Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit nga ba hindi ako botante?


Bakit nga ba hindi ako botante?
Credit: Image from iha.com

Bakit nga ba?

Hindi ko din alam.  Ay hindi pala. Alam ko pala at dahil madami din akong dahilan.

Hindi dahil sa iresponsable akong mamamayan.  Hindi din dahil wala akong pakialam sa bayan.  Hindi din sa kadahilanang binabalewala ko ang demokrasya.  At lalong hindi dahil hindi ko mahal ang bayang tinubuan. Mahal ko ang Pilipinas.

Ang totoo nyan, ang dami ko kasing dahilan.

Hindi ako bumoboto dahil ayaw ko sa pulitiko.  Hindi ako bumuboto dahil sa mahigit sa tatlumpung taon ng aking buhay, wala akong nakita o nadamang pagbabago sa bansa.  Lalong lumalaki ang agwat mayaman at mahirap sa bansa.  Hindi ako bumoboto dahil may tax. Mga tax na kadalasan hindi ko napapakinabangan. O kung may roon man, pakiramdam ko hindi lang dapat iyon ang nakukuha ko.  Produkto ako ng publikong paaralan simula kindergarten hanggang kolehiyo. Ang totoo nyan, maswerte na ako  nun. Dahil kahit papano nakapagtapos ako.  Naging iskolar kuno din ako ng isang pulitiko--isang kongresista para sa dagdag na pantawid para makapagtapos sa kolehiyo.  Pero naging saksi din ako ng hirap ng mga taong umaasa sa katiting na umento buhat sa tulong ng gobyerno.  Para kaming namamalimos sa tulong nila sa kahit konting barya.  Katulad na sabi ko hindi lahat pinapalad.  Mapalad na ako sa lagay na yan, ewan ko lang sa iba. 

Alam ko ang iniisip mo.  Sasabihin mo na, nakinabang naman pala ako pero bakit hindi ko ito binabalik sa kanila? Kaya nga eh, kasi bakit ganito lang?  Nasaan na ang iba? Bakit hindi kumpleto? Bakit pakiramdam ko lagi nyo kaming ginagawang bobo?  Pinapatikim ng kaunti kaming mahihirap, ngunit sandamukal ang kanilang kulimbat sa bayan.

Ang sabi ng iba, rights of suffrage. Oo karapatan yun, pero madalas dinadaya lang yun ng mga nakaupong pulitiko. Hindi ako bumuboto kasi nga kaya nila itong ima-inobra sa paraang gusto nila.  

Pero, noon iyon.

Sa ngayon, mukhang pwede na akong bumoto.  Mukhang lumipas na din ang panahon ng mga dahilan ko para hindi ako bumoto noon.  Salamat sa mga taong bumoto noon. dahilan upang manalo ang taong magiging dahilan ng pagboto ko sa susunod na eleksyon.  Balik na din ang tiwala sa gobyerno na hindi na madadaya ang mga boto at lalabas ang tunay na pinili ng taong bayan. Ang sabi ko noon, hindi naman yan ang tunay na boses ng mamamayan.  Isipin mo na lang, sa limang kandidato isa lang ang mananalo. Ganito ang siste, si kandidato A ay nakakuha ng 5 boto, si B naman ay 6, si C ay 4, si D ay 3 at si E ay wala.  Sino ngayon ang nanalo? Sasabihin mo syempre si B. Tama?  Pero ito nga ba ang boses ng majority.  Hindi syempre.  Dahil kung tutuusin, ang bumoto kina A, C, D at E ay majority na kung susumahin ay 12. At ang labing dalawang yan ay di hamak na mas marami sa anim. Labing dalawa ang talunan, anim ang nagwagi. Kita mo na. Hindi totoong boses ng masa ang nananalo sa eleksyon, kung ang boses ng nakararaming grupo ang nanalo. Pero kung dalawang tao lang pagpipilaan para sa isang pwesto, ito ang tama sa palagay ko.

Ngayon, bago na ang pinuno ng bansa. Nagkakaroon na mga hakbang tungo sa pagbabago.  Yung totoong pagbabago na madadama hindi lamang ng mga nasa tuktok ng triangulo.  Salamat sa mga bumoto noon, at hindi na nagawan ng paraan ng dating administrasyon na imaniobra ang resulta ng halalan.  Sinubukan ngunit nabigo sila. Hindi inakala ng nasa tuktok noon na ang simpleng Mayor ng Davao ang magbabalik ng nararapat para sa taong bayan.

Unti-unti ng naghihilom ang mga sugat na iniwan ng nakaraang mga administrasyon. At ang digmaan ng pagbabago laban sa lumang kalakaran ay inaasahang iigting pa. Maraming magbubuwis buhay, hindi ito mapipigilan para sa kinabukasan ng mga kabataan. Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng tinatahak natin ngayon. Pero hindi na siguro ito katulad noon na nanatiling lugmok sa kahirapan ang Perlas ng Silangan dahil sa kasakiman ng mga mayayamang iilan. 

Akala ko nga noon isang malaking sindikato ang gobyerno.  Tama pala ako.

#Pilipinas
#Digong
#DU30


Mga Komento

  1. Ilang halalan ka ng hindi bomoboto mula ng mag parehistro ka. Kasi pag tatlo yatang eleksyon at hindi ka makaboto ay mawala pangalan mo sa list of voters..at sino kaya sa susunod na halalan pagka pangulo ang karapat dapat din....

    TumugonBurahin
  2. hindi pa po ako rehistrado... plano kong magparehistro para sa next national election... sa local eleksyon medyo pag-iisipan ko pa...Susunod na pangulo, hindi ko pa alam.

    TumugonBurahin
  3. Kumusta na..salamat sa pagiging bahagi sa walong taon ng blog ko..thank you....isa ka sa pinapasalamatan ko....

    Happy 8 years......

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...