Lumaktaw sa pangunahing content

...isang pasasalamat...

Una sa lahat..nais kong pong pasalamatan si Dylan ng Bottomless Coffee sa pag-nominate sa akin sa kauna-unahang Damuhan Blog Awards ni Ka Bino...Maraming-maraming salamat po at sa unang linggo ng patimpalak tayo po ay nanalo ng 1st place.... ang mapabilang lamang sa ganoong patimpalak ay isa na pong karangalan...maraming-maraming salamat po sa pagboto at suporta....ang lahat ng mga nasa blogroll ko na bumoto ay akin ding pinasasalamat, hindi ko na po kayo babanggitin dahil baka may makalimutan kasi ako... sa mga hindi bumoto sa akin, maraming maraming salamat din po, ang totoo nyan hangad ko din na lahat ng nominado ay manalo... nais ko din po na pasalamatan ang mga taong bumoto sa akin na wala sa aking blogroll, ang aking loyal crunchyroll group members, salamat ng madami sa inyo...

...sa pagkakataong ito, nais ko ding ipabatid sa inyo na tuluyan na pong magpapaalam ang http://www.supergulaman.blogspot.com/... lilipat na po ako kasama kayo sa aking bagong tahanan... ang http://www.supergulaman.com/... paki-update na lang po ang ating mga blogroll... tama isa na po tayong dot com... malugod ko pong pinasasalamat si Gelene ng HONIE'S CONFESSION sa pagbili nya ng domain na ito para sa akin.. salamat...


maraming salamat sa inyong lahat... ^_^

Mga Komento

  1. Wow! Congratulations, Supergulaman. o",)

    Walang anuman. ---> alam mo na kung anong ibig sabihin nu'n. U

    TumugonBurahin
  2. wow.. walang anu man din superGulaman..lols
    tapos salamat din...hehehe
    alam mo na din ibig sabihin nun..
    oo nga official ka na palang dot com.. ayus na ayus ahhh

    sige sige kitakits parekoy..hehehe

    TumugonBurahin
  3. Ayos, Bhoyet. Isa ka nang datkomista!!

    Congrats and God bless!

    TumugonBurahin
  4. wow! congrats SuperGulaman.....

    astig k pre! pa dot dot ka na lang ngayon...

    premyo mo ba yan bilang 1st place sa damuhan award...lolz..

    TumugonBurahin
  5. Astig ka eh! Alam ko namang panalo ka..Super ba naman!

    Congratz ha!

    TumugonBurahin
  6. Aba!!Congrats pre, at magkano ba ang domain? lolz

    TumugonBurahin
  7. napakahusay! congrats sa iyong bagong tahanan. :-)

    TumugonBurahin
  8. congrats sayo sana madami ka pang makuha na awards.. nagala lng ako at napadpad ako dito sa kuta mo at nakibasa na rin hingi sana ako ng permission pra ma add ka sa blog ko tnx :)

    TumugonBurahin
  9. wow! congrats superG!
    congratz din sa bagong tahanan. ahehe.

    naway madaming awards ka pang matanggap at madaming tao pang mainspire sa mga post mo!

    god bless!

    TumugonBurahin
  10. waaa...at isa na namang standing ovation para sa ke mr. bhoyet madali..

    mutant na eh superhero pa..

    at ngaun eh numero uno pa!!!

    see, i told u..mananalo ka nga!!!


    walang anuman din superG!!!yahoo...

    TumugonBurahin
  11. huwaw! okey sa olrayt! ayos na ayos to super gulaman. dahil isa ka nang datkomista, masusubaybayan na kita nang lubusan sa taragis nainagkakaputahan ko. asteeg!

    p.s. at nagkaalaman na nga. mas marami kang hakot crowd kesa ke kosa. magkagaunpaman, pareho ko pa rin kayong binoto. congratz po! :D

    TumugonBurahin
  12. @RJ
    aheks...uu alam ko na..aheks.. salamat ulit... :)

    @Kosa
    cge kosa salamat... :)

    @Mike Avenue
    thanks.. :)

    @poging (ilo)CANO
    salamat..salamat...inde ito premyo eh...premyo ko lng sa sarili ko...aheks.. :)

    @Dylan Dimaubusan
    aheks...salamat Ms. D.... ahhehehe... :)

    @Lord CM
    ei salamat...$10 per year naman ito...pero nagpabili lng din ako..aheks...:)

    @onatdonuts
    salamat po... :)

    @angel
    ay salamat po....cge po...add din kita...thanks... :)

    @jhosel
    woot woot...salamat... :)

    @vanvan
    aheks...uu nga eh...hayyss...salamat... ;)

    @lio loco
    thanks thanks... :)

    TumugonBurahin
  13. congrats parekoy!!sna soon may .com na din akow lolness cyah

    TumugonBurahin
  14. I think automatic na siyang nagchange Super G!...
    COngrats po!!!!

    TumugonBurahin
  15. @Aian
    ahhh....aheks... salamat.. :)

    TumugonBurahin
  16. ahehe.. ngaun ko lang to nabasa.. ayun..

    you're very much welcome..kaw pa eh labsz kita.=))

    wahahahah.. toinks..bawal malisya..=0

    TumugonBurahin
  17. I inclination not concur on it. I over precise post. Especially the title attracted me to review the intact story.

    TumugonBurahin
  18. Nice fill someone in on and this mail helped me alot in my college assignement. Say thank you you as your information.

    TumugonBurahin
  19. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...