Lumaktaw sa pangunahing content

Philippines National Election 2022

Last post bago ko isara ang blog na ito.

At magbilang na din tayo ng sisiw habang hindi pa napipisa ang itlog.

Mainit pa sa fire ang huntahan ukol sa eleksyon sa Pinas. Naglalagablab ang bawat isa sa mga opinyon kung sino nga ba ang mananalo sa pagka-pangulo. Real talk, tapos na ang laban, nanalo na si Bongbong Marcos Jr. o BBM sa karerang ito. Maliban na lang kung sya madadaya, madidisqualify o mamamatay.

Yes. At base yan sa science at statistics. Hindi yan base sa kahit anong grand rally, google trends at mga fake news na gustong manipulahin ang desisyon ng mga mamamayan. Sa mga pink dyan o dilaw, masakit ang katotohanan na hindi nyo na kayang #ipanalonana10ito. Sa serye ng eleksyon na ito totoong maraming mayayamang angkan o negosyante ang sumusuporta kay Leni tulad ng Lopez at iba pang mga dayuhan partikular sa Amerika at isama na din natin ang mga makakaliwang grupo at organisasyon. Alam nyo na yun! Ang daming funds, balato naman. Pero wala, talo pa din at huli na ang lahat. 

Bilang math major, naniniwala ako kina idol Karl Friedrich Gauss, Fisher, Walpole at sa mga prof ko sa Statistics na sina Carmelita Batacan, Renilda Layno at S. Bernardo. Isama ko na din ang prof ko sa Thesis na si Dr. Normita Villa. Shout out din sa mga henyo kong classmate na nagpapalaganap ng katotohanan ng statistics.

Kung mananalo ang mama Leni nyo. Sinasabi nyo ba sa akin sa mali ang sinasabi ng statistics. Na hindi tama ang maniwala sa numbers? At dahil statistics yan, sige sabihin na nating na may margin of error. Ilan 2%? 3% margin of error? Pero ibang usapan ang bilang ng mga survey na ito, walang chance ang pagkapanalo ng mama Leni nyo. Ano? Nadadaya naman ang survey. For the sake of argument, sabihin natin na posibleng madaya. Pero lahat ng survey maging Laylo, SWS, Pulse Asia, isama na din natin ang survey na kinomisyon ng kampo ng yellow isa lang ang resulta. Tambakan ang laban. Panalo na si BBM by majority votes at yun din ay tumutugma sa mga kalye survey at caravan.  Pero inpeyrnes number one ang kampo ng Pink sa paggawa ng mga issue na medyo totoo. Yung tipong hahatiin ang video, gagawan ng kwento at voila #victimcard. Totoong video nga na hinati at ibang anggulo ang pinalabas. Yung tipong katulad ng sinabi ni Eros Atalia na "Peksman mamatay ka man, nagsisinungaling ako."

Ooopps teka, number 1 pala ang Leni-Kiko sa Universities' survey. Eh di congrats at sana makaboto silang lahat at sana din bigyan sila ng baon ng mga magulang nilang maka-BBM.

Anyway, kung mananalo si Leni ng walang daya o divine intervention siguro walang ng magtuturo ng math at statistics sa school. Magsasara na din ang mga survey firms at higit sa lahat wala na din ang Thesis requirement bago maka graduate sa kolehiyo. Ang saya! So vote for Leni na. NOT!

Hindi ang kampo ni BBM ang dahilan ng pagkapanalo nya. Pero ang kampo ni Leni ang dahilan ng pagkatalo nya.

Sa mga sugarol dyan, umpisahan na ang pustahan. 

Sa pula ka ba o sa pink na bibe? Partida yan, langya pati sa sabong ang dugas nyo!

Ok sige ang pusta minimum 203 Billion. Sure win kasi. No bearing game.

P.S. Inaguration pala ng bagong tulay sa Cebu. Mainstream media hello daw.
  
#panalonakasiBBM
#Halalan2022
#victimcard
#realmath
#philpolsurvey


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...