Lumaktaw sa pangunahing content

Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon


Martes ng madaling-araw. Napabalikwas habang mahimbing na natutulog. Bahagyang ibinaba ang hitang nakadantay sa katawan at tsaka hinagilap ang cellphone, tinignan ang oras. Kinse-minutos pa bago mag-alas singko ng umaga.  Balik ulit sa higaan. Pumikit.

Saglit lang nagsimula ng manggising ang cellphone ko. Bumangon na akong muli. Pupungas-pungas habang kinakapa ang tasang nasa ilalim lang din ng aming higaan.  Kumuha ng tubig na nasa gilid lang din ng higaan at tsaka ibinuhos sa (katabi, joke lng) lagayan ng initan ng tubig. Ganito sa abroad lalo na sa mga nasisimula pa lang at hindi naman kalakihan ang sahod. Buhay-double deck, buhay partition, buhay curtition. Buhay kahon. Mga buhay sa sulok ng kahon. Pero mas ok na yun kaysa umuwing walang buhay na nasa kahon. Ito ang mga karanasang hindi kailanman naiintindihan ng mga nasa Pilipinas lalo na kung hindi pa nila ito nararanasan. Ang akala ng lahat madali lang ang kumita at magtrabaho sa abroad, yung kasing dali na parang pinupulot lang ang perang pinapadala sa remittance center o nilalagak sa banko.  Sa abroad, bukod sa kalungkutan, marami pang bagay na dapat tiisin.  Halimbawa na lang dito sa bayan ng mga arabo, kailangan mong tiisin ang labis na init o lamig ng panahon.  Kailangan mong magkasakit sa tuwing magpapalit na ang klima.  Kailangan mo din tiisin ang de-microwave na mga pagkain na magiging sanhi ng pagkapurol ng iyong kukote. Magmimistula ka ding tanga sa pakikining sa mga mali-maling-ingles ng mga nakakasalamuhang mga dayuhan. Mabobo ka sa pagsunod sa kanila sa pag-iingles upang kayo ay magkaintindihan lang.

Kailangan mo ding tiisin na pigilang gawin ang mga nakasanayan mong gawi noong nasa Pilipinas ka pa lamang.  Tulad ng:
  1. Pagligo araw-araw. Optional lang daw ang pagligo.  Kung maliligo ka araw-araw, malulugi ka sa amoy nila. Hindi nila alam ang ibig sabihin ng hygiene dahil wala sila nun.  Pati ang pagsesepilyo nakadepende na lang yung kung kelan napagtritripan.
  2. Pagpapalit ng damit. Isa sa pinakabonggang gawi nila dito ay ang hindi kadalasang pagpapalit ng damit kahit na ang amoy nito ay kasing amoy na ng patay.  Basta walang mantsa ok pa daw yun.  Ang hindi nila alam, ito ang pinaka-unang dahilan kung bakit sila mabaho. Try mo din minsan para makaganti ka.
  3. Paglalakad ng walang damit pang-itaas sa kalsada. Kung babae ka, wag na wag mong gagawin yan kahit saang parte ka pa ng mundo mapadpad dahil malamang sa malamang eh mapadpad ka sa damuhan o buhanginan na maaari mo pang ikatuwa (joke lang).  Pero kung lalaki ka nman kahit na-miss mong gawin yan, aba eh di sa gala ka na lang sa beach, wag sa kalsada.
  4. Magtapon ng basura kahit saan (lalo na sa gate ng kapitbahay).  Mahigpit sila ukol sa paglikom ng basura. May maayos silang basurahan kung saan dapat nilalagay ang basura. Pero ang taong amoy basura hindi ko alam kung bakit wala silang tapunan nun dito (harsh!).
  5. Umihi sa pader. Minsan naisip ko lang kung may batas na nagbabawal nyan dito sa bansang ito.  Wala pa kasi akong na-tyempuhan na gumagawa nyan. Ma-try nga minsan. Hmmmmm.
  6. Pakikipagsuntukan. Madalas makakarinig ka ng pagtatalo sa mga tumpukan lalo na ng ibang mga lahi. Ang nakakainis lang, walang nagsusuntukan.  Puro salita, puro dada, walang gawa. At kung makakapag-abot man sila, iskrimahan lang ng tsinelas, parang bata. Kung sa mga kabayan yan sigurado may malaking pasa na iyan sa mukha, marka ng kamao sa mukha.
  7. Manood ng teleserye sa TV.  Hindi naman sa pinagbabawal ang panonood ng teleserye dito.  Pwede mo pa din naman itong i-enjoy sa mga piratang kuha sa internet at kung may TFC ka posible din yun. Yun ay kung may panahon ka pa matapos ang iyong trabaho.  Hindi naman kasi priority ang teleserye dito gaya ng nakagawian natin sa Pinas.  Priority ang magkaroon ng trabaho at perang ipapadala sa ating inang bayan.
  8. Kumain ng tatlong beses sa isang araw. Yeah! You heard me right.  Hindi naman sa bawal ang pagkain sa tatlong beses sa isang araw, nagkataon lang na hindi ito ang essential na gawi nila sa araw araw.  Kung tayo ay sanay na kumakain ng may kasalo, dito naman bahala ka sa buhay mo.  Kung magutom ka, kain ka lang,.  Kung busog ka na, kain ka pa din, depende yan sa iyo.  Walang definite time, wala sa wisyo. Katulad ng nasabi ko na, trabaho ang priority hindi din ang pagkain.
  9. Magsimba tuwing linggo. Ang linggo ang simula ng trabaho dito.  Hindi ka aabot sa misa kung linggo ka magsisimba.  Tuwing biyernes ang tamang araw dito para magsimba. Day-off. Muslim country kaya hindi priority ang Catholic.  Maliban na lang kung sa sales ka nagtratrabaho at posibleng day-off ka ng linggo. Swerte.
  10. Sumabit sa Dyip.  Walang dyip dito kaya walang masabitan, pero may kabit naman ang iba dyan. Nakakalungkot nga lang sa mga ilan nating kababayan, mga pamilyadong tao sa Pinas, pero dito sa abroad kung kumerekeng akala mo single. Totoo yan.  Trust me.
  11.  Pagsigaw ng para at at bumaba kahit saan mo man naisin. Tumawid sa kalsadang animo'y ikaw ang may-ari. Hindi na  ito pwede dito. Hindi mo na din makikita ang mga katagang "Fool the string to stuff". Ang siste may takdaang babaan na ang bawat pasahero.  Point-to-point.
Totoong maraming bagay pa ang iyong mamimiss kung ikaw ay nangibang bayan na.  Ilan lamang ang mga nabanggit ko sa itaas. At kung nandito ka na, hahanap-hanapin mo ang bayang kumunsinte sa katigasan ng iyong kukote, nagpalasap ng digmaan ng buhay na nagpatibay ng iyong pagkatao at humubog sa tunay na ikaw. Muli mong hahanap-hanapin at babalikan ang mga panahon na ganap pa iyong kalayaan. Wala iyon dito. Nasa Pinas.

#Pilipinas
#NoPlaceLikeHome
#BuhayOFW

Mga Komento

  1. Kaya iba talaga ang saludo ko sa mga OFW na katulad ninyo, Super Gulaman!
    Mabuhay po kayo!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...