Lumaktaw sa pangunahing content

...Tunay na Kyut Award...

Akin pong pinapasalamatan sina Aian, Joshmarie at Dianz sa pagbibigay ng ma-cute na award na ito. Sabi nya balita lang daw nya na cute ako... pero totoo yun... ahahaha... ang hindi maniwala, magkaka-virus ang computer... :D

Eto daw ang rules:

1. Each blogger must post these rules.

2. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.

3. Bloggers that are tagged, need to write ten facts about themselves. You need to choose ten people to tag and list their names.

At bilang pagsunod sa ikalawang kautusan..ito na ang 10 bagay tungkol kay SuperGulaman...

  1. Libangan ko ang tumunganga.
  2. Pagtinamad na akong tumunganga, bisyo ko na ang mangulit at mambwisit sa bahay man o sa opisina.
  3. Katulad ng mga nasabi ko dati sa ibang blog entry ko, kaya kong maglaro ng chess mag-isa.
  4. Isa akong math major na mahina sa arithmetic.
  5. Mahina din ako sa grammar, Filipino man o English.
  6. 5 years akong naging sakristan at natigil lang yun ng maging Corp Commander ako nung high school.
  7. hindi ko bisyo ang uminom ng alak, manigarilyo at mambabae.... yari tayo kay Grasya kapag nagkataon.
  8. hindi ko ugali ang gumala, bahay at opisina lang ang tambayan ko.
  9. naniniwala ako na ang kape ay isa sa pinakamasarap na inumin sa whole wide universe... kulang ang umaga ko kapag walang kape...
  10. at ang panghuli anime addict na ako ngayon.... bleach, naruto at deathnote yan ang mga rekomedado kong anime....

akin na itong ibabagi sa mga ma-cute na blogero't blogera:

Mga Komento

  1. wow! napagkalat mo naman ang tsismis na kyut aco. .

    minsan gusto co lang din tumambay sa opisina kaso wala naman acong trabaho. . jan na kaya aco tumambay sa opisina nyo? lol

    bukas co na kukunin to. . maghahanap pa aco ng isasagot jan. . lol

    TumugonBurahin
  2. Juicekilz, di ko kinaya- KAYANG MAGLARO NG CHESS MAG-ISA!

    talent yan!

    TumugonBurahin
  3. awww..salamat :D teka, saka ko na ipost pag nakahana anko ng sampung kaibigan. anim lang ata kaibigan ko sa buhay. kasama ka pa dun. bwahahahaha! :-p

    TumugonBurahin
  4. taena...kasama na nman ako? waaaahhhhh natangga ko na din to nung isang taon ah... bale nakaka-grand slam na ko.. dinaig ko pa yata si micheal jordan..lols

    sige sige talaga yatang kelangan ko din itng pagtripan...

    salamat sa isang tunay na tunay na cute -kyut award..

    TumugonBurahin
  5. @paperdoll
    cge tambay ka sa amin...libre nmn kape d2...pero nescafe lng, mahal sa starbuko eh... :D

    @chyng
    ahehehe...dati yun, pero ngayon hindi na masyado...dinadaya kasi ako ng sarili ko eh, kya nag-aaway kami....ahahaha...

    @kaye
    weeee, ilan pa kulang 4 pa?...add mo si bhoyet, si yet, si yetbo at si supergulaman...ahahaha...cge tulog na..adik kaw eh...:D

    @kosa
    ahehehe, swerte mu nmn...shhhh secret lng itong award na ito....ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  6. supergulaman ka nga! ahehe,, panu mo nalamang cute ako eh picture lang naman ni Rukawa yun na natutulog. ahehe..(kilala mo ba yun ?)

    saka na ko magppost ng pic ko para masabi mo ngang cute toh..(bka lumaki na naman ulo ko eh..lolz)

    saka malaking revelation yun dito sa blog world pag nagkataon...abangan mo!

    super thank you!!!
    i'lll post it later, busy pa sa ngayon eh..

    ingatz!

    TumugonBurahin
  7. ako ulit. itinigl ko na ang maglaro ng chess mag-isa, madaya ang sarili ko eh. nahilig din ako sa anime dati, pero ang natira lang ngayon ay Samurai X.

    salamat at walang kasamang curse ang award na 'to tulad ng sa mga chain texts at emails na pag di mo ipinost at ipinasa eh magsasara ang butas ng pwet o ay magmmulto sayo.

    TumugonBurahin
  8. @dylan
    ahehehe, ibig sabihin magkagalit kayo ngayon?...ahehehe...maganda nmn yan, minsan maglaro pa din kayo...wag lng masosobrahan...

    maganda ang samurai x,kenshin himura....pero try mo din ang samurai xxx....ahahaha...joks...

    kala mo lng wlng curse yan...pero meron, meron....ahahaha!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...