Lumaktaw sa pangunahing content

...katinuan...

...mula sa maliit na kwartong ito, bumibilis ang pintig ng puso ko....kinakabahan na naman ako sa mga naririnig ko...mga nagmamadaling yabag ng paa..."ayan na!, magtago ka na..."...sigurado ako, magagalit sila kapag nahuli nila ako na kausap kita... lagi na lang ganito..paulit-ulit... hindi ko na din mabilang ang dami tusok ng karayom ng herenggilya sa akin katawan...tila ba manhid na ito sa paulit-ulit na hapdi at kirot ng karayom na bumabaon...

...hindi ko sila maunawaan, galit ba sila sa akin?... bakit nila ako ginaganito?... masama ba akong tao? bakit sa tuwing kinakausap kita, pilit nila akong ginagapos...sinasaktan..baka naman galit sila sa'yo?.. masama ka bang tao? ...pero bakit ako, bakit ako ang nagdudusa ng ganito... masakit ang tusok ng mga karayom na iyon... ang epekto ng gamot na tila nagpapabagal at nagpapahina ng aking katawan ay halos hindi ko na makayanan... .

...ngunit sa tuwing nag-uusap tayo hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama... ibang klase ka kasi, kaya mo akong ipasyal sa mundong hindi abot ng kalungkutan... ikaw lang din kasi ang nagtitiyagang kumausap sa akin... ayaw kasi nila ako paniwalaan na totoong nandyan ka...lagi lang nila akong pinagtatawanan o di kaya'y sinasaktan...sana nga sa susunod magpakita ka na sa kanila at malaman nila na magaling ka din sa chess...naalala mo ba noong naglaro tayo ng chess, ....dinaya mo ako noon...kaya nga nagalit ako sayo...pero ngayon hindi ko magawang magalit kahit puro pasakit ang hatid ng pakikipag-usap ko sa iyo...

...ang sabi ng mga nakaputing taong ito, hindi ka daw totoo... kaya 'wag daw kitang kausapin at lalo lang daw lalala ang sakit ko..."Ako? may sakit?"... pero wala naman akong lagnat, hindi naman mainit ang pakiramdam ko... gusto ko ngang hipuin ang aking noo at leeg para patunayan sa kanila na wala akong sakit..pero ginapos kasi nila ako sa puting jacket na ito...ilang beses na din akong nagtangkang labanan sila, ngunit sa tuwing gagawin ko un, tinutusok nila ako ng nakakakuryenteng aparato...mataas ang boltahe nun, sapat yun upang mapahinto ang daloy ng aking lakas...

...nanghihina na ako ngayon at aking mata ay bumbagsak na, epekto ito ng gamot na kanilang tinurok kanina...hindi na naman tayo makakapagkwentuhan... pero sana sa aking paggising wag kang maglaho...ayaw ko ng bumalik sa mundong walang nakakaunawa sa katinuan ko.... mamaya paggising ko maglalaro ulit tayo...

[note: pasensya na po.. pinilit akong muling ibalik ang entry na ito ng aking kalaro sa chess para kahit papano makilala nyo din daw sya...:) ]

Mga Komento

  1. weird..but cool! galing ng sulat mo, i like the imaginary friend ha!

    TumugonBurahin
  2. grabe!
    naalala ko yung editor in chief namin nung HS...
    ganyan din mga genre ng articles nya!
    cute.cute.

    :P

    TumugonBurahin
  3. mukhang may bumabagabag sa isipan mo..

    3 of 5..may ipakikilala ako sa iyo..sana ay magustuhan mo siya kahit isang kaibigan lang..ang pangalan niya ay SIOPAO BOY..

    TumugonBurahin
  4. @iya_khin
    thank you daw po... gusto lang daw nyang magpakilala...:)

    @gege
    ahehehe...yan yung napapala ng mga tambay sa mental... ahahaha...juks...pero minsan maiisip mo nga na tlagang na-eexist sila... :)

    @Arvin U. de la Peña
    wla nmn bumabagabag sa isip ko parekoy...minsan lang nakikipaglaro tlaga ang imahinasyon natin..sa atin mismo... ;)

    TumugonBurahin
  5. waw. nice ha, nagustuhan ko.
    medyo weird ka kuya ah.haha.

    hi supergulaman, ngayon ko lng napuntahan ytong site mo, ako nga pala si superkeso. lols. :D

    TumugonBurahin
  6. @KESO
    ako ba ang weird? o yung kalaro ko sa chess?... ahahaha...

    wow...superkeso...ahahaha...ayuz na rekado yan para sa super halo-halo... ahahaha...add na kita sa aking blogrollers... :)

    TumugonBurahin
  7. MULING PAGBABALIK NI SG..

    halu supie :D hehehe.. tagal nawala ah! :D galing pa din mag blog, pwede na.. pwede ng gawaan ng sariling libro :) lols

    TumugonBurahin
  8. Wahahaha! Naku naman. Wala ka rin bang mahanap na kalaro sa chess?

    May naaya ako dito, isang Polish guy. Bukas ang laban namin. At least alam ko kung mandadaya sya o hindi. Pag kalaro ko kasi sarili ko hindi ko alam kung sinung nandadaya eh..haha!

    TumugonBurahin
  9. @kox
    ahehehe..inde nmn ako nwala mejo idle lng...ngyon mdami na ako time..bakasyon to the max na eh... aheks... libro? wish ko lng... ahahaha... :D

    @dylan dimaubusan
    aheks...wala nga eh...kaya minsan sa yahoo chess na lng ako umaasa... kaso pagnaka-1500 na yung score mo dun..mahirap na din maghanap ng kalaro...kaya nak-ialng beses na din ako gumawa ng account...

    wow...polish... bongga yan... ahehehe ...go dylan... :D

    TumugonBurahin
  10. wahahahaha. nabasa ko yung note mo. yung kalaro sa chess ibig sabihin ikaw yung nandaya s kanya? kaya xa nagalit? wahahahaha.

    kaw talaga oh!! nwei mahirap talga ang kalagayan nya. base on my own experieence. dati rin akong ganyan!! wahaha. joke. nurse ksi ako kaya alam ko mga dinadanas nila. nice post

    TumugonBurahin
  11. wahahahaha. nabasa ko yung note mo. yung kalaro sa chess ibig sabihin ikaw yung nandaya s kanya? kaya xa nagalit? wahahahaha.

    kaw talaga oh!! nwei mahirap talga ang kalagayan nya. base on my own experieence. dati rin akong ganyan!! wahaha. joke. nurse ksi ako kaya alam ko mga dinadanas nila. nice post

    TumugonBurahin
  12. Hello to kalaro ni supergulaman sa chess!! Nice meeting you!

    TumugonBurahin
  13. hmmm... madalas mo ngang ikwento sa akin na inaaaway ka ng kalaro mo sa chess. Madaya nga syang talaga, biruin mo - alam nya ang susunod mong tira... tsk...tsk...
    Yung mga taong pumipigil sa kaligayahan ninyong dalawa - BAD yun! Dapat di mo sila bati kasi salbahe sila... Ayaw ko din sa mga salbahe kaya ayaw ko ding sa kanila at sa mga bestfriend nilang karayom...
    Kamusta na ba kayo ngayon...

    TumugonBurahin
  14. @kikilabotz
    hindi ako nandaya...sya ang nandaya... eh ako din yun...ako nga ba?..nalilito ako...ahahaha...

    @Anney
    nice meeting you too...anney... :D

    @MG
    ayuz nmn kami kaso mejo busy daw sya..next time basketball nmn lalaruin nmin... ahehehe... :D

    TumugonBurahin
  15. haha SUPERGULAMAN galing mo talaga.
    di ko maiwasan i-compare ka kay BOB ONG.
    pareho kayo. sarap bigyan ng sariling kahulugan mga sinasabi nyo.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...