Lumaktaw sa pangunahing content

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueƱa, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman...

matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay muling ginamit ng mga Pilipino at binago ayon sa kanilang pangangailangan... ang mga dating sasakyang pandigma ay sadyang binago upang magiging pampublikong transportasyon na angkop sa kalagayan ng panahon... sa pagbangon ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaan Pandaigdig (World War II) hindi na binitawan ng mga Pilipino ang paggamit sa Jeep bagkus ay nagkaroon pa ng madaming produksyon ng ganitong uri ng sasakyan sa bansa...at dito ipinanganak ang sarao, mega, armak, malagueƱa, hebron, at marinel...

ang salitang "jeep" ay hango sa sasakyang ginamit ng bansang Amerika sa digmaan na kung tawagin nila ay GP...ang GP ay mula sa pagpapaikli ng mga sa salitang "General Purpose o Government Purposes"...dahil sa kakaibang paraan ng mga Amerikano sa pagbabaybay ng kanilang salita, ang salitang GP ay nabago na sa Pilipinas at tinawag na nating itong Jeep o dyip at Jeepney sa pormal na pamamaraan...

ang jeep para sa iba ay isang uri lamang ng sasakyan, ngunit hindi... ang jeep ay ang buhay ng maraming pamilya sa bansa... para sa mga tsuper, ito ang kanilang "bread and butter"... nandito ang kanilang buhay... para sa mga ordinaryong manggagawa at mag-aaral, ang jeep ang nagsisilbi nilang angkasan sa pag-arangkada sa buhay.... ang jeep ang sumisimbulo sa mga taong nakararami sa bansa--- ang masa....

ang jeep para sa iba ay isang tahanan, kaya hindi na nakapagtataka kung makikita ang pangalan ng bawat miyembro ng pamilya, pangalan ng anak, pangalan ng asawa, minsan kasama na din pati pangalan ng kabit....bukod sa mga iyan, may mga pangalan din ng mga santo, pangalan ng mga anghel, pangalan ng... (anu nga ba ang zodiac signs sa tagalog?)..basta zodiac signs...nakakatuwa din pagmasdan at basahin ang bawat paskil at pakulo sa sasakyang tinaguriang "Hari ng Kalsada"...ilan dito ay:
  • Barya lang po sa umaga ng di maabala
  • Bawal tutok, pwede pasok!
  • Katas ng Saudi/ Puro kayo Katas, Utang Ito!
  • Basta sexy libre, sa drayber lang tumabe
  • Pag seksi libre, pag buntis doble!
  • God knows Hudas not pay
  • Batak Mo, Stop Ko / Batak Mo, Hinto Ko
  • Bawal ang sabit, pwede ang kabit
  • No ID, No Discount
  • Bawal Manigarilyo/No Smoking
  • Konting ipit, baka masilip
  • Wag bukaka, baka bangga
  • Pasok lang po ng pasok... maluwag yan, araw-araw ginagamit iyan...
  • Ang kumatok, sira ang tuktok
  • Kalimutan ang lahat, wag lang po ang bayad...
  • Ang salamat ay magandang pakinggan ngunit di pwedeng ipambayad sa gasolinahan.
  • Pag-ibig ko'y sayo'y wagas at dalisay ngunit ikaw palay isang garutay.
  • Magandang dalaga nais kitang makilala ngunit akoy abala sa aking manibela
  • Pasaherong tapat wag sanang barat, hustuhin mo ang bayad.
  • Ang sumutsot ay aso.. ang kumatok ay gago!
  • Ang katok ay para sa pinto.. ang para ay sa tao!
...pero sa lahat ng mga iyan, ito ang pinaka paborito ko, "Fool the string to Stuff" ...sa mahigit na labing-anim na libong (16,000) beses na pagsakay ko sa jeep mula ng ako'y ipinanganak, hindi matatawaran ang mga karanasang naging kabahagi ng buhay ko ito...sa bawat ikot ng aking kapalaran sa Pilipinas, dyip ang naging kaantabay ko...mula sa aking pagpasok sa eskwela, pagpasyal sa mga lugar sa metro manila, pagsunod-sunod sa grasya, dyip ang nagsilbing kabahagi ko sa tuwina...

pero teka, nakasakay ka na ba ng jeep/dyip/jeepney? oo? kaso Hummer ba ang tatak ng jeep mo? ... gusto kong inggitin ang mga taong hindi pa nakakasakay ng dyip... kung hindi ka pa nakasakay sa jeep na tinutukoy ko kundi sa hummer mo lang... nalulungkot ako para sa'yo... bakit? 

....dahil hindi mo naranasan ang pagtatakip ng panyo sa ilong tuwing may mabahong katabi, dahil hindi mo naranasang makipagsiksikan sa loob ng dyip at matsansingan ng mga bading, dahil hindi mo pa naranasang sumigaw ng "Para!", dahil hindi mo pa naranasang manganib ang buhay mo sa pagsabit sa mga dyip na "patok" na tila ba naaaliw ang tsuper sa twing iwinawasiwas ang likurang bahagi ng sasakyan, dahil hindi mo pa naranasang maholdap/madukutan/ma-slashan/ma-snatsan sa loob ng jeep, dahil hindi mo pa naranasang magulangan ni manong tsuper, dahil hindi mo pa naranasang gulangan si manong tsuper, dahil hindi mo pa naranasang mag-1-2-3, dahil hindi mo pa naranasang matsansingan ang magandang chicks na nag-aabot ng bayad at sukli, dahil hindi mo pa naranasang mapagbintangan ng isang manang na tsinatsansingan mo siya, dahil hindi mo pa naranasang masandigan ng antuking tulo ang laway, at dahil wala kang maibabahaging kwento o karanasang pang-jeep na katulad nito sa iba...mga karanasang pang-jeep na tunay tatak-Pilipino...

...sana bago matapos ang di-gaanong kahabaang sulating ito ay nakumbinsi ko kayo na minsan subukan nyo din na sakyan ang dyip na naging kabahagi na sa bawat yugto ng pagbabago sa "Bayan ni Juan"...

bukas, sasakay ulit ako...

Mga Komento

  1. araw-araw ako sumasakay ng jiff! lol sa full and stuff hahahaha..
    hindi pa ko nakasakay ng kalesa.. ang loser ko!

    nugn nsa dubai ako.. hinanap-hanap ko ang pagsakay sa mga uber sa bilis humarurot ng mga jiffney.. talagang kahit san ka pumunta o anu man ang maabot mo, hahanap-hanapin mo rin ung mga bagay na nakasanayan mo...

    may kakilala ko hindi pa nakakasaky ng jeep sa tanang buhay nya

    TumugonBurahin
  2. @Yanah
    ambilis ah...ahehehe...ako din marami akong kakilala na hindi pa nakakasakay ng Jeep, mga nilalang ng ginto ang gamit na kubyertos...mga takot na ma-kidnap... pero yung iba sumubok na...mahirap nmn na tatanungin ka ng mga banyaga kung anu ang popular na sasakyan sa pilipinas then sasabihin mo hindi ka pa nakasakay... ahahaha... :)

    TumugonBurahin
  3. ako, araw-araw sumasakay ng jeep. Ang terminal kasi namin dito sa Bulacan e jeep papuntang Metro Manila so wala talagang ibang choice.

    Isa pa, ngayon ko lang nalaman yung history ng kabayo sa harapan ng mga jeep. Hindi ko alam na ang dahilan pala niyan e dahil sentimental sila sa mga kalesa ng mga kutsero dati. Haha! Thanks for the info.

    Nga pala, hope you can join and help this campaign:

    Win a Team Manila Shirt via Spread Real Love Contest to Help Kids with Cancer! http://ht.ly/2NXy9

    Your effort is highly appreciated! :) Thanks!

    TumugonBurahin
  4. ang pinaka natawang karatula na nakita ko sa isang jeep ay ang katagang:

    Natuto kang lumandi, kaya tiisin ang hapdi.
    :p

    TumugonBurahin
  5. @Fjordan Allego
    ahehehe..imbento ko lng yun kabayo story, pero di baka nga yun yung reason bakit may figure ng kabayo sa harapan yung ibang jeep...aheks...

    ei oo ni-like ko yan...

    @khantotantra
    ahahahaha...bagay na bagay sa ka-utakan natin yan ah.... :)

    TumugonBurahin
  6. naalala ko tuloy yung iba't ibang mga kwento tuwing sumasakay ako, merong 2 estudyanteng babae na usap ng usap tapos nung nagbabye na sa classmate nya ung isa, papara na sa driver kaso sabi nya sa driver, "Manong Babye!"

    :D

    TumugonBurahin
  7. Masaya sumakay sa jeep saka mura rin kesa magdadala ka ng sasakyan... hehehehehe... pero di matatawaran ang mga bloopers sa loob ng jeep at mga kakaibang nagagawa kapag sumasakay ng jeep... hehehehehe

    TumugonBurahin
  8. @Bino
    ahehehe...aliw!... minsan nga mag-aabot ka ng bayad pero ang masasabi mo.."Para!"...ahahaha!

    @I am Xprosaic
    yup..wag lang mamalasin na amoy baktol ang katabi...ang masaya dun...pagtritripan mong basahin ang iniisip ng mga kasakay sa jeep... ;)

    TumugonBurahin
  9. Weeehhh namiss ko ang jeep sa amin, d2 kasi walang jeep, bwisit! lolzz

    TumugonBurahin
  10. hehehehe gusto ko ung.. "Fool the string to stuff"..

    totoo naman bahagi na ng buhay ang jeep..

    pero ako 1st year high school nung natutong sumakay ng jeep..

    dati kasi puro tricycle kami eh.. =)
    hehe

    TumugonBurahin
  11. @Lord CM
    ahehehe..hayaan mo magpapadala ako ng jeep dyan pra sau...ahahaha..kaso picture lng... :D

    @Love
    hi love...ang ganda ng name...sarap sabihin...ahehehe...salamat po sa pagdaan...na-add na po kita...salamat din sa pag add...

    ahehehe..ako nmn first year HS na din ng natututong sumabit sa Jeep..walang pamasahe kaya 1-2-3 lang ang alam... ahahaha... :)

    TumugonBurahin
  12. Jeepney for the win! Kung wala mga yan, anhirap pumunta sa mga pasikot-sikot dito sa ating bansa! (Kso traffic so... sabog din hahaha!)
    Pero marami ngang namimiss ang mga taong hindi pa nakakasakay ng jeep. Lahat ng emotions nandun. Hahahhaa!

    TumugonBurahin
  13. @Traveliztera
    tama... ahehehe...pero sa mga hindi pa nakakasakay ng jeep..pwede pa nmn nilang subukan...try din nilang sumabit minsan...maramdaman ang minsang pagbubuwis ng buhay... ahahaha.. ;)

    TumugonBurahin
  14. "Katas ng Saudi/ Puro kayo Katas, Utang Ito!"

    Ang tindi ng dating nito :)

    Salamat sa trivia
    Nakakamiss na ngang sumakay sa jeep. lalo na ung puntang balic-balic tapos hindi talaga ako magbabayad. ganyan ako nung college. :)

    TumugonBurahin
  15. @~B~
    balic-balic? ahehehe...nun sa PUP ako nun, lagi kong nakikita ang mga jeep nyan....

    ako din...namiss ko ang jeep lalo na noong kasabay kong sumakay dito ang Grasya ng buhay ko... kaso ayun napunta sya jan sa lugar ninyo...:)

    TumugonBurahin
  16. Pasaherong tapat wag sanang barat, hustuhin mo ang bayad
    - natawa naman ako dito ahahaha :)
    natutuwa ako sa post mo hihi

    pag buntis doble :))
    hahaha

    okay tumawa daw ba dito. :)
    pero salamat dahil napatawa mo ko at nabuo mo madaling araw ko :)
    hindi talaga ko nabibigo twing pumapasyal ako dito :)

    TumugonBurahin
  17. @keko
    woot..salamat sa pagpasyal...ahehehe... wooot!

    TumugonBurahin
  18. God knows Hudas not pay
    Batak Mo, Stop Ko / Batak Mo, Hinto Ko

    nabasa ko rin yan. :D

    TumugonBurahin
  19. karamihan nabasa ko na pero iba talag yung fool the string to stuff hahaha

    TumugonBurahin
  20. super G!, nga pala baka magulat ka, bago lang ako sa mundo ng mga bloggers, pero nais ko ring ibigay ang napansin ko sa mga jeep sa atin...

    unique talaga ang mga Pilipino, kasi kahit bubong nilalagyan ng upuan (napansin ko lang sa ibang probinsya), tapos may mga cool at "not-so-cool" na paintings sa gilid n talagang detalyado. Na2wa ako dun sa isang jeep n may painting ng mismong jeep n un sa gilid at ung painting may painting ulit ng jeep (basta alam kong naintindihan mo nmn (^^')...

    ang pangit nga lang sa mga jeepney drivers ay ung mga hapit, yung tipong pang-siyaman lang pero ginagawang onsehan... hainaku, tapos katabi mo katumbas ng tatalong tao! pero naintindihan ko n rin kung bakit ganun, kasi kulang ang boundary at wala silang maiuuwing pera sa MGA pamilya nila...

    TumugonBurahin
  21. @MarcoPaolo
    ahehehe..uu sobrang common nyan... ;)

    @♥superjaid♥
    yup yup...yung iba pa nga ang spelling ay FULL the String to stuff...:D

    @Captain Youni
    nagulat nga ako...waaaaa... uu nmn kulang ang boundary lalo na pag dalawa ang kabit...hahaha... :)

    @Rah
    whooahh...salamat po...haring araw... ahehehe...(Rah yata yung name nun Sun God ng Egypt.. ^_^)

    TumugonBurahin
  22. ako po walang choice...ahehehe...
    iba na ang maralita...
    :)
    pero siyang tunay, ang jeep ay simbolo ng kayumangging kaligatan.. - ano daw..ahehe

    TumugonBurahin
  23. bkit di ka nag take ng journalism as an elective during our high school days edi sna noon p nmin alam na magaling kang feature writer. at dapat u had a chance na mapublish mga gawa mo sa school organ ntin. pang 3 p lng tong nababasa ko sa mga likha mo but as a writer, blogger and communication major i can na "kaw na nga the best ka" hahaha! go classmate!

    TumugonBurahin
  24. Thanks for sharing and keep the good work up.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...