Lumaktaw sa pangunahing content

..isang madugong labanan...

...alas siete n ng gabi, binuksan ko ang aking monitor...wla nmn tlaga akong gagawin, gusto ko lng tignan kung anu ang nangyayari sa himpapawid...wla nmn bago, ganun pa din...wla nmn kasamaan akong nahagilap... makalipas ang tatlumpung minuto pinatay ko n din ang monitor...

..handa na akong magpahinga ng oras na iyon ng biglang lumitaw si "EKIS"..tama c EKIS nga...sya ang aking matagal ng kaaway...mahigit n sa sampung taon akong nakkipaglaban sa kanya...may mga pagkakataon n natatalo nya ako...pero madalas lagi kong nagagapi ang kanyang kabuktutan...

...galit c EKIS nung oras na iyon..gustong makipaglaban...it's another job for Super Gulaman...tenenen..tenenen...tenen!... nag-change costume na ako..handa na din akong lumaban... pero iba na ang diskarte ngaun ni EKIS...bigla syang nag-kagenbunshin (*)...ayun dumami na nga sya...hindi lng dalawa, hindi tatlo..kundi apat na EKIS...saglit pa, pinagsasama-sama nya ang kapangyarihan iyon at nsa ika-apat n level n sya ng kanyang kapangyarihan...tinawag nya iyon na "integration of powers"...nagulantang din ako sa pagsulpot ng kanyang isang kakampi c "D"...nagbigay galang ito kay EKIS...mukhang malakas ang mga ito, mahihirapan yata ako....

...nag-isip ako ng istilo....hinalukay ko sa aking isipan kung panu ko sya nagapi noon...inukilkil ko sa aking kukote kung anu nga ba ang teknik na akma sa mga ganitong kapangyarihan...sinubukan kong gamitan sya ng aking ninja skills...sharinggan!..walng epekto...malakas talaga...raygun!...wla din, ayaw tumalab...ginamitan ko sya ng nature skill ko...ang kapangyarihan ng ugat (*square root)...wala ding nangyari...kahit anung pilit kong ilagay sya sa kahon ng mga ugat, hindi ito gumagana...nag-isip akong mabuti..bka tirahin nya ako at baka hindi na ako makabangon...pinag-aralan ko ang kanyang formation ngaun..ito ang nakita ko...(integral of X^4 dx)... kung gagamit din ako ng integration of powers...dodoble lng ang lakas nya..kaya nyang i-absorb un...halos wla na akong pag-asa nung oras n iyon ng dumating c super "C"...sya c constant...malakas sya..para syang boomerang ng atakihin nya cla EKIS at D...pero ang atakeng iyon ay hindi sapat pra pabagsakin ang mga kalaban...sinabi ni Constant na kailangan ko ng gamitin ang "anti-differentiation technique"...hindi pa ako bihasa sa ganitong technique pero kailangan kong gawin...una, hinati ko muna ang sarili ko sa lima at paakyatin sa ikalimang bahagi ang chakra ko...inisip ko na sapat n iyon pra matapatan ko ang ikaapat n level ng kapangyarihan ni EKIS...sa madaling salita naging ganito ang itsura ko...(1/5 x^5)... pero kulang pa din ayaw nyang matinag...pero bago pa sya umatake...nagsabay n kaming dlawa ni constant sa pag-atake...ubos na ang chakra ko..huling tira n nmin ito...(1/5 x^5 + c)...ayun...sapul...tuluyan na nga na nwala c EKIS sa aming paningin...pero hindi ko iniisip na namatay n nga sya ng lubusan..alm kong babalik syang muli upang maghasik ng kadiliman...pero nandito lng ako upang ipagtanggol ang sangkatauhan...

..natapos n din ang pakikipaglaban...nanghihina n din ako...napagod ang aking mata sa paggamit ng sharinggan...kailangan ko ng magpahinga...

Note: ang inyong natunghayan ay base sa aktual n pangyayari ng pakikipaglaban ni Super Gulaman kay EKIS... ang technique na ginamit ni Super Gulaman ay ayon sa istilo ng pagresolba ng mgaproblema sa "integral calculus" ...ito ang actual na presentasyon:

(*)TRIVIA: Ang kagebunshin ay kakayahang padamihin ang sarili sa pamamagitan ng isang matinding Chakra control...




Mga Komento

  1. NOSE BLEED ampota.. integration pa gus2 mo ha..:))

    TumugonBurahin
  2. parang komiks ang dating tol, la lang picture!

    TumugonBurahin
  3. wahahaha....

    ang galing-galing nyo namang magburda sir...walang buhol...

    graveh...

    sumakit ang head and shoulder ko nung mga moment na yun...

    parang gusto kong kumanta...

    kaso lang walang videoke dito...

    nakakaloka...

    ahaha...

    pwedeng-pwede to sa mga taong di masyadong magaling sa Math na gaya ko...

    nakakaenjoy...

    ahaha...

    super thumbs-up para kay super gulaman...

    ahaha...

    yun lang po...

    *echo* ahahaha...ahahaha...ahahaha *echo*

    TumugonBurahin
  4. waaah.. ipaaala ba sa akin ang mga yan? don't forget + c, hahahaha.. nung ako ay nagaaral pa, kahit natutulog ako, kaya ko sagutan yan.. pero ngaun, binaon ko na ata sila sa limot, nyahahaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...