Lumaktaw sa pangunahing content

...isang sulyap sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap...

[Paalaala: ang sulating ito ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda, anumang bahagi na may pakakatulad sa iba pang kwento at tunay na buhay ay hindi sinasadya, Maligayang Pagbabasa!]

***

Sa Kalendaryo. May 31, 2041.

Oo tama, ito ang katapusan na araw sa buwan ng Mayo ng taong dalawang libo apatnapu't isa, ito na aking ika-limampu't siyam na kaarawan. Isang taon na lamang at hahantong na din ako sa aking ika-animnapung kaarawan. Totoo, halos hindi na din kita madinig, humihina na ang aking tenga. Halos hindi na din kita makita, nanlalabo na ang aking mga mata. Mahina na ang aking katawan at bumabagal na din ang gana ng isipan. Natatakot ako. Natatakot ako na sa pagpikit ng mga mata kong ito ay hindi ko na muling maalala ang mga sandaling naging bahagi ka ng mahirap at simple kong mundo. Natatakot ako.

"Pa, gising! si Ace po ito...", isang uyog ang gumising sa aking sandaling pagkakaidlip.

"Alas, ikaw pala yan, kailan ka pa dumating?", tanong ko.

"Eh, kararating ko lang din po. Medyo na-delay po ang flight naming mag-anak kaya ngayon lang din kami nakarating dito", sunod-sunod nyang tugon habang papalapit sa matandang babaeng nasa duyan.

"Alas,wag mo munang gisingin ang mama mo. Napagod kasi yan sa pagluluto kanina. Gustung-gusto pa din nya kasing sya ang magluluto para sa mga apo nya kahit na alam nyang madali na syang mapagod. Hayss, ang mama mo talaga", tugon kong may kasamang isang malalim na buntong hininga.

Siya si Ace, Alas kung tawagin sya namin ng aking may-bahay--si Grace. Siya ang aming panganay na anak. At ang sumunod sa kanya ay si Graciella. Dalawa lamang ang naging anak namin at ang mga pangalan nila ay aking sinunod sa pangalan ni Grace, ang aking Grasya. Totoo, mahal na mahal ko ang aking Grasya kung kaya lahat ng magagandang bagay na naging kabahagi ng buhay ko ay iniaalay ko sa kanya.

Taong 2003 ng magkakilala kaming dalawa, isang simpleng pagsusuyuan na humantong din naman sa seryoso at maalab na pagmamahalan. Pero bago pa man kami magkasama ng mahaba-habang panahon maraming hirap, luha at kalungkutan ang aming tiniis. Sa katunayan, makalipas ang isang taon ng suyuan at pagkakapalagayan ng loob, nagdesisyon si Grace na iwan nya ang sariling bayan at ako. Malungkot na ang mga sumunod na tagpo noon, pero puno pa din ng pag-asa ang bawat isa. Hindi na din ako tumutol sa desisyon nya bagkus taos puso kong sinuportahan ang kanyang kagustuhan. At alam kong iyon din ang tama, tama para sa pamilya nya at tama para sa pangarap naming pamilya. Alam kong ang kanyang paglisan ay hindi wakas ng aming pagmamahalan, naniwala ako na daan yun upang tuparin ang mga pangarap nya... ang pangarap namin dalawa.

Sa paliparan.

Halo-halong luha ang nandoon. Luha ng kalungkutan at pag-asa para mga pamilyang naiiwan. At luha ng galak at pananabik para sa kapamilyang muling nagbalik. Mga luha ng pagmamahal para sa bawat isa.

Gusto ko din umiyak ng mga sandaling iyon at pigilan sya sa kanyang pag-alis. Ngunit hindi, kailangan nyang gawin iyon. Kailangan. Niyakap ko sya ng buong higpit at pinaalalahanan ng mga salitang hindi ko din alam kung matatandaan pa nya. Pigil ang aking luha. Ayaw kong makita nya iyon. At sa kanyang pagtalikod, isang paalala nya ang saglit na nagpangiti sa malungkot kong mukha.

"Wag kang mambabae ha? Subukan mo lang bobodjakin kita!", maluha-luha at napapangiti nyang sabi.

Saglit lang din at pumasok na sya sa loob ng paliparan. At nawala na sya sa akin paningin.

Sa paglisan ng aking Grasya, naging matamlay ang mga sumunod na araw. Ngunit hindi, kailangan kong maging matatag dahil si Grasya ay dalawang ulit na mas mahirap ang pinagdadaanan nya kumpara sa akin. Kung nalulungkot ako dito paano pa kya sya na mag-isa lamang sa lugar na hindi sya pamilyar. Kailangan kong maging matatag, kailangang magtiwala sa isa't isa.

2006. Mahigit tatlong taon na din ng umalis si Grace. Tanging tawagan lang sa telepono at computer ang naging kamunikasyon. Araw-araw walang patid. Yun lang din kasi ang meron kami at hindi na namin yun ipagkakait pa sa isa't isa.

2007, 2008, 2009, 2010. Mabilis na nagpalit ang pahina ng kalendaryo ngunit naging ganun pa din ang sistema--LDR. Telepono at computer, araw-araw. Mahirap, malungkot pero kailangan para sa mga pangarap. Nagkakatampuhan minsan, ngunit kailangan mag-kaayos. Kailangan laging nag-aalab ang pag-iibigang milya-milya ang pagitan, pag-iibigang libong karagatan ang hadlang. Hindi dapat sumuko. Kailangan.

Mayo ng taong dalawang libo't labing isa, dumating na din ang pinakahihintay namin. Sa paliparan. Hindi na malungkot na mukha at luha ng kalungkutan ang aking tangan bagkus puno ang aking puso ng galak at pananabik. Umuwi na ang aking Grasya.

At sa pagbalik ni Grace, nabigyan din katuparan ang pag-iisang dibdib na ilang taon ding nabinbin dahil sa pag-aalala para sa kinabukasan. Sa pagkakataon ito hindi na namin iniisip ang bukas. Ang mahalaga kapiling namin ang bawat isa. At ang pag-iibigang iyon ay nagbunga ng dalawang makukulit at mapagmahal na supling si Ace at Graciella.

Katulad ng ibang pamilya, hindi din naging madali ang buhay namin. Ngunit nanatili kaming matatag at puno ng pagmamahalan. Sa aming mga pagtitiis at hirap na pinagdaanan, walang problema na hindi maaaring malampasan sa tulong ng tiwala sa isa't isa, pagmamahal at sa tulong ng Dakilang Lumikha.  Maayos namin pinalaki ang aming mga anak na sa ngayon ay may sarili na ding mga pamilya.

"Pa, mano po!", isang babae ang umabot ng aking kamay. Si Graciella habang karay-karay ang kanyang munting anghel.

"Ang laki na pala ng apo ko ah! Akin na nga muna na yan at na-miss namin ng mama mo yan ng sobra", nakangiti kong tugon.
"Nasaan na nga pala ang bolero mong asawa?", tanong ko kay Graciella.

"Andun po sa loob, dala yung suhol nya na naman sa inyo...ahahaha", nakabungisngis nyang tugon.

"Hays, yan talagang asawa mo oh, tuloy pa din ang pagpapalakas nya sa amin, eh pasado na nga sya, at ito na nga ang trophy na oh..", nakangiti kong sabi habang inuugoy ang munting anghel.

"Ay, pumasok na kayo dun Graciella, susunod na kami ng mama mo, gigisingin ko lang siya saglit, susunod na kami.", muli kong tugon habang binabalik sa kanyang bisig ang munting anghel.

Lumapit ako sa duyan, na kanina ko pa sinisipat. Doon, muli kong pinagmasdan ang bahagyang kulubot na mukha ng babae at bumulong sa sarili na, "Salamat, at kasama kita hanggang sa finals". Akma ko na syang gigisingin ng mapansin kong sya ay ngumingisi. 

Nakapikit sya habang sinasabi, "ikaw talaga oh, na-iinlab ka na naman akin, kung makatitig ka para kang teenager...ahahaha".

Tumabi ako sa kanya at inakbayan.

"Malaki na Graciella no? Gusto mo sundan na natin sya?", mapanukso kong imik.

"Magtigil ka nga dyan, mahina na nga ang tuhod mo, puro pa ka kalokohan." "Tara, pumasok na nga tayo at sigurado gutom na ang mga apo mo".

Nakangiti kaming pumasok sa paraiso. 






Mga Komento

  1. Nice one.
    ang sarap ng ganitong feeling sa future--yung tipong masaya kayong tatanda :]

    TumugonBurahin
  2. ang gaan sa pakiramdam ang love. nakaka-touch at kakilig kahit may LDR na nangyari :D

    TumugonBurahin
  3. uhm... tinatamad akoh magbasa... eh ba't anditoh akoh? la lang.. masama dumalaw? lolz... juz wanna say hi kuya.. ingatz... balik na lang later at makibasa... for sure isang magandang kuwento yan... laterz.. Godbless!

    TumugonBurahin
  4. @Renz
    yeah...lahat nmn yata ay nangangarap ng ganun...haysss...

    @khantotantra
    yan ang hanap ko din eh...magaan lng na story...eheks... ;)

    @Captain Youni
    ahehehe...wala din akong ma-koment oh...

    @Dhianz
    ahehehe..salamat sa pagdaan...oks lng dhi..balik balik lng... :)

    TumugonBurahin
  5. kuya am back.. i was juz really lazy dat day na dumaan akoh...

    oh yeah.. awww.. hangswit naman na luv story... alam moh pangarap koh ren yan... hanggang pagtanda eh magkasama kme nang mahal koh... minsan natutuwa akoh pag may nakikita akoh sa store na si lolo at lola nagshoshopping magkasama... or naman sa mga park or naglalakad na sina lolo at lola na magkaholding hands... i juz find it very sweet... ung magkasama kayo until d end... hayz... ayonz...

    luv ur kwento kuya... oh yeah siguro kakasal na kayo pagbalik nyah ni gracia moh.. teka i forgot wat u told me kung bumalik na syah... 2 kids lang.... gawa kayo nang more... lolz... so yeah... ayon nawala akoh.. i was gonna say hanggaling moh gumawa nang kuwento... pati pagkatagalog moh like dalawang libot labing isa tama bah un.. teka.. tama nga... magaling ka pa ren sa pagsusulat kuyah.. so yeah... laterz.. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  6. @Dhianz
    uyy..bumalik ka ulit..aheks...salamat dhi sa pagbabasa...yeah..minsan ako din sobrang tamad... although nag-bloblog hop nmn ako minsan kaso hindi na din ako nagko-comment..baka nga nagtatampo na yung keyboard ko sa mouse, puro klik lng tamad mag-type...

    ei nakabalik n si grace, pero bumalik sya ulit dun...next year daw ulit balik nya... tnx sa papuri, nahiya nmn ako...nahihirapan pa din kasi ako mag-blog laging blanko ang utak ko...ahehehe...salamat dhi..sa uulitin..ingats.. ;)

    TumugonBurahin
  7. hwag ka mag-alala nakarelate lang akoh sau nang bonggang bongga... minsan den nagbabasa but tinatamad magkoment... minsan kokoment nde nagbabasa.. or minsan juz totally tinatamad even mag blog hop.. naalala koh nong bago pa akoh eh super adik akoh.. ngaun eh... ayos lang... sa dmeng ka-exlinks eh dehizn moh madalaw... but ur one of my fave ka-blogs.. juz wanna let u know dat.. naks.. nd hmmm.. pagbalik nyah siguro u guyz getting married na noh... hihhhee... well awa ni God... ingatz kuyah... dumalaw at nag-say hi.. Godbless! -di

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...