Lumaktaw sa pangunahing content

Para!

Writer's block. Black and blank.  Yan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na ako makapagkwento ng buong sigasig tulad ng dati.  Na tila ba lahat ng kakulitan, yabang at angas sa pagsusulat ay lumipas na. Pero siguro nga, lumipas na....

Ang hirap...tatlong oras na ang lumipas ng simulan ko ang talata na nasa itaas at sa hanggang sa sumandaling ito, hinahanap ko pa din ang tema at patutunguhan ng sulating ito at may pangamba na muli ay mahulog sa draft at hindi na mai-publish.  Sige lang, hanggang may gana... tipa..tipa... sa laptop na animo'y kalan dahil sa init na binubuga. Tulala...Titig sa webcam window...pinagmamasdan ang pagkisig at galaw ni BabyG mula sa kanyang higaan.  Umiyak si BabyG. Saklolo naman ang kanyang lola dala ang inuming gatas.  Pambihira ang gatas na ito. Bukod sa kaya nitong patahanin ang palahaw ni BabyG. Para itong alak na nakakalasing at pagkatapos ng pagdighay ay tulog na naman ang batang makulit. Nakakatuwa... Nakakamiss...

Totoo iba na ang mundong ginagalawan ko.  Hindi na katulad ng dati at malayo na sa dating gawi.  Wala na ang 3 missed calls namin ni WonderG dahil magkasama na kami ngayon.  Wala na puyatan sa chat, dahil sabay na kami sa pagtulog.  Wala na ang mga gabing pag-alala dahil sa pag-iisa ng bawat isa sapagkat ngayon magkasama na kami tuwina. Ngunit katulad ng karamihan ng mga magulang na nangibang-bansa, nandun pa din ang lungkot, pagka-miss, pangungulila sa anak na iniwan sa sariling bayan at ang tanging panghahawakan nyo ay lakas ng loob at tiwala sa Maykapal na darating din ang panahon na kami'y magkakasama-sama.

Time check.  11:56am.  Halos alas-dose na.  Hinhinto na muna ako sa pagtipa, dahil mamayang ala-una maliligo na ako para pumasok hindi na katulad ng dati sa opisina kundi sa selling area ng HyperPanda. Kung sisipagin baka bukas ulet at pakikilala ko sa inyo ang bida sa outlet na ito.

Salamat. Para muna. Baka humaba pa.  Nakapagod kayang magbasa ng blog entry na sobrang haba.

"Fool the string to stuff"... kailan ko kaya makikita ulet ito.

Para! Dyan lang po sa tabi!


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...