Lumaktaw sa pangunahing content

Itchiness to Laziness


So what now? Ano na nga ba?Ang daming nang dumating na mga pagbabago sa buhay ko ngayon.  Bukod sa makating pakiramdam.  Yes! Welcome to my itchy world!, balik na nmn ako sa mainit at maalikabok na daidig ng mga arabo.  Hays, ang hirap nga eh, ngayon ko lang naranasan ang napakating pakiramdam.  Ah, alam ko na, hindi yang pangangating nasa isip mo-- malisyoso! Ang ibig kong sabihin, nagdurusa ako nga sa hindi ko mawaring pangangati ng buong katawan na maaaring dulot ng mainit at maalikabok na paligid.  Dahil dito, animo'y isang tigang na lupa ang aking balat...nagbibitak, nagbabalat. Na tipong kapag tumungo ka sa SPA ay tatanggihan ka nila dahil malulugi sila sa kaka-is-is sa iyong balat.  Mamumulubi ka din sa pagbili ng petroleum jelly at lotion.  Hindi ka na din maaaring gumamit ng mababangong sabon at shampoo sa halip gagamit ka ng sobrang mahal na sabon at shampoo na walang amoy.  Nagdurusa ako ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko at sana nga gumaling na din ako. Nagpatingin na din ako sa doktor, ngunit tila isa lamang itong laro sa kanila.  Hindi nila ako sinoryoso, binigyan lamang ako ng ilang gamot. Sa katunayan Anti-histamin at ointment lang ibinigay nila.  Hindi man lang ako kinuhaan ng dugo or kahit na anong laboratory test...at ang malupit hindi din nila sinabi kung ano ang nangyayari sa akin.  Base na din sa nababasa ko sa internet.  Parang meron akong chronic hives.  Pero hindi tayo sure.   Base sa sintomas na naararamdaman ko, ay parang yun nga..  Para akong binabalatan ng buhay matapos ang isang atake ng hives.  Pero sa kabila nito, sa mukha ko ay medyo naging maganda ang epekto.  Nagbalat ang buo kong mukha, naalis ang mga pekas, parang korean na walang pores. Yun nga lang sensitibo pa din sa init at lamig. Oha!

Past...este...Fast forward... Ilang buwan din ang nakakalipas nung sinulat ko ang unang talata sa itaas. Malamig na ngayon.  At tila ba lumamig na din ang dating mainit at makating pakiramdam.  Naghilom na din ang mga gasgas na dulot ng madalasang pagkamot sa balat.  Nakakaranas pa din naman ng pangangati pero hindi na katulad ng dati. At katulad ng dati, gwapo pa din (ang kumontra sumpain na mangangati din, lols!). Pero kaunting lotion lang. Onting anti-histamin, onting-cream, ayos na ayos na ang pakiramdam.

Sa ngayon problema ko naman ang pagbigat ng aking katawan. Marahil na din sa katamaran.  From itchiness, now to laziness.  Paano kaya ako magpapayat ng hindi nag-da-diet or exercise? Any ideas? Brilliant ideas?

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...