Lumaktaw sa pangunahing content

Endorsers???

Negosyong sulit at patok ba ang hanap nyo??? Yung tipong pasok sa panlasa ng publiko? Aba! subukan na ang pagbenta ng siomai na hinahanap-hanap ng dila ng masa. Sa halagang 250,000 pesos maaari ka ng mag-franchise ng masarap at malinamnam na siomai ng Siomai House. Sa murang halagang iyan kasama na ang booth, freezer, steamer, beverage dispenser, advertising signs and signage, dalawang (2) sets ng uniform, free delivery 3x a week, at iba pang mga kailangan para sa negosyo. Kaya anu pa, sulit hindi ba? Tara na!

Ahahaha...feeling endorser lang, wish ko lang makita ito ng shomai at padalahan nila akong ng 1 year supply ng siomai at gulaman... ahahaha, biro lang... nasira kasi ang internet connection ko kaya ito tamang trip muna may ma-post lang...hindi naman siguro ako mapapagalitan ni WonderG sa pag-post ko ng picture namin dito... ahahaha... :)




[note: sa mga na-engganyo ko kung meron man narito po ang contact details ng Siomai House: 
Bernabest Food Products, Inc.
118 D.Arellano St., Bagong Barrio, Kalookan City
Tel. 447-6523, 363-0226, 332-0208
TeleFax. 362-1902
Email: siomaihouse@yahoo.com.ph
Web: www.siomai-house.blogspot.com]

Mga Komento

  1. aha! siomai house ka pala. master siomai kasi ang akin hehehe

    TumugonBurahin
  2. siomai?!!! pwede ba yan iexport sa dubai?! lels! negosyanteng negosyante si kuya ah!

    TumugonBurahin
  3. @mayen
    wahehehe..tsalap yan... :)

    @Bino
    uu yan lang kasi ang malapit dito sa bundok...ahahaha... :)

    @iya_khin
    wahehehe pwde yata..kaso ramadan na dyan ngayon...diet ka muna ha?...dalahan ko kaya si WonderG ng siomai dyan... ahahaha... :)

    TumugonBurahin
  4. ayon,magandang business yan heheeh

    at ngayun kolang nakita ang mukha sa likod ni super G ehehehe

    TumugonBurahin
  5. @~ JaY RuLEZ ~
    ahehehe...uu nga...sana mapansin ako ng shomai house... ahahaha....

    ahehehe...ako nga yan kasama si wonder G..sabagay meron nga akong mga pictures dito kaso mga bata pa kami nun...ayan latest yan..endorser kuno... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  6. recommend mo nga blog ko pre para endorese ko rin sila lolzz kailangan ko pera eh :D

    at nakita na si SuperG sa kanyang blog :D

    TumugonBurahin
  7. =supergulaman=
    Siomai House instead of Shomai House :)

    Thank you for this article..
    More power to you and your blogsite.

    admin - http://siomai-house.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  8. @LordCM
    wooahhh..wala po akong bayad yan..libre lang po yan...nagkataon lang din cguro na masarap ang siomai nila o ako lang na sadyang adik sa siomai at gulaman...supergulaman...ahahaha

    @darkblack
    wooahhh...uu nga...edit edit... ahehehe..thanks...

    waaaaa...admin ka pla ng siomai house..libre nmn dyan... ahahaha..biro lang... sa inyo din more power sa siomai at gulaman :)

    TumugonBurahin
  9. ow mai gawd!!!! adik talaga ako sa siomai!!! yan lage ang kinakain ko everyday!!!pramis!!
    maganda nga ang bizness na yan! ^_^ sana dumami pa ang siomai houses..ang layo kasi ng siomai sa'men! ;(

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...