Lumaktaw sa pangunahing content

Trabaho ba ang hanap mo?

isa sa mga patok na trabaho ngayon sa Pinas ay ang pagiging callboy/callgirl... simple lang naman ang trabahong ito, basta magaling kang mambola, maganda ang accent, medyo ok ang grammar...english grammar...pasok ka na sa pagiging callboy/callgirl...pasok ka na bilang isang callcenter agent... astig ang pumasok sa ganitong mundo... maganda ang pasahod, yun nga lang puyatan sa buong magdamag... syempre imposible naman na magpuyat ka sa umaga...

sa paghahanap ng trabaho marami tayong iniisip...tulad ng sahod, work location, benepisyo at higit sa lahat ay ang bigat at gaan ng trabaho.... kung magsasawa na ako sa pagtambay dito sa bahay at maisipan kong mag-iba ng trabaho, ano kaya ang magandang pasukin..Oo, yan ang trabaho ko, tumambay sa bahay, magsulat, magblog, magbasketball, maglaba, manood ng porn anime, magluto, maglinis, pumatay ng lamok, magbilang ng butiki at ang pinakapaborito ko..tumunganga...ano nga ba ang mga trabahong gusto ko at posibleng gusto nyo din?

1. Professional Stalker (for boys only)- simple lang, dapat kasinggwapo kita o di kaya basta lamang ka lang ng ilang paligo pasok ka na
2. Mosquito Wing Plucker - ang requirement 50-50 vision.
3. Dog Food Tester - ang requirement, marunong kang tumahol.
4. Experienced bra fitter - hindi ko pa alam ang requirement(s) basta ang role mo daw ay taga-kabit ng bra, hindi sa iyo isusuot...mmmmm pero parang gusto ko ito... ahahaha...
5. House manager - parang yan ang trabaho ko ngayon ah?
6. Sandwich Artist - hindi ko pa alam kung magaling ako dito... Sandwich eater pwede pa, kahit panis basta malasa ayus lang..kayang-kaya yan ng mala-goma kong sikmura...:)
7. Underwater fire fighter - ito ang pag-iisipan ko, hindi pa kasi ako marunong lumangoy.
8. Salbabida inflater - ang requirement, malakas ang baga..
9. Crocodile Mother - uy pambabae yan...ayaw ko nyan... ahahaha...
10. Kiss Delivery Boy - gusto mo ba ng trabahong ito? parang ganito yan...panoorin ang video... :D






Sa mga naghahanap ng trabaho..Good luck and Enjoy! ^_^


Mga Komento

  1. Sir, ayos itong positionn na ito ah... ok yata ung Experienced Bra Fitter.. gusto ko nyan hahaha... hindi ko napanood ang video, hindi pede dito sa office eh...

    Tama ka, in na in ngayon ang call center, sabi nga nila mataas ang sweldo dito. :)

    Magandang araw sir :)

    TumugonBurahin
  2. Saan po pwede mag-apply trabaho number 1?? :D haha

    TumugonBurahin
  3. @ISTAMBAY
    aha! ikaw pala ang mayaman..callboy ha...ahehehe.. gusto ko ngang mag-aaply jan eh... kaso baka mabugbog ako ng grasya... ahahaha... :D

    @IAMJOROSS
    dati kong trabaho yan... ahahaha..cge kontakin ko ang employer... :D

    TumugonBurahin
  4. tae dog food tester. hahaha. natawa ako . nyahahaha

    TumugonBurahin
  5. @kikilabotz
    elemetary pa nga lang ako iniisip ko nga ang lasa nun eh... ngayon iniisip ko pa din... ahahaha.. .:D

    TumugonBurahin
  6. diko alam number 9..hehe

    panalo ang number 10! at ang video, ang lufeeet! hehehe

    musta na sir!?

    TumugonBurahin
  7. shet! ang lol na lol ng "we deliver. whatever." haha.

    naku! di pala ako pwede jan sa no.2 kasi sira na mata ko. Pero may alam akong mas mahirap pa jan. ang tawag ay "Fly Catcher." haha

    TumugonBurahin
  8. @Akoni
    ahehehe..tara mag-apply tayo jan...

    @Kosa
    ako din hindi ko alam yan...kahit na pwede yan sa lalaki..wag na din... ahahaha... :)

    @kristian
    ahehehe...mahirap nga din yun.. mero pa nga akong trabaho dito sa bahay eh... ANT Traffic Enforcer... ahehehe... :D

    *pagnaka-comment ako...ayuz na ang blogger... ^_^

    TumugonBurahin
  9. gusto ko ung bra fitter heheheeh. btw, mahirap din magwork sa call center kung di sanay sa puyatan. grabe ilang taon na ko'ng puyat kakamonitor ng calls ng mga ahente hehehe

    TumugonBurahin
  10. Ayown!! Okay na ang Blogger.. hehe.. Unang-una, iba ang pagkaintindi ko ng callboy/callgirl.. madumi lang siguro isip ko. lol.. House manager din ang trabaho ko ngayon. Kain, tulog, maglaba, nood ng movies.. loop lang tlga. In short, tambay. wahihi!!!

    Natawa ako sa Underwater fire fighter.. meron pala nun? Sige, matry ngang mag-apply dyan kung meron dito samen. Hehehe.. Toinks!

    TumugonBurahin
  11. natawa ako sa number 3.......mahirap iyong number 10 kasi kahit lalaki hahalikan....kahit magkapareho ang gender ay hahalikan..

    TumugonBurahin
  12. Super Gulaman, kung may isa pang bakante para sa number 3 magsasubmit ako ng CV.

    - Kumag ng Kabulastugan Blog

    TumugonBurahin
  13. at nawala ang komento ko dahil sa maintenance ng blogger. sinabi ko lang naman na gusto ko'ng trabaho ung bra fitter. hehehe. at ibig sabihin pala may sense ako'ng magsualt hehehehehe. nabsa ko lang ung komento mo sa post ko. un lang :)

    TumugonBurahin
  14. Pwede ba mg apply sa no. 1 and 3?available pa ba yan?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Wikipedia galit kay BONG REVILLA?

maraming memes na si Alyas Pogi.  Yung iba galit na galit. Yung iba chill lang. Ako. No comment movement. Ang hindi ko lang magets, bakit si wikipedia galit din sa kanya? Sino kaya mag-eedit nito ulet? Parang si Shanti Dope... Grabe...grabe... :) [EDIT]: Naayos na na Wikipedia ang article. Check this out. IMAGE FROM WIKIPEDIA.COM #May13 #Eleksyon2019 #Pilipinas #BongRevilla

NAIA Terminal 101 for First Timers Flying in Dubai: Lipad na Super Inggo

Ito na nga dumating na ang araw na iyong pinakahihintay.  Ito na ang nakatakda sa isang malaking pagbabago sa iyong buhay.  Iiwan mo na ang Pilipinas at ready ka na for Dubai .  At dahil kadalasan mag-isa ka lamang na aalis, kailangang ihanda mo ang iyong sarili sa bawat pagkakataon.  Totoong nakakatakot ang first time dahil hindi natin alam ang susunod na mangyayari pero wag kayong mag-alala tutulungan ko kayo dyan. So paano? Handa ka na ba? Game . 1.  Siguraduhin na dumating sa paliparan (NAIA) , tatlong oras (3hrs) bago ang flight.   Kung makakarating ka na mas maaga, mas maganda yun dahil hindi din natin kontrolado ang dami ng tao na makakasabay mo sa pag-alis.  Idagdag mo pa dyan ang nakakaiyak na traffic ng EDSA .  I'm sure mami-miss mo ang traffic na yan kapag nakaalis ka na. 2.  Ihanda ang iyong mga dokumento. Siguraduhin na kumpleto ka sa sumusunod: Passport Visa Flight itinerary or e-ticket, or, your plane ...

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks.... ...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe... ...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano nama...