Lumaktaw sa pangunahing content

..after 45 days...

makalipas ang apatnapu't limang araw maraming pagbabagong naganap...parang isang sisiw na sa loob ng 45  araw..naging isa na itong ganap na manok...

sa nakalipas na apatnapu't limang araw....maraming masasayang sandali... maraming first time... maraming mga pagkakataong hinding-hindi ko makakalimutan at may mga pagkakataon na masarap balik-balikan sa alaala...

sa nakalipas na apatnapu't limang araw... 

1) nabago na ang facebook status ko from engage naging married na... Tama! ganap ng isa si SuperG at WonderG...napapanahon na din para gumawa ng BabyG(s)... ahehehe... :)
2) naranasan kong magkudkod ng niyog sa tradiyunal na paraan...
3) naranasan kong mag-igib (magbomba) sa poso...
4) naranasan kong magluto para sa taong mahal na mahal ko...si WonderG
5) naranasan kong muli ang sarap ng pakiramdam sa tuwing masaya si WonderG
6) naranasan ko ang lungkot ng pakiramdam sa mga pagkakataon nalulungkot at nagtatampo si WonderG.
7) naranasan kong hindi nawala si WonderG sa aking tabi sa pagpikit ng aking mata sa gabi.
8) naranasan ko ang matamis na pagbati sa umaga ni WonderG.
9) naranasan kong uminom ng kape na walang asukal.
10) naranasan kong magluto ng sunog na kropek at muntik ng makasunog ng lutuan.
11) naranasan kong pumasyal sa nueva ecija sa loob ng 3 araw at dumiretso sa bohol...
12) naranasan kong makakita ng butiking kasing laki ng braso ko.
13) naranasan kong mag-visita iglesia kahit hindi holy week. Ang mga simbahan na pinutahan ko, Quiapo Church, Antipolo Church, Baclaran Church, ICP Church (Project 8,QC), Dauis Church, Tagbilaran Cathedral,  Cortes Church (Bohol), Virgen dela Regla Parish (Cebu), Basilica of Santo Niño (Cebu) and a Chapel in Biking 2 Dauis Bohol.
14) Naranasan kong mamangha sa paligid dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, nasa Bohol ako nito.
15) Natuto akong magbilang simula 1 to 10 sa salitang bisaya.  Para akong Grade 1.
16) Kahit papano may naiintindihan na ako at ilang salitang bisaya na alam ko ang kahulugan tulad ng uyab, bana, kabo, sanina, bug-as, pikas, hatag, wala (hindi), ayaw (huwag), kaon, lawas, lakaw, kapoy, luto (rice), dili, iring, iro, tigulang (tigul-ol ang term ni WonderG dito).
17) naranasan kong hindi na mag-isa.
18) naranasan kong malungkot dahil aalis na sya.
19) naranasan kong matuwa dahil ilang araw na lang muli na kaming magkikita ng aking WonderG.
20) naranasan kong mamiss sya ulit hindi bilang Kasintahan kundi bilang Maybahay na mamahalin ko habangbuhay.

Konting hintay lang mahal, 13 days na lang nandyan na ako. Behave po ako. Promis... :)

Mga Komento

  1. wow bon voyage na rin pala ikaw! God bless :)

    TumugonBurahin
  2. bakit puro love and sweetness nababasa ko now? hmmmm parang Valentine's day ang feeling ko..

    TumugonBurahin
  3. wow naman, congrats sa inyo...hintayin ko si BabyG :D

    TumugonBurahin
  4. wow, ang ganda naman ng post na to. ang swerte ni Wonder G sayo. I'm sure swerte ka din sa kanya. sana patuloy kayong maging happy and magkaroon ng healthy and cute na cute na baby G. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...