Lumaktaw sa pangunahing content

Tagal


Update. update.


Wala na ako sa Pinas ngayon at medyo may katagalan na din.  Mag-dadalawang taon na din. Hindi na din ako single at medyo may katagalan na din. Mag-dadalawang taon na din. At may baby na din ako at hindi pa naman ito katagalan. Mag-iisang taon pa lang din. Sa pagkakaalam ko nasabi ko din yata ang mga bagay na ito sa blog na ito at medyo may katagalan na din.

May katagalan at kabagalan.

Yan! Yan ang eksaktong larawan ng kukote ko ngayon.  Pero teka may larawan nga ba ang kukote? Kita nyo na hindi lang mabagal minsan may pagkasira-ulo din.  Balik tayo sa usapang katagalan.  Ang salitang "katagalan" ay mula sa salitang-ugat na "tagal" na nilagyan ng unlaping "ka-" at hulaping "-an". Ang salitang "tagal" ay isang pang-uri o adhetibo na tumutukoy sa haba ng oras ng paghihintay.  Ito rin ay kadalasang naiuugnay sa salitang "inip".  Ang salitang "inip" ay bahala na kayong maghanap ng kahulugan. Aba, OA naman yun kung pati yun i-define ko pa. Ahehehe.

Ano nga ba ang "tagal"?

Para sa akin, ang "tagal" ay paglalarawan ng ating mga adhikain sa buhay.  Para sa akin yan ha? Hindi yan para sa'yo pero kung gusto mo, sige na nga share. Noong tatlong taong-gulang pa lang ako, ang sabi ko, "Ang tagal ko naman pumasok sa school". Noong, Grade 1 na ako, ang sabi ko, "Ang tagal ko naman mag-High School".  Noong, Graduate na ako ng High School, ang sabi ko "Ang tagal pa din ng apat na taon sa College." Noong, graduate na ng College. Ang sabi ko,  "Ang tagal ko naman makahanap ng trabaho."  Noong nakahanap na ng trabaho, ang sabi ko, "Ang tagal ko na sa trabahong ito, wala na bang iba".  Noong makilala ko ang Grasya, "Ang tagal mo, bakit ngayon ka lang? Eh di sana anim na ang baby natin". Kitam.

Habang ginagawa ko ang post na ito, nag-message sa akin ang isang magandang boholana-sexy-klasmeyt-with dimples sa facebook. Nangamusta-kinamusta-nagkamustahan lang din kami. Ang sabi nya single pa din daw sya at may katagalan na din daw.  Gusto kong mag-isip ng ibang bagay, kaso napangiti na lng ako. Ayaw kong masaktan-mabalian ng buto-at maihagis sa pacific ocean ng Grasya. Ang sabi ko na lang, "Hintayin mong ma-surprise ka, wag kang mag-madali katulad ng surname ko." O alam nyo na ang totoong pangalan ni SuperGulaman.  Bhoyet Madali, search mo sa facebook. Dali! 

Teka! ang tagal ko ng nag-ta-type..mahaba na ata. Stop na muna.

Sige mag-koment ka na. Tagal!





Mga Komento

  1. tagal kong alam ang pangalan mo hahaha. di ba nga frieneds tayo sa fb. lol natutuwa ako at nasa blogging world ka na ulit!

    TumugonBurahin
  2. natawa ako kase ngayon ko lang nalaman na ikaw yun! WAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAH!!

    TumugonBurahin
  3. 'Patience is a virtue' sabi nila. Gusto ko itong post mo Boyet.

    Parang gusto mo yatang magkaroon ng maraming friends sa Facebook.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yup...tama..ahehehe...dok post mo ang facebook acount mo sa blog..swabe dadami friends mo...ahehehe...:D

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...