Lumaktaw sa pangunahing content

Philippine Grand Lotto 6/55

maaga akong nagising kanina matapos ang masarap na panaginip ng aking pagyaman upang tignan ang mga kombinasyon ng mga nanalong numero sa lottoo...sa website ng PSCO (http://www.pcso.gov.ph/) ang mga nagwaging numero para sa Philippine Grand Lotto 6/55 (11/15/2010) ay 43-13-29-44-04-20 na may kaakibat na premyong tumataginting na Php 456,404,688.00 lang naman.  Oo, tama! halos kalahating bilyon na yan ngunit sa kasamaang palad hindi ako nagwagi.  Ngunit magandang balita na din siguro ito sa karamihan dahil wala pang nakakasungkit nyan at may pagkakataon pa din ako para sa susunod bola nito.

bakit nga ba mahirap manalo sa 6/55 lotto na yan? sa katunayan inakala ko na makakatulong ang aking dibdibang pag-aaral ng matematika upang malaman ang tamang kombinasyon ng numero... pero nalungkot lang din ako...

ang lotto ay batay sa prinisipyo ng random numbers, permutations at probability...alam nyo ba na ang 6/55 lotto ay mayroon mahigit sa dalawang bilyong kombinasyon... sa katunayan meron syang 20,872,566,000 combinations...panu ko yun ginawa? ganito yun:

sa 55 na numero pipili tayo ng anim di ba? ang mga numerong ito ay hindi na mauulit... ibig sabihin ang pagpipilian natin numero sa unang bola ay 55..sa pangalawang bola ay 54, pangatlo ay 53, pang-apat ay 52, panglima ay  51 at pang-anim ay 50..  nangangahulugan laman na ang total combinations ay 55x54x53x52x51x50 = 20,872,566,000... nangangahulugan din na ikaw ay may chance na manalo sa probabilidan na 1/20,872,566,000 o 0.0000000000479097778. Oha! may chance pa din at least hindi zero...pero hindi pa din dyan nagtatapos ang ating kalbaryo dahil kailangan pa din nating i-konsider ang bilang ng mananaya nito... :)

pero kahit anung hirap ng pagtama dito...tataya pa din ako!

[Edit] oooppsss...salamat kay Ginoong Juanito Mercado sa kanyang puna sa kakulangan ng computation na ito...at dahil dun mas tumaas ng di-hamak ang aking tsantsa sa pagtama sa lotto... Sa kanyang pagtatama   nakaligtaan ko din ang bilang ng kombinasyon ng mga numerong nagpapareho... halimbawa, ang  kombinasyong 2, 32, 34, 45, 51,  55 ay pareho din sa 51, 2, 34, 55, 45, 32.... at sa kadahilang meron  6! (or 6 factorial) or 720  unique permutations sa bawat anim na numero, hahatiin natin ang final computation na 20,872,566,000 sa 720... sa makatuwid magiging 20,872,566,000/720 = 28,989,675 combination na lang na may probabilidan na pagtama na 3.449504 × 10^-8 o 0.00000003449504 o 0.000003449504%....

Mga Komento

  1. hehehe isa din ako sa mga pumipila dyan, isa sa mga umaasa, at isa rin sa mga nananaginip... hahaha san ka ba tumataya nang makapunta din hakhakhak

    TumugonBurahin
  2. napakaliit ng probability para tumama sa lotto pero tumataya pa rin ako hehehe. malay mo, swertehin din!

    may bago uli akong post parekoy. hehehehe

    TumugonBurahin
  3. permutation pala siya akala ko combination... hehehe!!! thanks for sharing!!! tataya din ako, at least may chance para manalo... hehehe!!!

    TumugonBurahin
  4. kainlan po ba ang next draw?

    TumugonBurahin
  5. Next draw?..every monday, wednesday at saturday po yan.. .:)

    TumugonBurahin
  6. taya ka na!! ikaw na lang ang hinihintay na tumaya! :D

    TumugonBurahin
  7. Tataya na talaga ako hehe :)Pihadong mahaba ang pila.

    TumugonBurahin
  8. ang tunay na may mgandang layunin lamang sa pera ang mananalo kung matyambahan man ng taong nais lang ay yumaman agad itong babawiin ng panginoon.. :)

    TumugonBurahin
  9. pwedi mo ba ma share ung mga ginawang combination mo? share your knowledge naman bossing..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...