Lumaktaw sa pangunahing content

Super


tenenenen...tenenen...tenenen...Super Gulaman! Ayun kunyari lumabas na daw ang bida. Balot ng kapang gawa sa plastic cover. Nakasuot ng bodyfit at thights at sabay ipinatong ang damit-panloob na ngayon ay pwede na nating tawaging damit-panlabas. Isang belt na may malaking buckle ng mga titik na S at G ang nakapulupot sa beywang. Meron ding boots na matingkad ang kulay na pwedeng pansugod sa baha sa metro manila at gloves na pwedeng gamitin pangsalo ng baseball. Syempre malupit din ang maskara na sa totoong buhay ay tinatawag itong goggles na ginagamit ng mga maninisid. Ganito umasta ang mga superhero. Pero bakit nga ba Super? Hindi ba pwedeng hero na lang?

Naalala ko yung sinulat ni boss Bob Ong dun sa aklat nyang puti kung paano natin gamitin ang salitang Super! Sabi nya :

Ano ba ang pinagkaiba pag sinabihan ka ng 'thank you' at 'super thank you'? Natutuwa ako pag nakakarinig ng mga dalagitang nagsasabi ng super thank you. Kasi nai-imagine ko na may kapa at special powers ang thank you nila. Pag nag-thank you sa'yo ang ibang tao, thank you lang talaga. Pero pag mga dalagita, it's Sooooooooper Teeengkyooo! ! ! <*TANA-NANAN-TANAN*> 
Di lang yan. Tulad ng Superdog ni Superman, may sidekick ding Super Sorry ang Super Thank You. Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa rin ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku-bawal na magtampo! Kasi SUPER na yan. Kasing lakas na yan ng mga paputok na Super Lolo. At kung 'super' pa lang e ganyan na kalakas, hindi mo na gugustuhing malaman pa ang resulta pag dinagdagan pa yan ng 'duper'!

(Bob Ong 2005, Stainless Longganisa)

Tapos, isipin natin ibigay natin ang Super na yan sa mga namumuno sa bansa.  Halimbawa, Super Brgy. Captain, Super Mayor, Super SPO1, Super SPO10 (bibiten-biten), Super General (*tunog brand ng appliances), Super Congressman, Super Senator, Super Vice-President, Super President. Kitam, mga tunog pa lang tipong lagi silang nagliligtas ng bayan at hinding-hindi gagawa ng mga kalokohan.  Kumbaga super-bait nila na lumalagpas na sa earth, super! 

Ikaw kung maririnig mo lang ang mga titulong Brgy. Captain, Mayor, SPO1, SPO10, General, Congressman, Senator, Vice-President, at President, anu ang pumapasok sa isip mo? Hindi ba, parang mga Super Villain lang ang dating? Parang ganito, Super Mangungupit, Super Magnanakaw, Super Sinungaling, Super Sugarol, Super Babaero, Super Ulupong, Super Duper sa kasamaan. 

Kaya kung bibigyan ako ng kapangyarihan, papalitan ko ng pangalan ang mga regular na tawag sa mga posisyon sa Politika at Kapulisan.  Isasama ko na din kaya ang mga regular na titulo at lagyan ng Super tulad ng Super Teacher, Super Driver, Super Student, Super OFW?, Super Engineer, Super Basurero, Super Gay, Super Vice-Ganda, Super-duper Megamall (sobrang laki nito). O kaya naman Super Duper Philippines. Pero hindi ko na papalitan ang salitang supermarket. Super Supermarket? Redundancy.

Kapag ganito na ang sistema. Madali ng makakahanap ng trabaho si Juan. Halimbawa, job interview na.

Interviewer: Name?
Juan: Super Juan sir.
Interviewer: Highest Educational Attainment?
Juan: Sa Super High School po ako graduate. Pero magaling din po ako sa super automotive.
Interviewer: Nationality?
Juan: Super Pinoy po ako.
Interviewer: Gender?
Juan: Super Male po. Lalaking lalaki po ako.
Interviewer: Ummm... do you have any weaknesses?
Juan: Ummm... super wala po.  Kung meron man po siguro isa lang. kryptonite lang.
Interviewer: How about your strengths?
Juan: Strengths? I am super strong sir because I am Super Juan.
Interviewer: What do you know about this job.
Juan: I know everything because I am Super Juan.
Interviewer: Like?
Juan: I super know the mobile number of your wife and your mistress.
Interviewer: You're fucking hired! You can now replace our CEO.
Juan: Super Thank you sir. 

Kitam, ganun lang yun. Sigurado in no time maiibsan na ang lumalalang  problema sa kawalan ng trabaho sa bansa.  So ikaw feel mo bang maging SUPER? 

(*super trip lang...walang pakialamanan..ang kumontra, Super Kontrabida! (at magiging kamukha ni Bella Flores...Peace! ^_^))


Mga Komento

  1. naks nagbabalik loob na nga yata talaga si suuuper gulaman!

    TumugonBurahin
  2. wahehehe..sana nga tuloy-tuloy na...hanggang may gana tipa tipa...minsan nga mas mabuti pa ang may gana..kaysa may kwento ka nga hindi mo naman maibahagi sa iba kasi walang gana.. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...