Lumaktaw sa pangunahing content

Buhay Estudyante

Nagmamadali kang sumakay ng jeep. Nakipagsiksikan. Kulang na lang eh sumabit ka sa sasakyan dahil wala ng espasyo para sa malaki mong balakang. 7:50am na kasi at sigurado late ka na naman sa klase mong pang alas-otso.  Iwinasiwas mo ang iyong basang buhok na hindi pa natutuyo dahil sa pagmamadali.  Tumama iyon sa mukha ni ate. Sumimangot.  “Sorry ate.” sabi mo.  Pero ang totoo nyan hindi ka naman nag-aalala kung magagalit sya o hindi dahil mas inaalala mo kung makaka-abot ka pa sa first subject mo. 

Exam day ngayon.  Ngayon nakatakda ang kinabukasan mong pagpasa sa subject na iyon at kung hindi uulitin mo ito ng bonggang-bongga.

Gumamit ka ng taijutsu, ninjutsu, sharinggan, athletic skills, kulam at walis tingting para umabot.

7:59am.  Buzzer beater, nakarating ka din sa pintuan ng classroom mo.

Nagsisimula na ang exam. Lumapit ka sa teacher mong kapatid ni Osama Bin Laden.  Walang sabi-sabi, inabot nya ang test paper mo at iminuwestra ng nguso nya kung saan ka uupo.

Dumiretso ka sa upuan ngunit nag-aalala ka pa din.  Hindi ka kasi nakapag-review dahil napuyat ka sa paglalaro ng ibon na mas malaki pa ang nguso kaysa pakpak.

“Flap flap flap…bagsak.”  Yan ang umaalingawngaw sa kukote mo ngayon.  Sinipat mo ang mga tanong sa test paper. Aba-aba lahat iyon hindi mo alam.

5 minutes… 10 minutes… 15minutes…

Tagaktak na ang iyong pawis.  Tuyo na din ang iyong buhok at magulo na din ito ulit parang kang bagong gising. 30 minutos na ang nakalipas, wala ka pa ding sagot.

Kung mamalasin ka nga naman, binago ng mautak mong guro na kapatid ni Osama Bin Laden ang cheating arrangement.  Iba-iba na ang nararamdaman mo ngayon.  Hindi mo alam kung natatae ka ba o kinukumbulsyon ka na.

Halos lahat ay tahimik.  Maliban sa iyo na balisa at nag-aalala.

Pero hindi ka sumuko. May katabi kang gwapong henyo.  Iginalaw mo ng kaunti ang iyong upuan at pinaiksi ang palda sabay kindat sa kanya at nguso sa test paper.  Ngumiti lang si pogi at nagpaubaya.  Yun nga lang, nahuli ang isa pa nyang katabi na nangongopya kaya inilipat sya.  Ipinalit sa upuan nya ang kapatid ni Chocoleit na hindi naman henyo pero magaling tsumamba.

“Honey, may answers ka na ba? Ako meron. Gusto mo? Isang date lang”

Naisip mong ilang oras na lang ang nalalabi… kaya kahit labag sa kalooban mo, pumayag ka na din.
Ika nga nila, “It’s better to cheat than to repeat”

Larga na.  Kopya dito, kopya doon.  Paspas.

At sa wakas natapos mo din ang pangongopya.  At bago matapos ang oras, tumindig ka at buong yabang at kampante  na ipasa ang iyong test paper.  Pero bago ka pa makarating sa harapan, tumindig din ang kapatid ni Osama Bin Laden.

“Ok class, it’s almost 11:00am na.  Bukas na lang nyo yan ipasa.  No Xerox copy, No erasure. Remember 80% yan ng test na yan sa grade nyo kya i-perfect nyo na!”


Hindi ka nakakibo sa iyong narinig. At tuluyan kang nawalan ng ulirat.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...