Kahapon. Teka nung isang araw pala yun. Naglalakad kami ng misis ko sa likod ng mga nagtataasang gusali ng mga kompanya ng gobyerno sa lugar na ito upang bumili ng mga ilang piraso ng damit sa medyo-hindi-kamahalan-na-tindahan na mukhang orihinal pero hindi. Alam mo ba kung saan ang tindahang iyon? Basta dyan lang yun sa malapit.
Habang abala ang misis ko sa pagpili ng damit, lumabas ako sa tindahan ng damit at nagmuni-muni habang binabasa ang mga pangalan ng mga establisyemento na nakapaligid. Sinusubukan ko kung marunong pa din akong magbasa. Natuwa naman ako at marunong pa din naman pala ako. TTTTT...Tee breyk, PPPPP.. Panaderya. MMM...Meri Brawn. Beri gud. Kids, counting numbers naman sa susunod ha?
"Tea Break, Panaderia, Mary Brown, Wang's Kitchen" Ooopps, kainan to lahat ah? Kakakain ko lang, kainan na naman. Nakakatuwa nga eh, bawat resto, may gimik, may pailaw, offer, may free taste, may free delivery, may libre lang. At meron ding restong mahal pero hindi naman masarap. Ito yung, wag na lang baka isipin nila naninira tayo ng reputasyon. At may resto ding tawag pansin sa lahat. Bukod sa mailaw ang resto, masaya din ang pangalan. Aroy Dee.
Gumana ng konti ang baterya ng kalokohan sa aking kukote. May kwentong nabuo sa utak ko na posibleng alamat ng restong ito, napangiti ako ng bahagya. Share ko sa iyo.
"May dalawang mag-asawa. Si Dodong at Si Inday. Maagang umuwi si Dodong mula sa opisina. Naabutan nya si Inday na nakatutok sa Telebisyon at nanonood ng paborito nitong Teleserye na ang title ay Kabit. At dahil na-miss nya si Inday sa maghapon, naisipan niya itong kulitin at kilitiin. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagkauntugan sila. Nasaktan si Inday at napahiyaw ng "Aroy Dee". The End.
May isa pang version ang kwento pero para na din sa kapakanan ng mga batang mambabasa at baka ma-MTRCB tayo kahit hindi naman ito pelikula o teleserye sa telebisyon,, wag na lang. At alam kong alam mo na din yun. Basta.
#AroyDee
#ThaiRestaurant
#food
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento