May naisip ako. Pero parang wala. Mapapailing ka na lang at mapapatanong kung talagang may silbi ba ang laman na nasa iyong bungo. Nasa pagitan ako ng pag-iisip at hindi pag-iisip. Baka nga "at" iyon, pero hindi tayo sigurado. Ano nga ba?
Alam mo ba yung pakiramdam na may gusto kang gawin pero hindi mo magawa kasi hindi mo maisip kung ano yun? Yung tipong gusto mong bumait pero di mo magawa, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kanta ba yun? Ano nga ba?
Alam mo ba yung pakiramdam na gumagawa ka ng entry sa blog pero hanggang ngayon hindi mo pa alam ang topic, yung tipong hindi mo din alam kung saan ka dadalhin ng tipada ng mga titik sa keyboard. Maging ang title ay mistula pa ding sandstorm sa labo nito sa utak mo. O baka naman hindi ko din ito matapos o pwede ko na din naman na tapusin ngayon kasi wala na akong maisip. O di kaya ay pahabain sa mga walang kwentang titik tulad nito, MEMA lang. Mema. Memasabi lang.
Sige na nga tatapusin ko na at alam kong alam mo din na wala naman talaga akong ibig sabihin sa mga sinasabi ko, pero hindi ko din alam kung bakit nasa dulo ka na nito at patuloy mo pa din syang binabasa. Natatawa o naiinis ka na yata na tila ba ninanakaw ko ang oras mo na hindi mo namamalayan. Malay mo, nag-trip lang ako. At hindi lang ikaw ang biktima. Ako din sa sarili kong mundo
.
#anodaw
#unlang
#maguloparang****
#mema
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento