Lumaktaw sa pangunahing content

aswan (bilang isa)

Matapos ang libong araw ng paghihintay, muli... nakapiling na kita. Maramdamang muli ang sarap at gaan ng buhay sa iyong piling.  Sabihin nating hindi naging madali ang paghihintay ng halos pitong taon. Na sa kabila ng matyaga at sakripisyong ibinahagi nakuha pa kitang labis na saktan. Saktan sa paraang kahit ang sarili ko'y hindi makapaniwala at hindi maintindihan. Mahal kita pero anong ginawa ko? Dahil ba yun sa labis na pananabik sa iyo? Na sa paglipas ng pitong taon ay lagi kong hinahanap ang presensya mo? Na lahat ng masasayang sandali sa piling mo ang syang hanap ng puso ko? Na dahil sa pangungulila ay hindi ko namalayang sinaktan na pala kita...sobra sobra.  Hindi ko alam kung paano ko pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa at kahit alam kong pinatawad mo na ako...alam kong hindi iyon madaling malimutan. Gusto kong sisihin ang sarili ko at wala ng iba. Ang gusto ko lamang ay mahalin ka at tanging ikaw lamang...habangbuhay.

Ilang araw mula ng ikaw ay nagbalik, hindi naging madali sa atin ang pagharap sa katotohanan, pero pinatunayan ng iyong wagas na pag-ibig na kaya natin itong lampasan at ilan pang pagsubok na ating pagdadaanan. Pagsubok na ating susuungin at ligayang ating pagsasaluhan ngayong tayo'y iisa na. 

Ang sarap ng umaga. Na sa twing imumulat ko ang ang mata, ikaw ang aking nakikita.  Isang masarap na halik at magandang umagang pagbati na higit pa sa katumbas ng pinakamasarap na kape sa umaga. Totoo hindi ko magawang tumbasan ang pagmamahal mo, pero hayaan mo akong mahalin ka sa paraang alam ko at kaya ko.  Hayaan mong patunayan ko na karapat-dapat ako sa pag-ibig mo.  Hindi ako nangangako sa kadahilang ayaw ko ng sumira ng pangako. Gagawin ko ito hindi lang dahil para sa pangako..kundi dahil sa tunay na pintig ng puso...kundi dahil sa pagmamahal ko sa iyo.

At ngayon ngang ikaw ay pagbabalik hindi ko na hahayaan pang lumayo ulit sa iyong piling ng libong araw.  Hindi ko na hahayaan masaktan muli. Mananatili na ako sa tabi mo kahit saan mang dako ng mundo.  Mananatili akong stalker iyong buhay tulad ng ating unang pagtatagpo.

I love u so much Mrs. Mary Grace A. Madali

Ok. Game na!

[P.S. Kasalukuyang nakabakasyon pa din kami dito sa Bohol.  Panadaliaan tumigil sa Nueva Ecija, Umikot ng bahagya sa Cebu at uuwi din sa Rizal. Nakakapagod na paggala pero walang katulad na kasiyahan..hindi maipagpapalit at mabibili..peksman!]




Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...