Lumaktaw sa pangunahing content

...ouch...

itotodo ko na ito...usapang puso ulit para magliyab at matusta tayong lahat... :)... pero hindi tulad ng mga nakaraang post na medyo kilo-kilometro ang haba... isa lamang itong reyalisasyon...

pamilyar na kayo siguro sa mga linyang "ayoko ng magmahal, ayoko ng masaktan!..." o 'di kaya naman "ok lng ang walang pag-ibig, para hindi ako masaktan..."

...tama di ba? madalas ito ang ating mga sinasabi kapag nabigo tayo sa pag-ibig...o di kaya'y takot tayo na sumubok sa biyayang ito... ngunit ang totoo...hindi nanakit ang pagmamahal...sa katunayan ang sabi ng Bible (1 Corinthians 13):

“Love is patient; love is kind
and envies no one.
Love is never boastful, nor conceited, nor rude;
never selfish, not quick to take offense.
There is nothing love cannot face;
there is no limit to its faith,
its hope, and endurance.
In a word, there are three things
that last forever: faith, hope, and love;
but the greatest of them all is love.”


bakit ayaw mong magmahal? ayaw mong masaktan? ... ngunit kahit kailan hindi nanakit ang pagmamahal... ang pag-ibig.... masakit ang mag-isa, masakit ang mapagtaksilan...masakit ang malaman na hindi ka na niya mahal...masakit kapag iniwan ng minamahal... masakit ang maiwan sa kawalan...

...'di ba? hindi pagmamahal o pag-ibig ang nakakasakit sa atin... ang kawalan nito ang siyang sumusugat at nakakapanakit sa ating puso...sa ating pagkatao...

Mga Komento

  1. Based! Ako na naman!

    Wala namang nagmamahal na di nasasaktan.. I love this verse, pero nasa ulo ko pa lang ang ilan wala pa sa fuso. Anong Bible version ang gamit mo?

    TumugonBurahin
  2. Save!! Idol G! Oo nga noh? Di naman pala talaga pag ibig ang nananakit, minsan di lang natin to nabibigyan nang tamang pag handle...
    ..ika nga nila, masarap daw umibig kung mahal niyo ang isat-isa..
    ..siguro minsan naghahanap tayo ng perpektong relasyon kaya minsan nagkakasakitan na ng pakiramdam ang isat-isa..

    TumugonBurahin
  3. Isang MALAKING APIR (may malaki ba noon?) lols! Kadalasan ang false expectations ang nakakasakit sa atin, pag-eexpect. Kahit minsan sabihin natin nagmamahal tayo ng walang hinihintay na kapalit, isang malaking kalokohan iyon dahil in the first place, kaya tayo nasaktan, ay dahil umasa tayo. apir!

    TumugonBurahin
  4. hindi ako makareact...
    bakit?
    andun ako sa pointa na ang dialouge ko eh yung mga sinabi mo..
    nasa stage ako ng pag-ayaw at takot na masaktan ulit..
    yun lang...

    TumugonBurahin
  5. ang pag-ibig.... masakit ang mag-isa, masakit ang mapagtaksilan...masakit ang malaman na hindi ka na niya mahal...masakit kapag iniwan ng minamahal... masakit ang maiwan sa kawalan...

    ouch! tinamaan ako jan ah!

    ang pag-ibig nga naman talaga!

    TumugonBurahin
  6. @Dylan Dimaubusan
    ahehehe..oks lng yan..katuwa aman.. :)
    yeah...yung 1995 international version ito...meron din d2 KJV... ;)

    @hidden
    yeah...dapat din pinag-iingatan din ito..eheks...prang Dr. love na ako ah.....ahahaha...

    @Marlon
    yup...kaya lagi na lng si pag-ibig ang sinisi...inde naman sya ang may kasalanan...pagwala lang sya sa damdamin kung kaya nakakasakit.. :)

    @~yAnaH~
    tama ka dyan....iba pa din kasi ang sinasabi lang kapag nasa sitwasyon ka na... minsan nga nakakatakot magmarunong kung hindi ka pa doon dumaan o nararanasan... gudluck sa'yo mawawala ang takot na iyan pagdating ng tamang panahon...

    @poging (ilo)CANO
    ahehehe...sapul pla, bullseye! pero sabi ko nga, sa bawat pagkadarapa...dapat tumindig ka...at maaring sa susunod na hakbang ay matuto ka na.. :)

    TumugonBurahin
  7. hmmmmm... (iniisip ko palang mahaba na! sorry)

    masakait talaga kung pinagpipilitan natin ang isang bagay na hindi naman talaga naayon o karapatdapat...

    Love is the best thing there is, and really it's the expectations which makes it complicated and painful at times. Dahil sa expectations na ito nandun ang selfish motives...

    I believe lahat tayo may nakalaan na THE ONE. And sa THE ONE na ito doon mo mafefeel yung mag love na alang expectations. Yes! may pain din but you realize na buong buo ang sacrifices na iyong ginagawa para sa THE ONE mo...

    Tulad niyo ng Grasya mo...

    Point ko lang, never hold back in trying to LOVE. Never be afraid to take that risk, the risk of getting hurt. It's in these risks that we grow. In these risks we get the chance to find that person na meant for us. Pain is a very small price to pay if we do get to find TRUE LOVE.

    NO PAIN, NO GAIN... Cliche nga, but it's the same for love. Wag lang magpapakatoinks! Kasi yung iba puro hurt na nga e pinagpipilitan parin. Eh iba na yun... =p

    Ang LOVE walang pilitan, it's NATURAL. In both ways yun.
    So asahan mo pag pinilit mo na mainlove sayo ang mahal mo, MASAKIT. Pagpinilit mo na wala kang nararamdaman love kahit meron, MASAKIT din.

    Love, don't you just love it? Haaay. Yun lang talaga yun.
    All of us have got to LOVE LOVE...
    Magulo? hehe. Mahilin natin ang LOVE. Yun na yun. =p

    TumugonBurahin
  8. hmmmmmmm

    ah ok lang daw ang walang pag ibig?

    alam ko na sex lang ang gusto pag ganun!

    TumugonBurahin
  9. ganyan talaga ang pag-ibig..
    kung di ka nasaktan.. di ka talaga nagmahal.. ganun lang yun!

    teka teka..nag-iinit na nga yata ang pebrero ahhh.. inaabuso na.. teka at makagawa nga din ng share..lols

    TumugonBurahin
  10. seper duper inlab itong si super gulaman...

    di ko pa xa nababasa actwaly..later nalang..

    waaa..gudmorning super g!




    ***vanvan

    TumugonBurahin
  11. Maganda ang usapang ito rito ngayon. Kapag February nga naman... Kapag nakikita ang salitang LOVE naiuugnay na kaagad ito sa mga magsing-irog (boyriend o girlfriend).

    Maganda ang sinabi na 'yon ng 1 Corinthians. Pero sa tingin ko hindi lamang ito applicable sa pagmamahalang mag-boyfiend o mag-girlfriend, ang LOVE na tinutukoy doon ang pangkalahatan: pagmamahal sa magulang at mga kapatid, katrabaho at kapitbahay, kaibigan o kaaway...

    Sa tingin ko ang pagmamahal ng mga superhero, tulad ni Supergulaman, ay kasali rin dito.

    Sarap magmahal! o",)

    TumugonBurahin
  12. aww. speechless ako. natamaan yata ako. ahehe. pero magandang realization yun. and i like the verse too. tama tama. may point din si docRJ, di lang pang magjowa yung verse, pampamilya at pangsports pa. toinks! tama na, nagulo ang utak ko dun ah. haiz. sige, sige, di na ako matatakot. hehe.

    TumugonBurahin
  13. @jmadz
    yup yup..tama ulit... wala na akong maidagdag...ahahaha!

    @abe mulong caracas
    ahehehe...sex?...parte yun ng pagmamahalan ng magsing-irog...pero kung sex lang at walang pagmamahal...pAra ka lang bumili ng pagkaing walang sustansya..isa itong tsitsirya.. :)

    @kosa
    kung sabagay may punto ka...pero wag natin isipin na masasaktan lang tayo...isipin din natin na sa pag-ibig na ito maaaring mabuo ang ating pagkatao... :)

    @vanvan
    cge balik ka lng..:D

    @RJ
    yeah...panglahatan talaga yan..depende kung saan punto ng buhay mo sya tumama...

    @jhosel
    ahehehe..cge tama yan wag kang matakot...pero wag ako ang sisihin ha?...ahahaha..

    TumugonBurahin
  14. I see the point. correct brother. absence of love brings us the sorrow and pain. And paano mo pupunan ung pagkukulang? Di ba kapag nahanap mo na ulet yung pagmamahal. :)

    TumugonBurahin
  15. as in puro love talaga ang topic ngayon??? kahit saang blog ako magpunta....

    TumugonBurahin
  16. @lownous
    yeah...kaya nga never stop loving.. :D

    salamat pla sa pagbista... :)

    @~~m$. DoNNA~~
    ahehehe...bitter...ahahaha...lab month eh.. :D

    TumugonBurahin
  17. very well said Super G! (pat on the back) this time we agree on something! hehehe... that's the best way to describe what love is straight from the Bible itself! not like those 'love is blind, love is like a rosary full of mysteries' kabaduyan! hahaha! at magandang version yan ha, first time I heard it, 1995 intl version pala yan...

    and i love what u said at the last part about how love doesn't really hurt us...it's the lack of it...

    =)

    TumugonBurahin
  18. @monique
    thanks for dropping by... :)

    @Mich
    yeah...tama no?... :)

    applicable din yan hindi lang sa magsing-irog...sa pamilya...sa kaibigan...para sa lahat.. salamat..:D

    TumugonBurahin
  19. galing ng realization mo bro! sana madami pa makabasa para mabawasan ang mga bitter at takot! pano kung d ka takot masaktan pero wala ka nman maibig?

    TumugonBurahin
  20. @Emz
    uu nga nu? kung inde taken...bading nmn...ahahaha!...yaan mo darating din yan... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...