Lumaktaw sa pangunahing content

Life is a Piece of Cake

Update.  Hindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang site na ito.  Matagal na din ang panahon na hindi ko na binayaran ang domain na ito.  Kung sakali man na mawala na ito, inyo pa din nman matutungahayan ang aking mga kwento sa www.supergulaman.blogspot.com.  So parang ganun din.  Sa totoo lang, hindi ko na gaanong napagtutuunan ng pansin ang blogging.  

Tinatamad? Siguro.  Walang bagong kwento? Siguro. Ngunit kung kwento lang naman, sa palagay ko, ang araw-araw na nangyayari sa akin ay sapat na para maging kwento ko sa inyo pero mas pinili ko na yata ang maging pribado at maging abala sa paggawa ng ilang bagay na sa aking palagay ay hindi naman interesante para sa mambabasa.  Yun ang sa palagay ko.


☺~~~~~~~~~☺~~~~~~~~~☺

Life. Apat na letra sa ingles.  Limang letra sa tagalog.  Napaka-simple, mabilis lang at ika nga nila pansamantala lang. Pero totoo naman hindi ba?  Sa katunayan, ikaw na bumabasa nito ay hindi na din magtatagal sabihin natin pagkalipas ng dalawang daan taon.  Lahat tayo pagkatapos ng taon na iyon ay hindi na muling maaalala at tuluyan makakalimutan.  Maliban na lang siguro kung ikaw ay magiging bayani o kaya'y nakagawa ng kapakipakinabang na bagay para sa tao.

Life is temporary. Parang Simeco lang daw yan. Mabilis lang. Pero bakit mo kailangang dumaan sa mga pagsubok  Bakit kailangang paghirapan mo ang mga bagay-bagay?  Bakit kailangan ng karanasan?  Bakit kailangang maging mahalaga, at pagkatapos non ay mamatay ka din naman?  Bakit kailangan gumawa ng masama o kabutihan kung sa dulo ay mamatay ka din?  Bakit nga ba?  

Mahirap, masarap daw ang buhay? Kung titignan mo ang buong sirkulo, ganito lang naman yun. Ipapanganak ka.  Maglalaro. Kakain. Magpapalaki.  Mag-aaral.  Magtratrabaho. Mag-aasawa.  Tatanda. Mamamatay.  Ganun din sa mundo ng mga ipis. Ipapanganak. Maglalaro. Kakain. Magpapalaki.Mag-aaral. Magtratrabaho. Mag-aasawa.  Tatanda. Mamamatay. Malas na lang din kung matyempuhan ng Baygon o tsinelas ni lola. Deds ka nun instantly.

Bakit kailangan mag-struggle? Bakit kailangang o hindi kailangang gawin ang mga bagay-bagay?  Bakit lahat na lang kailangang may dahilan? Teka, bakit ko nga din naman ito tinatanong, mamatay din naman tayo?

Life is valuable. Agree? Oo naman, ngunit nakadepende pa din ito sa kung paano ito nakikita ng may hawak nito. Gets?  Halimbawa. May isang sikat na doktor ang naka-imbento ng gamot laban sa cancer.  Marami syang natulungang may mga sakit.  Ngunit ang pinakaaasam nya lamang sa buhay nya ay makapiling nya ang kanyang pamilya na hindi na din nangyari hanggang sya ay mamatay.  Sa palagay nyo, naging makabuluhan ba ang buhay nya?  Sa pananaw ng iba, oo siguro.  Pero para sa kanya hindi.

Ano nga ba ang magpapasaya sa iyo? Ano nga ba ang halaga ng buhay?

Bakit mo kailangan kainin ang masarap na piraso ng cake, kung alam mong mauubos din ito at hindi na muling matitikman?


#life
#lifeisapieceofcake
#buhay
#ryuk

Mga Komento

  1. Kala ko ako lang ang nawalan ng enerhiya sa blog. Pero kanyakanyang phase lang siguro yan. For sure, in time hindi mawawala ang urge at talento ng pagkwento. Parang life. (wow maikonek lang!)

    Manik Makina | That MM Blog

    TumugonBurahin
  2. Ganundin ako minsan na lang mag blog lalo na ng humagupit ang bagyong yolanda sa aming lugar. Pero ang lahat na mga nakilala ko sa blog at nalaman ang site nila ay hindi ko pa rin nakakalimutan kasi naging bahagi sila sa blog ko. Sa buhay talaga darating ang panahon na may mas pagtutuunan tayo ng pansin. At ang pagtutuunan ng pansin ay iyon kung saan tayo kailangan maging abala para makaraos sa pang araw araw na pangangailangan sa buhay.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...