OFW. Overseas Filipino Worker. Tinaguriang bagong bayani ng bansa. Mga Pilipinong sumasalba sa papalubog na ekonomiya ng Pilipinas. Tunay ngang hindi matatawaran ang kontribusyon nila sa pagpapanatiling buhay ng naghihingalong buhay sa bayan ni Juan. Ganito ang mga OFW. Matinding sakripisyo ang kanilang tinitiis upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Hindi nila alintana ang hirap ng pagkakawalay sa mga mahal sa buhay. Ang hirap at pagtitiis sa pagtratrabaho sa dayuhang bansa. Ang pananabik sa mga mahal sa buhay lalo na sa tuwing dumarating ang taunang bakasyon at muling pagkalungkot sa tuwing lilisanin ang Pilipinas.
Mahirap ang maging bayaning OFW. Ngunit mas mahirap ang maging inang OFW. Dahil sa iyong paglisan hindi mo alam kung mahal ka pa din ba ng anak mo. Dahil hindi mo alam na baka sa Skype ka nya lang kilala. At dahil hindi mo alam kung napapalaki ba ng tama ang anak mo. Dahil hindi ka nya nakakasama sa mga espesyal na araw nya. Dahil hindi mo sya naalagaan sa tuwing may sakit sya. Dahil wala ka sa tabi nya sa tuwing imiiyak sya. Dahil wala ka sa kanyang tabi sa tuwing masaya sya. Dahil wala syang karanasan sa piling mo. Dahil hindi mo alam kung bahagi ka pa din ng kanyang pagkatao. Dahil hindi mo na alam ang kanyang nararamdaman. Wala eh. Malayo ka kasi.
Mahirap ang maging bayaning OFW. Ngunit mas mahirap ang maging inang OFW.
#OFW
#OverseasFilipinoWorker
#InangOFW
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento