Lumaktaw sa pangunahing content

Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan

Pilipinas.  Ah, dyan ako nakatira.  Dyan din ako pinanganak.  Dyan din hinulma ang minsang magulo, makulit, at makulay kong pagkatao. Pero alam mo ba na ang opisyal na pangalan ng Pilipinas ay "The Republic of the Philippines" ? Oo? Ako din, yan din ang sa pagkakaalam ko. Base sa pakakakaalam ko, ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa pitong libong mga isla. Ang sabi sa tsismis 7,107 daw yun.  Pero kung si Ms. Charlene Gonzales ang tatanungin mo, nakadepende daw yung yun kung high tide o low tide.

Noong nasa bansa ako ng mga Arabo, maraming nagtatanong sa akin kung taga-saan daw ako.   Madalas kasi napagkakamalan nila akong taga-Nepal, taga-India, at kung mamalasin naman taga-Sudan daw ako. WTF!  Pero tumutugon lang ako ng "I'm from the Philippines". Tapos nakangiti silang nagre-react na parang nakakaloko. "Ah, Philipini, from Philippine". Langyang buhay 'to, sinabi ko na ngang "The Philippines" eh. Philippine. Philippine pa din ang banat. Hindi ito singular, plural po. The Philippines with an "s". Hindi kami mula sa isang isla lang para gawing Philippine ang bansa namin.  The Philippines ang tawag sa bansa namin na may 7,107 islands. Ang sensitive ko naman ba? Ganyan naman tayong mga Pinoy, konting mga pangbubuska lang mula sa mga dayuhan, balat-sibuyas tayo masyado. Na minsan naman pala eh hindi nila sinasadya. Pero parang ok na din siguro yun kumpara sa mga itinuturo sa ilang paaralan sa America na ang Pilipinas daw ay hindi isang bansa, kundi grupo lamang daw ito ng mga isla. Philippine Islands o Islands in the Pacific. Tapos tayong mga Pinoy, ang tawag daw sa atin ay Pacific Islanders. Isang kaalamang tila nagsasabing wala pa din tayong sariling pagkakakilanlan.

Teka, kung pagkakakilanlan lang din ang usapan, ano nga ba ang mga bagay-bagay na masasabi nating sariling atin? Pangalan ng bansa? Salitang Tagalog? Paraan ng pagsulat? Ummm, sa pangalan ng bansa, alam naman natin na ito ay mula sa pangalan ng hari ng Espanya noon na si King Philip II bilang pagpupugay ni Ferdinand Magellan. Sa katunayan, Las Islas Filipinas ang taguri sa ating bansa noon. Pero teka panahon na yan ng pagdaong ng mga Kastila sa bansa. Alam nyo ba na bago pa man sila dumating ang mga Kastila ay may mga tao na talaga sa Pilipinas.  Ok balik tayo sa history, alam mo ba yung mga Aeta, Indones at Malay.  Yan daw yung mga unang tao sa Pilipinas. Tama hindi ba? Pero alam mo din ba na alam na din ito ng Tsina.  Hindi ko nga talaga alam kung si Magellan noong 1521  ang nakadiskubre ng Pilipinas o ang mga Intsik dahil noon pa man tinatawag ng mg Intsik ang Pilipinas bilang Ma-i o country of the blacks.  Kaya huwag na din kayong magtaka kung bakit pasaway ang Tsina sa usaping Spratlys dahil kanila din daw yun at pwede ding kasama ang Pinas. Yung nga lang hindi na sila nakaporma sa pananakop ng mga Kastila noon. Opsss, lumalayo na tayo sa usapang  ukol as pangalan ng Pilipinas. Sa ganang akin, bakit hindi na lang gawing Republika ng Pilipinas o Pilipinas ang gawing pangalan sa international arena sa halip na The Republic of the Philippines. Bakit kailang sundan lagi ang America pati sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay sa Pinas?

Sa salita o wika naman. Maraming wika ang umiikot sa arkipelago ng Pinas.  Name it. English, Tagalog, Visaya, Ilocano, Kapampangan, Hiligaynon, Itawis, at marami pang iba. At nitong huli nga, itinuring na gawing Tagalog ang opisyal na salita sa bansa pero upang maging balanse ang pagpupugay sa mga wikang ginagamit, pinili at hinirang na maging Filipino ang opisyal ng wika ng Pilipinas na kung tutuusin ay Tagalog din naman.  At dahil Filipino na nga ang opisal na wika natin, hindi naman ito orihinal na mula sa atin dahil maging ang mga titik na ating sinusulat ay base pa din sa alpabetong mula sa kanlurang bansa.  Tignan mo ang Tsina, meron silang Chinese Characters, ganun din ang Japan, Vietnam, Taiwan, India, Korea, Thailand, Germany, Turkey, Saudi Arabia at halos lahat ng bansa maliban sa Pilipinas.  Meron silang sariling paraan ng pagsusulat at pagbasa.  Pero tayo, nakabase pa din tayo sa alpabetong tinuro ng Amerika na may konting modifications (*pati modifications hindi ko alam ang Tagalog nito).  Oo nga pala meron tayong alibata o baybayin. Ang tanong nga lang dyan, ginagamit pa ba natin yan o ginamit ba talaga natin yan sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap?   

Ano nga ba talaga ang pagkakakilanlan natin mga Pilipino? Ummmm, baka sa agimat.  May agimat ang dugo ko (credit:
Bamboo).

Ano sa palagay mo?

#Pilipinas
#pagkakakilanlan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t