Lumaktaw sa pangunahing content

...happy hatchday...


...Dec 23...at dahil araw mo ito....akin ng pagbibigayan ang matagal ng hiling ng aking kapatid slash estudyante slash kakulitan slash yaya slash labandera slash plantsadora slash sumbungera kay Grasya na maging bida sa isa sa aking entrada sa supergulaman.com...

...at dahil ito na ang kanyang ika-dalawampung kaarawan...opo bente anyos na yan mukha lang pong elementary pero bente na yan... ahahaha...pero katulad ng lagi nasasabi ng karamihan hindi naman halata ang edad sa itsura basta lagi kang masaya... bilang kuya, ang masasabi ko lang..aba! grumadweyt ka na...ang dami mo ng baon na kinupit... ahahaha...joks lng... matipid yan... ay hindi pala... kuripot... ahehehe... :) ...pero magkagayunman, mabait na bata nmn yan... pag-tulog... ahehehe... :D

well, at dahil bday mo ngayon, bida ka sa entry ko...mas tipid ito kasya dun sa request mong videoke...mahal yun... ahehehe...uu nga pla...bukas na tayo maghahanda para diretso sa pasko na... ahahaha...


More Pictures Click Here




Joy1


Joy2


Joy13


Joy13


Joy13


Joy13





Happy Birthday!

P.S. Frincle Joy ang pangalan nya... a.k.a bantay chicks ni Wonder G kay Super G...




Mga Komento

  1. Happy Birthday kay Frincle Joy a.k.a. SLASHER!!! (ahahahahaha!)

    and merry christmas to you & to your family!

    TumugonBurahin
  2. habertdei frincle!

    ang kyot ng name!
    merry christmas super gulaman!-from super keso. haha. :D

    TumugonBurahin
  3. happy beerday!! at merry christmas to you super g!!

    TumugonBurahin
  4. Belated Happy Bday! Hope u had a wonderful christmas!

    TumugonBurahin
  5. waahhh.
    utol mo parekoy?

    bente anyos na sya?
    hindi halata ahhh..

    sige nakikisingit lang ng isang Happy Birthday sayo Frincle Joy!
    pakabait ka! lolzzz

    TumugonBurahin
  6. Wow ang pretty ng sis mo Super G. Happy birthday to her!

    Nga pala Super G., makiki-plug narin ako ng Super First Blogversary ko dito...

    Please visit http://www.staceyavenue.com for more details :)

    Thanks Super G!!!

    TumugonBurahin
  7. Belated Happy Birthday!

    Happy New Year to you and your family. May you have a prosperous and blessed 2010 ahead. ^^

    Happy Thoughts
    Handy Reviews

    TumugonBurahin
  8. Happy You Year! Manigong "sana kumpleto pa ang mga daliri nyo" sa inyong lahat!

    TumugonBurahin
  9. Meri Krismas.
    Hapi Nyu Yir.
    Hapi Birtday.
    hapi na meri pa. :P

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...