Lumaktaw sa pangunahing content

...All Saint's Day, All Soul's Day...

[repost]

...isa sa mga pinakamahalagang araw para sa mga katolikong Pilipino ang panahon ng Undas na kung saan ay muling ginugunita ang pagpanaw ng ating mga mga mahal sa buhay... paggunita na hindi nangangahulugan ng kalungkutan, paggunita na hindi din nangangahulugan ng kasiyahan..kundi isa itong paggunita ng ating pagmamahal sa mga yumao... likas sa mga Pilipino ang pagiging makapamilya at makapuso na kahit ilang taon, dekada o siglo man ang lumipas ay hindi pa rin nalilimutan ang pag-alaala at paggunita sa mga pumanaw na kamag-anak...

tuwing kailan nga ba ang tamang araw ng paggunita ng mga yumao? sa ika-uno ba ng Nobyembre? o dapat ba sa ikalawa ng Nobyembre? tayong mga Pinoy ay nakaugalian na ang pagdalaw sa puntod ng mga yumao sa unang araw ng Nobyembre...ang iba naman, ika-tatlumpu pa lang ng Oktubre ay nasa sementeryo na..ang iba naman dalawang araw pa lang bago pa man ang unang araw ng Nobyembre ay dumalaw na din...hindi naman ako salungat sa mga nakagawiang ito dahil naniniwala din ako na walang masama sa pagpapahalaga sa mga yumao...

All Saint's day...November 1...All Hallows...araw ng mga santo...araw ng patay? ... hindi ko alam pero sa aking opinyon wala yatang araw ng patay...oo! tama! may Undas tayong tinatawag pero ito ba ay araw ng patay?... ang sabi ng simbahan ang November 1 ay All Saint's Day...Araw ng mga Santo ika nga...ang araw na ito ay paggunita sa mga banal o Santo na nalululuklok sa templo ng ating Panginoon.... isa itong patunay na tayong mga Pilipino ay naniniwala na ang ating mga yumao ay ganap ng mga Santo sa templo ng ating Panginoon...

All Soul's day...November 2, araw ng mga kaluluwa...kung ating mapapansin kaunti na lang ang mga Pilipinong dumadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa sementeryo sa araw na ito...bakit kaya? dahil kaya lumalabas ang multo sa panahong ito?...siguro nga...ang maniwala uto-uto... ahehehe...pero ang totoo nyan ang All Soul's day ay hindi All Ghost's day...walang ganun... ang All Soul's day ay posibleng araw ng mga yumao...pero sigurado ako na ito ang araw "mo"...oo tama! araw mo, araw ko, araw natin ito...bakit? may kaluluwa ka hindi ba? kung wala ka nun, hindi mo nga ito araw pero sigurado ako na hindi ka din tao...noong ginawa ko ang entry na may titulong "tao, tao saan ka gawa?"...sinabi ko na ang tao ay posibleng gawa lamang sa tuldok... pero hindi lang naman talaga iyon...dahil may mga "undefined" na bagay na nakapaloob sa atin...ito ang mahika ng espiritu...ang ating kaluluwa...ito ang dahilan kung paano tayo nabuo..ito ang dahilan ng pagkakalikha ng sangkatauhan...

all saint's day, all soul's day... anung tamang araw ba dapat ginugunita ang mga yumao?... hindi na siguro natin kailangan pa ng tamang araw... dahil ang pagpapahalaga at paggunita sa ating mga mahal sa buhay ay wala sa tamang araw kundi ito ay nasa tamang puso ng lubos na nagmamahal...

Happy Halloween! :)

Mga Komento

  1. dahil ang pagpapahalaga at paggunita sa ating mga mahal sa buhay ay wala sa tamang araw kundi ito ay nasa tamang puso ng lubos na nagmamahal...

    -ayyyeeee!!!
    :P

    TumugonBurahin
  2. tama, hindi na kailangan ng araw para gunitain cla. pwede naman kahit anong oras, kahit saan, kahit kelan. hahaha :) araw ko ngayon. hehe

    TumugonBurahin
  3. tama si gege, everyday is all saint's day ahehehe

    TumugonBurahin
  4. pre salamat sa pagbisita
    oo nga noh? ngayon ko lang nlaman itong mga araw ng mga kluluwa at santo haha basta ang alam ko lang araw ng mga patay haha tumanda nko ng ganito ngayon ko lang nlaman. thanks pre

    TumugonBurahin
  5. @gege
    ahehehe...parang dapat may karugtong pang..."sobrang cheeeessyy!"... ahehehe... :)

    @kox
    yeah tama araw natin ang nov. 2...kaya dapat may celebration..tagay!...:D

    @kheed
    ahehehe...uu naman...ako may sabi nun eh...kaya tama din ako... ahahaha.. :D

    @JETTRO
    ahehehe...self-realization ko lng din yun...mejo tama di ba?...:D

    TumugonBurahin
  6. dapat araw-araw gunitain sila kasi araw-araw naman ay pinapahalagahan tayo noong nabubuhay pa sila..

    TumugonBurahin
  7. "all saint's day, all soul's day... anung tamang araw ba dapat ginugunita ang mga yumao?... hindi na siguro natin kailangan pa ng tamang araw... dahil ang pagpapahalaga at paggunita sa ating mga mahal sa buhay ay wala sa tamang araw kundi ito ay nasa tamang puso ng lubos na nagmamahal...all saint's day, all soul's day... anung tamang araw ba dapat ginugunita ang mga yumao?... hindi na siguro natin kailangan pa ng tamang araw... dahil ang pagpapahalaga at paggunita sa ating mga mahal sa buhay ay wala sa tamang araw kundi ito ay nasa tamang puso ng lubos na nagmamahal..."

    i agree..kahita anong araw dapat naaalala natin sila at ang naging bahagi nila sa ating buhay..

    TumugonBurahin
  8. late na itong komento ko para sa undas, ngayon lang naman kasi ako napadpad d2 sa iyong lungga.


    bakit nga ba tinawag ng pista ng patay, samantalang ang mga nagbubunyi ay mga buhay?

    TumugonBurahin
  9. Dito lang kami sa bahay at nagtitirik ng kandila at nag aalay ng dasal. Cremated kasi ang mga yumao naming kamaganak kaya no need to go sa sementeryo.

    TumugonBurahin
  10. @Arvin U. de la Peña
    tama parekoy... :)

    @♥superjaid♥
    ayuz ah...prang mantra lang... ahehehe... :)

    @Alkapon
    ahehehe...ganun tlaga yun...mas nakakatakot nmn kung may nakikita ka na mga patay na nag-paparty... :D

    @Anney
    ahehehe..uu nga simpleng prayers lang...nandun na ang pag-alaala sa kanila... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...