Lumaktaw sa pangunahing content

...gusto mong mamatay?...

note: walang kinalaman ang friday the 13th sa post na ito...

sa paanong paraan gusto mong mamatay? gusto mo bang mamatay sa paraang kung paanong paglaruan at patayin ni Jigsaw ng Saw V ang kanyang mga biktima? gusto mo bang mamatay ng katulad ng bampirang si Sonja ng Underworld na kung saan siya ay binilad sa araw hanggang siya'y maabo? o baka naman gusto mong mamatay ng katulad kay Benjamin Button na ipinanganak na isang matanda hanggang mamatay ng isang sanggol?...o baka naman gusto nating gayahin ang gustong paraan ng aking ka-opisinang si Ms. Em... ang sabi nya:

"I used to sit on a wooden bench outside the house at sundown wishing for the cold wind to just freeze me to death and make a beautiful monument of me. "

...matagal na din ang panahon ang aking inuukol sa pag-iisip sa kung paanong paraan ko gustong mamatay...kung sa isang car accident kaya?, wag yun ayokong maiburol na pangit ang itsura... kung sa pagkalunod naman, ayaw ko din dahil lalaki ang tiyan ko, ang pangit pa din... sa sakit naman, ayaw ko din ang mahirapan...kung bangungot naman ayokong mamatay ng hindi ko nalalaman... kung atake sa puso, ayaw kong mamatay ng biglaan... kung sa katandaan, ayaw kong mahirapan ang mga mag-aalaga sa akin... ang totoo nyan hanggang ngayon hindi ko talaga alam kung ano ang magandang paraan ng pagpanaw...

sinasabing ang buhay daw ng tao ay parang isang gulong...paulit-ulit...paikot-ikot...may mamatay...may ipapanganak..magiging bata..maglalaro...mag-aaral...tatanda...mamatay... ganun ang buhay...at sa bawat pagpapanaw dala nito ang kalungkutan sa pamilyang maiiwan... ang kalungkutang iyon ay mula sa isang pamamaalam at ang katotohanang hindi na s'ya babalik kailaman... hindi ko din ninais na mabuhay ng habang panahon dahil kalakip nito ang silbi at halaga ng buhay...

mahalaga ang buhay, huwag natin itong sayangin sa pag-iisip ng mga malulungkot na sandali...hanggat maaari...magsaya ka...gawin mo ang iyong gusto... gawin mo ang bagay na tama at alam mong ikakasiya mo... huwag kang matulog sa isang sulok at magmukmok... kalahati na ng buhay mo ay natutulog ka...huwag ka ng mag-aksaya pa... masaya ang buhay lalo na kapag puno ng pagmamahalan...maaaring may mga darating na problema at malulungkot ng sandali, ngunit hindi hadlang ang mga iyon para maging maligaya...buhay ka pa, meron pang pag-asa...

...at ngayon tinigilan ko na ang pag-iisip ng gusto kong paraan ng pagpanaw... hindi na mahalaga kung sa paanong paraan man...hindi naman natin alam kung ano ang hinaharap... hindi naman nasusukat ang halaga ng iyong buhay sa paraan ng iyong pagpanaw... nasa mga karanasan ito na iyong dinaraanan... alam kong lahat ay lumilipas... lahat ay mawawala... tatanda ako, ikaw, tayo... ngunit ang tanging hiling ko, sana makasama ka ng matagal sa bawat sandali ng aking buhay sa mundong ito...sana ako pa din ang laman ng puso mo hanggang sa huling pag-inog ng mundo... sana... sana...

Mga Komento

  1. Una ako!!!!!

    Lupit mo superG! Akala ko para sa darating na friday the 13th post mo...

    ganun din... luv parin ang katapusan. hehehe...

    I'm sure sa pagka super mo eh siya parin kasama mo sa kaduluduluhan.

    Happy Friday the 13th cum Valentines post... hehehe =)

    TumugonBurahin
  2. Wehe. Naisip ko na rin yan, maraming beses na.. May pagka-morbid ang utak ko eh..

    Ang hiniling ko noong naisip ko yan eh pagtanda ko bigla na lang akong mamamatay ng natutulog. Mas peaceful kasi yun.;D

    TumugonBurahin
  3. Parang ayos 'yong tatanda ako, 'yon bang natapos ko na talaga lahat ang aking mga responsibilidad at naabot na rin ang pinapangarap na simpleng tagumpay. At dapat sa mga panahong wala akong kagalit.

    'Di nga naman talaga natin nako-control ang mga bagay na ito. Ang mahalaga sabi mo nga, dapat ay makabuluhan ang bawat araw, hindi dapat ito sinasayang.

    [Pero papaano kung ang isang magmamanok na tulad ko, araw-araw halos 24 oras ay nasa manukan lang umiikot ang buhay? 'Yon bang kahit natutulog ay literal pang katabi pa ang computer monitor ng mga sheds, at ang hot &cold alarms ay naka-set pa sa mobile phone (para kapag may problema habang ako'y nago-grocery ay magri-ring ang phone ko)... Makabuluhan kaya ang buhay na ito?]

    Naisip ko lang: Ang mga Superheroes ba, tulad ni Supergulaman, ay nag-iisip din kung paano nila nais pumanaw? Nanaisin kaya ni Superman na mamamatay nang dahil sa kryptonite?

    Whew! Isang magandang pagninilay-nilay.

    TumugonBurahin
  4. para saken, it doesnt matter kung ano at pano ako mamamatay, ang importante saken eh bago ko mamatay, i was able to live my life well....to the fullest and that i was able to experience love and be loved in return..at least mamamatay akong fulfilled...

    TumugonBurahin
  5. ngayon ko lang din napansin na friday the 13th pala ngayong feb.

    pano ko gustong mamatay? di ko pa naisip yun ah. pero naniniwala ako na kung oras mo na, e oras mo na. kahit pano ka pa mawawala. at tanging Siya lamang ang nakakaalam kung kelan. kaya nga di ba kelangan nating mabuhay to the fullest, yung parang everyday last day mo na kaya you'll make the best out of it. masaya ang buhay. sang-ayon ako dun. kaya't kelangan nating enjoyin at pangalagaan ito.

    naks superG, kahit umikot tungkol sa buhay ang post mo nagtapos pa din ito kay Grasya. sana sana. pinapanalangin ko din. hindi lang sainyo, pero pati na din sa lahat. na sanay tumanda tayong lahat na kasama ang minamahal natin, para kahit ano pa mang way tayo mawawala sa mundo masasabi nating we had the best of it.

    hala tama na, nasaniban na ata ako ni sis di. ang haba na nito.

    TumugonBurahin
  6. ang masasabi ko lng..ung comment nila isang post hehehee..peace..:)

    live life the fullest..=) un lang..:))

    TumugonBurahin
  7. matagal ko na din na hindi naiisip yan kasi d talaga uubra ung naisip kong paraan dati unless pumunta ako sa antarctica, may mas matinding kailangan kasing isipin, tulad ng alam mo na at paghahanap ng kasama para sa alam mo na...yun bang mga bagay na ganun ung alam mo na!

    TumugonBurahin
  8. ayus sa ending :) hehehe. happy valentines pa rin pala. ^_^

    di ko pa naiisip kung pano ko gustong mamatay. :| parang ang hirap ata nun.. hehehe.

    TumugonBurahin
  9. padaan po...

    hang swit naman nung huling statement mo kahit na inilinya mo yun sa kamatayan ..hehe

    TumugonBurahin
  10. ako naman, gusto ko'ng mamatay ng payapa ang kalooban. un bang pag namatay ako ay maligaya na ko dahil nagawa ko lahat.

    TumugonBurahin
  11. ...lufhet talaga ni idol G! gusto ko yung... ""I used to sit on a wooden bench outside the house at sundown wishing for the cold wind to just freeze me to death and make a beautiful monument of me. "...


    ..wala lang para may monument ako! eheheheks....

    ...palagi ko yang iniisip, kung sa paano akong paraan mamatay, i wish na hindi ito brutal...


    ...pero syempre habang nabubuhay pa ko, magpapakasaya na ko....
    go idol G! (^^,)

    TumugonBurahin
  12. ay ako rin madalas ko maisip yan dati. nakita ko kasi kung ano itsura ng nanay nung mamatay siya. di ko kinaya. mula nung magbiyahe ako by plane, naisip ko sa plane crash na lang para sunog at baka sakaling abo na ko. at least di na kailangan ng cremation. wag lang babagsak sa tubig at bloated ako malamang nun. hehehe!

    TumugonBurahin
  13. @jmadz
    ahehehe...naisip ko nga na maglagay ng related sa friday the 13th kaso wala talaga sa pag-ibig pa din ang bagsak...ahahaha...:)

    well, mas ok un kasya sa ibang story mapunta..ahahah..:D

    @Dylan Dimaubusan
    aheks...magandang way yan...pero wala nmn makakapagsabi kung kelan...eheks... :)

    @RJ
    yup...maganda yun...gusto ko din na ganun yung tipong tpos na lahat ng obligasyon mo at masasabi mo sa sarili mo na naging mabuti kang tao... :)

    ...sa ginagawa mo...masasabi kong makabuluhan yan...bakit? alam kong ang sipag at paghihirap na iyan ay may pinag-aalayan...ang iyong sarili at iyong pamilya...masasabi ko na ang ating buhay ay mapagtitibay ang halaga kung ito ay ating ibinabahagi din sa iba... :)

    ...siguro si superman, o kahit na sinong superhero...nanaisin nyang pumanaw sa kahit anung paraan...mapaglikuran lamang ang sangkatauhan..ako naman bilang si supergulaman, simple lang kahit sa anong paraan basta hindi ako mawaglit sa inyong puso at isipan...

    @~yAnaH~
    yup...tama...at ng maipagsigawan natin sa buong mundo na kahit papano..."masaya ako sa buhay ko!"

    @jhosel
    yup tama...wag mag-aksya ng panahon...walang makakapagsabi ng pagkakataon maliban sa Dakilang Lumikha...

    tama napunta din sa usapang puso...mis ko na kasi sya siguro.... :)

    @hOniE-GeLenE
    ahehehe...yun ang summary...un lang...ahahaha...

    @Emz
    pero makikilala mo na yang alam mo na yan...para dun sa alam mo na...ahahaha... pero pangit din kung sa antartica..mahal ang pamasahe....ahahaha...

    @karmi
    wow salamat sa pagdalaw...ikaw po yung nasa kundiman nu?...weeeepeeee...salamat salamat sa pagdalaw.. :)

    @azul
    eheks...salamat...pero ganun naman daw ang pag-ibig...hanggang kamatayan...kahit si Jesus inibig nya ang buong sanlibutan at tinubos ang ating kasalanan maging kapalit ang sariling buhay...

    nyaks...bat ganun comment ko...malapit na siguro ang ash wednesday...ahahaha...:D

    @Bino
    yup...tama ka..masarap pumanaw ng payapa ng kalooban...huwag mo na ulit sasapakin ang boss mo ha?..ahahaha...:D

    @hidden
    yup yup...maganda yang naisip ni Ms. Emz eh...pero habang buhay nga tayo...tama lang na magsaya tayo pero dapat gawin din ito nating tama at makahulugan.. :)

    @enjoy
    ahehehe...enjoy na enjoy ako sa name mo..eheks...maganda yang naisip mo...pero kung sa tubig ka man bumagsak...pa-cremate ka na lng... pero wag muna, bata pa tayo... malayo pa ang tatakbuhin ng buhay ntin... :D

    TumugonBurahin
  14. parang ang aga ng post mo na to..matagal pa ang nobyembre, ehehehe..

    TumugonBurahin
  15. gusto ko kumain ng mangga!!!! nyahahah related talaga yung comment ko sa post mo noh? hehehe!

    TumugonBurahin
  16. wala sa bokabolaryo ko kung paano ako mamamatay....kasi kahit anong oras pwede tayong matigok anywer anyhow...lahat tayo jan mapupunta...kamatayan..

    pero sana pag namatay ako...lahat mapapawoow parin sa kapogihan ko kahit akoy nasa kahon na...amf..lolz.

    TumugonBurahin
  17. parang karumaldumal naman kung mala SAW5 ang ikamamatay co. . ayoco ng ganun. . kung pwede nga lang aco na kumitil ng buhay coe. . hahaha. . pero kung mamatay aco gusto co sakit ung dahilan. . pero dahil buhay pa co. . ayoco muna mamatay. . lol

    TumugonBurahin
  18. Saka na natin pagusapan gulaman kung pano tayo "MAMATAY" kapag nagkita na tayong dalawa sa LANGIT.i-blog mo ang dahilan ng pagkamatay natin...may laptop at internet na siguarado sa langit..lolz..

    Ganunpaman,Napansin ko.kahit tungkol sa Kamatayan ang Post na'to PAg-ibig pa rin ang tinutumbok mo...inlababoo pa rin ang SUPERHERO ng BAYAN....hahahaha

    ayos yan!...tuloy mo lang yan gulaman..

    TumugonBurahin
  19. @payatot
    ahehehe...uu nga eh...kahit background ko pang november 1...ahahaha...:D

    @punky
    ahahaha...peron meron naman koneksyon...malay mo epekto lang ito ng gutom...ahahaha.. :D

    @poging (ilo)CANO
    ahehehe...takte..lagi na alng pogi...ako naman pogeeee din...ahahaha...

    @paperdoll
    uu naman...masarap mabuhay kahit minsan nanankawan tayo ng PSP...ahahaha..juks... :D

    @PaJAY
    uu nga pag-ibig pa din...pero baka nga sa susunod na araw bigla akong mawala sa ere...uuwi ang grasya...mejo magsasaya akming dalawa.. :D

    TumugonBurahin
  20. hindi na importante kung paano ka mamatay... dahil lahat ng nilalang ay mamamatay....

    Ang importante...

    Naranasan mong mabuhay bago ka man lang lagutan ng hiniga...

    =)

    TumugonBurahin
  21. @-MCZO-
    aheks...magandang yata... peaceful death

    @ORACLE
    yup yup...sabi ko nga wla ito sa paraan ng kamatayan...ang halaga ay nsa buhay n iyong pinagdaanan ;)

    TumugonBurahin
  22. waaa...super g naman...lam mo bang ultimate fear ko ang death..

    ayaw kung sagutin ito...

    pero binasa ko pa rin siya ha..

    napanood ko yung saw 3...ang sama..

    ang sakit sa ulo..

    TumugonBurahin
  23. ahaha. supergulaman ayaw ko p mamatay eh. dami p aq pangarap sa buhay.

    haha.
    astig ng blog mo kumpareng super gulaman. haha

    add kita s link ko ha? ty.

    TumugonBurahin
  24. @vanvan
    mahina pla ang dibdib sa mga ganyang eksena...eheks...sowi.. :)

    @kikilabotz
    ako din eh...dami pa pangarap...ahahaha...

    cge cge...add n din kita... :)

    TumugonBurahin
  25. wow! anganda ng blog mo tatandaan kuyan. wag kang mag alala balang araw maiintindihan din ng lahat yan. sangayon siguro hindi pa. pero darating din ang araw na darating sakanila yung problemang sagot dyan. maganda talaga yung blog mo.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t