Lumaktaw sa pangunahing content

...usapang buhay...

...anu nga ba ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay?..oo tama! bakit tayo nilikha?..bkit tayo sumasaya? bkit tayo nalulungkot? bkit tayo nagmamahal? bkit tayo nasasaktan?... maaring ang iba sa inyo hindi din lubos maunawan kung bkit ko tinatanong ang mga ito... ang totoo nyan, kahit ako din hindi ko alm ang dahilan...

...ang sabi nila, ang tao ay nilikha dahil may tungkulin syang dpat gampanan d2 sa mundo ayon sa itinakda ng Maylikha... itinakda? gampanan? tungkulin?...

...madami tlaga akong tanong sa buhay...ang karamihan dito ay walang sagot...ay mali pa..lahat pla kasi ng klase ng tanong ay may sagot...un nga lang hindi mo malalaman kung ang mga sagot n ito ay tama o mali...natulala na nmn ako sa monitor ko ngaun, hinahanap ang mga sagot sa mga katanungan ito...wala akong mapagtanungan kundi ang sarili ko...at muli kinausap ko sya khit na nag-aala na ang sagot nya ay mali...pero cgurado ako na sasagutin nya lahat ng tanong ko...

...hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa..tinanong ko n sya, "totoo bang ang tao ay nilikha dahil may tungkulin syang dpat gampanan d2 sa mundo ayon sa itinakda ng Maylikha?"...wla din syang kagatol-gatol na sumagot..."oo", wika nya... at muli nagtanong ako, "kung ganun na ang lahat pla ay nakatakda, bkit hindi na lang ginawa na ang nakatakdang pagkakataon ay maging maganda? bkit hindi gawin na ang tungkulin gagampanan ay gawing madali? bkit meron pa ding kasamaan? bakit may mga nasasawi? ito ba ung mga nakatakda?"...napakunot lamang sya sa mga tanong ko...nag-isip ng bahagya...sumagot sya, "may kaalaman ang Maylikha na hindi abot o kayang unawain ng tao...."...hindi na ako umimik sa mga tugon nya..bagkus nag-isip na lng akong mabuti..

..."eureka!"...oo tama, alam ko na ang sagot sa mga tanong ko...gusto nyong malaman? gusto ko ding sanang ibahagi sa inyo un ngunit hindi sapat ang mga letra, numero, at mga simbolo upang ipaliwanag iyon...pero kung inyong iisipin nagsimula ito nung tayo ay nagka-isip (*adan & eve story*)...tama "rationality" ang naging dahilan ng mga tanong ko...at kung ganun, kapag inalis natin ang "rationality" posible na masagot ko ang mga tanong...gusto kong kausapin ang mga baliw at mga hayop bka kc masagot nila ako...pero hindi ko na hahayaan na mapunta ako sa puntong iyon, hihinto n ako sa pag-iisip....

..ngunit posible nga na ang mga dahilan ay nasa tao mismo...nasa knyang paraan pano mag-isip, nsa knyang mga aksyon, nsa mga pagkakataon, at nasa damdamin at puso...ihinto na natin ang isipin tungkol sa mga dahilan bakit tayo nabubuhay, i-blanko ng bahagya ang utak...tumingin ka na lng sa paligid mo, makiramdam, pakinggan... gamitin mo ang ung mga pandama... "di ba tama?...lahat ng yan ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay...."

Mga Komento

  1. haysz.. ako din maraeng tanong..pero ako n lng sasagot..kase kung tatanungin kita.hnde rin ako makukuntento sa sagot mo..:)

    TumugonBurahin
  2. Waw...BibLe Ito...heheh..Nice...

    Ako din asking anu purpose KO..pero pag sumali ako beauty contest at ask ako kun "what is the essence of being a woman?" xempre alam ko na sagot nyan..

    gasgas na yan eh :))

    TumugonBurahin
  3. ang lalim...

    madaming sagot sir...

    pero sa sobrang dami...

    di mo alam kung alin ang uunahin mo...

    at kung ano ang dapat na sundin...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...