Lumaktaw sa pangunahing content

...wala...

..ilang araw na din na wala akong blog entry..hindi k0 alam kung sadyang tinatamad lng ako, o dahil sa wala tlaga akong mailagay n bagong kalokohan...pero ang totoo nyan masipag tlga ako..masipag akong gumawa ng "wala"..meron din akong mga naiisip n magagandang topic..mga topic n base sa aking imahinasyon at sariling karanasan...ang kaso nga lng, hindi ko cla ma-itype o mailagay d2...mas gusto ko kc ang tumunganga at mag-isip n lng...kya hanggang ngaun hindi ko pa din alm kung saan tutungo ang blog entry kong ito...ang totoo nga nyan wla pa itong title...mmya pa cguro pag naisipan ko n itong tapusin...

madalas lagi akong nakatanga..wag nmn ung nakatanga, ang pangit eh... palitan natin ung term,...sabihin n lng ntin "ang gumawa ng wla"...ayun d b mejo ok?...pero iniisip ko din ito kaninang umaga...paano nga ba gumawa ng "wala"... kung naalala nyo or mahilig kayong magbasa ng mga libro ni pareng Bob Ong...ito ung trabaho ni Ulang..."ang gumawa ng wala"... at un na nga inisip ko kung paano nga gumawa ng "wala"...pero ang hirap...alam ko ung iba sa inyo, malamang n iniisip n baliw ako or iniisip na nagtatanga-tangahan lng ako...ung iba nmn ganito ang sasabihin "madali lng ang gumawa ng wala, basta tumunganga k lng at wag kang kumilos, un makakagawa k ng wala"... sa tingin ko, hindi un ganun kasimple..pagtumunganga ako or hindi kumilos hindi ibig sabihin na gumagawa ako ng wla...posible nga na nakatunganga ako, pero gumagana p din ang utak ko..."doing nothing is actually different from thinking to do nothing..." wow! English, pa-cheese burger naman...ahehehe..ang totoo nyan hindi ko tlga alm kung ok ung subject-verb disagreement nyan..agreement pla...basta un n un, absent kc ako lgi sa grammar subject ko nun..ay hindi pla, tlagang hindi lng ako pumapasok sa mga subject n ganun...so balik tayo sa usapang wla...hindi ko kc magawang blanko ung utak ko...kung matutulog naman ako...hindi ko masasabi na gumagawa ako ng wala...kc nga ang ginagawa ko ay "natutulog"...sa math ganito ung representation nun...zero is not equal to null...pag-sinabing zero meron p din syang value..pero pag null..hindi na sya zero kundi blanko...

...see?!..mejo ang laki na ng problema ko d b?...panu ko gagawing blanko ung utak ko khit isang saglit lng...sinikap ko tlagang mag research kung panu ang gumawa ng wla...nagbasa ako ng mga yoga books, stress management books...pero wla nmn silang sinasabi kung paano tlga ang paggawa ng wla...base sa isang nabasa kong libro..hindi ko n sya i-cite...plagiarism n ito...ahehehe... "ung paggawa daw ng wla sa loob ng sampung minuto ay makakatulong daw sa pag-aalis ng stress"... so un lng ung sinabi..ang labo p din, hindi man lng nagbigay ng tips panu ko gagawin ung "wala"....pero kung magbabasa tayo ng mga books ni Guru Ram Dass, mapapansin ntin na ang paggawa mismo ng wla ay halos kapareho sa tinatawag na meditation...ang meditation ay simpleng "mind conditioning"...wow! mejo tumataas na ang pagtingin ko sa paggawa ng "wala"...ang meditation ay isang uri ng mind conditioning na kung saan isinusuko natin ang ating attention at ang conciousness (*ayoko ng i-attempt na tagalugin ang word na "conciousness")...sa ngaun meron ng iba't ibang konsepto ang meditation..depende un sa mga yoga teachers at sa focus...uu nga pla pra malinaw..hindi ko sinasabi na ang paggawa ng wla ay meditation na...hindi pa din kc ako sigurado kung un nga un...

..pero ako, hindi nmn tlaga ako nagme-meditate...wla akong alm sa mga bagay n yan...ang gusto ko lng nmn ay gumawa ng "wala"...pero habang iniisip ko ang paggawa ng wala, meron n nmn akong bagong problema...naiisip ko lng kc kung ung meditation ba ay related sa paggawa ng "wala"...kayo anu sa palagay nyo?

Mga Komento

  1. wala kang mgawa...=))
    ako madaeh gus2 mo bgyan kita=))

    TumugonBurahin
  2. di seryosong comment: "ang laki ng problema natin ah, ikain nalang yan sa lunes!"

    seryosong comment: "ang meditation ay malalimang pag-iisip na nakatuon sa isang bagay, maaaring hindi nakikita ang resulta nito, ganun pa man ito ay hindi wala"

    ---&--@

    TumugonBurahin
  3. Re seryosong comment: mmmhhh...mukhang nadagdagan ulit problema ko...kung magmemeditate ako..gusto kong ituon ito sa bagay na "wala"...sigurado ako na hindi ko makikita ang resulta nun, pero oo nga hindi din ito "wala"...well, ang labo pa din...ahahaha!

    TumugonBurahin
  4. sir...yung glue po lagay nyo po sa kamay nyo then patuyuin nyo..then kutkutin...mahusay po yan...

    tested ko na po...ahehe...

    aliw

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...