Lumaktaw sa pangunahing content

...mag-enjoy kay enjoy...

paumanhin po sa lahat...akin pong ipagpapatuloy ang kwentong "lilok: ang pagpapatuloy", sa sabado...kung nabitin kayo...ako din... kung nadurog ko ang inyong mga puso dahil sa mga pangyayari sa buhay nila Marie at Lita sa mga tagpo sa "lilok" at "lilok: ikalawang yugto", patawad...hindi ko din inakala na ganun ang magiging takbo ng istorya... sa mga bata, R18 ito, lagot ako sa mga nanay at tatay nyo...kaya patago nyo lang basahin...ssssshhhh..

...pansamantala ko munang puputulin ang aking kwentong lilok: ang pagpapatuloy upang bigyan daan ang tag na ito ni enjoy....salamat... At dahil nga daw ito ay ang kanyang kauna-unahang award/tag na natanggap, nakonsensya naman ako na hindi gawin ito... at kahit na madami na akong naibulgar tungkol sa akin, muli hindi pa naman ako nauubusan ng angas sa aking pagkatao.... bago pa man ang mga istoryang iyon, halina't samahan nyo ako...mag-enjoy sa tag ni enjoy...

[EDIT]: akin din pong pinasasalamatan si Rizza ng Journey sa pagsasama din sa akin ng Tag/Award na ito...salamat... :)

ito ang daw ang rules:

When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link to said person so everyone knows he or she is real. Choose a minimum of 7 blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don’t have 7 friends. Show the 7 random victims’ names and links and leave a harrassing comment informing them that they were prized with “Honest Weblog”. Well, there’s no prize, but they can keep the nifty icon. List at least 10 honest things about yourself. Then pass it on!

At dahil English ang instructions, hindi ko siya naintindihan na kailangan itong ipasa sa 7 nilalang... patawad kung lalabagin ko ang ilang batas ng tag na ito ngunit gagawin ko naman ang pinakamahirap na parte nito na mag-lista ng "10 honest things about yourself"....pang-4 ko na itong pagpapakilala... mas kilala nyo na nga yata ako kaysa sa nanay ko... :)... tama na nga ang satsat, ito na sya...

1. Kung 24 oras ang meron sa isang araw, 6-7 hours lang ako natutulog, 2 hours sa paggawa ng ilang bagay...yung ibang oras, nasa harap ako ng computer....naglalaro, nagtratrabaho, nagbloblog, nanoood...basta nakaharap sa computer...

2. Napagkamalan akong Alien noong high school pero tao talaga ako. Nagawa kong i-perfect ang dalawang periodical exam sa math noong 4th year high school ako. Doon ko unang maranasan ang ma-discriminate sa isang math contest sa loob ng school, hindi ako pinasali ng teacher ko...takte!

3. Kalakasan kong maglaro ng basketball noong 2004... kaya kong tumagal ng 12 hours ng paglalaro ng tuloy-tuloy sa ilalim ng mainit ng sikat ng araw, inom lang ng tubig ang pahinga...

4. Naniniwala ako na hindi lang ang hugis bilog ang gumugulong.

5. Naniniwala din ako na likas sa mga babae ang mag-multi tasking...kaya nilang iproseso sa kanilang utak ang mga bagay ng sabay-sabay...sa kabilang banda, likas sa mga lalaki ang gawin ang isang bagay ng buong focus, isa-isa lang pero kumpleto ang atensyon...

6. Allergic ako sa masasarap na seafoods...tahong, hipon, pusit, alimango... hindi ako kumakain nyan... nasusuka ako pagnakakain ako...pero nagprapraktis na ako ngayon sa pagkain ng tahong at hipon...

7. Sa lahat ng mga nagsabing gwapo ako...si Grasya lang ang pinaniwalaan ko...

8. Mas madali kong makasundo ang mga babae kaysa lalaki... issue ng pride at ego yun...

9. Hindi ko ugali ang magtanong, kahit naliligaw na ako...

10. Libangan ko ang tumunganga...

gusto mong gumawa? sige kuha lang.. :)


Mga Komento

  1. ahaha. aba aba. oo nga no. parang kilalang kilala ka na ng lahat.. tsk o. discrimination daw? give chance to others naman daw kasi.. kung nagjoin ka pa.. kawawa naman yung iba. nagcontest pa. e alam nila na ikaw lng naman mananalo. ahehe. alien ka nga.

    haha. ako din nga. buong araw ata ako nakaharap sa pc. ahehe. pero ngayon lang to habang naghihintay. siyempre pag pumasa na ako at nag training mababawasan ang time.. kea nga linulubos lubos ko na. ahehe.

    tsk tama. gogogo sa iyong seafood desensitization. tama yun. dahan dahan mo lang na isanay ang sarili mo na kumain nyan.. in time ma-oovercome mo rin yan..

    siyempre extra uli si wonderG dito.. kasi nakakabit na sa pangalang superG ang Grasya.

    ahehe. lol. sige. gogogo superG!
    god bless!

    TumugonBurahin
  2. sabi ko naman syo superG walang pressure eh! hahaha! pero salamat na rin at pinagbigyan mo ko. at tama rin ang hinala kong dati kang alien. oha! may ebidensya... di lang ako nagsabi. :D

    ako din maghapon sa harap ng pc... mas kilala na nga ako ng pc kesa sa jowa ko. eto na ang bago kong labtim... hay! :)

    tenchu ulit :lol:

    TumugonBurahin
  3. sayang naman.. di ka makakain ng seafoods :(

    wish ko lang... di sana madiscover ng production company ang ALIEN side mo. pero baka dun ka sumikat. hmmmm...

    SuperG under Alien's Suit! wow!
    at ang ka-love team mo... si WonderG.. sino pa?! hahahaha!

    peace out!

    TumugonBurahin
  4. Naniniwala ako sa lahat. Lalo na ang number 4. Alam ko ito. Hindi lang ako sigurado.Hehe.

    Tama. dapat unti-unti lang ang pag introduce sa mga nakaka-alergic na pagkain. Mahirap maospital ng namamaga pati bet--- mo.

    TumugonBurahin
  5. lols
    walang hanggang pagpapakilala ahhh..
    parang pasukan lang..

    Pakilala dito... pakilala dun!
    hehehe
    sige sige
    sa pagkakaalam ko, mag natag din sa akin na ganito eh.. makagawa nga din.. naiinggit ako bigla eh

    TumugonBurahin
  6. Natawa ko dun sa mas kilala pa kayo ng nanay ko. ahehehe.

    Alien ha?.. Ako kasi pag nananakit yung katawan ko, dini-disassemble ko yung part ng shoulder, arms, likod tas papapalitan ko ng bago sa ibang planeta.. nyahahaha! Yung puso hindi ata human heart, lolz

    Na-discrimante ang Math Wiz?! Tsk, Sayang naman woh..

    Oo nga eh, ilang beses ka nang nagpakilala... Feeling ko tuloy ilang beses na rin tayong nagsshake hands...;)

    TumugonBurahin
  7. @jhosel
    at talagang nagbased pa...aheks... uu nga eh, kilala na nyo na ako, totoong pangalan ko na lang ang kulang...ahahaha...

    nyaks yun nga masama dun...inabangan ko talaga yun contest na yun tapos sasabihin sayo...inde ka pwede..waaaa..

    ahehehe, gudlak papasa ka jan...

    sa seafoods, kailangan ko tlaga magpraktis para pag-uwi namin ulit sa Bohol kila Grasya, hindi na ako pagbabawalan ng mama nya na hindi pakainin ng mga seafoods...

    @enjoy
    ahehehe...tao kaya ako...berde ang utak pero hindi ang dugo...ahahaha....

    @A-Z-E-L
    uu nga yun pa naman yun secret ng powers ko...ahehehe... at ka love team si WonderG....ayos pa din... :D

    @Mike Avenue
    ahahaha...alin ang mamamaga?...ahehehe...

    uu madami daw gumugulong pero hindi naman bilog...aheks... :)

    @kosa
    uu nga, march na nga eh....graduation na...pagpapakilala pa din...ahahaha...

    @Dylan
    ahehehe...inde nga alam ng nanay ko na ako si SuperGulaman... ssshhhhh...ahahaha...

    cge shakehands ulit... :D

    TumugonBurahin
  8. ..idol G! ayun yun eh..napagkamalan kang alien...hahaha... baka naman kasi halimaw ka talaga sa matematika at nagdududa na ang mga classmates mo?,..
    ..,di ka pala nakain ng seafoods?, sakin naman walang allergy allergy, kain go! hahaha...

    peace!...

    TumugonBurahin
  9. Nahahalata kong palagi mo nang 'hinuhubaran' ang sarili mo rito sa iyong blog. Pangatlong post na 'ata itong mga facts about you ang nababasa ko. Hindi nga kasya ang mga ito sa profile page mo.

    Napakagaling mo talaga sa Math! Saludo ako sa mga kagaya mo, ako kasi napakahina sa Math. [Kaya ingat na ingat ako sa pagkuha ng tamang dosage ng anesthesia kapag may surgery kami noon. Whew!]

    Buti sinusubukan mo nang ma-expose ang katawan mo sa mga antigenic substances ng SEAFOODS. [Nagkaka-allergy din pala ang superhero, di ba kaya ng powers mo?] Teka, literal ba 'yon?! Bahala na, basta sa immunology kapag palaging nakakapasok ang isang antigen sa katawan natin, nakakapag-build-up tayo ng immunity, di ba? SANA malampasan mo ang paggiging allergic sa mga seafoods na nabanggit mo, ang sasarap nu'n, 'Yet.

    TumugonBurahin
  10. @hidden
    uu nga eh...unfair kaya yun...aheks...matutunan ko din yan... :)

    @RJ
    uu nga eh...baka sa susunod damit ko na hubadin ko...ahahaha...

    aheks...nagkaka-allergy din naman ako...pero unti unti matututnan ko din yun kainin... :D

    TumugonBurahin
  11. naku superG!
    parehas pala tayong piangtampuhan ng tadhana sa seafoods..
    pero dahil masasarap sila at mahilig ako sa bawal...
    kumakain pa rin ako..
    sinusundutan ko na nga lang agad ng 3 celestamine right after lumafang nyahahaha

    TumugonBurahin
  12. super g! ay lab ur hobby..tumunganga..

    alam mo bang nagprint nalang ako ng kopya ng lilok..as in hard copy so that i can read it if i have time..naku, naku...ur so VIP na to me ha..

    tapusin mo na ang nobela mo para maicompile ko nah..

    ahahahaa

    TumugonBurahin
  13. @~yAnaH~
    aheks...makakaya ko din yan paunti-unti...pagdating ng grasya...kaya ko na yan.. :D

    @vanvan
    huwaw..salamat!...sobrang tenk you.. :D

    sana matapos ko sya...pero amsarap kasi ang tumunganga... :D

    TumugonBurahin
  14. di mo ugali ang nagtatanong kahit nanliligaw ka?...tama ba pagkakabasa ko? lolzz...

    Shot pre!!!

    TumugonBurahin
  15. huwaaaa!!!!

    superG! hindi ka nakain ng alimango?
    Weh... praktis lang yan...

    may mga allergy na temporary at permanent. Kung kaya mo na ang hipon malamang kakayanin ng sistema mo ang alimango... Nakakagutom aba! =)

    TumugonBurahin
  16. @2L3Bs World
    salamat sa pagpasyal... :)

    @Lord CM
    weee...panliligaw...tanong nga ako ng tanong eh...ahahaha...pero yun nga khit naliligaw na ako, ayaw ko talgang magtanong...kunyari hindi ako tanga...ahahaha...

    @ORACLE
    uu nga eh...parktis lng yan...onti pa....:D

    TumugonBurahin
  17. u know my stepdad said the same thing about how women can multi-task and men can't... so i guess that means women really are smarter and better than men! hahaha! bati tayo superG!

    albeit, we do have one thing in common: past time ko din ang tumunganga! nasa profile description ko dati yan sa friendster: "staring into space"

    ang saya gawin un diba? hehe...;)

    TumugonBurahin
  18. ahehehe...since babae naman kayo...pagbibigyan kita jan...ahehehe...

    pero as in totoo yun...hirap akong umintindi sa bagay na sabay-sabay...isa-isa lang mahina kalaban... :)

    ahehehe...masarap tumunganga...ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  19. ang alam ko nagcomment ako dito weh pero bakit di ko mahanap.

    anyhoot,
    "Kalakasan kong maglaro ng basketball noong 2004... kaya kong tumagal ng 12 hours ng paglalaro ng tuloy-tuloy sa ilalim ng mainit ng sikat ng araw, inom lang ng tubig ang pahinga..."

    award ka sg...kahit langgam nagpapahinga din...

    TumugonBurahin
  20. @uu nga nabasa ko ata yun...kaso sa iabng entry ko ata mo nilagay...ahahaha...nakainom ka ata...ahahaha..

    noon yun....ngayon kasi 30 minutes lng na laruan hingal-kabayo na...ahehehe.. :D

    TumugonBurahin
  21. ehem....ako'y nagagalak at iyong pinaunlakan ang aking TAG...salamat at ako'y binigyan ng daan upang makilala ka ng lubos...he he...

    tsk..tsk...parang na-realize ko ngayon lang, halos kamukha ko na pala ang laptop ko sapagkat kaharap ko 'to lage...at kagaya mo, kahit ako'y naliligaw sa kawalan, kahit halos lumabas na ang puso ko sa kaba, hinde ako nagtatanong ng direksyon,,,ma-nose bleed man ako sa kakahanap ng tamang daan...

    muli akong nagpapasalamat sa iyo at nawa'y maging fwends tayo...wakekek....

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t