaliw lang sya siguro nugn day nah 'un na copy and paste nya lahat nang sulat moh... abah... may obsessed fan kah nah Super-G-Sensei... wehe... =)

    TumugonBurahin
  20. @ACRYLIQUE
    ahehehe...pero yung mga iabng pirata hindi nakakatakot...lalo na yung nasa quaipo...aba, aba...syempre san ka pa makakapanood ng movie na 80 in 1 DVD... aheks... :D

    @dylan dimaubusan
    ahehehe...baka malaman-laman ko na lang may nababantay na pala sa bahay namin... ahahaha....

    ayun ayuz lng din work...mejo mejo lng busy... ;)

    @enjoy
    ahehehe...nung unang sinulat ko yung prolongue...wala tlaga akong balak na ikonek yun... aheks... gusto ko lng sana bigayn ng clue ang iba sa aking real name, at kung bakit ang theme ng blog ko ay puro mga death gods at mga bungo at buto... :D...

    uu hahayaan ko lng sya...mukhang inde nmn nya yata intensyon na manguha na lng basta basta.. ;)

    @Dhianz
    aheks siguro nga...siguro nga at naaliw sya..sa tingin ko mukhang inde nya yun intensyon... ;)

    TumugonBurahin
  21. @ACRYLIQUE
    ahehehe...pero yung mga iabng pirata hindi nakakatakot...lalo na yung nasa quaipo...aba, aba...syempre san ka pa makakapanood ng movie na 80 in 1 DVD... aheks... :D

    @dylan dimaubusan
    ahehehe...baka malaman-laman ko na lang may nababantay na pala sa bahay namin... ahahaha....

    ayun ayuz lng din work...mejo mejo lng busy... ;)

    @enjoy
    ahehehe...nung unang sinulat ko yung prolongue...wala tlaga akong balak na ikonek yun... aheks... gusto ko lng sana bigayn ng clue ang iba sa aking real name, at kung bakit ang theme ng blog ko ay puro mga death gods at mga bungo at buto... :D...

    uu hahayaan ko lng sya...mukhang inde nmn nya yata intensyon na manguha na lng basta basta.. ;)

    @Dhianz
    aheks siguro nga...siguro nga at naaliw sya..sa tingin ko mukhang inde nya yun intensyon... ;)

    TumugonBurahin
  22. Ayos yan tol may fans ka na hahahah =)


    HOPE UR DAY IS GOOD! COME VISIT ME PLEASE! THANKS! http://www.kumagcow.com

    TumugonBurahin
  23. May fans club ka na pala di mo sinasabi sa akin... akala ko ako ang president... hahahaha ... pero be thankful dahil at least nilalagay niya name mo sa bawat post niya... este mo... teka naguguluhan na ako.... nakita ko pics niya sa blog niya at bigla akong naka amoy ng malansa.... hahahahaha ... ingat bro....

    TumugonBurahin
  24. @kumagcow
    ahehehe...uu nga eh...bigayn ko n lng ng autograph... ahahaha...tibay... :)

    @YanaH
    aheks...baka nmn napgatripan lng nya...aheks...

    @Saul
    hala! wag ganun katakot yun...hanggang dito may stalker pa... ahahaha

    TumugonBurahin
  25. SuperG- pinuntahan ko siya akala ko naman ay may isa lang kaw blog na nakopya...

    at ako'y nagulat...

    isa...
    dalawa...
    tatlo...

    teka teka teka...baket puro ni SUPERGULAMAN ang nakikita ko, nyahahaha...

    naloka akoh!

    TumugonBurahin
  26. bat ganun yun? may word naman na ...ni SUPER GULAMAN.. ehehehehe... matagal mo na bang alam na kinukuha niya mga sinulat mo? hehehehehe...

    TumugonBurahin
  27. @DETH
    ahehehe...ako din ay nagulat...kahanga-hanga di ba? may ganun pla... ahahaha...

    @patola
    matagal ko na din itong nalaman siguro mga 3 weeks na din..kinontak ko sya...NR nmn...pero ayuz lang...inde nmn ako yung tipong naghohorementado dahil lang dun... ahehehe...nakakatuwa kahit papano, may pumpansin ng mga entry ko... :D

    TumugonBurahin
  28. Haha. Anu ka b may k0neksy0n ang intro. sa pagnakaw ng mga artikULoNg sinuLat m0.Haha. Gumawa kaya tayo ng samahan ng anti plagiarism. Hehe. Sa toTOo lang, that's the w0rSe thing that a blogGEr cAN do. At hndi xa nararapat twaging blogGEr.

    TumugonBurahin
  29. @Walongbote
    ahehehe...yaan na lng natin...tutal may name nmn ako dun....medyo mali lang ang pag-reference... ahehehe... :D

    TumugonBurahin
  30. freaky fanatic?stalker?doppelganger?! oh nos!

    (idol ka lang nun, hehe)

    TumugonBurahin
  31. May fan na rin ako SuperG. Hahaha! Silip ka sa bahay ko. Andun yung kuwento. Sikat na rin akong katulad mo. Hikhikhik :P

    TumugonBurahin
  32. ayos...ganda ng website mo..pareho taung black..wla lng, share ko lng..


    hehe

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...