pasado alas-singko na ng lumisan ako mula sa opisina... "uwi na kayo sir?", bati sa akin ng gwardya sa halos araw-araw naming pagkikita...tumango lang ako kasabay ng pag-angat ng kilay...walang imik, tahimik na tinungo ko ang pintuan ng gusali...sinipat ko ang langit...makulimlim...nagbabadya na naman ang ulan... buntong hininga.
sa jeep. nakatitig na naman sa kawalan hanggang sa bulabugin ang aking pagtunganga ng malakas na pag-buhos ng ulan...katabi ang estribo, seryoso kong minamatyagan ang mga nagmamadaling mga tao sa lansangan...halos lahat hindi magkandaugaga sa pagpapaliit ng katawan para hindi lang mabasa ng ulan...may taong nagsusumiksik sa maliit nyang payong...ang isa ay animo'y masamang tao dahil sa balot na balot ang buong katawan... may mga estudyante din na nagsisiksikan sa silong ng tindahan...akyat-baba na din ang tao sa jeep...ang iba'y may mga dalang payong na tila ba na naaliw sa twing iwinawasiwas nila ito sa mukha ko...gusto kong sumigaw na "Oy...tao po ako, hindi po ako gabi na waterproof..." ...ngumingiti na lang ako sa twing humihingi sila ng paumanhin...good sign yun na nakikita pa pala nila ako, hindi tulad ko na minsan iniisip ko na espiritu na lang ako...na nararamdaman lang at imposible ng makita ng mata...
...ang tao nga naman... kung saan-saan nagpupunta...sa opisina, paaralan, pasyalan...ang iba pa nga ay kung saan-saang lupalop ng mundo tumutungo... kasabay nito marami din silang hirap at unos na pagdaraanan...sumisilong, nakakasakit ng kapwa, humihingi ng tawad, natututo...ngumingiti... sumasaya...pero sa lahat ng ito, isa lang ang hanap ng tao ---ang tahanan... hindi magiging kumpleto ang mga karanasan sa buhay kung walang tahanang babalikan...ito ang tao laging hinahangad ang muling makabalik sa kanilang tahanan at umasa sa muling pagtila ng ulan...
there's no place like home ika nga nila..
TumugonBurahinsan man tayo mapunta.. gano man katagal tayong nawala.. babalik at babalik tayo sa ating sariling tahanan. babalik at babalik sa ating sinumulan..
ganun tayo.. parte na ng pagkatao natin yun.. ang lumingon at bumalik sa ating pinanggalingan..
maligayang pagbabaloik superG!
welcome home!
tama nga naman. Hindi maaaring hindi ka bumalik sa iyong nakaraan o iyong pinagmulan. Parang ikaw supergulaman. Maligayang pagbabalik :)
TumugonBurahin@yanah
TumugonBurahinuu nga...pero minsan naisip ko din...sana portable na lng ang tahanang babalikan...kya kung hanaphanapin mo man, isang hugot lang tahanan na agad... ^_^
@Bino
siguro nga, kaya nandito ako cguro ulit ngayon... ahehehe... ^_^
nawala ka ren palah kuyah... nde koh alam un ahh... eh pano koh pala malalaman eh wala ren pala akoh? lolz... wehe.. ei kuyah... WelCOME BACK!!!! party party... let's party party.. wehe... oh yeah kasama moh na bah si gracia moh? so yeah... welcome back sa aten... ingatz lagi... Godbless! -di
TumugonBurahinMay bigla po ako naalala.. Hayzzz..
TumugonBurahinPwede po ba maki exchange links at makipalitan ng kumento sa yo?
Beyond Crypticness
Noble Vengeance
@Dhianz
TumugonBurahinuy salamat at welkambak din... aheks...uu nga eh naramdaman ko yata na babalik ka kaya bumalik n din ako...wooot...
ei ang grasya ko? dati at lagi ko naman syang nakakasama...sa puso...chezzy.... ahahaha...ei bumalik na sya ulit eh, pero susunod nmn na ulit ako... :)...yeah..party party..ingat lgi.. :)
@Kris Edison
sure..cge i-aadd na kita..add mu n lng din ako...salamat salamat... ;)
Totoo... Ano mang mangyari, hahanap-hanapin mo ang tahanan mo... Bahagi na toh ng Maslow's Hierarchy of Needs (okaaaaaaaaaaaay...) pero yun nga, talagang lahat may binabalikang lugar. Dun nila nararamdaman ang seguridad, kahit saan at ano pa man yung tahanan niya. :)
TumugonBurahin@Traveliztera
TumugonBurahinMaslow's Hierarchy of Needs? aha! parang familiar yan sa akin ah...Theory of motivation, organisational theory, human resource management...ek ek...
pero siguro nga kya "tahanan" ang tawag....doon tayo tumatahan...kung baga sa pag-iyak, dun tayo humihinto o tumitigil dahil alam nating sa lugar na ito, nandun ang seguridad at ang dating nakasanayan... katulad ng bata na umiiyak, hindi sya tumatahan, kung wala sa tabi nya ang pamilyang nakasanayan nya at ang seguridad at ang mga bagay na kailangan nya... :)
"sa lahat ng mga bahay sa mundo, mas gusto ko ang tahanan kasya tirahan" ---SuperG
Naks ang lalim naman... Pero tama ka sino ba naman ang hindi maghahangad na makauwi sa kanyang "tahanan". Ika nga eh ang ating comfort zone... marami man akong napupuntahan pero di ko ipagpapalit ang aking nakagawiang tahanan...
TumugonBurahin@I am Xprosaic
TumugonBurahinuyy..salamat po sa pgdaan sa aking munting blog..na-add n po kita sa blogroll ko...
opo... sabi nga, "There's no place like home" ...
kung saan may taong nagmamahal saiyo at patuloy na tatanggap sa buong pagkatao mo... doon ang masasabi mong tahanan.
TumugonBurahintama :)
@Pirate Keko
TumugonBurahinyup tama...sa Naruto yan yata ang sinabi ni Jiraiya..tpos sinabi nmn ni Naruto yan kay Yuukimaru... ^_^