Lumaktaw sa pangunahing content

Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata?

Gaano ka kahusay sumunod sa mga panuto(instructions)?  Base sa mga pag-aaral may kinalaman daw ang tamang pagsunod sa mga panuto sa kalagayan ng ating mata.  Sa aking palagay posible nga, lalo na kung may kalabuan ang ating mata. Hindi na natin magawang makasunod sa tamang panuto. Ang mga simpleng panuto na "bilugan ang sagot" ay posibleng magiging "guhitan ang sagot"...O kaya  naman ang simpleng "walang tawiran" ay maging "tamang tawiran".... Magkagayunman, narito ang simpleng panuto na magdedetalye ng kalagayan ng iyong mata. Great discovery daw ito, kaya subukan mo na. Handa ka na ba? Kung ganun, tara na at isabuhay ang pagsunod sa panutong ito...  

1. First close one of your eye .
2. Move your mouse point at the red * below.
3. Right click at the red *.
4. Then click (select all).
5. Then you will see the result .

* Pasensya na kung na-uto kita. Ahahaha! 
Sa susunod mag-isip munang maigi bago sumunod sa sinasabi ng iba!
Tama! walang sira ang iyong mata, pero posibleng gaya na kita..
May tama sa utak! ahahaha... :)


Mga Komento

  1. Naku! Pasaway talaga ako.. hindi ko na sinunod ang instructions.. select all agad. hahaha!! :P

    TumugonBurahin
  2. akala mo ha! hiniglight ko muna to kaya di ko nagawa ang instructions mo hahahaha :D

    TumugonBurahin
  3. ahahahahahahhahahahahaha.... lavet! kalerki kah... talagang dahan dahan koh pa binasa to make na masusunod koh nang tama... takte kah.. lolz.. miss yah kuya... nd haller kay mrs. G nd prayin' sa mga future little g's... Godbless!

    p.s. akoh lang atah ang uto uto.. sori naman.... masunurin akoh eh.. lolz

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...