bago pa man maglagablab ang aking buong blog dahil sa nalalapit na araw ng kiskisan ng mga nguso este araw ng puso pala...ako ay bahagyang magkwekwento ng ilang bagay ukol sa aking pagkatao... pero bago ang lahat, akin munang pasasalamatan si Marlon ng Perspetib at Minnie Madz ng My Unrevealed Thoughts bilang sponsor ng ideyang ito... ayon sa batas ng post na ito kailangan kong maglagay ng 9 na bagay na totoo at isang bagay na hindi totoo tungkol sa akin... pero wala naman sa batas na hindi ko pwede itong solohin...kaya akin lang muna ito at hindi ko muna ipapasa... pero kung trip nyo din sya...sige dampot lang...ahehehe...
handa ka na? sige tira:
1. Madami akong nicknames, ilan dito ang SuperGulaman, bhoyet, yetbo, yet, corp, matsuo mashahiro...kilala ako sa ilang online games bilang blade31, shinobi at ghreiz31.... pero malayo sa mga iyan ang tunay kong pangalan at nagsisimula ito sa letter R.
2. Isa sa mga talent ko ang paglalaro ng chess mag-isa... At ngayon kaya ko na din ang makipaglaro ng basketball sa sarili ko...
3. Pagkain lang ang bisyo ko... Hindi ako umiinom ng alak, hindi ako naninigarilyo at hindi ako babaero...lapitin ng chicks pwede pa...
4. Tinagurian akong hardcourt's ankle breaker and quicksilver sa isang liga sa baranggay at kasabay noon ay nahirang ako bilang MVP noong taong 2003.
5. Meron akong labingtatlong tropeo, lahat yun ay galing sa opisina at related sa pagsusulat.
6. Noong Grade 5 pa lang ako, naihi ako sa aking pantalon sa loob ng simbahan habang nagmimisa ang pari at ako ay isa sa kanyang sakristan...
7. Bobo ako sa arithmetic pero mahusay ako sa Algebra (linear algebra, advance algera, elementary algebra, college algebra...)
8. Bukod kay Bob Ong..idolo ko din si Masashi Kishimoto, ang tagapagsulat ng Naruto Series sa Manga...at si.....medyo bastos ang pangalan para sa pinoy...pero cge na nga...Tite Kabu, ang writer ng Bleach series sa Manga... Bukod sa kanilang lahat hinahangaan ko din ang ilang writer ng aklat ng Matematika... Dr. Pastor Malaborbor at Dr. Normita Villa, isama ko na din si Lyncoln Bautista... idol ang mga ito...mga teacher ko ito noon sa kolehiyo...madaming aklat ang mga ito sa national bookstore, inpeyrnes malulupit talaga ang mga libro nila...si Gordon Fuller at ang kanyang aklat na College Algebra, sobrang mahal ko ang aklat na ito na khit page number ng topic na nakakapaloob dito ay memoryado ko... 12 years ko ng gamit ang librong ito... si Thurman Peterson ng Calculus with Analytic Geometry ay isa din sa pinakamahusay na writer sa math, onti lang ang explanation pero mahihirap ang tanong... idol ko din ang writer na si Ronald Walpole ang sumulat ng aklat na Probability & Statistics for engineers & scientists... na hanggang ngayon ay katuwang ko sa aking trabaho...
9. Natalo ako sa math contest nung grade 6 dahil hindi ko nasagutan ang katanungang "isang daan hatiin mo sa kalahati ay ano?" kayo alam nyo ba ang sagot?
10. Virgin pa ako...
Alin kaya dyan ang hindi totoo?
nakakatensyon ba ang pagiging sakristan at naihi ka sa pantalon mo habang nagmimisa?
TumugonBurahinung pang 10 ang hindi totoo? :P
Hmmmm.... alin nga ba ang hindi totoo?
TumugonBurahinIsa lang masasabi ko...
Isa kang alien....
hehe =)
Ang galing, daming trophies sa pagsusulat! Congrats, kitang-kita naman eh.
TumugonBurahinAng number 10 ang hindi totoo.
@~yAnaH~
TumugonBurahinahahehehe...inde ko alam...mabagal kasi magmisa si Fr. Badillo...kilala mo sya? isa sya sa sikat na astronomer ng ating bansa kaya yung isang asteroid ay pinangalan sa kanya, madami akong natutunan sa kanya...yung nga lang sobrang bagal magsalita...nagulat nga ako na isa pla syang astronomer ng makita ko un sa News...galing...
pero may kasalanan ako sa kanya noon...yung sutana nya ang pinangpunas ko sa wiwi ko...ahahaha!
alin nga ba ang hindi totoo...eheks...
@jmadz
takte! wala kang link..nasaan na ang wildride? aheks...
alien? nyaks, tao kaya ako oh...hindi kami close ni kokey... wala akong sariling planeta katulad ng planet puto ni Yods...aheks...
@RJ
uu nga eh...ang daming trophies pero sana nga sa creative writing yun eh...kaso puro sa technical papers yun pilit nilang sinasaksak sa kukote... kung may option lang ako na umalis ng trabaho at hindi ko maisasakripisyo ang pinasyal na pangangailangan ng pamilya ko...lilipat ako ng trabaho... :)
virgin pa ba ako? nyahehehe... ;)
idol G! Weepee! Galing mo talagang writer..eheks..hmmm..pero pakiramdam ko number 10 ang hindi totoo..hahaha..
TumugonBurahin..siguro ang galing galing mo sa math?..hate ko ang mga term ng mga mathematical expressions na yan...
~Nice one! (^^,)
takte rin!...wildride? ano yun? akin bayun? lolz!
TumugonBurahinhindi mahahanap yung url na yun, nakatago nga... yung pang sangkatauhan malapit na lumabas...
pinaguusapan pa sa Hall of Justice ng Superfriends. hehe
tao nga ba? eh bat ang galing mo?!
Super ka talagang gulaman ka!
Ingatz! =)
@hidden
TumugonBurahinnyaks...hindi ako magaling na writer, mahina ako sa grammar pareho english at tagalog...tablado lagi ako sa ate ko kapagnagsasalita ako eh...mali daw yung order of words...takte...masasabi kong isa lang akong magaling na dreamer...puro guni-guni...
..sa math, selected lang din yung subject na kayang-kaya ko...mahina ako sa abstract algebra at topology...
@jmadz
wenks..deny pa ohh...ahehehe...abangan ko yan kapag nakapasa na sa kamara...aheks...
magaling...weeee...ikaw nga jan ohh...takte isa ka sa board of director...nyahehehe.. :P..nahiya akong bigla...
MATH.Di ka ata tao, isa ka talagang supergulaman na tirador ng Mathemathics.
TumugonBurahinNalula ako sa hilig mo sa pinaka ayaw kong subject nung nag-aaral pa 'ko.
BLEACH. Kasalukuyan ko tong pinapanood sa DVD. Nasa Ch. 10 pa lang ako pero till now di ko pa rin maisip panu ko nagustuhan, hehe. Wala kasi akong makitang full season ng Samurai X
13 trophies! Nice.
Ang hindi totoo? uhm, tanong, meron ba?
siguro 'yung one to nine,
TumugonBurahintapos 'yung 10 and di totoo..?
hehehehe.. :)
ok ka a, nakaka-alis ka ng inip.. salamat ha.. paalam!
isa ka ngang SUPER! ni hindi nga ako marunong magchess. at kea nga ako nagnursing kasi hindi maxadong ma-MATH tapos ikaw. siguro kaya mo magsolve ng mga mahihirap na math problems kahit nakapikit! haha. isa kang ADIK! haha.
TumugonBurahinhmm. parang yung no.10 ang di totoo. di kapanipaniwala. haha. peace!
@Dylan Dimaubusan
TumugonBurahinnyaks...nakasanayan lang siguro...BSMathematics ang course ko kaya ganun..pero inde ako magiling...marunong lang...
kumpleto ako ng episode ng Bleach...maganda yan...madami kang ma-rerealize.. :) bisitahin mo lng ang aking Narutomaxx kumpleto yan up to dun sa latest episode .... samurai x meron din ako...maganda ang series nyan pati movie...kumpeto din ako... Pindot ka dito
@2L3Bs World
salamat sa muling pagbisita...sa sususnod pong muli... :)
mmmhhhh...10 kea ang hindi totoo?...aheks...
@jhosel
aheks...grabe ka naman...pero noong adik pa talaga ako...bumabangon ako sa madaling-araw pag may naisip akong sagot sa math problem...pero ngayun wala na... :)
cgurado na ba kayo sa mga hula nyo...aheks... :)
Huwaw! Ahaha. Talaga ha.. Pero mas gusto ko kasi sa DVD mejo nagloloko kasi CPU namin ngayon eh..Tignan ko yan one time pag okay na 'to. Salamatski!
TumugonBurahinEnde mo nisagot tanong ko kung totoo bang merong hindi totoo?..tama ba tanong ko?
@Dylan Dimaubusan
TumugonBurahineheks....cge cge.. ;)... syempre meron dyan nag-iisang bagay na hindi totoo, yun ang itinakda na batas ng post na yan ayon kay Marlon... :)
wow, super g..masyado naman amazing ang mga facts na iyan..
TumugonBurahinso virin ka pa??
owwsss..talk to my hand...
lolz
If 3x² + 4x - 2xy + y² + 5z, is evaluated for x = 2, y = 3, and z = 4.
TumugonBurahinIt will be: + 3x² + 4x - 2xy + y² + 5z 3(2)² + 4(2) - 2(2)(3) + (3)² + 5(4) 3(4) + 8 - 12 + 9 + 20 12 + 8 - 12 + 9 + 20 = 37 + 13 = 50!!
Whew! Okay, I messed that up. lolz
@vanvan
TumugonBurahinahahaha...weeee...ahehehe...hulaan mo...bleeehhh...:P
@Dylan Dimaubusan
waaaaaaa! madugo ito....aheks... pero mali ata ang sagot... gamit ka ng calculator... 100 divided by 1/2.. :)
ang hula ko eh isang humahagalpak na VIRGIN ka pa...
TumugonBurahinwaaa..kawawa ka naman!
pabinyag ka na ui!
virgin ka pa?
TumugonBurahinwheeeeee..maniwala ako sayo....
ako din virgin pa...toinkz..
kaya nga eh..waha! pag-usapag na nating lahat wag lang numbers..lolz
TumugonBurahinok, hanapin ko lang si Kenshin ko sa site mo, kami nalang mag-usap... wehe..
@vanvan and poging (ilo)CANO
TumugonBurahinahehehe... nagsisinungaling ako totoo virgin ako... :D
@dylan dimaubusan
ang sagot sa number 9 ay 200... 100 divided by 1/2...related yan sa dividision of fractions...sa calculator 100 divided by 0.50....at yun nga 200 sagot... :D
@para sa lahat ng nanghula sa hindi totoong bagay ukol sa akin...
at sa kadahilanang lahat ng naghula ay pinili ang 10...ito ang masasabi ko:
kung sasabihin kong virgin ako, nagsisinungaling ako, kung sasabihin kong hindi ako virgin, nagsisinungaling ako... nakadepende yun sa kung anung bagay ang tinutukoy ko...
ngunit sa mga iniisip nyo ito ang sagot ko:
"kung ako ay mag-eexam ng maraming pagpipilian at nagkataon na hindi ko alam ang tamang kasagutan, lagi kong pinipili ang may maikling sagot...madalas tama ako..."
Iisa lang naman kasi ang takbo ng utak ng tao sa salitang "virgin"..
TumugonBurahinKung anuman ang tinutukoy mo, isa ako sa naniniwala..
Salamat ulit sa links mo, matagal ko nang syang hinahanap. Pansin mo ang dami kong epal dito?..wahahaha!
Nahirapan akong hulaan kun alin iyong hindi totoo ah? lols! salamat sa pagdampot, pinasa lang din sa akin to ni PILAR, lols!
TumugonBurahinBUTI KA PA MAY ALAM SA MATH KAHIT PAANO!
@Dylan
TumugonBurahinahehehe...uu pra nmn sa lahat ang vids na yan.. :)
@Marlon
ahhehehe..salamat din...maganda nmn yung idea..aheks.. :)
kahit kelan talaga sakit sa ulo ang inaabot ko sa math..
TumugonBurahinang lupit nun ahhhh
astig kalaro ang sarili..walang katalo talo..lol
hehehe...
TumugonBurahinbobo din ako sa math...
agree ako kay RJ...
feeling ko di totoo yung number 10...LOLz
@kosa
TumugonBurahinnyaks....pero bobo din naman ako sa ilang bagay... :)...try mu kaso sarap kalaro ang sarili... :D
@Aian
ahehehe...ito ang sagot sa hula mo aian:
"kung ako ay mag-eexam ng maraming pagpipilian at nagkataon na hindi ko alam ang tamang kasagutan, lagi kong pinipili ang may maikling sagot...madalas tama ako..."
medyo madaming nde nani2wala na virgin ka pa, ako nani2wala ako! truly! ---comment ng taong NAIVE! bwuahahahaha!
TumugonBurahinwaw . sinearch ko yung fr. badiLLo , astronomer nga. ang gaLing ! haha. xD idoL, dati paborito ko rin ang math kaso medyo kinamumuhian ko na rin yun ngayon kasi minsan di ko makita ang dahiLan kun bkt dapat pang pag-araLan ang mga ganung bagay. haha. sasaLungat ako sa iba, #3 an sagot q. :P
TumugonBurahin@Emz
TumugonBurahinwahehehe...tama yan maniwala ka...ahahaha... :D
@CELiNE XD
ahehehe..uu magaling yun si Fr. Badillo... pero pero mali ka ng hula...totoo yun number 3...inde ako umiinom or naninigarilyo...wala din ako hilig sa chicks...ung mga chicks lng may hilig sa akin...ahahaha...:)
haha, ang kulet!
TumugonBurahin