Lumaktaw sa pangunahing content

Propesiya at Pilipinas


Ayun, nag-trending na sa facebook at twitter at saan mang dako ng social media ang kwento sa sakit na namayagpag sa Zombieland o kaya naman World War Z.  Gets mo? Ah, hindi mo ba alam? Ito daw yung sakit na nanggaling sa Pangasinan.  Yung sakit na uupos sa buong katawan ng tao. Yung sakit na alanganing leprosy at alanganing psoriasis.  Yung sakit na animo'y pang-Resident Evil? Yung tipong kapareha sa The Return of the Living Dead. Ito daw yung sakit na kumakain ng laman, bubulukin ang buto at mag-mimistula kang patay na buhay. So good news naman di ba? Hindi ka pa naman patay, buhay ka pa naman, mukha lang patay.  So gets mo na ako?

Malamang sa malamang alam mo naman ang tinutukoy ko. Napanood mo yan sa Bandila ng ABS-CBN. Kung hindi naman, sigurado akong dumaan yan sa feeds ng facebook mo o kaya naman sa twitter.  Tapos syempre matatakot ka.  Ang naka-headline ba naman "Misteryosong sakit na tila kumakain umano sa balat at laman ng tao, unti-unting kumakalat sa lalawigan." Yan ang headline, pang-Zombie Apocalypse ang dating.  Tapos babanatan pa ng komento na may kinalaman kaya ito sa prediksyon ng isang Indian noong April 2013.  So kung medyo siraulo ka lang, ibebenta mo na ang ari-arian mo tapos tatakas ka na paalis ng planet Earth.  Sige na nga para magkaintindihan tayo sa sinasabi ko, ito yung video ng clip ng Bandila na tinutukoy ko:


Tapos itong naman ang sabi ng isang Indian ukol sa kapalaran ng Pampanga at sabihin na din natin na kapalaran ng Pilipinas. Ah, si Sadhu Sundar Selvaraj pala yun.  Ito ang sabi nya:




Ayan, o alam nyo na ang tinutukoy ko? Ninenerbyos ka na ba? O baka naman dahil napapadalas lang ang pag-inom natin ng kape.  Ooops, pero teka bakit parang pinag-iinitan nito ang Pilipinas? Propesiya ba ito o yan ang hinihiling nyang mangyari sa Pilipinas?  Ok, ganito kabayan, Yung mga bagyo at baha sa Pinas bagong balita ba ito sa atin?  Yung mga lindol sa Pinas, bagong balita din ba ito sa atin? Hindi. Ilang bagyo ba ang dumadaan sa Pinas taon-taon? Bente-sais kadalasan at depende yun kung may bagong letrang madadagdag sa Alphabet. Eh ang lindol? Depende yun, pero sa dami ng faultline sa Pinas at dahil na rin tayo ay nasa Pacific Rim of Fire. Malamang sa malamang eh, makaranas din tayo ng mga lindol at volcanic eruptions.  Yung tungkol sa sakit paano naman? Ok ganito yan, mahusay ang mga researcher ng ABS-CBN, ikokonect nila yung sinabi ni Sadhu Sundar Selvaraj at tsaka hahanap ng mga taong swak sa deskripsyon ni Sadhu Sundar Selvaraj.  At yun nga, nakahanap sila ng dalawang tao. Swak na yun sa news, more than 1 na eh.

Kung ako ang tatanungin mo, marami naman talagang sakit sa Pinas na noon pa man ay hindi maipaliwanag ng siyensya.  Kung ayaw mong maniwala sa akin, aba eh di itanong mo sa lolo at lola mo.  Alam mo ba yung mga kwento nila tungkol sa mangkukulam at mambabarang? Yung mga biktima nila, minsan pinapalaki ang mga parte ng katawan, minsan pinabubulok din nila ang katawan ng biktikma at napapadala sila ng iba't ibang insekto sa buong katawan. Kung taga-syudad ka alam kong mahirap maniwala pero wag ka ding magtaka kung bakit hanggang sa ngayon ay may mga manggagaway pa at albularyo.

Sa totoo lang walang outbreak sa Pampanga, dalawang isolated cases yun. Yan din ang sabi ng Inquirer.

Katulad ng lagi kong sinasabi, "Wag kang maniwala sa sinabi ng tao, magiging dahilan lang iyon ng iyong pagkabalisa, kalungkutan at pangamba.  Walang nakakaalam ng hinaharap, kahit mga tala o anghel sa kalangitan.  Wala.   Tanging ang Dakilang Lumikha lamang."


Mga Komento

  1. Mga Tugon
    1. oo nmn..ikaw ba nmn sabihan na ito ang magiging kapalaran mo...tapos mapapansin mo, ay parang totoo ah... sa nerbyos mo, mapapainom ka ng kape....ahehehe... :D

      Burahin
  2. aaminin kez , medyo naalarma nung una kong marinig sa Bandila ito , but then , thank God dahil nagpaliwanag na ang DOH tungkol dito , siguro another case of news sensationalism lang ito ng ating mga maabilidad na network news !

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ahehehe...uu nga yan ang uso sa pinas..kung anong balita ang alam na kakagatin ng tao, yun lng muna ang tututukan nila instead na magbalita pa ng mas mahalagang pangyayari...

      Burahin
  3. ah oo napanood ko tong propesiayng to.. tapos ung nalaman ko yung cases sa pangasinan, oo kinabahan ako.. pero malayo layo pa namn yun sa kinaroroonan ko ngayon.lols

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...