Lumaktaw sa pangunahing content

Sino si Santa Claus?

bilang panimula..hayaan ninyo muna na batiin ko kayo ng... Maligayang Pasko! at bilang paghahanda sa kapaskuhang ito at epekto na din siguro ng aking medyo mahaba-habang bakasyon...pinagtripan ko ang mga kakulitan ng mga bata dito sa amin... pinilit kong pinaniniwala sila na hindi matutuloy ang Pasko...dahil may ubo't sipon si Santa Claus...nilamig kasi sya sa north pole... ooooppsss...oo nga pala kilala mo ba si Santa Claus? 99.9% na sure ako na kilala mo nga siya...ei si John the Baptist kilala mo? siguro medyo medyo lang ang sagot mo ano?...sino ang mas kilala mo si Santa Claus o si John the Baptist? Naniniwala ka ba na totoo si Santa Claus? Kung kilala mo si John the Baptist, naniniwala ka ba na totoo siya?

noong bata pa ako, nagsasabit tlaga ako ng pulang medyas sa may Christmas tree, bintana o kaya'y sa may pintuan namin tuwing araw ng pasko, naniniwala na lalagyan iyon ng mga kendi at laruan ni Santa Claus..pero nawala ang paniniwalang iyon ng mahuli ko ang salarin, ang tatay ko...huli ka!...ang totoo nyan halos 90% ng mga batang pilipino na may edad 6 pababa ay naniniwala kay Santa Claus...anak ng tokwa nasama pa ako doon dati...

pero sino nga ba si Santa Claus? anu nga ba siya...babae o lalaki? kung lalaki bakit santa?..yan ang mga kabalbalang tanong ko noon..obyus naman na lalaki si Santa, may balbas kaya sya...malaki lng yung tiyan pero hindi yun buntis...kinain nya yung mga batang hindi naniniwala sa pasko..awoooooo....ahehehe...isa yan sa mga script ko sa panloloko sa mga bata dito sa amin...

ok seryoso na tayo..si Santa Claus daw ay kilala din bilang si St. Nicolas...so kung sya si St. Nicolas...ibig sabihin hindi sya taga-north pole...taga-Turkey sya...ang sabi sa chismis si St. Nicolas daw masyadong maawain sa mahihirap lalo na sa mga bata..sa katunayan bumili sya tatlong batang babae noon...sabihin na nating nagbigay ng kapalit na pera sa mga magulang ng tatlong babae upang hindi ito masadlak sa prostitusyon...di ba ang bait nga nya... ganyan lang talaga ang totoong Santa Claus sa paniniwala ng isang Katoliko noon...pero ayun na nga ang daming mga nabago at iyon ay dahil sa impluwensya ng iba't ibang relihiyon at sektor... ang isa sa pinakamalaking nakaimpluwensya ay ang America...dahil sa Americanization, halos sa buong dako ng mundo ay naniwala na si Santa ay may malaking tyan, may balabas, kulay pula ang costume, nakatira sa north pole at simbulo ng Coca-Cola...kaya mga tsong wag kayong magtaka kung bakit walang altar si Santa Claus sa simbahan nyo khit ngayon ay pasko...Sabi nga ni Father last week, "hindi simbulo ng Pasko si Santa Claus"... para sa akin tama siya doon... pero para maliwanag, wala akong galit kay Santa Claus, sa Coca-Cola o sa America... ngunit gusto ko lng ipakita sa mga batang ito at sa buong madla na dapat mas kilala natin ang tunay na may selebrasyon sa araw na iyon...Christmas is not only about gift giving, it is about the birth of Jesus Christ...it is about the love of God....kung si Santa Claus ang naging instrumento na pasko bakit hindi na lang si John the Baptist ang pinasikat...siya naman talaga ang unang nagpayag ng pagdating ni Jesus sa mundo...alam natin na mapagbigay si Santa Claus, pero bakit hindi na lng ang "tatlong haring mago" ang pumalit sa kanya...

ang bawat bagay na ating makikita sa araw ng Pasko ay may kalakip na kahulugan... ngunit inalis na natin ang mahahalagang simbulo ng yumakap na tayo sa kultura ng Amerika...ang pagpapayag ng pagdating ni Jesus ay kinuha na ni Santa Claus na dapat sana ay kay John the Baptist...ang pagbibigayan na dapat ay sinisimbulo ng tatlong haring mago ay kinuha na din ni Santa...ang aking punto, mag-isip ng mabuti bago sundan ang nakararami...madalas mahilig tayong sumunod sa uso..nawawala na ang mga bagay na totoo...lagi na lang tayong tumitingin sa mga alternatibo..hindi natin namamalayan na iyon ay bahagi ng isang negosyo....

Kunsabagay ang Pasko ay hindi tungkol sa mga simbulo.... nasa pag-alaala ito sa pagdating ni Kristo at mabuting puso na ibinabahagi sa kapwa tao...Maligayang Pasko!

note: ito ay opinyon ko lamang...kung gusto mong kumontra... sige lang... :)

Mga Komento

  1. agree ako sa mga sinabi mo. ganunpaman naging bahagi na rin ng tradisyon si Santa Claus at si John the Baptist naman ay tuwing mahal na araw yata naaalala.

    TumugonBurahin
  2. Hindi ako kukontra... makibati na lang ako ng MALIGAYANG PASKO SA INYO. HO HO HO! :D

    TumugonBurahin
  3. i agree... minsan nawawala na ang tunay na meaning nang christmas... yep ditoh kc naging tradition na yang santa claus nah yan.... like takin' pictures w/ him...more like tradition nang mga puti... at gift giving... sa sobrang dmeng dapat regaluhan eh nagiging broke na lahat... isa na atah akoh don... lolz... pero true... 'ung real meaning nang christmas eh parang nalilimutan nah... yep si Christ... our Love for Him... we are celebration Him... in Christmas it shouldn't be material givin' day... it should be Love giving day... everyday should be christmas... dmeng sinabi? haha...

    MERRY CHRISTMAS kuya SUPER G!!! and a blessed new year.... ingatz lagi lagi... Godbless! -di

    p.s. dme pa sana akong ihihirit pero hwag nah.. haha.. next year na lang... laterz! =)

    TumugonBurahin
  4. Tama ka.

    Hindi ako kokontra.

    Advance merry christmas superG.

    TumugonBurahin
  5. hehehe tama.... alam mo yan hehehe........

    have a great day.... and merry christmas...

    OT.. care to xlink and follow :D

    TumugonBurahin
  6. BASE!
    tama lahat ng sinabi mo.
    di ko na matandaan noong bata ako kung makaSanta ako mpero ang alam ko hindi naman. I know him pero di ako naniniwala ng ganung kasobra sigruo dahil lumaki ako sa praktikal na pamilya na walang santa
    anyways natawa ako sa SANTA question mo. HAHA
    revealing XD

    TumugonBurahin
  7. Wala rin akong naging Sta. Claus noong bata pa ako. At di rin ako naniniwala sa Sta. Claus. Pero ganon pa man saludo ako sa iyo sa mga opinyon mo. Galing tol...

    meron ako dito nagoogle ko lang. try mo/nyo ring basahin:

    The Origin of Santa Claus and the Christian Response to Him

    P.S.
    pwede magrequest ng article about sa History or Origin ng Christmas? thanks in advance!

    TumugonBurahin
  8. di ako makikiargue basta para sa akin christmas is about Jesus. thats all. ^^

    TumugonBurahin
  9. @Bino
    yup tama...hindi ko nga alam bakit ganun...well, tradisyon na kasi yun...

    @empi
    ahahaha..cge cge...Merry Christmas din... :)

    @Dhianz
    ahehehe...namiss ko nga yang mga koment mu eh...aheks... Merry Christmas din ayt... :)
    khantotantra said...

    @khantotantra
    ahehehe...minsan wag nyo din ako paniwalaan..malay nyo nang-uuto lgn pla ako... ahahaha...Merry Christmas... :)

    @Axl Powerhouse Production Inc
    wooot...Merry Christmas din...ayt...ahehehe..dati pa kita na-add at na-follow... :)

    @Renz
    ahehehe...pare-pareho nmn tayo nauto eh.... ahahaha... :).. Merry Christmas... :)

    @♥пчzÑ”♥ said...
    ahehehe...parang nan-uuto nu?...ahahaha...

    @Kulas
    ahehehe...cge basahin ko yan... ummm...cge, pag hindi ako busy...gagawin ko yan request mu...ayt...salamat sa pagpasyal dito..Merry Christmas... :)

    @♥superjaid♥
    yeah...Merry Christmas... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...